logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Six

Don't forget to vote and comment down your thoughts. I love reading it and learning from them.
Thank you!
Chapter 6
The Offer
   Bakit ba wala akong maalala kung ba't ako nandito? Dulot na ba ito ng pagkaulyanin ko? E bata naman ako ah? Diba nga bumalik yung panglabas na anyo ko sa pagkabata.
Wag mong sabihin hindi kasama ang utak ko? Hay, ang hirap kayang maging ulyanin.
"Ah iha? Do you know where's your parents right now?" Mrs. San Mateo ask me, at dahil dun napatigil rin ako sa pagkain ng soup ko. "Nagtanong-tanong na kasi kami sa lugar, where the accident happened, but they said, they don't know anything about you."
Pa'no ba to? Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na matagal nang sumakabilang buhay ang mga magulang ko, at lalong hindi naman kapani-paniwala na ako'y isang matandang dalaga na may edad walong pu't isang taon na bumalik sa pagkabata, sinong maniniwala dun? Kahit ako sa sarili ko hindi ako makapaniwala, pero life must goes on. Alam kong may dahilan ang lahat ng nangyayari at sa mfa mangyayari. All I have to do is be ready on whatever can happen.
Isip Cassandra, isip! My goodness! Ano bang sasabihin ko? Gagawa ako ng kwento o ano?
Bahala na nga! Bahala na ang diyos sa akin!
" Iha? Are you just fine? You keep on spacing out." Mrs. San Mateo said with a sound of concern on her voice. By the way how she treat me, I can already tell that she's a good mother, or even as a person.
Naaalala ko nuong araw kung pa'no ako alagaan ni Mama, hindi man sila perfect na mga magulang sa amin, but they're are a good parents to me and my younger sisters, kaya ganun nalang ang pangungulila namin nung nawala sila ng halos magkasunod lamang.
"Ayos lang po ako, sorry po Mrs. San Mateo pero wala po talaga akong maalala." Alam kong masama ang magsinungaling, pero mukhang wala akong choice eh, sana nga lang pamanindigan ko ito.
Wala akong ibang mapupuntahan, lalo na't ganito ang itsura ko, hindi rin ako pwedeng bumalik ng bahay, dahil siguradong papalayasin lang din ako duon. At wala rin akong pera para magrenta ng matitirahan at kahit pangbili ng makakain man lang.
Nasa punto na ako ng buhay na desperada na ako't hindi ko na alam ang dapat kong gawin at nangangailangan na ako ng tulong ng ibang tao.
"Don't worry iha, I'll help you, you can stay with us hanggang sa maalala mo yung mga nakalimutan mo." Sabi niya with a warm smile, at nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast hindi na ako magpapalaboy-laboy sa kalsada, mahirap na baka ano pang mangyari sa'kin dun.
"Iha, I have an offer to you, since Marco really need to pay for what he did, if it's fine with you?" She ask me, na para bang nag-aalangan pa siya.
"Sure po, Mrs. San Mateo." Hindi ako pwedeng tumanggi dahil sa halos dalawang linggong nandito ako sa hospital ay hindi ako pinababayaan ni Mrs. San Mateo at napag-alaman ko ring na ang nag-iisang niyang anak na si Marco ay ang nakadiskasya sa'kin.
"He fired his personal assistant again, nakakailang palit na siya at walang tumatagal." Sabi niya na para bang nangongonsumi ito.
Aba pasaway na bata! Tsk tsk. Pero personal assistant? Ba't naman niya kailangan yun?
"I don't know what to do with him, anymore. He kept on messing around since he came back from Sweden." Problemadong sabi niya, at umupo ito sa upuang sa malapit sakin.
"I don't know what to do anymore, my son and my husband keep on arguing on something I don't know the reason is." Malungkot na sabi ni Mrs. San Mateo.
Naiintindihan ko siya, dahil naranasan ko iyon sa mga kapatid kong Cristine at Celidad, hindi ko alam kung bakit siya nagbubulakbul sa pag-aaral at lagi pa silang nag-aaway ni Celidad na mas nakakatanda sa kanya.
Mahirapan ang maipit sa dalawang taong parehas mahalaga sayo, lalo na't hindi mo alam kung ano ang dahilan.
" And I think, you're the best option, I really need someone to keep an eye on him for me. He's not getting younger anymore, he need to stop messing around like a teenager." Bakit ba may mga anak na pasaway? Maiintindihan ko pa kung batang walang muwang sa mundo, pero yung mga nasa tamang edad na't alam naman na siguro ang tama at mali, utang na loob naman! Wag niyong bigyan ng sakit ulo yung mga magulang niyo, pagkatapos nila tayong palakihin ganun lang ang isusukli niyo? Wag ganun.
"Sige po papayag po ako, Mrs. San Mateo." Alam kong hindi magiging madali itong pinapasok ko, pero nakakahiya namang tumanggi lalo na't malaki ang utang na loob ko kay Mrs. San Mateo.
"Oh sweetheart, you're such a blessing! And please call me Tita Belle, don't be so formal." She said, she looks genuinely happy sana nga lang ay talagang matulungan ko siya.
At dun sa anak niyang kumag! Humanda ka saking damuho ka! Katanda na e, pasaway pa sa magulang!
"Cassy iha, bukas na ang dismiss mo dito sa hospital, tomorrow I'll take you to Marco's place, I'll introduce you to him as his new P.A." Sabi niya, at tumungo nalang ako.
"I gotta go now, iha. Be ready for tomorrow, take a good rest." Paalam niya.
"Sige po tita, ingat po kayo." Sabi ko nalang, at humiga na sa kama para matulog na at magpahinga.
Tomorrow is another day, Cassandra, kaya mo yan.

Bình Luận Sách (249)

  • avatar
    Karine31

    keep writing po 💜 highly recommend ☺️

    19/04/2022

      0
  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Highly recommended!!!

    17/04/2022

      0
  • avatar
    OralloMarley

    Marley

    26/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất