logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 11

Nahinto sa pagmamaneho si Keus nang mahagip ng kaniyang paningin si Martin kaya mabilis niyang iniliko ang sasakyan pakanan. Imbes na sa loob ng skwelahan niya iparada ang kaniyang sasakyan ay mas pinili nitong sa labas na lang at may ilang kilometro ang layo mula sa skwelahan.
"Kayo na munang magkakapatid ang bumaba, nakita ko si Martin, mag-ingat kayo," mahinahong sabi sa kanila ni Keus.
"Saan? Gwapo ba yong Martin?" sambit ni Veron na nakatingin pa sa paligid.
"Pwede na. Pwede ka na niyang patayin," pamimilosopo ni Lana rito.
Palibahasa ay hindi niya nakita ang mga larawan at walang interes na kilalanin ito. Basta na lang sumusunod sa pinaguutos.
"Magkita na lang tayo sa iba't-ibang lugar. Hahanap pa ako ng pwesto."
Matapos sabihin iyon ni Keus ay nagsimula na ang tatlong magkakapatid na maglakad. Si Veron ay normal na lamang na makipag-usap sa mga taong nadadanan niya, hindi gaya nila Zeren at Nikasha na tahimik lamang kung maglakad, maliban na lang kung may magtatanong sa kanila.
Sa ibang parte ng eskwelahan nakaantabay si Veron at humiwalay ito sa dalawang kambal. Ugali na nito ang kawayan ang kahit sino, kahit ang ilan sa mga guro na binabagsak siya. Nahinto si Veron sa malawak na quadrangle kung saan naroon ang usapan nila Avellana.
"Hindi pa kayo tapos?" tanong nito sa mga nag-aayos ng booth.
"Hindi pa Veronika e. Gusto mo bang i-try?" pagtutukoy ng lalaki sa booth nilang halos palaro.
"Ayoko. Di naman ako magaling dyan e. Patambay a, di ako manggugulo promise!" Taas kamay nitong sabi na nginitian ng lalaki.
"Ayos lang. Hihintayin mo ba si Schy?" pagtutukoy nito kay Avellana na agad na nilakihan ng mata ni Veron.
"Oo. Ayan ah! Spy ka na ngayon."
"Huh?"
"Hindi, wala, wala. Back to your work na hehe," biglang bawi nito saka tumalikod.
Nakasuot lamang siya ng palda na hanggang hita at white long sleeve na polo. Halos makain na niya ang kaniyang buhok dahil sa panlilipad dahil sa hangin. Sa inis nito ay kinuha niya ang panali saka walang suklay-suklay na nagtali.
"C'mon Lana! Nasaan ka na?" bulong nito na nagpapapadyak na.
Wala siyang tigil sa pagpapadyak kahit na nakatingin sa kaniya si Mildred, sa tuwing napapatingin si Mildred kay Veron ay ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ni Molly na sila ang hinahanap ng kanilang amo, dahil sa ugali nila.
May punto nga naman ang mga ito. Kung gusto mong katakutan ka, hindi mo dapat ipakita at ilahad ang isang ngiti. Matapang sa unang tingin hindi gaya ng mga taong nakikita ni Mildred. Napailing na lang ito nang sabunutan ni Avellana si Veron dahilan para maghampasan silang dalawa sa quadrangle.
Ngunit isang paniniwala ni Mildred na masasabing makaluma na. Ang malayo sa nakasanayan ng mga tao ay maaaring maging dahilan para mas lalong malamangan ang kabilang grupo. Dahil sa ugali ng mga batang miyembro ng Black Ficarro ay sino nga ba mag-aakala na ang grupong pinagmulan nila ay Isa sa kinakatakutan noon? Wala. Kahit si Mildred ay hindi naniniwala.
Lumakad na lamang palayo si Mildred imbes na pansinin ang mga taong akala niya'y normal lang.
"Aray ko! Agh! Tangina! Ang sakit! Lana! Ikaw!"
Sinugod nito si Avellana na pinaghahampas na siya ngayon ng bag. Ang mga lalaki naman ay mabilis na inawat ang dalawang hanggang ngayon ay hindi malaman kung bakit nagkagano'n.
"Tama na yan! Ano ba! Pre? Awatin mo si Ver— Aray!"
Buong pwersang itinulak ni Lana ang lalaking nasa likuran niya at itinaas ang dalawang kamay na animo'y may tinututukan siya ng baril.
"Kalma guys! Role play lang yon. Theatre kasi yong naka-assign sa amin e," nakangiting sabi ni Avellana dahilan para magsikamutan ng ulo ang mga nag-awat.
"Wag niyo na uulitin yon ah. Kinakabahan ako sa Inyo e," sabi ng lalaking nakasalampak sa sahig dahil sa pagtulak ni Veron.
"Oo naman. Walang anuman. Salamat sa awat."
Umalis na ang ilan sa mga tao na natatawa na lang sa nangyari. Nagkatitigan ang dalawa. Si Avellana ay malakas na tumawa dahil sa itsura ni Veron na sobrang gulo ng buhok. Pasimpleng tumingin si Avellana sa gawing kanan kung saan kanina pa ito may nahahalata.
"Wala na siya. Sorry ah. Bobo mo kasi e. Nakatingin sa atin si Mildred kaya kailangan kitang sabunutan," pagpapaliwanag nito saka kinuha ang suklay na hawak ni Veron. "Ayos ka lang ba?" mahinang tanong nito habang sinusuklayan ang kaibigan.
Pagpapanggap. Isa sa mga kailangan at dapat nilang gawin para mabuhay.
Matapos suklayan ni Avellana si Veron ay nagpasya na silang gawin ang pinapagawa sa kanila. Madali lamang iyon kung tutuusin. Kung ugali lang naman ang pagbabasehan ay paniguradong magagawa agad nila iyon.
Kailangan lamang nilang kausapin si Rachel. Ang isa sa kamuntikan ng mapatay ni Nikasha ngunit dahil sa tindi ng pasensya nito ay hindi niya magawa. Base sa mga nalaman ni Nikasha kay Mara ay pinsan ni Rachel si Mildred, kaya naman gano'n na lang ang kanilang pagtataka.
Ang gulo.
"Saan ba siya ngayon?" pagtatanong nito kay Veron.
"Malay ko. Nandyan lang yan."
Kung saan-saan na sila nakarating. Kung minsnan ay nagtatanong na rin sila sa mga nadadanan nila. Nagpasya silang tumigil na muna dahil sa haba ng oras ng pag-iikot. Gano'n na lang ang pag-tili ni Veron nang mahagip ng kaniyang paningin si Rachel na abala sa pag-aayos ng sarili sa ilalim ng lilim ng puno.
Mabilis na tumakbo ang dalawa sa gawi nito dahilan para matigilan si Rachel sa paglagay ng lipstick.
"Tumabi ka nga Azusa, madilim," sabi nitong nakakunot.
Hindi naman na bago. Kilala ang tatlong kambal sa eskwelahan kaya paniguradong kilala rin si Veron.
"Ito naman! Pwedeng umupo sa tabi mo?" malambing na tanong ni Avellana saka naupo.
Gano'n na lang ang pag-irap ni Rachel dahil sa ginawa ng dalawa na umupo na lang nang hindi pa nalalaman ang sagot. Tamang tingin lang ang dalawa sa paligid at pangiti-ngiti sa dalagang napapagitnaan nila.
"Excuse me? Ang weird niyo. I know na may kailangan kayo sa akin. Ano ba yon?" pagsusungit ng dalaga sa kanila.
Wala ng oras. Kailangan na nilang simulan dahil paniguradong tapos na sa gawain ang mga kasamahan nila.
"Ganito kasi yon. Wala kaming magawa e. Wala kaming kadaldalan. Kaya naisip naming maglaro—"
"Then isasali niyo ako? No way! We're eighteen now for Pete's sake!" pangongontra agad ni Rachel.
"Hindi naman tayo maghahabulan. Parang get to know each other lang gano'n. Tsaka kung inaalala mo si Nikasha, pagpasensyahan mo na kung pinahiya ka niya," sabi nito sa katabi niya na natigil sa pagsusuklay.
"Kaya nga. Hindi ka aanuhin non. Mabait yon, sobra. Laro na kasi tayo," panggagatong ni Avellana.
Nawala ang inis sa mukha ni Rachel, palibahasa, wala siyang kaibigan. Nilalayuan siya dahil sa kaniyang ugali na hindi niya alam kung maganda ba o hindi. Iyon kasi ang pinapakita sa kaniya ng kaniyang madrasta.
Iilan na lang ang totoo. At magbabakasali siya sa dalawang nakangiti na animo'y walang binabalak na kahit ka ano.
"Okay fine! Anong Laro yan?" pagsang-ayon nito dahilan para matuwa ang dalawa.
Tinanguan ni Veron si Avellana, senyales na pindutin na ang isang bagay na nasa kaniyang hair clip na malapit sa mukha ni Rachel. Isang recorder.
"Tanungan lang gano'n. Bawat isa sa atin ay magtatanong then sasagutin natin. Game?" masiglang saad ni Veron na sinang-ayunan agad ni Rachel.
"Okay! You first, and I'm going to next then, Schy is the last one."
Nagsimula na silang maglaro. Kaniya-kaniyang tanungan mula sa paboritong pagkain, lugar, kulay hanggang sa maging personal na. Tinanong kung saan sila nakatira ngunit dahil mautak ang dalawa ay ibang address ang kanilang ibinigay, gano'n din ang mga impormasyon pa-tungkol sa kanilang buhay.
"Sino ang gusto niyong maging asawa?" mabilis na tanong ni Rachel na agad nilang sinagot.
"Zaffiro!"
"S-Simon!"
Natigilan ang mga ito. Lalo na si Veron na pinanlakihan ng mata si Avellana, hindi nito malaman kung sinadya niya ba iyon l nadulas lang. Kung sabagay, iyon ang magandang pagkakataon para naman may malaman sila kahit papaano.
"Simon? Simon what? Monteclaro?" paglilinaw ni Rachel ngunit mahina ang boses nito.
Dahan-dahang tumango si Avellana dahilan para manlaki ang mata ni Rachel na animo'y nagulat pa. Umayos ng upo ang dalaga na para bang may mahalagang sasabihin.
"Seriously? Bad idea huh."
"W-Why?"
"Oh! Ayoko sab—"
"Sige na! Kahit kaunti lang. Spoil mo naman kami! Magkaibigan tayo rito diba? Edi walang lalabas gano'n," paniniko si Avellana.
Mukhang mabilis lang naman makumbinsi si Rachel dahil uhaw ito sa lahat ng bagay Lalo na sa nararanasan niya ngayon.
"Promise huh. Ako lang kasi ang nakakaalam nito e."
Mabilis na tumango ang dalawa saka pinakinggang ang kwento ni Rachel tungkol kay Simon. Kahit papaano ay kilala niya ito dahil sa simabi ng kaniyang tatay. Pinsan ni Rachel si Mildred, ngunit dahil anampon lamang ni Anthony si Mildred ay wala silang lubusan na konsekyon sa dugo.
Kasagsagan noon ng digmaan nang itakwil ni Alberto ang kapatid nitong si Anthony dahil sa nalaman niyang parte siya ng isang sindikato. Isang abogado si Alberto na tatay ni Rachel samantalang pulis naman si Anthony. Mas pinili na lang ni Alberto na manahimik at inisip na wala siyang kapatid. Ngunit nalaman nilang may anak ito ngunit hindi rin nila tinanggap kahit na ginamit ang apelyidong Salvador. Hindi kinikilala ng pamilyar ni Rachel si Mildred bilang kadugo, kaya gano'n na lang ang hindi nila pagkakasundo at nawalan ng balita sa dalaga.
"Naalala niyo ba yong massacre na nangyari last last year? Sa may sikat na school? Sinabi ng kaibigan ko na si Simon daw ang may gawa non," pagpapaliwanag nito na halos makapagpanganga sa dalawa.
"T-Talaga? Ang cool! I-I mean, true ba yan?" paninigurado ni Veron na tinanguan ni Rachel.
"May evidence ba na siya? Tsaka nahuli ba sa akto?" sulsol ni Avellana.
"Sinabi ng kaibigan ko noon. Narinig niyang nag-uusap si Mildred at Simon na parang may plano sila. Tapos nagulat siya kasi ayon ang nangyari."
"Nasaan na yong kaibigan mo?"
Tumingin sa malayo ang dalaga. Pilit na inaalala ang itsura ng namatay nitong kabigan dahilan para magbago siya at mawalan ng madadamayan.
"After niyang simabi iyon, namatay rin siya two days matapos niyang ipaalam sa akin mgannalaman niya. Nasama siya sa mahigit isang-daan na namatay," malungkot sa pagkukwento nito.
Kaya gano'n na lang ang paglayo niya kay Mildred at hangga't maaari ay dumidikit siya sa maraming tao kahit na ayaw sa kaniya ng mga ito.
"Natatakot ka ba?" makahulugang tanong ni Avellana kaya sila nagkatinginan.
"Oo. Ayaw sa akin ng mga tao rito. Kaya hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong kung sakaling malaman nila na nagsalita sa akin ang kaibigan ko noon. Kahit sa daddy ko, ayokong magsumbong."
Kita ang lungkot sa mga mata nito. Nakakapanibago dahil kung minsan ay sa kaniya nagsisimula ang gulo. Tao pa rin namn siya. Natatakot.
Ngunit kung sila ang tatanungin, hindi dapat katakutan ang kamatayan. Mas nakakatakot ang maging saksi at habang-buhay na maging pipi.
"Don't worry. Kaibigan mo kami. Promise! Lagi ka namin sasamahan sa lahat," pagbibitiw ng salita ni Veron sa dalagang nanghihina na.
Hindi nila malaman kung dapat nga ba silang maawa o matuwa dahil sa nangyayari. Sinamantala nila ang pag-iisa ni Rachel para makapagsalita. Iyon na lamang ang tanging paraan para hindi tuluyang mapahamak ang dalaga. Poprotektahan nila ito kapalit ng mga impormasyong mas unti-unti nang lumilinaw.

Bình Luận Sách (111)

  • avatar
    pasiaruwelyn

    love it😘

    10/08

      0
  • avatar
    Birgie Lagarto

    Wow

    22/11/2024

      0
  • avatar
    MagriCarlos

    Gostei

    20/11/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất