[MBI-SEVEN] LYKA'S POV PATAKBO akong pumasok sa loob ng bahay nang mapansin kong nakaalis na si Kyran. Pakshet! Parang sinaniban ako kanina kaya 'di na ako nakapagpigil na halikan siya. Buti at naging maayos 'yong engagement. Sobrang kaba at tense 'yong feeling ko kanina kaya ni katiting na salita ay wala akong masabi. "Bakit ba!" angal ko. Bigla kasi akong binatukan ng aking pinsan. "Kanina ka pa tulala 'te! Anong nangyari?" Ngumiti ako ng sobrang lapad. "Naka-score ako!" impit na tili ko. "Hala siya! Mukhang nagugustuhan mo na maging ako ah," aniya habang kumakain ng chicharon. "Hindi rin, ang sungit niya kaya, ewan ko ba do'n," sagot ko. Halata naman kasing nagpapanggap lang siya kanina. Pumasok na ako sa kuwarto ko at nagbihis. "Handa ka na sa wedding?" tanong niya sa akin bigla. "Kinakabahan ako Kyla," walang gatol kong sabi. Paano kapag nabuko ako, e 'di patay ako, 'di lang ako, pati na ang pamilya ng pinsan ko. "Natural 'yan 'te! Lalo na pagdating sa honeymoon!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Talagang diniinan niya ang salitang honeymoon. "Anak ka ng pusa! Kyla ah! Tigilan mo 'ko sa kalokohan na 'yan!" naiilang kong sita sa kanya. Honeymoon talaga?! Huh! Erase! Erase! "Kyla labas na, gusto ko ng matulog," pagdadahilan ko. "Exciting ang honeymoon Lyka!" aniya sabay tawa ng malakas. Packing tape! Binato ko siya ng unan pero nakalabas na siya. Kinakabahan tuloy ako lalo. "Ugh! Kainis!" Pinaghahahampas ko 'yong kama. Bakit kasi nagpresinta pa ako pero kung hindi naman ay baka wala na rin akong abnormal na pinsan. Buhay nga naman! Nakalayas na nga ako sa madrasta kong witch tapos Leon naman ngayon ang sasagupain ko. Lord naman! Wala na bang choice? Mariin na lamang akong napapikit at natulog. "OH my god! Lyka gising!" Tinabig ko 'yong kamay niya dahil nahihilo ako sa kakayugyog niya sa balikat ko. "Kyla inaantok pa ako!" angal ko. "No way! Na move 'yong date ng wedding niyo kaya this coming saturday na 'yong kasal!" Napabalikwas ako ng bangon sa narinig ko. "Ano!? Te-teka? Paano nangyari 'yon!?" natataranta kong tanong. "Mukhang excited ang biyenan mo kaya napadali 'yong preparation ng kasal!" Nasapo ko ang aking noo. "Naman Kyla! Bakit ang aga!?" wika ko habang kagat-kagat ang hinlalaki ko. "Hindi ko talaga alam na mapapaaga 'to pinsan." Mukhang pati siya ay worried. "Kyla naman! Paano na!" Gusto ko nang mag-hysterical! "Ewan! Labas na ako, nagugutom na ako," paalam niya. Naiwan akong bangag, para din akong nakahithit ng druga sa sobrang kaba. Nai-imagine ko na naglalakad ako papuntang altar tapos ang pakakasalan ko Leon. Oh my gee! Erase! Erase! Siomai! Ginawang Beauty and the Beast! Binagsak ko pabalik ang katawan ko sa kama. Ang aga ko namang mag-asawa, wala 'to sa plano ko eh. Ang gusto ko magtrabaho tapos mag-aral ng Culinary. Puwede naman sigurong ipagsabay 'di ba? 'Di ba? Ewan! SATURDAY comes with a blast! Panay ang lakad ko ng paroon at parito. Hindi ako mapalagay. My fingers were fidgeting! "Hoy tumigil ka nga! Kanina pa ako nahihilo sa 'yo!" sita sa akin ni Kyla. Kanina pa kasi ako pabalik-balik ng lakad. Katatapos ko lang kasi magsuot ng gown. Aminado akong maganda ang suot ko at hindi ako makapaniwala na makakapagsuot ako ng ganito kagarang Bridal Gown. "Kyla, kinakabahan kasi ako," sagot ko. "Inhale—exhale 'te! Kaya mo 'yan! Isipin mo na lang na dream wedding mo 'to." Niyakap naman niya ako bigla. "Lyka sorry talaga kung inipit kita sa ganitong sitwasyon, hayaan mo kapag 'di mo na talaga kaya, magsabi ka lang sa akin para ako na bahalang magpaliwanag kina Mommy." Niyakap ko na lang siya at pinipigilang huwag umiyak. Bumukas naman bigla 'yong pinto. "Anak ready ka na ba?" tanong sa akin ni Mommy Helen. "Opo," matipid kong sagot. Niyakap niya lang ako at hinila na palabas si Kyla. Naiwan kaming dalawa ni Tito Steffan. Yup, umuwi siya mula pa sa sa ibang bansa para dumalo lang sa kasal ko. "Lyka, I am so sorry if we drag you into this kind of situation." Umiling ako. "It's okay Daddy. I don't wanna lose Kyla, I don't her to be in danger again kung may magagawa naman ako." He hug me. "I'm so proud of you ija, your Dad too." Naiiyak na rin akong yumakap sa kanya, parang namiss ko si Dad. Kambal nga sila 'di ba? "Ssh! Stop crying. Let's go?" Tumango ako. This is it! Kaya ko 'to! Fighting! Lumabas na kami ng kuwarto at pumuwesto na. The wedding is very simple. Kami-kami lang at konti lang ang bisita. Kasama ko si Daddy at Mommy. Kinakabahan talaga ako. Ganito pala 'yong feeling na ikakasal ka lalo na at napipilitan ka lang. Nang makarating ako sa harap ng altar ay 'di ko mapigilang titigan ang mapapangasawa ko Nakaka-starstruck ang kaguwapuhan niya. Binaling ko na lang 'yong tingin ko sa Pari kasi parang namumula na ang magkabila kong pisngi. ILANG oras lang ay natapos agad ang seremonya, sunod ay palitan na ng vows at singsing. Jeez! Dito ako mamatay sa kaba eh! "You may now kiss the bride," huling sabi ng Pari. Nangingig 'yong tuhod ko habang itinataas niya 'yong belo sa ulo ko. Pesti! Mas lalo siya gumuwapo. Hinapit niya ako bigla at hinalikan sa sa aking labi pero smack lang. Shit! First kiss ko 'yon eh! Mapapatay talaga kita Kyla! Ugh! Ngumiti na lang ako ng pilit. Ilang oras din kaming natapos sa pagbabatian at nagtungo sa reception ng kasal. Sa loob ng sasakyan ay wala kaming imikan. Ayaw ko rin namang magsalita.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
this is good to read im blushing when i read this
24/01
0is so very very good
03/01
0simple yet sobrang Ganda Ng story 🥰
17/10
0Xem tất cả