"Basta't maging alerto lamang kayo. Wag na wag magpapahalata. Ang mga mata niyo ay iiwas sa kanila. Huwag basta-basta kikilos nang dahil lang sa kutob o emosyon. Sa isang maling tingin, nagiging abo ang lahat," makahulugang saad ni Ezra saka inilagay ang baon ni Maru sa bag na nakasabit sa likuran ng bunso nitong nakanguso. Parang bata. Hindi alam ng iba kung kanino itutuon ang pansin, sa paalala ba ni Ezra o kay Maru na hindi matigil sa pangongontra sa ginagawa ng kaniyang ina na maya't maya ang pagpupunas ng pawis. Kahit na pigil ang tawa ng iba ay hindi nila nakalimutan ang sinabi ni Ezra. Dahil hindi matahimik ang kalooban ni Nikasha ay nagpasya siyang magtanong kagabi sa kaniyang mga tiyahin ukol sa mga pangalang hawak niya. Hindi alintana kung madaling araw man iyon dahil sa mga pinakita ni Nikasha. Kumuha pa ang mga ito ng kopya para mabilis na mapag-aralan ang mga iyon. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang balita dahil hindi pa nakakabalik ang mag-asawang Fornacier. Ang mag-asawang Arcus ay wala rin dahil sa isang papel na nakuha na ng mga bata. "Sige na, sumakay na kayo sa kotse. At ikaw namang bata ka! Anong nirereklamo mo?" pananaway ni Ezra sa bente anyos niyang anak na si Maru. Hindi na sumagot si Maru dahil alam niyang mapapahiya siya, bunso pa rin naman siya kahit saang anggulo kaya gano'n na lang ang pag-aalaga ni Ezra. Sumakay na kotse ang mga ito. Si Ezra ang nagmamaneho kasama ang tatlong kambal at si Maru. Si Avellana naman ay sumasabay sa isa pang sasakyan kung nasaan si Lucas at Zafia, ang nagmamaneho ay ang kanilang nakakatandang kapatid na si Zaffiro. Tahimik at naging maayos ang pagdating nila sa eskwelahan. Kagaya ng dati ay nagsasaya pa rin ang mga ito, mag-aasikaso ng mga dapat ayusin upang maging maganda ang daloy ng programa. Pagkababa nila, gaya ng nakagawian ay naghiwa-hiwalay na sila base sa building at sa kung sino ang magkakaklase. Dahil si Nikasha lang ang pinakamalayo ay mag-isa nitong tinahak ang kanang bahagi kung saan mas kaunti ang mga tao. Matapos niyang mailagay ang mga gamit sa kaniyang silid ay umalis na rin siya agad, pinagkatiwala na lang niya ang bag sa mga kaklase nitong bakla. Sari-saring mga estudyante ang nagkalat sa bawat pasilyo, ang iba ay tinitingnan siya sa tuwing napapadaan habang ang iba ay abala lang sa mga ginagawa nila. Pero dahil okupado ang utak ni Nikasha ay hindi na niya pinansin ang mga bagay na nasa paligid niya, ang tanging nasa kaniyang utak ay ang anim na taong nakalista sa papel na kaniyang hawak. Iginalaw nito ang kaniyang paningin nang muli siyang makababa sa building na iyon, hindi mahagilap ng kaniyang mata ang kasamahan nito na si Mara, kaya minabuti nitong tahakin ang daanang papunta sa opisina ng SSC. "Davela and Realubit," mahinag bigkas nito sa dalawang apelyidong magkasalubong pa ang mga kilay. Talagang pamilyar ang dalawang apelyidong iyon, walang makakalimot sa mga magagaling sa paggawa ng iba't-ibang klase ng bomba na nga kasabayan ng pamilyar Villamor. Sa kapanahunan nila Zorteo ay kapag maraming armas ang isang grupo, katatakutan ka ng lahat. Kaya gano'n na lang ang pag-angat ng Azarcon, ngunit sadyang mautak ang mga Villamor kaya nabaligtad ang lahat. Marami pang mga hindi maintindihang bagay ang mga batang miyembro ngayon. Mariin na sinasabi sa kanila ng mas nakakatanda na unahin ang malaking problema ngayong kasalukuyan kaysa sa pag-alam sa nangyari sa nakaraan. Ngunit taliwas ang mga bata riyan. Hindi saka magulo at nangangapa ang mga bata ngayon sa pagkilala sa kabilang grupo dahil wala silang sapat na kaalaman sa pagkakakilanlan nito. Gano'n na lang ang pagtataka ni Nikasha kung bakit tipid kung magbigay ng impormasyon ang mga taong nakasaksi noon ng kaguluhan, partikular na ang Tito nito. "Hi Nikasha! Update lang pala kita sa anim na transferee, kanina pa sila nandito. Actually nilibot na siya ni Mara, hindi ka na namin naabisuhan kasi marami lang ginagawa," ngiting pagpapaliwanag ng sekretarya sa SSC. "Gano'n ba? Sige. Salamat. Paki-kuha na lang ito, maayos na lahat. You can distribute later their schedule." Abot ni Nikasha sa envelope. "Oh! Thank you!" ngiting pasasalamat ng kaniyang kausap. Tinalikuran na niya ito at ngayon ay nag-iisip kung ano pa ba ang dapat na gawin bukod sa pagbabantay sa mga gumagawa ng mga booth. Gusto man niyang hanapin ang mga kapatid niya ay hindi pwede, ngunit gano'n na lang ang paghinto ni Nikasha nang matanaw niya sa ikalawang palapag si Kelly kasama ang isang babaeng sa litrato niya lamang nakita. Nginitian ni Kelly ang mga kaklase nitong binigyan siya ng puri dahil sa banayad na boses nito, itsura pa lang ay mukha ng flight attendant kagaya ng kaniyang gusto. "You may now go Ms. Kelly Villamor," sabi ng kaniyang propesor saka siya lumabas. Wala na siyang gagawin. Pumasok lang naman siya dahil sa mga kailangan ipasa. Ang buhok nitong hanggang balikat ay dinala ng hangin sa kaniyang pisngi, mamula-mula ang kaniyang balat at kung tititigan ng mabuti ay mukhang siyang bata. Batang inosente. Sa kahabaan ng hallway sa ikalawang building ay titig na titig lamang siya sa malaking field kung saan nagsasabit ang iba ng mga banderitas. Bahagyang ngumiti ito nang may tumawag sa kaniya at saka siya kinawayan. Dahil sa angking kabaitan nito ay wala siyang nakakaway. Walang may galit dito at mabuti ang pakikitungo sa kaniya ng lahat. Maihahalintulad pa nga siya sa isang Santo. "You are such a good girl, my daughter. Play carefully, Kelly." Isang salita na nangagaling sa kaniyang ina ang muling umalingawngaw sa pandinig nito dahilan para matigilan siya sa paglalakad. Hindi siya duwag. Hindi lang talaga siya lumaki katulad ng iba na kalaban ang tingin sa lahat. Bukal sa kalooban niya ang sundin ang mga utos, ngunit laging may katanungan sa kaniyang bawat pagkilos. Bakit kailangang umabot sa ganito? Sa muling paglalakad niya ay may isang babaeng pumantay sa kaniyang maglakad. Kaya gano'n na lang ang paglingon ni Kelly sa babaeng ito. "Hi!" mahinhing bati ni Kelly na nginitian ng katabi niya. Ang katabi nitong babae ay binigyan siya ng isang ngiti, ngiting animo'y nakikipagkaibigan. "May kailangan ka ba?" tanong ni Kelly ka mukhang hindi na niya pinag-isipan. Basta na lang lumabas sa bibig ang salitang madalas na itanong ng mga kasamahan nila. Lumingon ang babae sa ibang lugar saka ngumisi. "Wala naman. I want you to be my friend, you are nice actually," sagot nito saka inilahad ang kamay. "My name is Molly Epifania." Hindi maalis ang ngiti ni Kelly hindi dahil sa pagpapakilala ng babae, kundi dahil sa wakas ay nahahawakan na niya ang babaeng sinasabi ni Nikasha. Inabot ni Kelly ang kaniyang kamay ngunit hindi siya nagpakilala. Nagpatuloy sila sa paglalakad sa kahabaan ng hallway habang nagpapakiramdaman kung kaninong hangin ang unang sisingaw. "Transferee ka right?" pagpuputol ni Kelly sa katahimikan. "Yap!" mabilis na sagot ni Molly. Napatango naman si Kelly at saka tumingin sa malayo. "Bakit nga pala kayo lumipat rito? Our school is.... You know," pagbibigay kahulugan ni Kelly na mukhang naintindihan naman agad ni Molly. Matunog ang pag-ngiti ni Molly kaya nagtama ang paningin nilang dalawa. Mga matang mainit na naglalaban sa gitna ng malamig na hampas ng hangin. "We like adventure. That's why," simpleng sagot ngunit may kahulugan. "How about you, why are you so nice?" Nawala ang ngiti ni Kelly at saka tumitig ng maayos kay Molly. "Because my Mom said, I'm a good girl." Nawala ang ngiti ni Molly at saka nangunot ang noo. "Nice to meet you."
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
💜😘
3d
0love it😘
10/08
0Wow
22/11/2024
0Xem tất cả