logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

You like someone?

• • •
Matalim na titig ang ipinukol ni Grant kay Sir Clydawn habang mabilis na naglalakad palapit sa 'min. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para lumayo kay Sir. Umayos siya sa pagkakatayo ng mapansin ang ginawa ko.
"Grant, what brought you here?" kaswal niyang tanong.
He didn't answer but his jaw is clenching. May pagbabanta sa tingin niya. Nilingon niya ako at sandaling tinitigan.
"Let's get out of here," utos niya bago ako hilain palabas doon. I can sense his anger through the way he tightly hold my wrist. Nang makalayo roon ay binitawan niya ako.
Humarap siya sa 'kin at humalukipkip. "What are you doing there? Bakit mo siya kasama?"
"Inutusan niya ako," maikli kong sabi, iniisip pa rin ang sinabi ni Clydawn kanina.
Siguro naman ay hindi siya seryoso doon, hindi ba? Baka pinagt-tripan niya lamang ako. Who's in their right mind to ask someone who they don't really know that much that you'll hit on them?
Naningkit ang mata niya. "That's it? Why is he holding your chin? Bakit ganoon ang posisyon niyo?" sunud-sunod niyang tanong. "Ginugulo ka ba?"
Sasabihin ko ba? Sa palagay ko naman ay nagbibiro lang siya.
"Wala naman. Medyo pinagtripan lang ako," ginatungan ko iyon ng tawa. I don't want to take it seriously. "Tara na. Gusto ko ng umuwi, nagugutom ako," aya ko sa kaniya at nagsimulang maglakad.
Kaya lang ay napabalik ako sa puwesto ko ng hilain niya ako. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Napakamot ako sa ulo ko ng matantong alam niyang umiiwas ako sa tanong niya. Paniguradong hindi ako titigilan nito hangga't hindi nakukuha ang gusto.
"He asked me to help him bring his things in the faculty. Then when we got there, he suddenly ask if he can hit on me," nakangiwi kong kwento. "I'm not sure if he's serious about that or he's just messing with me. Feeling ko naman ay nagt-trip lang siya. Ano sa palagay mo?"
He didn't answer. He just stood there while clenching his hands. He's probably thinking.
Kinikilabutan ako takte.
"Medyo napagtaasan ko siya ng boses kanina kaya baka gumaganti lang?" Hindi siguradong dugtong ko. "hayaan na natin."
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. May kung ano sa mata niya na hindi ko maipaliwanag. Nakatingin siya sa malayo, waring nag-iisip.
"Huwag ka nang lalapit ulit sa kaniya," pinal na utos niya.
"Wala rin naman akong balak na lumapit pa. But if he ask me as a teacher, I don't think I can refuse. Nagka-warning na ako kanina."
I don't really want to make it a big deal. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. This time, sumunod na siya.
"Is he also not straight?" tanong ko kapagkuwan.
"It doesn't matter, just avoid him. Kabilang siya sa mga kailangan mong iwasan," sabi niya, hindi direktang sinagot ang tanong ko.
"Hindi nga straight?" umawang ang bibig ko. Inis niya akong binalingan. Mas lalo ko lang napagtanto na tama ang sinabi ko.
"Huwag mo ng itanong. Iwasan mo nalang," inis na sabi niya.
"Paano ko iiwasan kung professor ko iyon? Siraulo." Inis na rin na sabi ko.
"Bakit? Kailangan mo ba siyang pansinin tuwing magkikita kayo? Kailangan mo bang batiin at ngitian?"
"Hindi ba?" Balik na tanong ko sa kaniya.
He laugh without humor in it. "Stop acting like you're a responsible student. Hindi mo nga sinusunod ang mga guro mo roon sa dati mong school, what's the difference here?"
"Magkaiba iyon," pinaglakihan ko siya ng mata. "That's the reason why i got kicked out of school. Kaya ngayon, iniiwasan kong gawin ulit iyon dahil ayokong mapatalsik na naman. Ayokong magka-record dito lalo na't bago lang ako. Baka ipa-home school ako ni mama kapag pati rito, ma-kick out ako," sabi ko. "At teka nga, hindi porke hindi ko sila sinusunod, hindi ko na sila nirerespeto ah! Siraulo ako pero marunong akong rumespeto, tandaan mo iyan!" Bwisit na sabi ko. Medyo na offend ako sa sinabi niya kanina.
"Ano namang kinalaman ng pagkaka-kick out mo sa pag iwas sa professor na iyon?" Naiirita ng tanong niya, hindi pinansin ang huling sinabi ko.
"Malay mo diyan mapunta iyong pag-iwas ko," pagkikibit balikat ko. "Tsaka hayaan na natin. Wala lang iyon," I said, trying to convince myself.
Hindi siya kumibo. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. May nakikita pa akong ilang estudyante na nagtatambay sa kung saan-saan.
"Paano kung... seryoso siya sa sinabi niya?" Napatingin ako kay Grant sa tanong niya. "Paano kung totoo iyon? Anong gagawin mo?"
Napaisip ako ng malalim. Hindi talaga ako komportableng may nagkakagusto sa 'king lalaki. It isn't normal for me. But I think I need to get used to it, huh? Lalo na't maganda ang lahi ko.
"Wala. Kailangan ba may gawin ako?" Ngiwing tanong ko. "Hahayaan ko nalang siguro."
Tumango siya sa sinabi ko kahit halatang may iba siyang iniisip.
"Ikaw ba? Anong gagawin mo kapag nalaman mong may nagkakagusto sa 'yong lalaki?" Kuryosong tanong ko.
Sandali siyang nag isip. "I dont know. Wala pa naman akong nababalitaang may gusto sa 'kin."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Seryoso?"
Tumango siya. Nakatingin pa rin ako sa kaniya, tinitignan kung nagsasabi siya ng totoo. Sa huli ay naniwala rin. I think I know the reason why. Natatakot siguro o kaya naman ay nai-intimidate sa kaniya kaya hindi nila nagagawang umamin, gaya na lang ni Kent.
"Pero may pag-asa bang magkagusto ka sa lalaki?"
Iniwas niya ang tingin niya sa 'kin "I... I'm not sure."
Tumango ako. Kahit ako naman, hindi rin sigurado. Hindi ko magawang sabihin na hindi talaga. Mahirap ng magsalita ng patapos.
"But if it's you..." napatingin ako sa kaniya. "I mean... Ikaw? You'll eventually turn them down, right?" Mabilis na dugtong niya.
I sighed. "Honestly, I also don't know. Ayokong magpaka-siguro. Malay natin," pagkikibit balikat ko.
"There's a chance?"
"I'm not sure. I'm just playing safe."
Baka mamaya kainin ko lahat ng sinabi ko. Yung 'crush' siguro, posible pa. According to Kent, it is normal.
"Do you have plan for today?" Tanong niya ng mamayani ang katahimikan.
"Gusto ko sanang maglaro ng basketball mamaya. Bakit?"
"I'm planning to buy some groceries. Nauubos na ang stock ko sa bahay."
Napailing ako. "Mag-girlfriend ka na kasi para may gumagawa niyan para sayo."
"Why would I if I can do it on my own?" Sabi niya, ayaw i-consider ang sinabi ko.
"Tatanda ka talagang binata sa ginagawa mo," pangangaral ko.
"Can you help me?" Tanong niya, hindi pinansin ang sinabi ko.
I sighed. "Sige. Basta maglalaro tayo pagkatapos."
Sumang-ayon siya sa sinabi ko. Umuwi ako sa bahay para makapagpalit ng damit. Naghalf-bath na rin ako dahil medyo malagkit na ang katawan. Huli na ng maalala kong magba-basketball pala kami kaya wala ring kwenta. Mabilisan ang kilos ko lalo na nang nagtext si Grant na papunta na raw siya sa 'min. Pagkababa ko ay saktong pagpasok niya sa front door namin.
"Tara na," aya ko habang inaayos pa ang buhok.
Sumabay siya sa 'kin palabas ng bahay. Nilakad lang namin ang distansya papunta sa grocery story, malapit lang din naman iyon mula sa amin.
Hinayaan ko siyang bumili ng mga pagkain habang ako ay pumunta sa mga inumin. Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ko ng mag-vibrate iyon. I received a text of a girl from my previous school, nag-aayang gumala. Since bored na rin ako ay sumang-ayon ako.
"Hey, do you want to eat something?" si Grant.
"Delight at Cheezy, pre," sagot ko habang nagrereply sa phone.
Gusto kong magpakawala ng stress. Going out with a girl is one of my favorite stress reliever. Kayang kaya nilang alisin ang pagod ko. I smirk with that thought.
"Do we have class this coming Saturday?" Tanong ko kay Grant.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ng hindi siya sumagot. I saw him looking at my phone. Nang makitang nakatingin ako ay nagpatuloy siya sa pagkuha ng chichirya.
"Wala."
Ngumisi ako. Sinabi ko sa katedt ko na pwede kami ng sabado.
"May lakad ka?" Tanong ni Grant.
Ngumisi ako. "Date."
Matagal bago siya sumagot. Pinagkibit baliat ko iyon at nagpatuloy sa pagre-reply.
"Again?" narinig kong bulong niya.
Natawa ako. "I didn't go out since the class started. I want to unwind," biro ko sa kaniya.
He didn't respond, but I heard him heaved a sigh.
"Syd, Will you please put it down and stop fantasizing that magazine? Para kang asong ulol diyan," rinig kong sabi ng isang familiar na boses mula sa hindi malayong parte ng store. Nasundan iyon ng tawanan ng mga kasama niya.
Dinungaw ko ang kabilang banda, kung saan ko narinig si Sian. Nakita ko siyang kasama ang tatlong lalaki. He's with Kent and Gian. Hindi ko kilala ang isa nilang kasama. Nakatayo sila sa may gilid, katabi ng mga magazines, nagbibiruan at nagtatawanan. Si Kent ang unang nakakita sa 'kin.
"Uy, Bryll!" Bati niya.
Napatingin sa 'kin ang iba. Tinanguan ko siya at lumapit. "Namimili kayo?"
Suot-suot pa nila ang mga uniform nila. Mukhang ka-schoolmate pa namin ang kasama nila dahil parehas lang ang uniform.
"Hindi. Napadaan lang kami. Itong si Syd kasi, naakit sa mga magazine," tumatawang sabi ni Kent.
Napatingin ako sa kasama nila bago nasulyapan ang mga magazines. Sumipol ako ng makitang FHM iyon. Umiling si Sian sa inasta ko, mas busangot na ang mukha niya ngayon.
"Mga adik," panlalait niya na tinawanan lang namin.
"Itong si Sian. Akala mo kung sinong inosente. Kapag nasa bahay naman, diretso sa kwarto niya para lang manood," makahulugang sabi ni Syd.
"Magkapatid kayo?" Manghang tanong ko. Huli na ng mapansin ang pagkakahawig nila.
Tinignan ako no'ng Syd. "Yup, I'm his older brother. Syd," naglahad siya ng kamay na agad ko namang tinanggap.
"Same school tayo pero ngayon pa lang kita nakita," amin ko.
"Senior citizen iyan, Bryll. Hindi parehas ang schedule natin sa ibang year," sagot ni Sian. Napadaing siya ng sakalin siya ng kapatid.
"Bakit ka nga pala nandito? Sinong kasama mo?" Tanong ni Kent.
"Si Grant, nagpapatulong lang mag-grocery. Iniwan ko lang saglit para bumili ng drinks," sagot ko.
"Oh? Grant Cabrion?" Si Syd.
Tinanguan ko siya. "May pupuntahan ba kayo pagkatapos niyo dito?" Tanong ko.
"Gusto nga naming gumala kaso hindi namin alam kung saan pupunta," sagot ni Gian.
"Magba-basketball kami pagkatapos dito. Gusto niyong sumama?" masayang sabi ko.
"Sige ba!" sang-ayon nila.
Kumuha ako ng ilang energy drink bago sila isinama papunta sa kinaroroonan ni Grant.
"Grant," kuha ko sa atensiyon niya.
Matamlay siyang bumaling sa 'kin. Dumapo din sa likod ang tingin niya, kung nasaan ang tatlo.
"Yow," bati ni Syd, itinaas pa ang isang kamay.
Kunot-noo siyang tinignan ni Grant. "What are you doing here?"
Oh? Magkakilala sila?
"Inaya ko silang sumama sa 'tin para maglaro," paliwanag ko.
Tinanguan niya ako at kinuha ang mga hawak ko. Isinama niya iyon sa cart niya. Agad kong inabot ang bayad pero hindi niya ako pinansin.
"Ako na."
Nginisian ko siya. "Salamat, pre. Sagot ko sa susunod."
Nilingon ko sila Sian ng umalis si Grant para magbayad sa counter. Sinusundan nila ng tingin si Grant habang kuryoso akong pinagmamasdan ni Syd.
"Ituturo ko ang court sa inyo mamaya para maka-diretso na kayo. Kailangan pa kasi naming iuwi 'yong mga pinamili niya. Ayos lang ba? ... o gusto niyong sumama?" Nalilitong tanong ko. Bastos nga naman kung hahayaan namin silang mauna roon.
"Huwag na! Hintayin na lang namin kayo sa court," sagot ni Kent.
Iyon nga ang ginawa namin. Dinaanan muna namin ang court para iwan sila roon bago kami nagtungo sa bahay. Pwede na rin naman silang mag-umpisang maglaro dahil may mga bola na roon.
"You're close with Sian's brother?" Tanong ko kay Grant habang inaayos niya ang mga pagkain sa mga cabinet.
"Yeah. He's the Vice President."
"Really?"
Tumango siya at nagpatuloy sa pag aayos.
"Bakit walang sinasabi si Sian?" Bulong ko.
Wala siyang nabanggit na kapatid niya ang Vice President. Kahit noong nalaman niyang malapit ako kay Grant, na siyang President.
"May usapan ba kayong kailangan niyang sabihin ang lahat sayo?"
Ngumiwi ako. "Tubol. Hindi naman sa ganoon. Nagtataka lang ako kung bakit wala siyang nababanggit tungkol sa kapatid niya."
"Kaya nga. Kailangan ba niyang sabihin?"
Napatampal ako sa noo ko.
"Ewan ko sayo," suko ko.
Grant and his never ending useless questions again.
"Or maybe... you find his brother interesting?" seryoso siya doon pero sigurk ay nagbibiro?
Sinamaan ko siya ng tingin. Nang hindi makapagpigil ay nasuntok ko siya ng isang beses sa braso.
"Shit," daing niya at hinaplos ang parteng sinuntok ko.
"Manahimik ka na lang diyan. Ipagpatuloy mo na iyang ginagawa mo, hindi yung kung anu-ano ang sinasabi mo. Nawawala pagka-lalaki ko sayo," busangot na sabi ko.
Ramdam ko ang sama ng tingin niya pero hindi ko na iyon pinansin. Padabog niyang tinapos ang ginagawa niya. Ng maayos na ang lahat ay nag-aya na ako papuntang court.
Nadatnan namin ang apat na nagbabatuhan ng bola. Sinimulan na namin ang laro. We divided ourselves into two groups. Kasangga ko si Grant at Kent, they're both good at playing, lalo na siyempre ako.
Angat kami ng anim na puntos ng mapagpasyahang itigil muna sandali para magpahinga. Dumiretso ako sa bench kung saan nakalagay ang mga dalawa naming inumin. Nagbukas ako ng isang bote ng energy drink at uminom. Natanaw ko si Grant na iritadong naglalakad palapit sa kinalalagyan ko, nakasunod sa kaniya si Syd na halatang siyang dahilan ng pagkainis niya.
I continue watching them while closing the bottle. Hindi ko nga lang tuluyang nasara dahil kinuha iyon ni Grant at uminom din.
Napakamot ako sa ulo at tinignan ang ilan pang inumin na hindi pa nababawasan.
"Come on, Pres. Just tell me. Siya ba iyon? I'm sure I can do something to help," natatawang tanong ni Syd.
"You don't need to do anything. Stay out of it," iritang sabi niya.
"Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa 'tong galit. Para mas mapabilis ang pag-usad mo!"
Kuryoso ko silang tinignan. Papalit-palit ang tingin ko sa kanila. Nginisian ako ni Syd ng mapansin iyon.
"Ano ba iyang pinag-aawayan niyong dalawa?" Tanong ko.
"Iyong gusto ni Grant."
Laglag ang panga kong nilingon si Grant.
"Akala ko ba... wala kang gusto?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Pinukulan niya ng masamang tingin si Syd. "Tss. Don't mind him. Gumagawa lang siya ng kwento."
"Kailan pa ako naging writer?" Tumawa siya. "Anyway, no need to hide it from me. Sigurado ako sa naiisip ko, gusto ko lang na manggaling mismo sayo."
"Hindi ka ba talaga titigil?" Naiiritang tanong ni Grant na tinawanan ni Syd.
"Whatever, bro. Don't worry, I'll help you in any possible way," malokong sabi niya bago kami iniwan.
Nilingon ko si Grant. "Sino ba iyong pinag uusapan niyo?" Kuryosong tanong ko.
He likes someone? Akala ko ba wala siyang natitipuhang babae?
"Wala lang iyon. Huwag mo ng pansinin, nagbibiro lang siya," tamad niyang sabi.
°°°

Bình Luận Sách (112)

  • avatar
    Lago quitoKurt

    it's so cool

    25d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    thank you na binigay motong app nato

    25d

      0
  • avatar
    Ade Lin

    i have fun reading

    12/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất