logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Animo'y parang isang tambol ang naririnig ni Nikasha, panay ang paghinga nang malalim at ang paglunok nito. Nakaupo siya sa isang upuan na nakapwesto sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan si Maru na kinakausap ang ibang kasamahan nito sa Math Club.
Hindi lang naman si Nikasha ang nakakaramdam ng kakaiba. Pati ang ibang mga kasamahan nito ay hindi na rin mapakali dahil sa iba na ang kanilang naaamoy. Iba na ang kanilang pakiramdam. Matinding konsentrasyon ang kinailangan para mabalanse ng mga ito ang pagmamasid at pagpapanggap na abala sa mga ginagawa.
Malapit nang mag alas-singko, kailangan na nilang umuwi dahil delikado kung aabot sila ng gabi. Gumawa na ito ng paraan, walang paalam na umalis sa tapat nila Maru at pumunta sa gawi ng kanilang building, kailangan niyang gumawa ng paraan para mapag-isa ang pibaghihinalaan nila.
Nahagip na agad niya si Mara na nakikipag-usap sa sekretarya. Nakangiting humarap sila kay Nikasha na seryosong nakatingin lang.
"Pwede niyo bang patawagin ang anim na transferee? Pinapasabi kasi ni Ma'am Soliman na i-discuss agad ang tungkol sa papel na yan." Abot ni Nikasha sa pekeng kasunduan na may mga bata pa ng kanilang eskwelahan.
Tumango naman ang sekretarya àt nagpatulong sa ibang mga opsiyal. Pumasok ang dalawa sa may opisinang walang katao-tao at doon lang napansin ni Mara ang kilos ni Nikasha.
"May problema ba? Uuwi ka na ba?" takang tanong nito ka sinang-ayunan ng dalaga.
"Oo. May aasikasuhin pa ako. Makikisuyo sana ako sa'yo na kapag may nahanap ka pang ibang papeles ng mga transferee ibigay mo sa akin. Wag mo ng sabihin sa iba ang tungkol sa papeles dahil i-re-review ko lang naman yon," palusot ni Nikasha.
"Oo naman. Gano'n naman madalas natin gawin sa mga baguhan. Babalitaan na lang kita. Mag-iingat ka a," sabi nito kay Nikasha na lumabas na ng opisina.
Mabuti na lamang ay nakaliko agad ito sa unang palikong pasilyo bago pa tumingin ang anim na magkakasama na sa opisina. Hindi naman na nagtaka ang anim dahil sa ilang beses na napaglipatan nila ay gano'n naman talaga ang ginagawa.
Mabilis na umakyat si Nikasha sa kanilang silid at inabisuhan ang iba na umalis na.
"Bilisan niyo ang kilos niyo. Kailangan sampung minuto at wala na tayo rito. Dating gawi pa rin."
Pinasa na ni Nikasha ang voice mail na iyon saka sinuot ang bag na wala namang ibang laman kundi iilang libro. Inilabas nito ang kaniyang suklay na hindi dapat pwedeng mawala sa lahat ng oras. Maingat niyang isinuklay iyon sa kaniyang buhok na hindi niya hinahayaang sumayad sa kaniyang anit. Kakaibang suklay na ang talim ay gawa sa mga bakal na kayang biyakin ang ulo ng tao kapag nadiin sa kanila iyon.
Mula sa iba't-ibang panig ng building ay nagmamadali ang iba na makalabas, normal ang mga ekspresyon ngunit alerto. Kalmado ang mga mata. Nasa iba't-ibang posiyon sila nang biglang may nagsalita sa kani-kanilang mga ear piece.
"We have an important meeting. After you hear this, shut down your all connection."
Kagaya ng kanilang narinig ay mabilis nilang pinatay iyon at nawalan ng konsekyon sa isa't-isa. Malakas ang vibration ng mensahe na iyon kaya maaaring masagap iyon ng iba at matuntong sila. Kaya para maagapan ay mabilis nilang pinatay iyon. Kaniya-kaniyang sakayan ng mga sasakyan, ang iba ay binilisan na ang pagpapatakbo makarating lang sa mansyon.
Hindi nito masisisi ang mga matatanda dahil nagbalik na sila Cecil at Ponce na siyang nakaantabay sa impormasyon. Impormasyong magpapagulo sa kanilang lahat.
Sa tulong ng papel na nakuha nila ay mabilis nilang nakuha ang iba't-ibang mga pangalan. Ngunit dahil sa sobrang dami ay kailangan pa nila isa-isang tingnan ang mga iyon. Hanggang sa makita nila ang mga apelyidong may pagkakahalintulad sa mga nakuhang pangalan ni Nikasha.
Ngunit sa kasamaang palad, walang nakalistang mga lokasyon doon, tanging mga pera at ibang transaksyon ang makikita sa listahang iyon.
Halos magsalubong ang mga sasakyan dahil sa sabay-sabay na datingan ng mga ito, ang mga tao na nakasakay ay parang wala lang at nagagawa pang gawin ang nakasanayan na pangdadaldal at matulog. Normal na lang sa kanila ang ganitong gawain. Ang isa sa mga batas nila ay ang mataliling kalmado kahit na ang isang paa ay nasa hukay na. Literal na naging kalmado ang lahat.
Pagkarating ay kaniya-kaniyang babaan ang mga tao roon. Halos isang oras ang byahe dahil na rin marahil sa mga trapiko.
"Gawin niyo na muna ang mga gusto niyong gawin in one hour. Bago natin pag-usapan ang tungkol sa nahanap namin at sa mga hawak mong papeles Nikasha," sambit agad ni Ponce na sinalubong ang bunsong anak.
"Here's the other evidence. Baka mahuli po si Von, he's not yet done in tracking," malamig na pagkakasabi ni Zaffiro galing sa trabaho. Binigay nito ang isang makapal na envelope na pinapahanap ni Zenos sa kaniya.
"Change your clothes now," utos ni Ponce na tinanguan ng lahat.
Ang iba ay nagsi-akyatan na ngunit si Kelly ay nananatiling nakatingin sa malayo, mabilis siyang nilapitan ng kaniyang kuya. Niyakap siya nito patalikod at saka mahigpit na niyakap.
"Anong problema ng bunso namin, ha?" panlalambing nito kay Kelly na hindi na nakapalag.
"Kuya!" saway nito dahil paniguradong mang-aasar na naman.
"Bakit? Kwento ka kay Kuya dali," alok ni Keus na lumuwag na ang pagkakayakap.
Napansin naman ng ibang mga tito at tita nila iyon, pero normal na lang iyon dahil bukod sa kapatid naman iyon ni Keus ay gano'n din siya sa iba.
Bahagyang nanamlay ang mata ni Kelly, pinagpapawisang tumingin sa Kuya nitong hindi maalis ang ngiti ngunit pinag-aaralan ang kilos ng kapatid.
Nakita lahat ni Keus ang kilos ng kapatid niya kanina nang nasa eskwelahan pa lang sila kaya kahit na magsinungaling ito ay wala siyang takas. Alam ni Keus kung sino ang taong nakasama niya kanina at nakausap. Alam nitong iyon ang dahilan kung bakit tulala ang kaniyang kapatid.
"Nakausap ko siya Kuya," bulong nito.
Napahinto sa paglalakad ang nanay nito ka si Summer na nasa likuran nila.
"Sinong siya?" tanong ni Keus na mukhang natunugan ka din na naroon ang kaniyang ina.
"Ang isa sa mga Epifania. Si Molly Epifania."
Literal ang gulat sa mata ni Summer, hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niyang pangalan. Kilala niya ang pangalang iyon dahil minsan na niyang narinig iyon. Maliit na paslit pa nga lang. Epifania. Dahilan kung bakit namatay ang buong pamilya ng mga Cervantes, ang angkan ni Summer.

Bình Luận Sách (112)

  • avatar
    DumpKay

    💜😘

    2d

      0
  • avatar
    pasiaruwelyn

    love it😘

    10/08

      0
  • avatar
    Birgie Lagarto

    Wow

    22/11/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất