Sa isang syudad, sa Maynila, isang lugar na aakalalin mong nasa liblib lang dahil sa pagiging tago nito. Sakop naman ng mapa ngunit kung titingnan ang daan, mayroong nawawala. Hindi kailangan ng malinaw na mata, ang tanging kailangan lang para matunton sila ay ang pagkakaroon ng lakas ng pakiramdam. Hindi dapat na pa-kampante, dahil kung titingnan ng mabuti, sila ay nagmamasid lang, nakakalat ang mga mata at mabilis na inililigpit ang mga kahina-hinala. Sa isang tipikal na malaking bahay, aakalain mong normal ang mga nakatira, usap-usapan na mayroong nakatirang anim na bata at ang kanilang ama ay matagal na panahon ng pinapagamot dahil sa kumplikasyon sa paa, dahil sa masalimuot na nangyari noong dalawang dekada. Umalingawngaw ang isang malakas na putok na nangagaling sa baril ng isang lalaking may katandaan na. Paika-ikang naglakad at tumungo sa pinakamatanda sa anim saka nanggigigil na idinikit ang malamig na baril sa mainit nitong balat. "Bilis-bilisan niyo ang kilos ninyo. Marami ng pera ang nawawala sa akin dahil sa mga katangahan niyo! Huwag na huwag niyo akong lalapitan hangga't wala kayong magandang masasabi. Hangga't maaari, araw-araw kayong lumipat ng eskwelahan para mahanap ang mga batang yon! Binigay ko na ang mga gusto niyong impormasyon Simon, binigay ko na lahat. Kapag ako napuno, hindi ako mag-dadalawang isip na gilitan kayo," nanggigigil na sabi ng kanilang amo. Binato nito ang baril mula sa paanan ni Mildred, ngunit hindi niya dinamdam ang sakit dahil sanay na ito. Kung sabagay, mas masakit pa ang mga salita kaysa sa pagsalubong ng mga bala. Inalalayan ni Roger ang amo nito ngunit bago umalis ay binigyan niya ng tingin ang anim na bata ng pasensya. Imbes na ang amo ang gumawa non ay ang katiwala pa. Nang ma-isara na iyon ni Roger ay doon lang nakahinga ang anim na batang nakahilera sa bukana ng kabilang pintuan. Napakuyom na lang si Simon na pinaka-napapahamak sa lahat dahil siya ang pinaka-matanda sa kanilang anim. "Bwiset!" Isang malakas na sigaw na galing kay Jairo ang umalingawngaw sa loob ng kabahayan na iyon at ang malakas nitong suntok sa pader. "Huminahon ka Ja—" "Hinahon? Paano Martin? Ha? Hinalungkat na natin halos lahat ng eskwelahan, sampung beses kung lumipat tayo ng paaralan tapos huminahon?" gigil na sabi nitong pinanghimalos ang kamay sa mukha saka naglakad ng pabalik-balik. "Alam namin Jairo na napapagod ka na, pero kaunting tiis na lang. Please, ipinasa ko na ang papeles natin sa isang skwelahan malapit dito. Unibersidad iyon, delikadong gumalaw pero may pamilyar na apelyidong Arcus akong nakalap," mahabang salaysay ni Kierra. Mabilis na napalingon ang iba sa kaniya. Bakit nga ba sila hindi magugulat? Buong buhay nila sa eskwelahan ay wala silang ibang ginawa kundi ang hanapin ang napabalitang mga anak ng naunang miyembro ng Black Ficarro. Hindi na nila inintindi ang kanilang pag-aaral at halos libutin na ang buong paaralan, mahanap lang sila. "Sigurado ka ba?" pagtatanong ni Mildred na nanatiling nakatayo. Sa salang hindi kalakihan ay naroon lamang silang anim, medyo may kalumaan na ang bahay na tinutuluyan nila dahil hindi rin naman naaasikaso, nasa kabilang bahay ang kanilang amo na patuloy sa pangangalap ng impormasyon habang ang mga bata ay naglalagi sa labas at uuwi na lang para kumain at matulog. "Oo. No'ng araw na mamatay ang pinsan ko, napansin nila ang isang Arcus na babae malapit sa opisina. Mayroon pang Ficarro," bulong ni Molly sa dulong parte nito. Halos maglakihan ng mata ang iba roon. Imbes na kunin ang baril at mga gamit ay walang kumilos sa kinauupuan nila, nakinig lamang sila sa mga impormasyong nahanap ni Molly. "Kaya pinasa ko agad ang requirements nating lahat. Wala naman na akong pakialam sa Janice na iyon dahil sapat na ang nakuha natin. May pakinabang din pala. Wala munang kikilos, hangga't maaari magmanman lang kagaya ng sinasabi ni Simon," pagkaklaro nito. Impormasyon bago aksyon. Isa sa mga pangunahing batas nila na hindi dapat nakaliligtaan. Hindi rin sila pwedeng kumilos dahil kung mapatunayan nga nila na ang mga tao sa kabila ang nahanap nila ay kailangang malaman iyon ng kanilang amo, dahil kagaya ng dati, susunod na naman sila sa mga sasabihin na hakbang. Para lamang silang magkakapatid, si Simon na ang nagsisilbing magulang ng ibang kasamahan niya. Siya ang nag-alaga magmula ng mamatay ang kanilang mga magulang. Ang amo lang naman nila ang nagbibigay ng pera, ngunit sinisigurado ni Simon na may mapapakinabangan sila kapag dating ng araw. Kagaya ng dati nilang ginagawa, ay sama-sama sila gumawa ng mga dapat gawin, ang magluto, mangalap ng impormasyon at kung minsan ay sila-sila na lang din ang nagsasabit ng medalya sa bawat isa. Nakakatawang isipin na sila dapat ang kinakatakutan... Ngunit bakit sa kalagayan nila ay mukhang silang kinakaawaan. "Diba Simon, magkaibigan ang mga Ficarro at Azarcon? Bakit nag-kagalit?" tanong ni Molly habang nasa hapag kainan. Pati ang mga ito ay walang alam. Mas swerte pa ang kabilang grupo dahil sa mga impormasyong sinasabi ng kanilang mga magulang, hindi gaya ng mga batang Azarcon. Ni walang kongkretong kwento kung ano nga ba ang nangyari sa mga magulang nila maliban sa pagsabog. Mga batang salat sa kaalaman ng nakaraan na kailangang maging matapang. Natigil sa pag-kain si Simon at saka tumingin sa pagkain na animo'y may iniisip na kung ano. Mayroon na siyang muwang no'ng mga araw na iyon, habang umiiyak ang maliliit na paslit na gumagapang pa lamang ay sinasalo na ni Simon ang bawat latigong tumatama sa kaniyang murang katawan. "Oo. Ayokong mag-salita lalo na't hindi ko alam ang kwento ng isang grupo, wala akong balita sa kanila. Nakita ko na sila noon pero hindi ko sila kilala," malinaw na sambit nito saka muling kumain. Nakatingin lang sa kaniya ang limang nakikinig habang kumakain. "Isang grupo? Hindi ba, yon ang—" "Oo Kierra. Sila nga. Hindi ko Alam kung kanino ako papanig kung sakaling may magsalita," mabilis ka sambit ni Martin. Bahagyang binaba ng pinakabata sa grupo na si Molly saka mariing tumitig kay Martin. "Kanino papanig? Nandito tayo sa Azarcon, naririnig mo ba yang sinasabi mo? Sila ang pumatay sa mga magulang natin. Ilang beses na sinabi sa atin yon ng amo natin. Anong hindi malinaw doon?" pagalit na sabi nito dahilan para bitawan ni Simon ang kaniyang kutsara. "Tama na. Magkakagulo lang kayo niyan. Matulog na kayo, ako ng bahala rito," ma-awtoridad na sinabi ni Simon sa kanilang lahat. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagod, galit, inis at lungkot. Tao rin naman sila. Ngunit alipin ang tingin ng amo sa kanila. Sa kanilang mundo, bawal mapagod o magreklamo. Ang kailangan lamang nila ay ang sumunod at gumawa. Wala silang karapatang tumanggi dahil marami ang nalagas sa kanilang grupo dahil sa pagtanggi sa trabaho. Ito lang ang kailangan nilang gawin. Ang hanapin ang mga taong pinapapapatay upang mabuhay.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
love it😘
10/08
0Wow
22/11/2024
0Gostei
20/11/2024
0Xem tất cả