Sadyang dikit at nagmumukhang duling ang mga tao sa tuwing napapatingin sila sa magkapatid na Zeren at Nikasha. Ang lahat ng dumadaan ay nginingitian ni Zeren samantalang si Nikasha ay diretso lang ang tingin sa daan. Parang may kung anong nakakamatay na bagay sa mata ng tao kaya gano'n na lang ang hindi pagtingin nito. Simple lamang ang kanilang gagawin. Ang magmasid sa paligid, ngunit para hindi mapansin ay kailangan gawin ni Nikasha ang kaniyang trabaho, ang pagtitingin sa mga booth na nakakalat sa kanilang eskwelahan. Iyon ang kaniyang gagamiting alibay. Naningkit ang mata nito nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang pamilyar na lalaki. Nakasuot ito ng kulay puti na para bang isang anghel. Nakatingin lamang lalaking iyon sa mga booth na para bang ngayon lang siya nakakita ng gano'n. Samantalang ang ibang mga kababaihan ay napapatinginsa lalaking iyon. "Diretso ang tingin. Nandito si Simon," bulong ni Nikasha sa kapatid na maagap na sumunod. Napaka-swerte ng pagkakataong iyon dahil tatlong segundo matapos ang pag-iwas ng tingin ni Nikasha ay siya naman ang sinulyapan ni Simon. Ramdam iyon ni Nikasha na tumingin na sa mga taong nakakasalubong nila sa malawak na quadrangle. Simpleng tingin lamang ang ginawa ni Simon dahil alam niyang nakatingin sa kaniya si Keus na kasamahan nito sa building. Kapwa medical student ang dalawa kaya sila ang madalas na magkatagpo. Umiwas na ito ng tingin at nagpasyang maglakad na lang at maglibot. Normal na lamang ang mga gano'ng gawain lalo na sa mga bagong lipat na estudyante. Si Keus naman ay pasimple lamang ang ginagawang pakikipag-usap sa mga kababaihan dahil nakikinig ito sa mga sinasabi nila Kelly sa earpiece. Nang makapasok na ang dalawa sa loob ng building nila ay kumanan ang mga ito, naroon lahat matatagpuan ang mga opisina ng bawat organisasyon sa kanilang eskwelahan. Sa tabi lamang sila ng Faculty, at dahil si Nikasha lamang ang parte ng SSC ay siya lamang ang pumasok sa loob. Naiwang mag-isa si Zeren sa hallway kung saan iba't-ibang tao ang kaniyang nakikita at nginingitian. Isang ngiti na may nais na ipabatid. Hindi sinasadyang mangitian nito ang isang lalaking napatingin sa kaniya. Sa hindi inaasahan ay matamis siyang nginitian ni Martin. Mula sa pamilya ng mga Davela. Ngunit imbes na lagpasan siya ni Martin ay nilapitan siya nito, nang nakangiti. "Ikaw ba si Nikasha? The PIO?" mahinahong tanong ni Martin sa dalagang nakangiting umiling. "I'm sorry. I'm Zeren. Nikasha is in their office now. Why?" Naibaba ni Zeren ang kaniyang tingin sa brown envelope na hawak mismo ng binata. "I'm not familiar in this school. Hinahanap ko kasi ang registrar office. I'm sorry, bago pa lang ako rito," nahihiyang sabi nito na tumitingin sa kung saan-saan na animo'y hinahanap ang opisinang iyon. Titig na titig lamang si Zeren sa mga mata ng binatang napakaamo ng itsura, moreno ito at matangkad sa kaniya, singkit ang mga mata na bumagay sa korte ng kaniyang ilong at manipis na labi. "There, sa tabi mismo ng faculty na yan. Sa tapat mismo ng janitress," pagbibigay alam ni Zeren na sinundan ng tingin ni Martin. "Oh! Thank you! Got it. Sorry for disturbing you." "No worries. Gladly to help you." Tumango ang binata saka umalis at pumunta sa tinuturo ni Zeren. Hindi pa rin maalis ang mata ni Zeren sa binatang inabot ang hawak niyang brown envelope. Wala naman itong naramdamang kakaiba, siguro ay dahil sanay na siya sa gano'ng kilos. Naputol ang pagsulyap nito kay Martin nang lumabas na sa opisina ang kaniyang kambal na may hawak muling brown envelope, hindi ito masyadong makapal. Tinanguan na siya ni Nikasha, senyales na kailangan na nilang umakyat sa itaas, sa locker kung saan magiging ligtas ang papel na iyon. Imbes na ipaalam ni Zeren ang mga nangyari ay pinili na lang niyang manahimik. Alam niyang mali pero wala namang kakaiba kaya minabuti niyang itikom na lang ang kaniyang bibig. Napabuntong hininga na lang si Nikasha sa mga nakikita niya. Wala pa ring pinagbago, marami pa ring mga estudyante sa paligid na kung ano-ano ang ginagawa. May mangilan-ngilang nagtatawanan habang ang iba ay nasa silid lamang at mas pinipiling magbasa na lang. "Teh! Bakla ka! Saan ka galing?" sigaw ni Patricio na kaklase nitong may hawak na pamaypay. Mabilis na kumaway si Zeren at ngumiti na siyang kinawayan din ni Patricio. Ni hindi man lang tiningnan ni Nikasha ang kaniyang kaklase saka tumalikod paharap sa locker. "Bakit?" "May naghahanap sa'yo, kaso hindi ko sasabihin kung sino," mabilis na sabi nito saka nagpaypay muli. "Wala rin naman akong balak tanungin kung sino," pamimilosopo ni Nikasha dahilan para magpigil ng tawa si Zeren. Nang maisara na ang locker nito ay mabilis siyang humarap kay Patricio na nakasandal na sa balikat ni Zeren. Dahan-dahang hinila ni Nikasha ang kambal nito. "Hindi mo dapat hinahayaan ang sarili mong may dumikit sa'yo na kahit sino. Kahit sa tabingi na iyan, nakakabuntis pa rin yan," pagpaparinig ni Nikasha dahilan para sumimangot si Patricio. "Excuse me lang huh. Eww, straight ako noh. Straight gay," pang-irap na sabi nito. Pumasok na sa loob ng silid si Nikasha para kunin ang kaniyang bag. Samantalang si Zeren naman ay nasa labas lamang at kausap ang kaklase ng kambal. "Pagpasensyahan mo na siya ah." "Ano ka ba! Gano'n talaga siya sa amin. Mahaba ang sungay. Sanayan lang yan," natatawang sabi nito na tumahimik din bigla dahil sa pagdating ni Nikasha. "Ingat kayo. Ngiti-ngiti rin Nikasha 'pag may time." Hindi na iyon pinansin ni Nikasha. Ma-swerte siya dahil kung tutuusin ay iilan lang sa mga estudyante roon ang nakakayanan ang kaniyang ugali. Marahil e, wala namang ginagawang masama si Nikasha kaya gano'n na lang din kabait si Patricio. Mabilis na umiwas si Zeren sa isang bilog na nasa sahig nang makarating na sila sa quadrangle. Nakakalat ang mga bilog na kapag naapakan mo iyon ay may mga lalaking hihila sa'yo para ikulong ka. Makakalabas ka lamang sa kulungan kapag ikaw ay tinubos. Masaya ang araw na iyon, maraming palaro, samantalang ang ilan sa mga booth ay hindi pa matapos-tapos. Nagpasya ang dalawa na maglakad-lakad sa kahabaan non at nagbabakasakaling baka may magustuhan silang mga laro. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay nakatanggap ng mensahe si Nikasha galing kay Maru. 13|1|18|21: Tapos na kami yummy baby :) 13|1|18|21: Ano oras uwi niyo? 13|1|18|21: Ako na magsusundo sa'yo. Lalabas tayo ng mundo. Susungkitin ko ang mga bituin para sa'yo... Hindi na tinuloy ni Nikasha ang pagbabasa dahil walang kwenta iyon sa kaniya. Nasanay na lang siya sa mga gano'ng kilos ni Maru na hindi na lang niya sineseryoso.
"Si Maru?" pagtatanong ni Nikasha na tinanguan niya. "Nililigawan ka ba niya?" may bahid na pagtataka ay panunukso na tanong ni Zeren. "Hindi. Gano'n lang yon. Hindi na naman siguro nakainom ng gamot," sagot ni Nikasha na mas lalong tinawanan ng kaniyang kambal. Dahil sa huling training na nangyari ay napuruhan ang likuran ni Maru kaya gano'n na lamang ang pag-aalaga ni Ezra dito at palagiang pag-inom ng gamot. Nahinto sila sa isang booth na kung saan parehas silang nagkatinginan. Wala namang masama kung maglaro na muna sila kahit panandalian lang. Wala rin naman silang napapansin na kahit na ano sa paligid maliban sa pagtingin ng mga pinaghihinalaan nila. "We want to try," malamig na sabi ni Nikasha na mabilis na inasikaso ng isang lalaking kamuntikan ng mahulog ang suot na salamin. "S-Sure." Binigay nito ang dalawang laruan na pellet gun, isang normal na laruan na pwede mong gawing pang-proteksyon para protektahan ang iyong sarili. Ngunit hindi sa ngayon, kailangan niyang may maitumba. Itumba ang anim na nakatayo. Pero imbes na si Nikasha ang sumubok ay hinayaan niya ang kaniyang kambal. Sa kabila ng pagkakaroon nito ng inosenteng mukha ay gamay na gamay nito ang baril. Tumayo si Zeren sa isang ekis na marka. Nasa loob ang anim na stance na kung saan kailangan niyang mapatumba ng tuloy-tuloy sa loob ng isang minuto. Pitong hakbang ang layo nito mula sa kaniyang kinatatayuan. Marami ang nanonood, ang mga napapadaan ay natitigil sa kanilang paglalakad. Ang inosenteng mukha nito ay napalitan ng pagiging seryoso, mariing tumingin sa anim na stance na nakatayo, itinaas nito ang kaniyang kamay na kapantay sa kaniyang balikat. Bahagya pang tumagilid ang ulo nito upang sipatin ang kinaroroonan ng anim. Kasabay ng paggalaw ng orasan ay mabilis na sinabayan iyon ni Zeren sa pagpapaputok. Anim na magkakasunod na pagpapaputok ang mabilis na nagpabagsak sa mga stance. Walang kahirap-hirap na inilapag nito ang laruang baril sa kamay mismo ng lalaking napalunok na lang sa kaniya. Ang kaninang seryosong mukha ay napalitan ng isang maamong parang tupa. Napangisi na lang si Nikasha na wala ng balak pang subukan ang laro dahil sa mga taong nakatitig sa kanila. "3 seconds, not bad," bulong ni Nikasha sa kawalan. Tatlong segundo lamang niya pinaglaanan ng oras ang pagpapatumba sa anim na iyon. Halo-halong emosyon ang pinapakita ng ibang taong nakapalibot sa kanila. May ilang nagugulat at namamangha. "Sana ganyan din kadaling patumbahin ang anim na hanggang ngayon nasa tabi pa rin," bulong ni Nikasha sa kawalan. Ang anim na taong pinaghihinalaan nila ay nakatingin lamang sa kanila mula sa malayo. Pinagmamasdan ang dalawang magkapatid kung paano lumakad papalayo na parang walang nangyari.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
love it😘
10/08
0Wow
22/11/2024
0Gostei
20/11/2024
0Xem tất cả