logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

HINDI matapos-tapos ang pag-iyak ni Anna pagdating sa kanyang kwarto. Isinubsob niya ang sarili sa kama at tinakpan ng unan ang kanyang mukha. Mabuti na lamang at wala roon si Carina nang dumating s'ya, kung hindi ay katakot-takot na tanong na naman ang kakaharapin niya rito. Nag-iwan ito ng note at sinabi na umuwi ito sandali sa kanila. Hindi siya lubos na makapaniwala na may nangyari nga sa kanila ni Greg. Patuloy niyang sinisisi ang kanyang sarili sa ginawang kapabayaan. Hindi rin niya maiwasan na makaramdam ng takot.
"Don't worry, nakahanda naman akong panagutan ka
kung kinakailangan. Wala akong balak na talikuran ang kung anong nangyari sa atin. Maniwala ka, hindi ko ito pinlano, pero masisisi mo ba ako kung nadala rin ako? Isa pa, ang akala ko ayos lang, dahil…"
"Dahil ano? Dahil ba sa may dahilan kang lasing tayo
pareho? Na hindi natin sinasadya lahat nang 'yon?" umiiyak na sumbat niya rito. "Akala ko iba ka sa kanila, pare-pareho lang kayong mga lalaki! Naghihintay ng pagkakataon kung kailan kayo aatake? Dahil ba wala akong tino sa sarili kaya mo sinamantala? I hate you! Nagtiwala ako sa 'yo dahil akala ko, mapagkakatiwalaan kita! I hate you!" Pinagsusuntok niya ito na walang pakialam kahit saan ito tamaan. Malayang tinanggap ni Greg ang lahat nang pananakit niya rito na hindi siya pinipigilan, hanggang sa tuluyan siyang makaramdam nang panghihina at pagkawala ng lakas. Kahit anong gawin niya ay wala na ring mangyayari at hindi na rin maibabalik ang nawala sa kanya.
"I'm sorry!" mahinang sabi nito, titig na titig sa kanya
at halata ang sakit na nakabalatay sa mata nito. Bahagya rin ang pamumula ng mga mata nito na halatang nagpipigil na huwag maiyak.
"S-Sorry? Iyon na lamang ba ang kaya mong sabihin?
Matapos mong hayaan na mangyari 'to? Siguro nga, pinlano mo 'to, eh! Tama! plano mo 'to! I hate you!" At marahas na pinahid ang kanyang luha at tumayo. "Mula ngayon, huwag na huwag mo na akong malapit-lapitan! Ayaw ko nang makita 'yang pagmumukha mo!" aniya sabay tulak rito.
Malungkot ang mukha nito na halatang nasaktan sa
mga sinabi niya. Pareho lang naman silang nadarang sa init.
Nang papalabas na si Anna, mabilis itong hinabol ni
Greg, "Anna, please!? Mag-usap muna tayo! Ayusin natin 'to! Hindi ko kayang makita kang nagagalit at malayo sa akin! Patawarin mo na ako! Inaamin ko ang pagkakamali ko, pero nakahanda naman akong tanggapin kung anong kalalabasan nito! Nakahanda akong panagutan ka!"
"Ha! Nasasabi mo 'yan ngayon! Para ano? Gagawa
ka na naman ng sarili mong plano? Magkukunwari na naman ba tayo na ayos lang at walang nangyari? No! Ayaw ko na! Layuan mo na ako at huwag na huwag mo na akong malapit-lapitan!" At mabilis niyang hinaklit ang sariling braso na hawak nito at akmang tatalikod dito.
Bigla itong yumakap sa beywang niya na nakaluhod
mula sa kanyang likuran. Tama ba ang nararamdaman niya? Umiiyak ito, "Please! Ayaw kong layuan at kamuhian mo ako, Anna! Hindi ko kakayanin! Please! Please! Lahat gagawin ko para mapatawad mo lang ako!" samo nito.
"Kalokohan! Alam ko naman na marami ang babaeng
nagkakandarapa sa 'yo! Huwag mo akong itulad sa kanila! Hindi pa ako desperada pa-"
"I know, iba ka sa kanila kaya minahal na kita! Mahal
kita, Anna! Please, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para patunayan lahat sa 'yo 'yan! Pakiusap!" umiiyak ito habang nakayakap sa kanyang bewang.
Sandaling natigilan si Anna sa narinig. Ikinurap niya
ang mga mata nang ilang beses upang siguruhin na hindi siya nananaginip lamang. Tama ba ang narinig niya na mahal siya nito? Pero paano? Alam niya na pagpapanggap lamang ang ginagawa nila na pagiging magkasintahan. Mahirap tanggapin ng kanyang isip at puso. Mahirap umasa matapos ay masasaktan lang din pala. Alam niya na malabong mangyari 'yon dahil sa antas nang pamumuhay nilang dalawa. Hindi sila magka-level. Kailangan niyang tanggapin iyon at dumistansya rito hangga't maaga pa. Ayaw niya na malugmok sa kandungan nito na walang kasiguraduhan. Mapait siyang napangiti. Hindi niya kakayanin pa na isa na naman itong panlilinlang sa kanya. Tama na minsan na siyang nagtiwala rito, ngunit masisira lang pala.
"I'm sorry! Pero mas mabuti siguro na tapusin na rin
natin ito! Huwag mo na akong lalapitan o kakausapin pa kahit kailan! Please lang!" aniya at pinilit na kinalas ang mga braso nitong nakayapos sa bewang niya at walang lingon-lingon na iniwan ito. Naiwan itong nakaluhod sa harapan ng pinto at galit na galit sa sariling sinabunutan ang buhok at walang pakundangan na naisuntok ang kamao sa malapit na mesita. Kaagad na umaagos ang dugo mula roon, ngunit hindi niya iyon ininda. Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon sa nagbabantang paglayo sa kanya ni Anna.
"Damn!"
NAPASABUNOT sa kanyang buhok ang nakaluhod pang si Greg. Maging siya man ay hindi napigil ang sarili kagabi, kung kaya nadarang siya sa ginawa nilang paghahalikan ni Anna at nakalimot. Nang maramdaman niya na walang pagtutol kay Anna at sa halip ay mas mainit pa s'ya nitong tinugon, ay nagpasya siya na hindi na ito ihatid at dumiretso sa kanyang pad na hindi rin kalayuan sa dorm nito. Kung sana alam lang niya na magiging sanhi iyon para mamuhi sa kanya ang dalaga, sana hindi na niya ginawa. Pero nangyari na ang nangyari at wala na siyang magagawa. Ang tanging kailangan na lamang niya ay sikaping mapatawad pa siya nito. Nakahanda siyang managot kung sakali. Noong una pa man niya itong nasilayan matapos niya itong tulungan sa pagkadulas nito, lihim na siyang humanga rito. Sa simpleng kilos at ugali nito ay nagawa nitong bihagin ang pihikan niyang puso. Aaminin niya na maraming babae ang naghahabol sa kanyang atensyon, ngunit kailanman ay wala ni isa man sa mga ito ang pumasa sa kanya. Alam niya na love at first sight marahil ang nangyari sa kanya kay Anna. At nangako siya na gagawin ang lahat makuha lang ang atensyon nito, hanggang sa pagpanggapin niya itong girlfriend niya. Ngayon na nagtagumpay na s'ya, saka naman ito namuhi sa kanya dahil sa isang pagkakamali niya. No matter what, nakahanda siyang suyuin ito hanggang sa mapatawad siya nito.
Marahas na naihilamos niya ang kanyang duguan na
palad sa mukha at muling bumalik sa kama at sumubsob doon. Wala rin siyang pakialam sa sugat na tinamo.
NANG mga sumunod na araw, naging malamig ang pakikitungo ni Anna kay Greg. Marami ang nakapansin sa pag-iwas na ginagawa ni Anna rito. Maging si Carina ay hindi napigil ang sarili na mag-usisa. Ngunit kahit pa kaibigan itong maituturing ni Anna, hindi niya nagawang magtapat rito. Natakot siya na baka maging mababa ang tingin nito sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nahiya at naawa sa sarili.
Hindi rin sumuko si Greg sa pagsuyo kay Anna. Isang
umaga pagpasok ni Anna sa campus, may mga nag-aabot sa kanya ng rosas simula pa man sa gate hanggang sa pintuan ng kanilang silid. Nagtataka ngunit pinilit niyang maging pormal. Tila may ideya na s'ya sa nangyayari. Ngunit hindi rin n'ya maintindihan ang kanyang sarili, bakit mas tila nae-excite pa s'ya sa isiping isang tao lang ang maaaring gumawa nito sa kanya? Hindi nga ba? At bilang sagot, bumulaga sa kanya pagpasok sa silid ang napakalaking banner na nakasulat:
I'M SORRY, ANNA! I DON'T WANT TO LOSE YOU!!!
I LOVE YOU!!! PLEASE… COME BACK TO ME!!!
I MISSED YOU, SO MUCH, MY LOVE!!!
Ilang beses pang ikinurap ni Anna ang kanyang mga
mata at lihim na kinurot ang kanyang sarili. Bigla yatang lumukso ang kanina ay mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso. Ipokrita siya kung sasabihin niya na hindi niya nami-miss ang mga ginagawa ni Greg noon sa kanya, pagsama sa kung saan-saan, pagsundo at paghahatid. Kahit na ilang beses pa niyang sabihin sa sarili na dapat ay galit s'ya rito, ang puso naman niya ay tila kumokontra sa idinidikta ng isip niya. Bakit parang nalulusaw nito ang galit na nasa kanyang puso para rito? Hindi ba dapat ay galit s'ya dahil sa ginawa nito sa kanya? Saka lang siya biglang natauhan nang mapansin ang paglapit at pagluhod nito sa harapan niya. Kaagad nitong hinawakan ang palad niya at dinala sa labi nito saka hinalikan. Hindi nito iyon binitawan hanggang sa nagsalita ito.
"Please, love! Patawarin mo na sana ako! Pangako na
hindi na ako gagawa nang mga bagay na ikagagalit mo! Miss na miss na miss na kita, sobra! Bumalik ka na sa 'kin, please? Hindi yata ako mabubuo kapag wala ka! Hindi ko kayang mabuhay na wala ka sa tabi ko! Alam kong baka pagtawanan mo lang ako, o hindi ka maniwala, pero eto, sumasamo ako sa 'yo na sana bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Nakahanda akong patunayan sa 'yo na totoo ako sa nararamdaman ko para sa 'yo! Hindi ito biro lang, love! Please??? Please??? Forgive me! I would die if I won't have you!" kita niya sa mga mata nito ang sinseridad sa sinabi nito. Halatang medyo nabawasan rin ang timbang nito sa halos ilang linggo niyang pag-iwas rito. Medyo humpak ang dati malaman nitong pisngi. May maliliit rin na buhok na tumutubo sa mukha nito na halatang hindi naalagaan nang ilang araw. Kita ang pananamlay sa anyo at ang balatay ng sakit sa mga mata nito na halatang nanlalalim pa at tila kulang sa tulog. Bigla ay tila kinurot ang puso niya. Malayo ito sa anyo ng lalaking dati palaging nagpapasaya at nagpapangiti sa kanya. Mali nga ba na nagagalit at umiiwas s'ya rito gayung ang sarili na rin niya ang nagdidikta na hinahanap-hanap niya ito?
Hindi niya namalayan na tumulo pala ang mga luha
niya. Napansin iyon ni Greg na mabilis na tumayo at pinahid ang kanyang pumatak na luha gamit ang mga daliri nito, matapos ay masuyo siyang hinalikan sa noo at niyakap nang buong higpit na tila ba hindi nito nais na pakawalan s'ya. Gustuhin man ng isip niya na itulak ito, ngunit hindi umaayon ang kanyang mga kamay. Tila nawalan ng lakas ang mga ito at hinayaan ang binata na kulungin s'ya sa mga bisig nito.
"Shhh!!!" alo nito, "I'll promise na hinding-hindi na
ako kailanman gagawa nang mga bagay na alam ko na ayaw mo. Patawad, love! Hindi ko kaya na makitang nagagalit at umiiwas ka sa 'kin, I love you!" masuyong bulong nito at muling tinitigan ang kanyang mukha habang nakasapo sa malalapad nitong palad.
Speechless, tanging luha ang naitugon ni Anna rito at
tila nangurong ang kanyang dila na walang ibang nasabi. Sa huli, hindi man makabigkas ng salita ay sapat na ang itinugon niyang yakap dito para malaman nito na pinapatawad niya ito. She really miss this man, so much!
"Does it mean that I am forgiven?" anito, bahagyang
tango naman ang naitugon niya rito. "Oh, thank you, Love!" masayang bulalas nito at muli siyang niyakap nang mahigpit at ilang ulit na pinaghahalikan!
"Basta, ipangako mo sa'kin na hindi mo na uulitin ang
ginawa mo, ha?"

Tumango ito, "Yes, love! Hinding-hindi na! Hindi ko
yata kakayanin kapag tuluyan kang nagalit sa 'kin!" Saka siya nito kinintalan ng maliliit at masusuyong halik sa kanyang buong mukha.
"A-Ano ka ba, Greg? Baka nakakalimutan mo kung
nasaan tayo?" Pinandilatan niya ito ng mata na ikinatawa nito.
"Oo nga pala, sorry! Natuwa lang kasi ako! Akala ko
kasi, forever ka nang magagalit sa akin! Thank you!" sabay kindat sa kanya, dahilan para irapan naman niya ito.
Lumingon siya sa paligid at noon niya napansin na
napuno na pala ng tao sa silid nila hanggang sa labas para lang maki-usyoso sa kanila. Hindi naitago ang inggit sa mga mata nang ibang naroroon na nakasaksi sa nangyari.
"Sa lahat nang nag-effort tumulong para mapatawad
ulit ako ng mahal ko, Thank you! Kung hindi siguro dahil sa inyo, baka hanggang ngayon hindi pa niya ako napatawad. Kay Carina at Val, salamat sa idea n'yo!" sabi nito na kinindatan pa ang mga kasama na nagpalakpakan. Napataas naman ang kilay ni Anna sa narinig. Ibig palang sabihin ay kasabwat pa ang kanyang kaibigan. Nakita niya itong ngiting-ngiti at nag-thumbs-up pa sa kanya, kaya pinandilatan niya ito na ikinatawa lang nito.
BUMALIK muli sa normal ang pagsasamahan nina Anna at Greg. Walang nagbago sa kanila at mas lalo pa ngang naging sweet sila sa isa't isa. Marami tuloy ang hindi maiwasang mainggit sa kanila. Kagaya nang ipinangako ni Greg ay palagi na nitong isasaalang-alang ang mga bagay na ayaw ni Anna. Mas naging open sila sa isa't isa. Ang minsan nilang pagkakamali ay hindi na nasundan pa. Naging maingat na sila at sinikap na maging kontrolado ang lahat sa pagitan nila. Ilang buwan na lang at matatapos na si Greg at magsisimula na rin na mamahala sa negosyo ng kanilang pamilya. Samantalang si Anna ay nasa ikalawang taon pa lamang at may ilang taon pa bago matapos. Nangako naman si Greg na walang magbabago kahit pa wala na siya sa unibersidad. Palagi pa rin niyang babantayan at bibigyan ng oras si Anna kagaya nang dati. Hindi na nagsalita pa si Anna at nagtitiwala na lamang dito. Kagaya nang mga pangako nito na kanyang panghahawakan na hindi siya nito kailanman iiwan. Alam niya na marami pang posibleng mangyari, ngunit kailangan niyang ibigay ang lubos na pagtitiwala rito upang tumagal at tumatag pa ang pundasyon ng relasyon nila. Alam niya na tiwala ang kailangan nila sa isa't isa para mapagtagumpayan ang mga pagsubok na daraanan nila sa kanilang relasyon.
ISANG umaga habang abala sa pagsasampay ng kanyang mga nilabahang damit, biglang nakaramdam nang hindi maganda sa kanyang katawan si Anna. Bigla siyang nakaramdam nang hilo at pagsama ng sikmura. Sandali niyang ipinahinga ang sarili dahil sa pag-aakalang pagod lang. Muli niyang pinagpatuloy ang ginagawa nang maramdaman na muling bumuti ang pakiramdam.

Matapos, kaagad siyang nagluto ng kanyang agahan.
Wala si Carina dahil ito na ang nagprisinta na mamalengke. Nagsangag siya ng kanin, ngunit biglang nakaramdam nang pagbaliktad ng sikmura nang maamoy ang sunog na bawang. Kung dati ay nababanguhan siya sa amoy nito, kabaliktaran ngayon na akala mo ay nakaamoy siya ng mabaho. Mabilis na pinatay niya ang gas at tumakbo sa lababo para doon sumuka.
Nanghihina na siya dahil sa pagsukang wala naman
laman. Naupo siya sandali upang magpahimasmas muna. Dumating si Greg at nagulat na malamang hindi pa siya kumakain.
"Ano'ng oras na, ah! Hindi ka pa rin kumakain? Baka
malipasan ka nang gutom n'yan?" kunot-noo na sabi nito.
"Don't worry, okay lang ako! At saka nagkape naman
ako kanina na may tinapay," medyo matamlay na sabi niya.

Nilapitan siya nito at sinalat sa noo at leeg, "Mukhang
ang tamlay mo, wala ka naman sakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Napagod lang siguro ako! I know, lilipas din ito!"
"Are you sure? Mas mabuti siguro na mag pa-check-
up ka na lang muna para sigurado tayo."
"Sabi nang ayos lang ako, eh! Ba't ba ang kulit mo?"
inis na sagot ni Anna.
Napamaang si Greg sa inasal ni Anna. Hindi naman
dating ganito. Anong meron? Mayamaya ay bahagyang nailing at nilapitan ang dalang supot na mga pinamili niya para rito.
"Maybe, you had a red day? Ang sungit mo, eh!" ani
Greg at kumuha ng apple at orange saka tinungo ang sink upang hugasan iyon.
Naiwan na nakatulala si Anna sa harap ng mesa. 'Red
day?' biglang ulit niya sa isip. Napalunok siya, kailan nga ba siya huling dinatnan? Hindi na niya matandaan. Kung hindi pa nabanggit ni Greg, wala rin sa kanyang sarili.
'Oh, God!' piping hiyaw ng utak niya at walang sabi-
sabing mabilis na iniwan sa kusina si Greg at patakbong pumasok sa kanyang silid.
"Hey!" habol tawag sa kanya ni Greg. Nailing na lang
nang hindi siya nito pinansin. "Oh, what happened to her?"

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    Renalyn Castillon Vicente

    thanks

    09/01

      0
  • avatar
    Belle Singson

    ganda

    20/12

      0
  • avatar
    Pil-eyVangie

    100

    03/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất