logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

It's Never Goodbye

It's Never Goodbye

yellowsunshine


Chapter 1

Jaymee’s Point of View
“Bye Engineer!”
Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko sa trabaho. Time check, 5:30 in the afternoon. Finally, tapos na ang trabaho ko for today. And guess what day is today? It’s Friday. Definitely, my favorite day of the week dahil bukas ay sabado at kapag weekends ay walang trabaho.
But before I went out of the building kung saan ako nagta-trabaho, I changed into something comfy to wear. My boyfriend asked me last night kung gusto ko daw bang mag join sa weekend party nila, and I said yes. We’ve been keeping our relationship lowkey for six months, and we both thought na maybe he can introduce me na to his friends. He told me that they are the best, and they are good. Hindi bastos, at mapagkakatiwalaan. Well, I really hope that they are. But honestly, hearing from my boyfriend that they are, sa palagay ko ay hindi naman siya nagsisinungaling.
Ang sabi niya, it is a weekly thing na magkaroon sila ng weekend party sa villa ng isa sa mga barkada niya dahil pare pareho silang walang trabaho ng weekends, parang ako. Hindi naman daw as in party sabi Hyze, just a simple bonding, tapos may kwentuhan kung anong nangyari for the past weekdays. They also share their rants daw pag nagkaka sama-sama silang lahat. Like, kung may mga reklamo sila sa buhay na hindi nila masabi sa iba.
Hindi naman daw yung party na kailangan lasing ang lahat at the end of the night. Ayun kasi ang unang bagay na tinanong ko sa kaniya, kung lasinggero ba ang mga kaibigan niya. He just laughed when I asked that and he said “No babe, matino sila.” In-emphasize pa niya na confident siya sa ugali ng mga kaibigan niya at may respeto at galang sila sa mga babae.
What a bond, right? I have a friend naman, but I’m telling you all, masyado siyang busy at walang time sa ibang bagay. She works in medical field, and yes, hindi ako sure kung nakaka uwi pa ba iyon sa bahay nila, o malapit na niyang gawing bahay ang ospital. For short, she’s busy. Bilang na bilang ko kung ilang beses kaming nagkakasama sa isang taon.
To be honest medyo kinakabahan lang ako ng konti, hindi naman sa worried ako pero medyo ganun. Judgmental kaya yung mga kaibigan niya? Wala na siguro akong pakialam doon kung ganoon man sila, as long as Hyze loves me and i love him, I should not worry about anything else. After all, hindi naman yung mga kaibigan niya ang mga pakikisamahan ko.
After I changed my clothes into something na comfortable isuot ay lumabas na ako ng building. I waited outside since ang sabi ni Hyze ay susunduin daw niya ako. Ang sabi ko ay ibigay na lang sa akin yung address at ako na lang ang pupunta mag isa, but he insisted. At ayaw niyang magpa-awat.
Approximately ten seconds after I went out nang biglang tumunog ang phone ko because of notification.
Hyze: Malapit na ako babe, naka labas ka na ba?
Right after kong mabasa ang message niya ay kaagad naman akong nag reply.
:Yes babe, naka labas na ako ng building. Take your time sa pag d-drive, huwag kang mag madali. Take care, I love you.
At hindi ko pa man naibubulsa ang cellphone ko ay naka reply na kaagad siya.
Hyze: You know that I love you the most right? Kung sa pagsasabi lang din naman ng I love you, hindi ako magpapatalo diyan.
Tignan niyo ‘to, sabi ko nang mag ingat sa pagmamaneho eh. Nakuha pang magbiro...
But jokes aside.... Have you ever felt this feeling na parang mahal na mahal ka talaga nung isang tao? Yung tipong bawat salitang sinasabi niya sa’yo ay super genuine? To the point na mararamdaman mo talaga that you are safe every time...
Ewan ko. Minsan kasi napapaisip ako na bakit parang ang swerte ko naman para sa lalaking ‘to? Siguro nakagawa ako ng kabayanihan nung past life ko..
“Miss, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah.” Nagulat na lang ako ng bigla kong nakita ang nakaparadang sasakyan sa harapan ko, nakabukas ang bintana at nakangiti ang isang lalaki sa loob habang nakatitig sa akin. It’s him.
“Ha?”
Bumaba siya ng sasakyan atsaka lumapit sa akin. I don’t know, but everytime na lumalapit siya sa akin, i can’t help it but to look at his face, especially to his eyes.
Not gonna lie, but his eyes are so pretty. I don’t know how am I going to describe them, but yes, once you see them, you’ll definitely do the same thing, like what i do everytime.
“Are you thinking about me?” he said with a smirk.
“You and your confidence level again, babe.”
Wait, nag space out ba talaga ako habang hinihintay ko siya? Siguro nga.
“Shall we go now? Jwi is super excited to see you.”
“Sino siya? Kaibigan mo?”
“Yes. Jwilian. Let’s say na same age lang kami, pero he always acts like the youngest, since he is the youngest naman talaga. Pero medyo childish yung mga actions niya, but not to the point na maa-annoyed ka. He’s just purely cute, pero sure naman ako na hindi ka mai-in love sa cuteness niya. Confident ako doon.”
Natawa na lang ako sabay hampas sa balikat niya. He always joke around. Wala siyang pinipiling oras at pagkakataon.
“Let’s go?” sabi niya at pagkatapos nun ay pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. He started the car at nagsimula na ang byahe. Around 30 minutes drive lang naman daw ito sabi ni Hyze.
“So, how was the day of my Engineer?”
I let out a deep sigh before speaking. “Well, same as usual. Nakakapagod, pero masaya. I met one of our important clients. Isa siya sa mga pinaka iingat ingatan ng company ngayon since he is a 5-Star Hotel owner. At ngayon ay balak pa niyang mag expand sa ibang parte pa ng bansa.”
“Oh, I see. So how is it? Are you tired? Should I just take you home? May next time pa naman, babe.” he asked in a worried tone. “As much as i want to introduce you to my friends, your well-beingness matters the most to me.”
Umiling ako sa kaniya and then I smiled. “No, no. Sabi ko nga sayo, minsan nakaka drain ang trabaho ko, pero masaya ako sa ginagawa ko. Everytime na nakikita ko na satisfied ang mga clients namin sa proposals na pinapakita ko, nawawala na ang lahat ng pagod na nararamdaman ko. I also don’t want to disappoint your friends, babe. Plus, nandiyan ka. Isang joke mo lang, fully charged na ulit ako.”
Nakita ko siya na biglang napangiti sa sinabi ko. Lumitaw kasi yung maliit na dimple niya sa pisngi na gustong gusto kong nakikita everytime na ngumingiti siya.
Pakiramdam ko tuloy, nahahawa na ako sa mga banat niya sa akin. Its been a year and a half since I knew that this man existed. It feels good na may taong tulad niya na laging nasa tabi ko.
“Talaga ba? Then I think, i should do my best everytime kapag nagjo-joke ako para laging mawala yung pagod mo.”
“Oo, kaya bawasan mo na yung mga corny na jokes mo. Dahil minsan ay imbes na matuwa ako ay lalo lang akong napapaisip dahil sa paghahanap ng explanation.”
“Pero aminin mo, kahit minsan corny at may logic, kinikilig ka.” He said with a smirk. Kahit hindi ko siya tinitignan ay alam kong deep inside tuwang tuwa na siya dahil tinatablan ako sa mga banat niya.
Wala na, talo na naman ako dahil napangiti na naman niya ako.
“Oo na! Mag focus ka na nga sa daan.”
“How can I focus kung isang katulad mo ang naka upo sa tabi ko? Hmm?”
The more na nagtatagal ang conversation namin, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. This is normal right? Nararamdaman ko na rin ang pag init ng mukha ko. This man is really something.
The whole ride, nakangiti ako dahil sa mga sinasabi niya. Actually, everyday ganito. Everytime na umuuwi ako from work, he is always there on time to fetch me and take me home. At sa bawat biyahe na kasama ko siya, ganito siya. Nagbibiro, nagpapatawa, at kung ano ano pa ang sinasabi.
But despite all of this, I sometimes hate myself for some reason na hindi ko alam. Everytime na kasama ko siya, masaya ako, but i cannot say that i am one hundred percent happy. Laging ninety-nine lang, at yung one percent, hindi ko alam kung saan ko mahahanap.
Gabi gabi ko na lang din ipinagdadasal na sana ay sa kaniya ko na rin mahanap yung one percent na laging missing kapag kasama ko siya. Dahil kung hindi ko pa sa kaniya mahahanap iyon, kanino naman, di ba? He is my boyfriend, and i don’t think that I will still be able to find a guy like him kahit sa next life ko pa. He loves me so much...
And... I love him—too.
Nag isip na lang ako ng iba pang bagay para mawala ang mga negative thoughts ko. I hate this feeling na lumilipad ang isip ko kapag kasama ko siya.
At hindi rin nagtagal ay nakarating na kami. His friend’s private villa. Hindi liblib ang lugar, pero hindi siya along the highways. He held my hand atsaka tumingin ng diretso sa mga mata ko. “Let’s go?” I nodded.
Nauna siyang bumaba as usual at pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan niya at pagkatapos ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
Dito pa lang sa labas ng gate ay masasabi ko na na isang ultimate rich kid ang kaibigan ni Hyze na siyang may ari ng villa. Masyadong mataas ang bakod, halatang mahihirapan ang mga akyat bahay kung sakali mang maisip nila na magnakaw dito.
Someone opened the gate, i supposed na guard ito dito and Hyze handed his keys sa isa sa mga guards para ipapasok ang sasakyan niya sa parking lot ng villa. May mga ibang sasakyan na rin dito. Ang isa sa mga ito ay parang familiar sa akin, pero hindi ko na lang pinansin dahil baka kamukha lang naman pala.
Nakwento na ni Hyze sa akin ang villa na ito. This property is originally named under Charlie’s parents, he is one of Hyze’s friends. Pero dahil magkakaibigan na sila bago pa man sila natutong lumakad gamit ang sarili nilang mga paa, two years ago, they transfered it under the seven boys name. So whoever wants to go here, welcome na welcome daw. Hindi ko kilala kung sino yung iba pang mga kaibigan ni Hyze, basta ang sabi niya, pito daw sila. Ang dami no?
Never niyang binitawan ang kamay ko. We entered the house, at may sumalubong sa amin. Hindi ko siya kilala, obviously...
“Everyone! Magtipon na dahil nandito na sila” bulyaw niya na nag echo naman sa buong bahay.
Hyze gave me a smile na para bang sinasabi niya na ‘relax’ dahil ramdam ko ang biglang paglamig ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit. There is something in this villa na bigla nalang akong pinapakaba. May multo ba dito? Just kiddiing..
We continued to walk hanggang sa makarating kami sa tabi ng pool kung saan may isang malaking rectangular table na puno ng pagkain. Mostly snacks and some drinks na mukhang may alcohol content pero mababa lang. There are also grilled meats and vegetables sa table. I can still smell the smoke na nanggaling sa pinag ihawan, siguro kakatapos lang.
May mga iba pang lumapit sa amin, tatlo sila maliban pa doon sa bumati sa amin kanina right after naming makapasok sa bahay. So right now... five out of seven.
“So, ikaw pala ang nagpapangiti ng malala kay Hyze ngayon ah.” sabi nung isang matangkad na lalaki.
“Ano ba Jaiden, huwag mo ngang sabihin yan, baka matakot iyan sa iyo.” sabi pa nung isa na may maamong mukha.
So Jaiden yung pangalan nung matangkad na lalaki? Hay, hindi ko alam, ipapakilala rin naman sila sa akin ni Hyze for sure.
“You want?” alok naman nung isa pa sa kanila na nasa tabi ko. Inabutan niya ako ng isang barbecue na hindi ko na rin naman tinanggihan dahil hindi ako nakapag lunch break kanina. I also skipped breakfast dahil late akong nagising. So yes, medyo gutom ako. Binitawan muna ni Hyze ang kamay ko para maka kain ako ng maayos.
Kanina pa ako tinitignan nung lalaking sumalubong sa amin ni Hyze, tapos yung ngiti niya, super wide. Parang ngiti ng isang bata after siyang bigyan ng pasalubong.
Wait, i just realized it now. Jwi? Jwilian? Oh right, it must be him nga. A guy with childish attitude na hindi nakakainis. Mukhang tama nga si Hyze.
“Yung dalawa, nasaan?” tanong ni Hyze sa kanilang apat. I’m also curious kung sino at nasaan ang dalawa pa. Friendly rin kaya sila tulad ng apat na ‘to? Sana...
Suddenly, may narinig akong mga footsteps na nanggagaling sa likuran ko. But i didn’t bothered to look back. Naisip ko na makikita ko rin naman siya sa harapan ko.
“Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Hindi talaga dapat ako lumalayo. Miss mo na kaagad ako, Hyze?”
And my body froze for a moment. His voice... I cannot be mistaken. Super familiar ng boses niya.
No.
It’s not just familiar. Sure ako na siya iyon.
At hindi nagtagal ay nakarating na rin siya sa harapan ko. Tumabi siya dun sa lalaking matangkad kanina.
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Kanina kinakabahan ako, tapos nawala dahil medyo cheerful and friendly yung unang apat na nag approach sa akin, tapos ngayon kinakabahan na naman ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero may part sa akin na medyo alam ko na rin kung bakit. Pero hindi ko pa rin alam. Gulong gulo na ako.
There is no particular and specific reason for me to be this nervous, but somehow, hindi ko mapigilan.
I had an eye to eye contact with him and I can say na we’re on the same boat. He’s shocked too like me. Halos hindi ko na malunok yung barbecue na kinakain ko.
At biglang hinawakan ni Hyze ang kamay ko. Alam kong naramdaman niya ang mala yelong lamig ng kamay ko dahil bigla siyang napatingin sa akin.
“Are you okay, babe? Your hands are super cold. Pakiramdam ko tuloy yelo yung hawak ko. Okay ka lang ba? Or maybe, you want to rest na?”
“N-no.. I’m fine, babe. Don’t mind my hands. Iinit din yan.” He looks a bit worried about me, pero tumango rin naman siya.
“Hay talaga naman o. Nasaan na ‘yon?” sabi ulit ni Hyze.
“M-may isa p-pa?” medyo nauutal kong tanong. I know, may isa pa. But somehow, parang ayoko na siyang makilala. That last friend is making me feel that my soul eager to escape my body.
“Yes babe, di ba sabi ko pito kami?” sagot naman ni Hyze.
“Oh, right.” For some reasons, my voice is quite shaky. At sa palagay ko, iyon ay dahil medyo nag o-overthink na ako sa part na may isa pa sa kanila. Gusto ko nang magdasal na sana ay hindi siya yung isa pa nilang kaibigan. Sana talaga hindi siya...
“Pababa na siya, nasa second floor lang sandali, may kinuha or maybe may ginawa...” He’s still looking at me. I mean, the sixth guy. I don’t want to look back at him. I just can’t.
Nainip na si Hyze kaya nag start na siya sa pagpapakilala sa kanila.
“This is Jen, shorter term sa Jaiden Nickolo. You can call him Jen nalang para one syllable nalang.” Kumaway naman yung lalaking matangkad after siyang ipakilala ni Hyze. So, tama nga ako.
“The guy beside you is Martin.” Nginitian niya ako atsaka inabutan ng panibagong stick ng barbecue. Pakiramdam ko tuloy nararamdaman niya na nagugutom ako.
“This kid beside me is Jwilian. I told you already, he is quite childish—“
“Hey, don’t say that.” Putol niya kay Hyze. “By the way, hi! Kalimutan mo na yung sinabi niya sa iyo, joke lang yun for sure.” Habol pa ni Jwi with a wide smile. Oh right, cute nga ang ngiti niya kagaya ng sinabi ni Hyze. Mukha siyang baby. As in literal na baby.
“This is Charlie, you can call him Li too. Pwede kang magpalibre ng worth one billion diyan at hindi ka niya tatanggihan.” Pagkatapos noon ay tumawa si Hyze dahil sa joke niya. Tumawa rin naman ako dahil funny siya para sa akin.
Kung wide ang ngiti ni Jwi, mas wide ang ngiti ni Charlie. Siya yung guy na sumagot kanina kay Jen. Mukha rin siyang literal na baby dahil sa ngiti niya. Hindi naman ako sinabihan ni Hyze na may mga baby pala sa mga barkada niya.
“And, meet this guy, ang palaging late sa aming pito, si Jam. His name is Jax Milain, pero wala kaming time na tawagin siya sa full name niyang sosyal so Jam nalang.” I quickly avoided an eye contact nung napatingin ako sa kaniya. Pero nginitian ko pa rin siya dahil kaibigan siya ni Hyze.
“O, ayan na pala siya.” Sabi ni Hyze.
A minute later, lahat sila ay napatingin sa may pintuan ng bahay na papunta dito sa pool. Someone is comming. I bet, this is now the seventh guy. Hindi ko siya tinignan dahil ayoko na maging tama ang hinala ko dahil hanggang ngayon ay medyo nagdadasal pa rin ako na sana mali ako ng hula kung sino man ang lalaking ‘to. Na dapat ay mali ang mga iniisip ko.
Walang response na nanggaling doon sa lalaki. And i got more curious dahil doon kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatingin na rin ako.
Hell.... Julian?

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    lumagoddong

    ang ganda

    19d

      0
  • avatar
    Hazel Carreon

    yes 🥰🥰🥰

    04/08

      0
  • avatar
    Jhon Ray Badajos

    wery nice

    24/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất