logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

IT'S NOW OR NEVER

BELLE’S POV
“MARRY ME.”
Ano raw? Teka, medyo nabingi ‘ata ako. Pakiulit nga!
“Ano nga ulit ‘yong sinabi mo?”
“You heard me, right? So there’s nothing to repeat.”
Aba, loko ‘to, ah!
“Mister, ako ba’y pinaglololoko mo, ha?”
“Nah, why would I? And, tsss! Let’s talk somewhere.”
Sabi n’ya sabay tingin sa mga tao sa paligid, lahat kasi ay nakatingin sa amin, nakikiusyoso.
Saka ano raw? Talk somewhere? Baka kung saan ako dalhin nito at gahasain pa ako. Hoo my gazzzz! Sige, go! Este, NO! O baka naman isa siyang sindikato at nalaman nila na isa akong anak mayaman na may-ari ng isang malaking lupain at gusto nila akong ipa-kidnap for ransom?
Diyos ko! Huwag po!
Pero parang malabo, eh! Siya kaya ang Top 1 sa most wealthy man in whole Asia. Saka ang guwapo n’ya para maging sindikato.
Nagulat ako nang bigla n’yang kuhanin ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Oh my! Ito na ba ‘yon? Katapusan ko na ba talaga?
“Stop thinking about anything, woman. I’m not going to hurt you,” sabi n’ya.
Nabasa n’ya ba ang iniisip ko? Mind reader ba siya?
“Tss. I’m not a mind reader.”
Oh my gosh! Mind reader nga!
“I said, I’m not. Your face speaks louder than your voice.”
“Ano bang kailangan mo sa akin, ha, Mister?”
“Sinabi ko na kanina, ‘di ba? Hindi ka naman siguro bingi, ayoko ng paulit-ulit.”
“Eh, bakit ba? Hindi ko maintindihan, eh! Ang ibig kong sabihin… ikaw? Ako? Ikakasal? Ni hindi nga natin kilala ang isa’t isa. Kaloka ‘to !”
“Psshh. It’s just a fake marriage, and don’t worry I’ll pay you for it.”
“Ano’ng tingin mo sa akin, mukhang pera na basta-basta mong mapapapayag sa mga ganiyan? Ayoko nga! At saka bakit ako? Ang dami- dami riyan sa paligid, eh, bakit ako?”
Tumahimik siya, parang nag-iisip. Hanggang sa muntikan ko na siyang masuntok dahil sa sagot n’ya. Mabuti na lang nasasayangan ako sa kaguwapuhan n’ya.
“I don’t know.”
Loko talaga ‘tong kapreng ‘to, mukhang nanti-trip lang yata ‘to, eh.
“Ano na? I need your answer now. Yes or yes?”
Nakakaloka ‘to! Masyado akong nabibilisan sa mga pangyayari. Baka naman pinaglololoko lang talaga ako ng lalaking ‘to? Haler! No’ng isang araw lang kami nagkakilala at hindi pa maganda ang nangyari. Tapos ngayon aalukin n’ya ako sa isang fake marriage? Nababaliw na ba siya?
“Ayoko.”
“Why?”
“Hindi kita kilala.”
“I’m Tyrone Knight Fournier, 25 years old, the businessman. Now you know me, say yes.”
“Ayoko pa rin.”
“And why again?”
“Hindi ako handa. Saka alam ko na kapag pumasok ako sa mga ganiyang bagay, gulo lang ang pupuntahan ko.”
“I’ll take care of you.”
Ayieeeh ! O, sige na, Belle, go ko na! He will take care of you raw, eh. Yes ka na, girl, huwag ng magpakipot. Alam kong gusto mo rin yan.‘ Sshhh! Tahimik! Tumahimik ka riyan!
“Ayoko pa rin.”
“Pssh, why again? You don’t have to worry about things because I will take care of everything and…”
Pinutol ko na ang sasabihin n’ya. “‘Yan kasi.”
Kumuha ako ng tissue sa bag ko at nilagay ko sa aking dalawang tenga. Kumunot ang noo n’ya.
“What are you doing?”
“Dumudugo na kasi ‘yong tenga ko sa kai-English mo. Kaloka ‘to.”
He rolled his eyes. “What should I do for you to say yes?”
“Wala!” mabilis kong sabi.
“Okay, then let’s go,” sabi n’ya tapos pinaandar ang kaniyang sasakyan.
“Hoy, teka! Sandali! Hindi pa nga ako pumapayag, eh! Kidnapping ‘tong ginagawa mo !” Pero parang hindi n’ya ako narinig. “Teka! Ibalik mo ‘ko ro’n. Ililigpit ko pa ‘yong mga paninda ko! Ay, mali! Wala pa akong sinabing oo!”
Ngumiti siya. Jusko! Ang guwapo! Kung ganito ba naman ang makakasama ko lagi, ay, sige, go na! Huwag mo ng ihinto ang sasakyan, utang na loob!
“You just said yes,” nakangiti pa ring sabi n’ya.
“Huh? Hindi, ah, wala akong sinabing oo!”
“And you said it again.”
Patuloy lang siya sa pagmamaneho. Nakalabas na kami ng palengke ngayon at nandito na kami sa isang mahabang highway.
“Hindi ko um-oo.”
“You said it for the 3rd time.”
Huh? Ang gulong kausap ng lalaking ‘to, may sayad nga ‘ata talaga ‘to, eh.
Naku, jusko ! Paano na ‘yong mga paninda ko? Ano ka ba, Belle, ano bang inaalala mo riyan? Naka-jackpot ka, oh. Isang napaka guwapong nilalang ‘yang kasama mo ngayon, kaya chill ka na riyan. I-enjoy mo na lang ang nangyayari, minsan lang mangyayari sa yo ‘ ‘yan.
Wala na akong nagawa, napabuntong-hininga na lang ako. Siguradong gulo ang aabutin ko nito. ‘Yon pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat pero heto ako ngayon, papasok sa isang gulo.
ooOoo
HABANG nasa biyahe kami ay tanong ako nang tanong, hindi ko siya tinigilan, at ang tanging mga sagot lang naman n’ya ay yes at no. O, ‘di ba, ang ganda ng sagot?
Lumipas pa ang ilang sandali nang makita kong pumasok kami sa isang subdivision, lahat ng bahay na nadaanan namin ay malalaki at magaganda, halatang mayayaman ang nakatira. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mamangha. Grabe, magkano kaya ang nagastos nila sa pagpapagawa no’n? Ang sarap sigurong tumira sa ganiyan kagagandang bahay, ‘yong de-aircon, kumpleto sa gamit, may malambot na higaan, mabango ang amoy ng paligid, hindi kagaya ro’n sa tinitirhan ko. Tsk. Ang malas kong tao.
Ilang sandali pa’y pumasok ulit kami sa isang gate. Mukhang ito na yata ang bahay n’ya.
“We’re here.”
Lumingon ako sa kaniya. “Talaga? Bahay mo ‘to?”
“Yeah.”
Pagkababa namin ay may sumalubong sa amin na isang lalaking medyo may ka-edaran na rin, mga 30 plus siguro. Yumuko ito sa harap n’ya at sinabing, “Sir, everything is ready. Siya na lang ho ang kulang.” Saka tumingin sa akin ang lalaki.
“Good. Kayo na ang bahala sa kaniya.”
“Yes, Sir.”
Pagkasabi n’ya no’n ay pumasok na siya sa loob. Naalarma ako syempre.
“Hoy, teka, sandali! Huwag mo ‘kong…” Akmang hahabulin ko siya pero pinigilan ako ng lalaking kausap n’ya kanina.
“Ma’am, don’t worry, your in good hands. I’ll escort you to your room,naghihintay ho ang mag-aayos sa inyo ro’n.”
“Ano bang gagawin ko, Manong?”
Ngumiti ito sa akin saka inudyokan n’ya akong sumunod sa kaniya.
Pumasok kami sa loob ng bahay, ikinamangha ko ng sobra nang makita ko kung gaano kalaki, kaganda, at kaayos ang loob. Edi siya na ang mayaman. Umakyat kami sa isang hagdanan at pumasok sa isang kwarto.
Sa loob ng kwarto ay may tatlong babaeng nakaupo.
“Kayo na ang bahala sa kaniya,” sabi ng lalaking kasama ko.
Bigla tuloy akong napakapit sa kaniya. Baka kasi kung anong gawin nila sa akin. O, Diyos ko, baka ito ‘yong kagaya sa mga napapanood ko sa TV na tino-torture, kinukuha ‘yong laman loob para ibenta, tapos ‘yong katawan hinahagis na lang sa kung saan-saan. Oh my gazzz! Katapusan ko na ba talaga?
Tinapik ako ni Manong. “Ano ho ang pangalan n’yo, Ma’am?”
“Arabella po, Arabella Primrose Salvatore. Ano ho bang gagawin sa akin dito, Manong?”
“Huwag kang mag-alala, walang mangyayaring masama sa ‘yo rito.
Aayusan ka lang nila para mamaya.”
Aayusan? Para mamaya? Anong meron mamaya?
“Sige, maiwan ho muna kita.” Pagkasabi no’n ay lumabas na siya ng kwarto.

Bình Luận Sách (167)

  • avatar
    MagalonaHoneylyn

    ok nmn

    3d

      0
  • avatar
    Cjay Capecenio

    hhvvhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

    5d

      0
  • avatar
    CorpuzMarie Charles

    okkkk

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất