Vesta Mariin kong pinikit ang mga mata naiinis na kinapa ang alarm clock at ini-off iyon. Gusto ko pa matulog kahit isang oras lang. Inangat ko ang kumot sa aking mukha. Marahang huminga kasabay ng pagaan ng aking pakiramdam. Unti-unti na akong hinihila ng antok nang tumunog ang phone ko katabi ng alarm clock. Kinapa ko ang phone at sinagot ang tawag. "Bakit napatawag kayo?" Humikab ako nanatili pa ring nakapikit ang mga mata. "Good morning, Blue! We just miss you! Kumusta ang bakasyon?" Sabay na sabay nilang sabi akin. Parang churos ng kanta lang. "Buksan mo ang wifi at mag-vcall tayo," tuwang sabi ni Pink. "Oo nga, dali na Sha. May ipapakita kami sa iyo," hindi makatiis na boses ni Red. "Ano naman iyon? Inaantok pa ako," dahilan ko. Bumangon ako at umupo na pang-indian. "Secret!" sambit ni Violet at Black. "Dali na kasi, magugulat ka talaga," pangungulit ni pink. "Ok, ok, I'll turn off the call and see you at the hangout," sabi ko sabay pindot ng end call. Pumunta kaagad ako sa hangout at nanlaki ang mata ko sa daming messages sa group chat. Tungkol sa movie na five feet apart ang pinag-uusapan nila. I typed "Really? What's on that five feet apart?" and send it to the group chat. Ina-accept ko ang video call. At unang bumungad ang studio room namin. Nasaan sila? "Guys?" "Asan kayo?" Halos tatlong minuto na ang lumipas. Iniinis ba nila ako? Anong surprise ang sinasabi nila? "Guys?" nawawalan na ako ng pasensiya. Isang iglap ay napasigaw ako ng malakas nang may nakakatakot na mukha ang lumitaw sa screen. Nahulog sa pagkakahawak ko ang phone. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Ang alalang mukha ni ninang ang nakita ko na papalapit sa akin. "Bakit ka sumigaw? Anong nangyari?" Kaagad niya akong dinaluhan sa kama at hinawakan ang mukha ko. "Wala ninang, nagulat lang ako sa nakita sa phone," sabi ko nang makahuma sa gulat. "Anong sa phone?" Takang kinuha niya ang phone ko na naka-off ang screen. Kinuha ko kaagad sa kanya. "May namali lang akong napindot ninang. Sorry kung nag-alala kayo," nahihiya kong sabi. "Akala ko kung ano na ang nangyari sayo dito," aniya at puno ng hinilang tiningnan ang paligid. "Ok ka lang ba talaga?" "Opo, salamat," ngiti kong ani na nagsasabing hindi ako nagsisinungaling. Ilang segundo niya akong tiningnan sa mata at ngumiti. I felt relieved. Ayokong mag-alala si ninang sa kagagawan ng mga kasamahan ko. Humanda talaga ang limang iyon sa akin. "May pasok ka ba ngayon?" tanong niya na sumulyap sa alarm clock. "Mamaya pa pong 8 ang klase ko," sagot ko ng magalang. Muntikan ko nang nakalimutan ang gagawin ko mamaya. Titingnan ko ang locker ni Xyller. "Tatlong minuto na lang, tyaka mas mabuting kumain ka na ng agahan. Baka gutom lang yan." Kindat ni ninang sa akin na ikinatawa ko ng mahina. "Baka nga po, tyaka nagugutom na rin ako," pagsisinungaling ko. "Oh sya, bumaba kana at ihahanda kita ng agahan. Si nak nasa sala kausap si Sean sa telepono." Tumayo na siya sa pagkaka-upo sa tabi ko. "Susunod ako ninang," habol kong sabi bago niya sinirado ang pinto. Binuksan ko ang phone. Wala na ang video call. Lalong uminit ang ulo ko pagkakita sa recorded video ng pagkagulat ko sa group chat. The Colours Hindi kayo nakakatuwa! Black: It's a prank Blue. Scarlet: OMG! Takot na takot talaga si Blue. Red: I can't believe it. Pink: (insert running emoji) I hate you! Scarlet: Si Pink pasimuno niyan oneechan. Pink!!!!! Black: Oopss, Imma head out. Black offline Black! Hindi ka pwede imma head out! Kasali ka dito! Pink: You are not really loyal! scarlet! Scarlet:... Red: (insert zipped mouth emoji) Lagot kayo sa akin pagkabalik ko diyan. Pink offline Red offline Nasaan si Violet? Scarlet: Uhm oneechan, pumunta ng paris. Pagkatapos ka niya gulatin umalis sabi kaagad na vavamos Paris, adios. Hindi niya ako maloloko. Not me. Humanda kayo! Bumaba ako pagkatapos at nadatnan ko si Ashley na nakatutok sa local news. Hindi ko alam na may local network pala dito sa lugar. "Anong meron?" bungad kong tanong at nilampasan siya. Tumungo ako sa kusina. "Another person na nawawala kagabi at nakita ang bangkay sa gubat ng La-moran," malungkot ang himig niya. "Asan si ninang?" lumabas ako sa kusina pagkakuha ng plato ko na may lamang rice at ulam. Umupo ako sa tabi niya. "Umalis nang tumawag ang kaibigan ni mama sa network, kilala ni mama ang biktima," mahinang sabi niya. Ini-off niya ang television. Kumain ako. "Sorry," malungkot kong ani. Biglang dumaan ang isanv ideya sa akin. Kung sino man ang pumatay sa biktima ay maaring siya ang kumuha sa kakambal ko? Huminto ako sa pagsubo. Tiningnan ko sa mata si Ashley. "Kilala na ba sino ang pumatay?" Isang iling sa kanya. "Tatlong buwan na ring hinahanap kung sino ang suspek, but they can't put any lead who might it be." Tumango ako at bumalik sa pagkain. Tahimik si Ashley hanggang matapos akong kumain. Hinugasan ko muna ang plato, nilagay sa lalagyan. Bumalik ako sa sala at wala na roon si Ashley. Baka nasa kwarto niya. Sino kaya ang biktimang kilala ni ninang? Mukhang ayaw pag-usapan ni Ashley ang bagay na iyon. It might be she knows that person. I could sense grief in her. Kakausapin ko siya mamaya sa school. Nang matapos ako magbihis ay huminto ako sa kwarto ni Ashley at kumatok. Walang sagot. Baka nasa sala na siya. Pagkababa ko ay wala siya. Asan kaya siya? Sinubukan ko siyang tawagan ngunit walang sagot sa kanya. "Ashley?" tawag ko sa pangalan niya. Iniwan niya ako? Tiningnan ko ang oras sa phone. Malapit nang mag-eight. Baka nasa school na siya at may dahilan bakit siya nauna na. Lumabas na ako sa pintuan ng bahay at ni-lock iyon gamit ang susing binigay ni ninang sa akin. Pansin ko ang makulimlim na kalangitan. Mukhang uulan, buti nadala ko ang payong. Sinirado ko ang gate bago naglakad papunta sa waiting area. May ilang tricycle ang dumaan ngunit puno ng pasahero. Huwag sana akong ma-late. I was thumping rythmically my right foot while wiating. Huminto ang ako sa ginagawa nang may humintong sasakyan sa harapan ko. It's a black maserati. Biglang bumukas ang pinto at ang isang pamilyar na mukha ang papalapit sa akin. It's the new guy! Zaiden. Hindi ko inaasahan iyon na magkikita kami ngayon. "Hi!" bati niya sa akin na walang ngiti. Ano kaya ang dahilan niya bakit siya huminto? "Hello," casual kong tugon. "You can take a ride for me, if you don't mind. Pansin ko kasi na hindi ka pa nakakasakay," aniya na ngumiti ng malapad sa akin. He's offering me a ride to school? A saviour! Ngayon lang naman ito kung hindi lang ako iniwan ni Ashley. "Talaga?" panigurado ko. Baka nagkamali lang ako ng rinig. "Yeah," sagot niya at binuksan ang front seat door. "Thank you, I owe you for this," pasasalamat ko. Pagkapasok ko ay marahan niyang sinirado ang pinto at bumalik sa driver seat. Tahimik siya na pinaandar uli ang sasakyan at pinatakbo ng normal. Tumingin ako sa unahan. Ngayon lang ako naiilang sa isang tao. Nasa paanan ko nakapatong ang bag na hawak ng dalawang kamay ko. "Matagal ka na dito?" tanong ko sa gitna ng katahimikan. "Hindi, pinalipat ako dito ng ama ko," sabi niya, nakatoun ang tingin sa daan. "Ganun pala," tatangong ani. Gusto ko itanong kung bakit siya pinalipat at saan ba siya dati nag-aaral. "Yeah, gusto ng aking ama na dito dahil mas maganda ang klase ng pagtuturo. My mom won't agree but you know, what father says you should say so," litanya niya. Kung buhay kaya ang ama ko, will he do that to me? I don't remember well how my dad as a father. Binaling ko ang tingin sa bintana, hiding my sadness in my reaction. "I understand, common naman ganoon," kibit balikat kong sabi. "It seems you are new here?" "Parang ganun na nga, ngayon lang ako bumalik after a years," hilaw na tawa ko. "I see," aniya. Nagkwento siya kung saan siya nakatira at tungkol sa lugar. Ok naman pala siya kausap. "Mahilig ka palang maglaro ng Soccer," namamangha kong sabi sa sa kanya nang maekwento nito. "Oo, since I was a child. My father teaches me how to play that game. May sense naman siyang laro kaya nagustuhan ko." Kibit balikat niya. "Yong kapatid ko mahilig din siyang maglaro ng soccer," kwento ko. I can felt the bitterness in my tongue when I said those words. "Saan na pala ang kapatid mo? Siguro nag-aaral katulad mo." "Hindi, basta," sabi ko at tumawa ng peke. Nakapaghihinayang naman kung andito siya, he'll be happy when someone loves soccer as he loves it. "Sana mameet ko siya para one on one kami." Ngisi niya na ikinatingin ko sa deriksiyon niya. It's a real smile. I wished. Hindi nako nagsalita. Baka makwento ko lang ang nangyari at kaawaan na naman ako. Mabuting hindi na lang. Everytime I share to people I know, they feel pity of my lost and sorry. Pagkarating namin sa school ay nauna na akong bumaba. Two minutes bago ako malate sa klase ko. Nagpaalam muna ako sa kanya bago umalis. Paakyat na ako sa second floor nang napahinto ako sandali. Naguguluhan ako kung bakit parang pamilyar ang mga salitang sinabi ni Zaiden sa akin tungkol sinabi niya about sa soccer. Someone had told me about that same exact words and I don't remember who. Bigla na lang dumaan sa akin. This is so weird. Baka sa mga movies na nakita ko noon. Pinagpatuloy ko ang paglakad hanggang marating ko ang room. Halos puno na ng estudyante pagkapasok ko. Umupo ako sa bakanteng upuan. Puno ng katakhan bakit wala si Ashley. Nasaan kaya siya? Nang magsimula ang klase ay walang Ashley na pumasok hanggang matapos. Tumawag kaagad ako sa kanya pagkalabas sa room. Ano kaya ang dahilan? Wala sanang nangyaring masama sa kanya. Sinagot niya ang tawag ng ilang ring. "Ashley nasaan ka?" alala ko. "I'm not feeling well, Insan," paos ang boses niya. Umiyak siya? "Ok ka lang ba? Tell me, anong nangyari?" Mabibilis ang lakad ko pababa sa hagdanan. I know she's not feeling fine. Something might happen. Possible na nag-away sila ni Sean or -no imposible na nagbreak ang dalawa. Isang hikbi ang pumalit sa linya. "Sean's brother died, insan. Iyong bangkay, sa news," halos hindi siya makapagsalita ng maayos, "Si Clyde iyon." Mahigpit kong hinawakan ang phone. Huminto ako sa ginta ng hallway. Imposible iyon, ang alam ko nasa Manila si Clyde. Nagkita pa kami noong isang buwan. He's a pilot in Philippines airline. Bakit hindi binanggit sa akin ni Ashley o ni Sean na andito si Clyde? "Paano?" puno ng katakhan kong sabi. My hands start to shake. Darn it, not now. Huwag dito. "Noong isang linggo bumisita si Clyde sa magulang niya, at akala namin umuwi na siya sa Manila. At heto," hagulgol na niya. Clyde is just like our big brother. Childhood friends. Xyller's look at him as his real big bro. Bakit nangyari ito?
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 41 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (107)
Sandy Gangoso
may book 2 na po ba?
01/11/2023
0
PalisNenet
ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰
may book 2 na po ba?
01/11/2023
0ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰
17/09/2023
0niceeee
22/04/2022
0Xem tất cả