logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 13

"Mace anong dish ang lulutuin niyo ngayon?” Tanong sa'kin ni Mary habang nasa kitchen kami. Mayroong sariling kitchen ang school para sa mga HRM students. Kasalukuyang nandito kami ngayon sa kitchen at nagpeprepare ng lulutuin namin. Hindi ko kagrupo si Mary at heto siya ngayon kinukulit ako.
"Teka nga muna bakit ka ba nandito? Hayun ‘yong mga kagrupo mo oh!” sabay nguso ko sa mga kagrupo niya.
"Ang sungit mo naman! nagtatanong lang eh," nakahalumbaba siya sa lababo at pinanonood akong maghugas ng mga gulay.
"Ano ba ‘yong sa inyo? Filipino food, Italian, European, Chinese or what?” pagpapatuloy na pangungulit ni Mary.
"Filipino food sa amin"
"Hala! buti pa kayo! Sa’min Korean food, ang hirap ng amin,” nakasimangot niyang sabi.
"Tirhan mo ‘ko Mace ah! tapos patikimin din kita ng luto namin”
"okay sige!” nagsimula na kaming magluto ng sari-sarili nilang dish. Ang sa grupo naman namin ay kare-kare dahil Filipino food ang sa amin, at sa grupo naman nila Mary ay Korean food. Natapos na kaming magluto binigyan ko naman si Mary nang niluto namin. Nagtira rin ako ng para kay Jk at s’yempre kay Doctor Marco.
"Ang sarap naman nito Mace!” habang ngumunguya siya ng kare-kare.
"S’yempre ako pa ba!? pagmamayabang kong wika sa kan'ya.
"Baka ikaw lang ang naghiwa at hindi ikaw ang nagtimpla?”
"Excuse me! Ako nga lahat ang gumawa,” sabay irap ko sa kan'ya. Napansin naman ni Mary ang dalawang tupperware sa gilid ko.
"Kanino naman to?”
"Kay Jk”
"At?” makahulugang tanong ni Mary.
"Alam mo na"!
"aba aba aba! ako tikim lang tapos sila may pabalot pa,” nagtatampong wika niya sa'kin.
"Hoy Mary mas marami ka pa nga nakain kaysa sa ibinalot ko sa kanila”
"Ewan ko sayo Mace unfair ka!” Tumawa lang ako sa inakto ni Mary.
Papunta ako ngayon sa Med. building para ibigay kay Doc Marco ang niluto kong kare-kare, tamang-tama ay lunch na ngayon at matitikman niya ang niluto ko. Nasa hallway na ‘ko nang mamataan si Doc Marco na papunta na sa faculty, tinawag ko siya at lumingon naman kaagad.
"Doc marco!” sigaw ko habang patakbong lumalapit sa kan’ya. Hinihingal pa nang makalapit na ‘ko.
"For you doc marco! inabot ko ang isang tupperware na may lamang kare-kare.
"Tamang-tama lunch na ngayon may ulam ka na, nagingiti kong wika sa kan’ya. Tinignan niya muna ‘yon at saka niya kinuha.
"Nag-abala ka pa"
"Eh kasi po Doc may luto kami kanina sa isang subject marami rin naman natira kaya naisipan kong bigyan ka"
"Well thanks!”
"Masarap ‘yan Doc Marco kasi may special ingredients na kasama ‘yan,” tumaas taas pa ang kilay ko habang sinasabi ‘yon sa kan’ya.
"What kind of ingredients is that?”
"Eh di LOVE!” napa-ubo pa siya na tila ay nasamid sa pagkakasabi ko sa kan’ya no’n.
"Doc Marco okay ka lang po ba? naku wala akong dalang tubig pambara lang kasi yan”
"Seriously Macelyn?”
"Joke lang naman Doc Marco"
"Okay sige salamat dito"
"Sige po Doc alis na ko," tumango lang siya at nauna nang maglakad. Hindi pa rin siya gaano nakakalayo ay may naisip naman akong kalokohan, unti-unting sumilay ang ngiti ko at muli siyang tinawag.
"Doc Marco!” sigaw ko ulit sa kan’ya at humarap naman siya ng nakakunot ang noo.
"I LOVE YOU DOCTOR!” pagkasabi ko no’n ay hinugis puso ko pa ang daliri ko at tumakbo na palayo. Naiwan naman siyang nakaawang ang mga labi at nagtataka.
Napabuntong hininga ako nang makaupo na ako at nakapuwesto na sa aking lamesa, ibinaba ko do’n ang binigay ni Macelyn at tinitigan ko muna. Nailing naman ako at ngumiti ng maalala ko ang ginawa niya sa hallway.
"Tsss! that annoying girl, special ingredients huh?”
"Doc Marco," tawag sa'kin ni Peter, isa ring professor. Nakaupo siya sa harap ng aking mesa.
"One week ka na lang pala dito?”
"Ah oo babalik na rin ako sa ospital," mabilis na sagot ko naman sa kan’ya.
"E bakit hindi ka na lang magfull time rito? malulungkot na niyan si Miss Andrea kapag nawala ka na rito.” Sinulyapan naman niya si Andrea na busy sa kan’yang laptop. Hindi naman ako sumagot sa sinabi niyang ‘yon.
"Sa susunod na araw na pala ang Foundation day kayo na lang dalawa ni Miss Andrea ang mag- organize rito sa building natin," pagpapatuloy ni Peter.
"Ha? e wala naman akong alam sa mga ganyan"
"Wag ka mag-alala aalalayan mo lang naman siya, kumbaga tutulungan mo lang siyang mag-ayos ng mga bagay-bagay”
"Aaah, o-okay sige,” may pag-aalinlangan kong wika kay Peter.
"Sige Doc Marco labas muna ‘ko at may klase pa ako." Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay lumabas na rin siya ng faculty.
Pagkabukas ko ng Condo ko ay naabutan ko si Wallace sa loob at nakahiga sa mahabang sofa.
"Anong ginagawa mo rito?” ibinaba ko naman ang mga gamit ko sa center table at saka umupo. Bumangon muna siya sa pagkakahiga niya at naupo ng maayos.
"Umuwi ka raw ng bahay sabi ni tito Cedric"
"Why should ?”
"Do’n ka raw mag-dinner bukas"
"Anong meron?” nagkibit balikat lang siya sa tinanong ko. Naalala ko naman iyong binigay ni Macelyn kanina hindi ko naman nakain dahil sa dami kong ginawa ngayong araw.
"Dito ka na mag-dinner may dala akong ulam hindi ko naman mauubos ‘to," yaya ko kay Wallace at naghanda na ng pagkain sa lamesa.
"Oh! kare-kare mukhang masarap ah! san galing?” umupo na si Wallace at sumandok na ng kanin at ulam.
"Bigay ni Macelyn," tipid kong sagot.
"t-talaga? wow! Deads na deads na sa’yo bro!”
"Shut up Wallace! tigilan mo nga ‘yan!”
"Wala naman problema bro kung magkagusto ka rin sa kan’ya, she's cute, lovely at napaka-bubbly nakakatuwa nga siya eh!”
"Alam mo iisipin kong ikaw ang may gusto sa kan’ya"
"Bakit nagseselos ka?” nakakalokong ngiti ni Wallace pagharap sa'kin.
"Bakit naman ako magseselos?” naiirita kong tanong sa kan’ya.
"Alam mo bro, Sa kan’ya mo na lang kaya ibaling ‘yang love mo para kay Lyn? Tutal pareho rin naman silang Lyn”
"Pagkatapos mong kumain umuwi ka na ah!” naiinis kong saad sa kan’ya.
"Easy bro! binibiro ka lang ang init ng ulo mo, pero infairness mas bagay kayo.” Sinamaan ko naman siya nang tingin sa kadaldalan niya. Tinawanan lang niya ‘ko, tuwang- tuwa siya kapag inaasar ako. Hindi ko rin lubos maisip kung paano ko natatagalan ang kadaldalan niya.

Bình Luận Sách (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất