logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Five

Vesta
"Kumusta ang school, Vesta? " tanong ni Ninang Stella.
Tinutulungan ko siya sa pagluluto ng ulam naming calderetang kanding. Si Ashley sana ang nakatukang magluto. Nangako pa ito kahapon pero ano ang nangyari, umalis upang bumili ng libro. Kaya tumulong na lamang ako kay ninang upang mapadali ang luto.
"Maganda naman po." Habang nagsli-slice ako ng patata at samantalang si ninang naman ang humihiwa sa karne.
"Bakit may naman? Asan ba si Ashley? Hindi pa siya umuuwi ngayon. Ang tagal naman niya sa bookstore." Alala ni ninang sa anak.
Kanina pa hindi bumabalik si Ashley na nakapagtataka kung bakit. Isa pa, ang alam ko ay hindi niya makakasama ang nobyo sa dahilan na hindi niya sinabi sa akin. Mukhang nag-away uli ang dalawa.
"Baka po nahirapan sa pagpili ng bibilhing libro," opinyon ko.
"Baka, maari na ganun," malapad na ngiting sang-ayon ni ninang sa sinabi ko.
Nagkwento ako tungkol sa pag-aaral ko sa FU, mga taong nakilala ko at kung ano-ano pa. Tumigil ako sa ginagawa nang marinig na tumunog ang doorbell ng gate. Sino kaya iyon? Baka si Ashley.
"Baka si Ashley na iyon, ninang. Bubuksan ko lang po," ani ko na tumayo sa pagkaka-upo sa upuan ng kitchen table.
"O, segi. Magsisimula nakong magluto. Pakisabi kay nak, na inilagay ko sa drawer niya ang damit na bagong bili niya, iyong kulay asul na off-shoulder."
"Opo," tangong sabi ko at humakbang palabas sa kusina.
Tinungo ko ang pinto at lumabas sa bahay. Pansin ko na walang buwan akong nakita sa kalangitan ngunit may liwanag, natabunan yata ng ulap. Linapitan ko ang gate at hinila iyon.
"Ashley! Ang tagal mo—" Napatigil ako ng makita na hindi si Ashley ang nasa labas kundi si Keyran. Si Keyran Fraizer Emerson. Nakasout pa siya ng uniform ng FU.
Kunot noo ko siyang tiningnan. Ano kaya kailangan niya? Gabi na kasi at heto siya sa harapan ko. Nasaan na kaya ang pinsan ko? Anong oras na at wala pa siya.
"Hi?" nagdadalawang isip na sabi ni Keyran sa akin.
"Hello," bati ko sa kanya kasama ng isang ngiti sa labi. "Bakit ka andito? May kailangan ka ba?" tanong ko.
"Ano kasi, andiyan ba si Ashley?" aniya.
"Wala, hindi pa siya nakauwi sa pagbili ng libro. Pasok ka sa loob at mas mabuting doon mo siya hintayin," paanyaya ko. Malamig ang simoy ng hangin ang dumaan sa amin. I shivered. Lamig naman.
"Ganun ba, isasauli ko lang sana tong libro niya sa history. " Bumaling ang tingin ko sa hawak niyang libro ng pinsan ko. Iyon pala ang dahilan bakit naparito siya.
"Ok, hintayin mo nalang siya sa loob. Pasok ka muna." Paanyaya ko uli.
Umiling siya sabay ngumiti. "Salamat nalang. Dito ko nalang siya hihintayin sa labas," tanggi niya. "By the way. You look familiar, yang mukha mo? Parang si—" Pinutol ko ang sasabihin niya.
Ai lagot! Nakalimutan kong soutin ang eyeglasses ko. Nakunaman self, dapat pinaalala mo sa akin.
"Sandali muna. Nakalimutan ko isuot ang salamin, kaya pala hindi kita makita ng maayos." Tumango lang ito sa akin.
Bumalik uli ako sa loob ng bahay at umakyat sa taas. Kinuha ang eyeglasses na nakapatong sa nightstand ko.
Tatanga ka kasi self. Alam mong pwedeng mangyari ang bagay na to. Just think in advance.
I sighed. Sinout ko iyon bago bumaba at pinuntahan siya. Andoon pa rin siya sa labas ng gate. Bakit kaya ayaw niya pumasok? Siguro ay nahihiya.
"Sorry, nakalimutan ko Soutin ang eyeglasses. Malabo na kasi paningin ko." Fake kong smile.
"Ayos lang. Parang kamukha mo kasi si Sha sa the Colors." Ngiti nito habang nakatingin sa mukha ko.
Oh, oh,oh, Sha ang name ko sa The Colours. Wala lang type ko lang na iyon ang pangalan ko, Sha Flavus. Si Xyrell ang nagbigay ng pangalan na iyon sa akin. Hindi ko namalayan ang mapait na ngiti sa labi ko.
"Problema?" untag na tanong niya sa akin na napabalik sa akin sa wisto.
"Ah, Oo! Naku sana magkamukha kami. Pero hindi naman . Nambobola ka ano?" Fake kong tawa. Maniwala ka sa sinabi ko, please. Panalangin ko sa sarili. I'm not Sha for fakers sake.
"Hindi naman sa ganun. Pero magkahawig lang kayo if wala ang eyeglasses mo," aniya.
Tumango ako. Buti at naniwala siya. "Ok, if that what you think. Ayaw mo bang pumasok. Malamig sa labas." Turo ko sa pinto ng bahay.
Tiningnan lang niya at ngumiti kasama ng mabilis na pag-iling.
"Thanks, Im fine here."
Ok! Bahala siya kung ginawin siya sa labas. Malamig pa naman ngayon dahil sa hanging amihan.
I sighed 8:30 na ng gabi at wala pa rin si Ashley. Saan kaya nagsusuot ang babaeng iyon? Di ko siya matawagan dahil naiwan niya ang phone. Lalo niya akong pinapag-alala. Ayoko rin tawagan si Sean dahil alam kong hindi niya rin alam.
"Nag-alala ka ba sa pinsan mo? " Napansin niya yatang balisa ako.
Tumango lang ako.
"Pwede natin siyang hanapin. Mukhang gabi na at wala pa rin siya. Alam mo ba kung saang bookstore siya bumili?"
Tiningnan ko siya ng serious look. Hinahanap sa mukha niya kung totoo ang sinabi. His smiled telling me that he's serious. Balak ko kanina na puntahan na ang pinsan ko pero ayokong alalahanin ako ni ninang.
"Sige, baka may nangyaring masama sa pinsan ko. Sabi daw ng isang babae diyan sa may kanto, meron daw umaatake paggabi. Nakikita nalang ang bangkay sa gubat," mahina kong sabi.
Parang nabigla ito sa sinabi ko. Mukhang natakot yata. Pero totoo ang sinabi ko, pauwi ako sa bahay kanina at biglang lumapit sa akin ang babae. Sinabi niya sa akin ang mga iyon.
Baka may connection ang bagay na 'yun sa pagkawala ng kapatid ko. Baka ang sinabi ng babae na umaatake ang dahilan sa pagkawala ng kapatid ko. Kung sino man yun. Dapat kung malaman.
"Totoo?" Serious look niya sa akin.
Tumango ako.
"Maybe she is right. Bago lang kasi ako dito." Kamot sa ulo niya.
"Ah, ganun ba. Akala ko matagal ka na rito. Hanapin natin ang pinsan ko, tyaka salamat sa pag-offer," sang ayon ko sa sinabi niya kanina.
"Ok lang, I know how it feels to be worried. Sige," sabi niya na nakatitig sa akin.
Bago kami umalis, nagpaalam muna ako kay Ninang at sumang-ayon siya na umalis ako dahil may kasama ako. Kung wala siguro akong kasama hindi niya ako pahihintulutan.
Habang papunta kami sa bookstore kung saan bumibili ng libro si Ashley ay kinuwento ni Keyran sa akin kung bakit siya nagtransfer sa FU dahil iyon ang nais ng mga magulang niya at wala siyang magagawa sa bagay na iyon.
"Mahilig ka palang maglaro ng Soccer," namamangha kong sabi sa sa kanya nang maekwento nito.
"Oo, since I was a child. My father teaches me how to play that game. May sense naman siyang laro kaya nagustuhan ko." Kibit balikat niya.
"Yong kapatid ko mahilig din siyang maglaro ng soccer," kwento ko. I can felt the bitterness in my tongue when I said those words.
"Saan na pala ang kapatid mo? Siguro nag-aaral katulad mo."
"Hindi, basta," sabi ko at tumawa ng peke. Nakapaghihinayang naman kung andito siya, he'll be happy when someone loves soccer as he loves it.
"Sana mameet ko siya para one on one kami." Ngisi niya na ikinatingin ko sa deriksiyon niya. It's a real smile. I wished.
Hindi nako nagsalita. Baka makwento ko lang ang nangyari at kaawaan na naman ako. Mabuting hindi na lang. Everytime I share to people I know, they feel pity of my lost and sorry.
Nang marating ang pupuntahan ay kaagad kaming pumasok sa loob ng bookstore ngunit walang Ashley kaming nakita maliban sa mga namimili ng libro at ng cashier.
"Bakit wala siya?" mahina kong sabi.
Sa tingin ko halos dalawang minuto na ako sa loob na naglilibot kakatingin sa paligid, kakahana wala ni anino niya ang nakita ko sa loob. Hindi masyadong kalakihan ang loob ng bookstore na sa tingin ko'y pwedeng mag-occupy ng 30 tao sa loob. Isa pa, labing apat lang ang nasa paligid kasama ang babaeng nasa counter na bagot na bagot ang itsura ang andito.
Pagtingin ko sa katabi ko, wala si Keyran. Asan kaya iyon? Di ba kasama ko siya kanikanina lang pero bakit nawala? May sa kabute ba ang lalaking iyon? Mamaya ko na lang siya hahanapin. Magtatanong muna ako sa babae na nasa counter at baka alam nito. Lumakad ako papunta sa counter at huminto sa harap ng babae na ngunguya ng bubble gum. Nasa hitsura ang kabagutan.
"Excuse me, Miss," magalang kong sabi sa counter girl.
"Yes, Ma'am? What can I do for you?" Nginitian niya ako ng pilit. Siguro pagod na ito sa kakangiti boung araw.
"Miss, bumili ba dito ng libro ang babaeng ito?" Pakita ko sa picture ni Ashley sa phone ko.
Kunot noong tiningnan ng babae ang picture. Inaalala ito.
"Ah! Oo,bumili siya," sabi nito nang marecognize ang nasa larawan.
"Bago pa po ba siya umalis?" tanong ko.
"Naku, sa naalala ko mukhang... mukhang 6:30 siya umalis pagkatapos mabili ang libro ni Barbara Michaels ba 'yun. Sa pagka-alala ko." Balik tanaw nito.
"Salamat po." Pasalamat ko kasama ng isang ngiti.
"Walang anuman," sagot niya.
Lumakad na ako palabas sa bookstore. Bakit kaya nawala si Keyran Katabi ko lang siya kanina. Bigla nalang nawala.
Luminga-linga ako para hanapin ito pero wala siya sa loob ng bookstore. Iniwan ako? Baka may importanteng bagay na ginawa. Makaalis na nga dito. Tiningnan ko ang phone kung anong oras na. Malapit na palang mag-nine. May kalayuan ang bahay sa bookstore. Mukhang limang minuto ako maglalakad nito.
"Vesta!"
"Butiki!" gulat na gulat kong sabi nang makita ko si Keyran sa harapan ko. Nanggugulat ba siya?
"Kagulat ka naman. Saan ka ba galing?" baling tanong ko kay Keyran.
"Diyan lang. Hinahanap ko kasi si Ashley," sagot niya.
"Ganun pala, nagtanong ako sa cashier ang sabi ay kanina pa six thirty umalis ang pinsan ko. Ang pinagtataka ko lang bakit hindi pa siya umuwi kanina." Malalim kung pag-iisip.
Ano kaya ang dahilan bakit wala pa siya? Nakapagtataka.
"Tawagin mo kaya?" suhistiyon niya.
"Iniwan niya ang phone sa bahay. Kaya kanina pa namin siya hindi makontak.Alis na tayo. Baka nakauwi na siya."
"Baka may pinuntahan kaya ganun," sabi niya.
"Baka nga, akala ko pa naman ay andito siya, naabala tuloy kita," nahihiya kong sabi.
"Ok lang iyon," ngiti niya na kita ang pantay na mga ngipin.
Bakit ang bait niya? Ganito ba ito ka?
Habang naglalakad kami ay bigla ako nakaramdam na may nakasunod sa amin. Lumilingon ako sa likuran ko pero wala akong nakita.
"May problema ba?" biglang tanong ni Keyran.
"May nararamdaman akong sumusunod sa atin," nababahala kong sabi.
"Baka yan na 'yong umaatake." Pananakot pa niya.
Inirapan ko lang siya at nginitian. Akala niya siguro matatakot ako? At napadako ang tingin ko sa madilim na eskenita sa kabilang daan. Nagulat ako ng may dalawang pulang mata akong nakita sa bandang iyon. Baka malikmata ko lang iyon dahil pagkakurap ko ay nawala na ang dalawang pares ng pulang mag.
"Anong tinitingnan mo?" usisa ni Keyran ang tumingin sa deriksiyon kung saan ako tumingin.
"Wala." Sabay iling ko.
Patuloy na kami sa paglakad. Malapit na kami sa bahay nang maramdaman kong may tumalon o lumipad sa itaas namin na sanhi upang kilabutan ako sandali. Totol ba iyon o guni-guni ko lang? Hinayaan ko na lang at kung baka sabihin ko sa kasama ko ay matakot pa ito. Ang tahimik niya. Ang lalim ng iniisip. Ano kaya iyon?
Pagkarating namin sa pinto ay biglang bumukas ito at tumambad sa harapan namin si Ashley na nakapameywang. Nakauwi na ito. Saan kaya galing ang babaeng ito? Nagsayang lang kami ng oras sa pagpunta sa bookstore.
"Saan kayo galing? Nagdate?" Ngiti nito ng malaki sa amin.
Si Ashley talaga kung ano-ano iniisip. Iyon ba ang ibungad na tanong?
"Hindi, pinuntahan ka namin sa bookstore," turan ko sa sinabi ni Ashley. Hindi siya naniwala sa tingin niya sa akin.
Ayaw maniwala.
"Ganun ba?" Tingin nito kay Keyran nakataas ang dalawang kilay gustong malaman kung nagsisinungaling ba ako.
"Oo," sagot naman ni Keyran.
"Akala ko nagdate kayo. Pasok na kayo." Bukas ng malaki ni Ashley sa pinto bilang anyaya.
"Salamat nalang, uuwi na kasi ako," tangi ni Keyran.
Kanina pa to siya. Ayaw pumasok. Natatakot ba ito? Saan? Kay ninang?
"Sige na." Tulak ko sa kanya papasok ng bahay. Wala na siyang nagawa pa sa ginawa ko.
"Pero—" protesta ni Keyran.
"Hep hep, walang pero," sabat ni Ashley na nakataas ang kilay.
Kaya ayun. Wala na nga siyang nagawa. Kumakain kami ay panay ang sulyap ni Keyran sa akin. Parang may gusto siyang sabihin. Hindi ko naman mabasa kung ano. Samantalang si Ninang Stella titig na titig sa kanya. Paano ba naman ang gwapo ni Keyran. Na-iintimedaite yata ang lalaki sa tingin ni ninang. Kung ako ganyan tingnan, I will feel uncomfortable.
Kunot noo akong napatingin sa plato ni Keyran. Hindi kasi niya ginagalaw. Anong dahilan? Baka, allergy siya sa ulam o hindi niya gusto ang ulam. Lumapit ako ng kaunti sa kanya. Ayaw ko marinig ni ninang ang sasabihin ko, ayaw pa naman nito na may taong hindi nagustuhan ang masarap niyang luto.
"Keyran, may problema ba sa pagkain? " mahina kong tanong.
"Ano kasi, busog pa kasi ako Vesta," bulong niyang sabi sa akin. Linapit niya ang ulo sa akin para makabulong.
"Uy! Wag kayong ganyan sa harap ni mama," biglang sabi ng pinsan ko na ikinagitla ko.
"Ok lang nak. Naiintindihan ko sila." Nakangiti na mukha ni ninang.
What! Anong meron at ganoon sila sa amin?
"Ho? " taka kong tingin kay ninang na nakangiti na may pinapahiwatig.
Kinakabahan tuloy ako kung ano man ang ibig sabihin ng ngiti nito.
Tumahimik lang si Ashley at pinagpatuloy ang pagkain. Bakit ayaw nila na sagutin ang tanong ko? Ang weird nila ngayon. Binigyan ko nalang ng cake si Keyran. Mabuti at kinain niya.
Kanina pa tumitingin sa akin si ninang na nakangiti. Lalo tuloy akong nawawalan ng kaginhawaan sa ginagawa nito.
"Sige, alis na po ako," paalam ni Keyran sa amin pagkatapos namin kumain.
"O, ihjo mag iingat ka sa paguwi mo," ani ni ninang.
"Salamat po." Malapad na ngiti ni Keyran sa amin.
Hinatid namin ni Ashley si Keyran sa labas.
"Mag-iingat ka, Key," kaway ng pinsan ko sa lalaki. Ngumiti lang siya at tiningnan ako sabay tango.
"Sige bye," paalam niya at umalis na.
Pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Kayo na ba ni Keyran, Vesta? " tanong ni Ashley nang Paakyat kami sa kwarto.
"Huh? Hindi. Bakit mo naman nasabi ang bagay na 'yan?" tanggi ko.
"Ows?" hindi naniniwalang sabi.
"Oo, hindi kami. Parang friends lang kami," hindi ko naisipan ang sinabi ko.
"Parang friends? Maniwala ka nalang sa sarili mo. Ako hindi." Takbong alis niya papasok sa kwarto.
"Ashley!" Padabog ko. Naiinis ako sa sinasabi niya. Nakasimangot akong pumasok sa loob. Anong iniisip! Alam naman niyang friendly being ako. Tyaka, walang namamagitan sa amin. Ayaw maniwala bahala siya.
"Hoy! Bakit ang tagal mo umuwi kanina?" habol ko sa kanya.
"Secret," aniya at kindatan ako.
"Anong secret ba iyan?"
Walang sagot siyang binigay sa akin at derideritso nagtungo sa kwarto niya. Mukhang may tinatago ang babaeng iyon. Ano kaya? At bakit?
-------

Bình Luận Sách (107)

  • avatar
    Sandy Gangoso

    may book 2 na po ba?

    01/11

      0
  • avatar
    PalisNenet

    ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰

    17/09/2023

      0
  • avatar
    Asnor DM

    niceeee

    22/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất