logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3: CRESTRIA’S LIGHT SWORD

HISTORIA’S POINT OF VIEW,
Dala-dala ko ang uniform at ang iba pang mga gamit na kailangan ko sa eskwelahan na ito. Kasama ko na naman si Howard, patungo kami ngayon sa dormitory ng eskwelahan. Ihahatid n’ya ako patungo sa magiging bago kong tahanan dito.
“Ang kwarto na mapupunta sa ’yo ay pang isang tao lang. Wala kang kasama pero tabi-tabi ang bawat kwarto kaya wala kang dapat ipag-alala. Aware ka naman siguro na hiwalay ang dorm ng lalaki sa babae.” Humarap ito sa ’kin at tinitigan ako ng seryoso.
“Huwag kang basta magtitiwala sa mga estudyante na makasasalamuha mo, hindi lahat nang sa tingin mo ay mapagkatitiwalaan ay hindi ka lolokohin at lilinlangin. Tandaan mo, hindi ordinaryo ang mga tao rito. Mag-ingat ka.” Lumapit s’ya sa ’kin at nilagay sa palad ko ang isang susi.
“Hanggang dito lang ako sa labas ng dormotoryo n’yo. Bawal pumasok ang mga lalaki sa dormitoryo ng babae, ganoon din kayo. Bawal kayong pumasok sa dormitoryo namin dahil iniiwasan ng eskwelahan ang mga pangyayari na hindi rapat mangyari. Nasa gitnang dulo ang kwarto mo.” Tumango-tango ako sa paliwanag n’ya.
“Magpahinga ka muna, bukas na bukas din ay to-tour kita rito sa Academia. Kukuha rin tayo sa mga tindahan ng mga bagay na kailangan mo pa para sa pag-aaral mo rito,” dugtong n’ya na kinatango ko.
Yumuko ito sa aking harapan bago naglakad palayo. Gustuhin ko man na pigilan s’ya at itanong ang mga tanong na nais kong mabigyan ng sagot ay hindi ko magawa. Naalala ko ang sinabi n’ya na hindi n’ya masasagot ang mga tanong ko dahil pinsan ko lang ang makapagbibigay no’n.
Huminga muna ako nang malalim bago ko pinihit ang doorknob. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mahabang pasilyo. Kaliwa’t kanan ang mga pinto na sa tinging ko ay mga kwarto. Tahimik lamang ako habang tinatahak ang pasilyo. Nagtungo ako sa pinakadulong kwarto— kwartong nakatalaga para sa ’kin. Akmang pipihitin ko ang doorknob nang may magsalita sa aking likuran.
“Newbie?” Humarap ako sa taong iyon. Isang babae na may itim at mahabang buhok, maputi, bilogan ang mata, matangos ang ilong, mala-rosas ang kulay ng labi at matangkad. Kitang kita ko rin ang sense n’ya sa fashion at sa make-up, ang gara n’ya manamit.
Ngumiti ako sa kan’ya at tumango. “Uhm!”
“Great! By the way, I'm Shanaya Briz. Magandang hapon!” Nilahad nito ang kamay n’ya upang makipag-shakeshand.
“Historia Snape, magandang hapon din.” Tinanggap ko ang kamay n’ya. Sandali lang ang tinagal, binitawan din namin ang kamay ng isa’t isa.
“Nice meeting you, Historia. If you need anything just tell me, okay? Magkatabi lang naman ang kwarto natin,” nakangiti nitong saad.
“Sure, thankyou!” sinsero kong sagot.
“Great! See yah later!” Pumasok na ito sa kwarto n’ya.
Humarap na rin ako sa kwarto ko at pumasok. Bumungad sa akin ang napakalinis na kwarto, puro itim ang mga gamit na talagang gustong gusto ko. Sinara ko ang pinto bago ko sinuri ang kabuuan ng kwarto.
Hindi ito maliit ngunit hindi rin malaki, masasabi kong katamtaman lang ito para sa ’kin. May isang kama sa kanang sulok na sa tingin ko ay kasya sa dalawang tao, sa gilid niyon ay bintana. Sa gilid ng kama ay may maliit na table at sa ibabaw nito ay lampshade. May bookshelves din sa gilid ng maliit na table at sa harapan nito ay study table na may maliit na lampshade.
Sa kaliwang bahagi ay may pasilyo sa gilid, siguro ay iyon ang daan patungong banyo. Sa tabi ng pasilyo na iyon ay isang malaking cabinet. Cabinet na tatlong layer— dalawang malaking pinto sa taas, tatlong katamtaman sa gitna at apat na maliit sa ilalim.
Nilapag ko ang mga dala kong gamit sa kama at saka lumapit sa cabinet upang masuri ang mga laman ng bawat pinto. Hindi na ako nagulat nang makita ang iba ko pang gamit dito. Napabuntong-hininga ako. ‘Talagang planado ang lahat.’
Dumiretso ako sa pasilyo at binuksan ang ilaw. Maikli lang pasilyo kung kaya’t narating ko agad ang inaakala kong banyo, bumungad sa akin ang maliit na kusina na may maliit na refrigerator at sa dulo niyon ay pinto. May bintana rin sa kabilang bahagi— sliding door. Binuksan ko ang pinto at dito ko na natagpuan ang banyo. May kurtina sa loob, hinawi ko ito at bumungad ang bathtub sa kanang bahagi at toilet sa kaliwa. Simple yet organized.
Pinatay ko ang ilaw at sinara ang pinto ng banyo at dumiretso sa kama. Pabagsak akong humiga rito. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
Nakatihaya ako at nakatitig sa ceiling. Ngayon ko lang napansin na de aircon pala ang kwarto na ito.
Halata mong napaghandaan ang kwarto na ito dahil kompleto ang gamit.
Paano nila nagawa ’to sa ’kin? Kaya pala sa tuwing nauuna sila ay nawawala sila sa panginin ko. Planado ang lahat. Kung ganoon, si Guildestern ay kasabwat nila?Kaya ba titig na titig sila kay Guildestern habang inaagaw ni Havoc ang ate sy ko? Si Manang Selya? Bigla na lang siyang sumulpot na may dala-dalang tubig. Si Howard, ganoon din. Punong puno ng katanungan ang utak ko. May kinalaman dito ang magulang ko, sigurado ako.
Kinabukasan din ay gagawa ako ng paraan para makausap sila. Bawal ang gadgets sa mundong ito, karamihan sa naninirahan dito ay hindi pa nakararating sa mundo ng mga tao.
Tumayo ako at hinubad ang sapatos ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit at ngalay ng mga paa ko. Hinilot ko ang mga paa ko pero wala pa ring nangyayari, masakit pa rin.
Napadako ang tingin ko sa dala-dala kong gamit kanina na naririto sa kama. Pumukaw sa pansin ko ang Book of Spells na binigay ni Howard. Inabot ko ang libro at sinuri. Kulay itim ang pabalat nito at ang nakasulat lang na titulo ay ‘Book of Spells’. Binuklat ko ito, puro letra at drawing lang ang makikita sa bawat pahina. Sinubukan kong hanapin ang healing spells at hindi naman ako nahirapan. Nahanap ko ito agad sa tulong ng Table of Contents.
†—
BASIC SPELLS
Minor Injuries Healing Spells
Needed:
•Leaf, petal, root, branches or anything from nature
Procedure:
•Put and hold the thing that you pick in your hands
•Stay calm at clear your mind
•Cast this spell
‘I’m summoning the nature, lend me your strength. Leaf proper sphere. Release!’
—†
Binasa ko ’to ng may tunog. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at dumako ang pansin ko sa bintana. May isang paso roon na may buhay na halaman. Buti na lang mayroon dito. Pinilit kong makalapit doon kahit sobrang sakit na ng paa ko. Kumuha ako ng isang dahon at bumalik ulit sa kama.
Pinagsiklot ko ang mga kamay ko at huminga ng malamin. ‘Stay clam and clear your mind,’ saad ko sa isipan ko. Nang kalmado na ang isipan ko ay nagsimula na akong banggitin ang spell.
“I’m summoning the nature, lend me your strength. Leaf proper sphere. Release!” mahina ngunit klaro kong saad.
Nagkaroon ng munting liwanag sa mga paa ko at unti-unting guminhawa ang pakiramdam ko kasabay nang paglaho ng liwanag.
Napangiti ako dahil gumana ang spell. “Ganito pala ang pakiramdam kapag nakagagawa ng mahika,” mahina kong usal.
Napalabi ako nang biglang tumunog ang tiyan ko. Gutom na ako.
Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Ngayon ko lang napansin ang paper bag sa may gilid ng lababo. Nilapitan ko ito at sinilip ang laman.
“Pagkain!” excited kong saad. Buti na lang nag-iwan sila ng pagkain dito. Kumuha ako ng plato, tinidor at kutsara at nilagay sa mesa. Tinanggal ko rin ang laman ng paper bag. Tatlong Tupperware na may laman na kanin, regadilyo at cake— my favorites! Hinain ko na sila sa lamesa, kakainin ko na habang mainit-init pa at saka gutom na gutom na ako.
Nagtungo ako sa maliit na refrigerator at binuksan ito. Kuminang ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang maraming klase ng pagkain at inumin. Ayaw siguro nila akong magutom o baka suhol ’to para hindi ako magalit? Hmp! Basta busog ako, walang problema.
Kumuha ako ng isang baso na nasa ibabaw ng ref at nagsalin ng tubig. Kumuha rin ako ng pineapple juice in can at saka bumalik sa mesa. Umupo na ako at nagsimula nang kumain.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako saglit bago ako nag-ayos ng gamit ko. Tinanggal ko lahat ng mga dala ko sa maleta ko at sinalansan na sa cabinet. Sinama ko na rin ang mga gamit na binigay ni Howard.
Naglinis ako ng katawan bago ako tuluyang nagpahinga at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok.
Kinabukasan, maaga akong ginising ng isang katok sa aking pintuan. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong tumayo. Tinali ko muna ang buhok ko bago ako nagtungo sa pinto at saka ito binuksan.
“Goodmorning Ms. Historia, ito po ang iba n’yo pang gamit. Galing po ang mga ’yan kay Ms. Felicia.” Bungad agad sa akin ng isang babae na parang kaedaran ko lang. Nakayuko ito sa akin at sa tingin ko ay hindi ito estudyante base na rin sa kaniyang suot.
“Nanggaling ba rito ang pinsan ko?” pagkaklaro ko sa kaniya.
“Paumanhin po ngunit pinadala lang po ang kahon na ito at ayon sa sulat ay ibigay raw po namin ito sa ’yo,” paliwabag n’ya.
“Kung gano’n, maraming salamat.” Kinuha ko ang kahon sa kan’ya.
“Pinasasabi rin po ni Mr. Howard na pupunta s’ya rito upang samahan ka sa bayan,” saad n’ya. Tumango ako sa kan’ya.
“Uhm! Maraming salamat,” sagot ko. Tumango ito at umalis na.
Sinara ko ang pinto at tumungo sa kama at saka nilapag ang kahon. Binuksan ko ito at tumambad sa aking harapan ang mga gamit ko sa kwarto ko. Kinuha ko ang papel sa ibabaw at binasa.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
    Historia,
       Naisipan kong ipadala ang mga gamit mo sa lamesa. Nand’yan ang salamin, suklay, alahas at iba pa na alam kong mahalaga para sa ’yo. Hindi mo kailangan ang iba d’yan ngunit alam kong may mahalagang gamit d’yan na tiyak na kakailanganin mo at sobrang mahalaga para sa ’yo. Patawarin mo kami, Historia. Alam kong darating ang araw na maiintindihan mo rin ang ginawa namin. Take care, Historia. I love you!
Felicia,  
Love     
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Napabuntong-hininga ako.
‘Alam kong may dahilan kayo, iintindihin ko.’
Sinalansan ko ang mga gamit ko sa study table ko kasama ang salamin ko na hindi kalakihan. Isa itong bilog na may stand. Tinabi ko ang kahon sa ilalim ng kama ko, in case na kailanganin ko.
Nasalansan ko na ang lahat maliban sa box ng jewelries ko. Kinuha ko ito at binuksan. Bumungad ang maraming hikaw, singsing, pulseras at kwinta. Pumukaw sa pansin ko ang isang gintong kwintas na may diamond pendant— kwintas na galing sa lola ko. Sa lahat ng kwintas, ito ang pinakamahalaga sa akin. Ang nakapagtataka lang ay may semi curve line ito sa gitna at sa loob niyon ay may letrang ‘c’. Ang pangalan ng lola ko ay Aria kaya nakapagtataka na lertang ‘c’ ang nakaukit dito.
Sinawalang bahala ko na lang ang pagtataka at napagdesisyunang nang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng light pink na bestida na hanggang tuhod at naglagay ng lip gloss sa labi— lagi itong nag-da-dry kaya naglalagay ako ng lip gloss. Sinuklayan ko lang ang buhok ko at hinayaan ko na lang na nakalugay. Kinabit ko ang kwintas na sinasabi ni Howard na puso ni Gab sa leeg ko at sinuot ang flat shoes ko na white. Lumabas na ako at ni-lock ang pinto. Nilagay ko ang susi sa bulsa ng bestida ko.
Pagkabukas ko ng main door ay bumungad sa aking harapan si Howard.
“A-Ah, k-kanina ka pa nand’yan?” gulat kong tanong.
“Sakto lang, Historia.” Nakapamulsa ito at seryoso. Tumango ako at sinarado ang pinto. Saktong pagharap ko kay Howard ay paglabas ng isang lalaki sa kaharap na pinto ng dorm naming mga babae— ang dorm ng mga lalaki.
Lalaking matangkad, kulay abo ang buhok, maputi at naka-uniform. Nagtama ang mga mata namin ngunit sandali lang, ang brown niyang mga mata ay may kakaibang impact sa akin.
“Levi,” pagbati ni Howard na kinatango lamang ng lalaking nagngangalang Levi. Umalis na ito.
“Historia?” agaw ni Howard sa pansin ko.
“Hmm?” tanong ko.
“Tara na?” tanong n’ya.
“A-Ah, oo.” nahihiya kong sagot. Masyado akong na-distract sa lalaking ’yon.
May nilabas s’yang yellow crystal — isang portal.
“Dito tayo daraan patungong bayan,” saad n’ya na kinatango ko. Kinumpas n’ya ito nang pabilog na hugis at nagbukas ang portal.
“Alam kong hindi ka pa sanay. Kumalma ka lang at huminga ng malalim bago ka pumasok ng portal upang hindi ka mawalan ng malay,” paliwanag n’ya.
Tumango ako at ginawa ang sinabi n’ya.
“Hihintayin kita.” Pumasok na s’ya sa portal.
Pumikit ako at kinalma ang sarili ko, nang handa na ako ay pumasok na rin ako sa portal. Agad akong nakarating sa tabi ni Howard ngunit may hilo pa rin akong nararamdaman na naging dahilan ng pag-out of balance ng katawan ko. Buti na lang ay mabilis akong nasalo ni Howard. Napatitig ako sa mukha nito at ramdam ko pa rin ang hilo.
Pumikit ito at bumigkas, “I’m summoning the Goddess of Healing— Caburayan, lend me your strength. Healing proper sphere. Release!”
Humangin ng malakas kasabay ng unti-unting pagkatanggal ng hilo ko. Dahan-dahan akong tinayo ni Howard. Nang maka-adjust ay bumitaw na ako sa pagkahawak ni Howard.
“Maraming salamat,” nahihiya kong turan.
“Ayos lang, hindi ka pa sanay. Normal lang ’yan. Nandirito na tayo sa bayan. Tara na,” pag-aya n’ya sakin. Nauna na ito kaya sumunod na lang ako.
Una naming pinuntahan ang bilihan ng training gear, doon ko pa lang naalala na wala akong pera pero sabi n’ya na may dala s’yang pera na para sa akin talaga kaya wala raw akong dapat ipag-alala. Marami kaming pinuntahan na tindahan at nagpumilit s’ya na s’ya na lang ang magdadala ng mga pinamili namin kaya hinayaan ko na lang s’ya.
Pumasok ulit kami sa isang tindahan— tindahan ng mga espada.
“Anong hanap n’yo, Howard?” bungad na tanong sa amin ng isang matandang lalaki.
“Mang Pio! Hinahanap po namin ang espadang babagay sa babaeng kasama ko,” sagot ni Howard. Magkakilala pala sila. I mean, lahat naman yata rito kilala n’ya.
“Hmm.” Nilagay nito ang daliri n’ya sa tapat ng bibig n’ya na tila nag-iisip.
“Alam n’yo na ba ang kapangyarihan n’ya?” tanong ni manong.
“Bagong estudyante po ang kasama ko. Hindi pa namin nasusubukan ang kakayahan n’ya,” sagot ni Howard.
“I see.” Tumango-tango si manong sa sagot ni Howard.
“Hayaan natin s’yang sumuri sa mga espada,” saad ni manong na kinatango ni Howard. Binalingan ako ng tingin ni manong.
“Malalaman mo na pagmamay-ari mo ang isang espada kapag naramdaman mo ang kuryenteng dumadaloy sa espada patungo sa iyong utak,” paliwanag ni manong. Tumango ako at sumunod kay manong. Lumingon ako kay Howard at tumango naman ito.
Lumapit ako sa mga nakahelerang espada na nasa isang mahabang lamesa. Dahan-dahan kong hinawakan ang nasa pinakaunahan. Isang nakabibinging ingay ang narinig ko kaya agad ko itong binitawan. ‘Mukhang ayaw n’ya sa ’kin.’
Sunod-sunod kong hinawakan ang mga espada ngunit pinapakita ng mga ito na ayaw nila sa ’kin. Napabuntong-hininga ako.
“Hey! Don't lose hope. Marami pang espada.” Pagpapagaan ni Howard sa loob ko.
“May ipasusubok ako sa ’yo,” saad ni manong at pumasok sa isang pinto. Paglabas nito ay may dala-dala na s’yang isang itim na espada. Nilapag n’ya iyon sa lamesa.
“Crestria's Light?!” gulat na tanong ni Howard.
“Lahat ng sumubok hawakan ’yan ay walang nagtagumpay. Walang mawawala kung susubukan n’ya,” kalmadong pahayag ni Manong Pio.
Sinuri ko ang espada, maganda ito at malaki. Ang hawakan nito ay pabilog ang dulo at pakpak ng angel ang kabilang dulo na nagdurugtong sa hawakan at sa metal. Ang metal nito ay patulis ang ang dulo at sa katawan ng metal ay may nakaukit na maliliit na bulaklak. Kumalabog ang dibdib ko.
“Subukan mo, Historia,” saad ni Howard. Ramdam ko ang pagkabahala sa boses ni Howard.
Crestria's Light? Ano bang mayroon sa espada na ito para magkaganoon si Howard.
Hinawakan ko ito at inangat, may kabigatan pero nang tuluyan ko na itong maangat ay bigla itong gumaan. May biglang dumaloy na kuryente mula sa espada patungo sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at may kung anong enerhiyang pumapasok sa katawan ko patungo sa utak ko. Nakaramdam ako ng pagtibok ng mata ko patungo sa utak ko.
Lumiwanag ang espada at lumikha ng malakas na hangin.
“Historia!” sigaw ni Howard.

Bình Luận Sách (124)

  • avatar
    Coleen Peñafiel

    amazing

    15d

      0
  • avatar
    Danan JayaWayan

    ddkfjfffff

    25/07

      0
  • avatar
    Kurt Anthony Palasol

    free gold

    24/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất