logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

MARRY ME

BRIDGET’S POV
“BAKIT siya nawala sa paningin n’yo?” singhal ko sa mga tauhan kong mga inutil.
“‘Yan na nga lang ang pinagagawa ko sa inyo pero hindi n’yo pa magawa ng maayos.”
“Pasensya na po, Ma’am, Bigla na lang po kasi siyang lumiko—”
“I don’t need your damn explanations! Lumayas na kayo sa harapan ko ngayon! Get out!”
I am raging with anger. You can’t get away with me, Tyrone. You will be mine. Mine and mine only.
BELLE’S POV
MULA sa hospital, dumiretso na agad ako ng palengke para tingnan ‘yong mga nawasak kong mga paninda. Hindi naman talaga aabot sa halagang limang libo ang na-damage ng lalaking ‘yon, eh. Pero pinabaunan ako ng 50 thousand pesos! Grabe!
“Belle, kumusta ka na? Mabuti naman at nakalabas ka na ng hospital.
Alam mo alalang-alala kaming lahat sa ‘yo. Gusto sana naming dumalaw ro’n sa hospital kaso hindi naman namin alam kung saang hospital ka
dinala ng guwapong lalaking bumuhat sa ‘yo,” say ni Aling Jocy, kasama kong nagtitinda rito sa palengke.
“Okay lang po, Aling Jocy. Hindi naman po grabe ang nangyari sa akin. Tingnan n’yo pinalabas na agad ako ng doktor.”
“Mabuti naman kung gano’n. Siya nga pala, heto ang bag mo. Nand’yan lahat ng gamit mo, tinago ko talaga no’ng maaksidente ka.”
“Maraming salamat po, Aling Jocy!”
“Walang anuman. O siya, maiwan muna kita, aasikasuhin ko lang ‘tong costumer ko.”
“Sige po.” Tapos bumalik na siya sa pwesto n’ya.
Tiningnan ko ang laman ng bag ko. Nandito lahat ng gamit ko pati na rin ‘yong perang kinita ko kahapon. At saka ang magazine ni Aling Martha na naiwan.
Teka! Bigla akong natigilan sa naisip ko. Kinuha ko ‘yong magazine mula sa loob ng bag tapos binuklat ko ang ilang pahina ro’n. Laking gulat ko sa nakita ko. OMG!! Siya ‘to! Hindi ako puwedeng magkamali! Ang lalaking nakabunggo sa akin ay si Tyrone Knight Fournier! HALA! Tadhana ba ‘to? Char !
Mas guwapo siya sa personal. Matangos ‘yong ilong. May kaputian. ‘Yong katawan n’ya halatang banat sa gym. ‘Yong mga mata n’ya na may pagka-bughaw, na parang ginugulo ang mundo ko kapag tinitingnan n’ya ako ng diretso sa mga mata.
Paano kaya kapag naging asawa ko siya? Charooot! Asa ka pa, Belle!
Negative 1% ang porsyento na magkakagusto ang kagaya n’ya sa yo!‘
Tinitigan ko muna saglit ‘yong picture saka napabuntong-hininga.
ooOoo
HETO NA ako ngayon sa bahay. Kauuwi ko lang. Ang haba ng araw ko.
Inusisa ako ng mga tao sa palengke tungkol do’n sa pagkakasagasa sa akin kahapon. Grabe! mga chismosa’t chismoso talaga!
Kumain na ako sa labas kaya matutulog na ako. Nakakapagod! Pahiga na ako sa kama nang marinig kong may kumakalabog sa pinto ng bahay ko.
“Hoy, Belle! Lumabas ka riyan! Alam kong nariyan ka! Harapin mo ‘ko rito!” Naku! Lagot! Alam ko na kung sino ‘to.
Tumayo ako at pinagbuksan ang aking panauhin. Hindi siya nag-iisa, may mga kasama siya.
“H-He-llo po, Aling Lucy. M-Magandang gabi p—”
“Walang maganda sa gabi ko ngayon!”
Napalunok ako kasi malalagot na naman ako ngayon. Alam ko na kasi kung ano ang pakay n’ya.
“Hay naku, Belle! Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Nasaan na? Nasaan na ang perang ipinangako mo sa akin?”
“Ah… Eh… W-Wala pa p—”
“Wala na naman? Ilang beses na kitang pinagbigyan hanggang ngayon wala pa rin?! Aba’y hindi na puwede ‘to!”
“Teka lang naman, Aling Lucy. Huwag naman po kayong ganiyan. Alam n’yo naman po na ang hirap kumita ng per—”
“Wala na akong pakialam d’yan! Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon wala ka pa ring naibabayad sa akin kahit piso! Ang mabuti pa’y magbalot-balot ka na! Kukuhanin ko na ‘tong lupa at bulok mong bahay!”
“T-Teka lang po. Magbabayad naman po ako, eh. Masyado lang ho talaga akong nagigipit ngayon.”
Naalarma ako nang pumasok sa loob ng bahay ko ang mga tauhan ni Aling Lucy.
“Teka, teka ! Wait, wait ! Sandali lang naman.” Naalala ko ‘yong perang ibinigay sa akin ng attorney.
Dali-dali kong kinuha ‘yon at iniabot kay Aling Lucy.
“Aling Lucy, ito ho, oh!” sabay abot ng pera. Binilang n’ya ‘yon.
“Kulang ‘to, ah?”
“‘Yan lang po kasi ang pera ko ngayon, eh. Bigyan n’yo po ako ng tatlong buwan at babayaran ko po ang kulang.”
“Anong tatlong buwan? Isang buwan lang! Kapag hindi ka nakabayad sa isang buwan, umpisahan mo ng magbalot!” sabi n’ya tapos umalis na.
HA? Isang buwan? 100 thousands sa isang buwan?
Bagsak ang balikat ko habang isinasara ang pinto ng bahay.
Si Aling Lucy ang sandalan nila Inay at Itay sa pera noon. Sa tuwing nagkakaproblema sila sa pera ay kay Aling Lucy sila nangungutang.
Hanggang sa isangla nila Itay at Inay itong lupa namin kay Aling Lucy sa halagang 75 thousands. Hindi naman kalakihan ‘tong lupa, eh. No’ng namatay ang mga magulang ko dahil sa aksidente, nalipat sa akin ang obligasyon na bayaran ang utang nila. Pinagbigyan lang ako ni Aling Lucy noon kasi bata pa raw ako. Kaya pinatira n’ya ako sa bahay namin na hindi siya naniningil.
Sabi ni Aling Lucy sa akin noon, pagdating ko raw ng 18 years old ay uumpisahan n’ya ng maningil sa utang ng mga magulang ko. Pero hindi ako pinalad na makakita agad ng pera. Habang patagal kasi nang patagal mas lalong lumalaki ‘yong mga interest na pinapatong ni Aling Lucy. Sa ngayon, nasa halagang 150 thousands ang babayaran ko. Saan ako kukuha ng gano’n kalaking pera?
Kaya heto ako ngayon, panay tago kapag nand’yan si Aling Lucy. Tsk!
Ang hirap ng buhay ko, ‘di ba? Ayoko rin naman kasing mawala ‘tong lupa at bahay namin kasi nandito lahat ng alaala ko kina Inay at Itay.
Ano nang gagawin ko ngayon?
‘Nay, ‘Tay, tulungan n’yo naman po ako. Hindi ko na po talaga kaya.
nakakapagod na.
ooOoo
KINABUKASAN
Papunta na ako ng palengke para magtinda ulit ng mga bulaklak, mahabang araw na naman ho ito. Habang nag-aayos ay may bumusinang sasakyan. Alam kong malapit lang ‘yon sa tindahan ko dahil dinig na dingi ko ‘yon pero hindi ko pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng paninda ko.
Muling bumusina ang sasakyan. Ano ba naman ‘yan? Ang ingay ng kotseng ‘to, ah. ‘Di ba n’ya alam na masakit sa tenga ‘yong busina ng sasakyan n’ya?
“Hoy, Manong! May problema ba kayo riyan? Pinagmamayabang mo ba ‘yang kotse mo kaya ka busina nang busina?” singhal ko.
Lumabas ang isang lalaking naka-shades, nakasuot ng fitted black 3/4 V neck shirt na pinarisan ng maong na pantalon, hindi naman masyadong maluwag at hindi rin masyadong skinny. Tama lang para sa kaniya. At sa tingin ko’y mamahalin ang sapatos na nababagay sa porma n’ya.
Pero teka… Ito ‘yong… antipatikong guwapong kapreng lalaki na nakasagasa sa akin no’ng isang araw, ah? Ano’ng ginagawa n’ya rito?
Pero teka ulit… Ba’t parang mas gumuwapo siya ngayon? Grabe, halatang banat na banat sa gym ang katawan n’ya! Napapalunok tuloy ako.
Nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin. Teka, sa akin?!
Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalakad siya. Heto na siya at huminto sa harapan ko. ‘Langya! Kapre ba ‘to? Ang tangkad, eh! Hanggang dibdib n’ya lang kasi ako. Tsk!
Nakatitig lang siya sa akin. Wala naman akong masabi. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Nangangarera yata ang puso ko. Alam ko na kahit hindi ako lumingon, lahat ng mga tao sa paligid ay nakatingin sa amin.
Ilang sandali pa ay nagsalita siya. “Hey, woman, stop drooling.” Ano raw? Naglalaway? Sino? Ako?
“Hoy, Manong, hindi kaya!” singhal ko sa kaniya sabay iwas ng tingin.
Hindi ako makatagal sa titig n’ya, eh.
“‘Di ba ikaw ‘yong nakasagasa sa akin no’ng isang araw? Ano bang ginagawa mo rito? Nandito ka ba para humingi ng sorry ulit kasi nagi- guilty ka?” O kaya naman ay kukuhanin mo ‘ko para maging alipin mo habambuhay? Payag ako ro’n! Charooot!
Tumahimik ka nga riyan, Belle! Huwag kang malandi!
“Psh. Yeah, sorry again. But besides that, I’m here for another thing,” sabi n’ya.
“Bakit? Ano pa bang kailangan mo?”
Bumuntong-hininga siya. Wait, bakit parang ang bango ng hangin na inilabas ng bibig n’ya? Pero nawala sa isip ko ang tungkol sa mabangong hangin nang marinig ko ang sinabi n’ya.
“Marry me.”

Bình Luận Sách (167)

  • avatar
    MagalonaHoneylyn

    ok nmn

    3d

      0
  • avatar
    Cjay Capecenio

    hhvvhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

    5d

      0
  • avatar
    CorpuzMarie Charles

    okkkk

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất