logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

HC 6

KABANATA 5
DAWIN
Naglalakad na ako palabas ng dorm para makapasok na, ngunit bago ko pa man mabuksan ang gate ay nabaling na ang tingin ko sa lalaki na kasabay ni Linnea na lumabas sa tinutuluyan nila.
Naglalakad ito na mukhang patungo na rin sa iskwela hinayaan ko munang makalagpas sila sa pwesto ko bago ako tuluyang lumabas ng hindi nila ako napansin.
Wala sa sariling naglakad ako papunta sa kung saan hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong iba ang tinutungong daan, nawalan na ako ng ganang pumasok ngayong araw sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Baka sakaling tumahimik buhay ni Linnea pag hindi nya ako makikita ngayon sa klase.
"Arfff arf arf."
"Meooww meow."
Nakakarinding ingay ng aso at pusa ang narinig ko ng mapunta ako sa isang eskinita, kulang na lang ay magsunggaban ang aso at pusa sa galit.
Nakakarindi ang ingay ng mga ito na ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang maingay.
Ano kayang mabuting gawin para patahimikin sila, nilingon ko ang paligid at wala akong makitang ibang tao kaya mabilis kung pinalitaw ang pana na nasa likuran ko, nagagawa kong gawing indisible ang mga bagay lalo na't kong kinakailangan.
Ipinwesto ko ang pana mismo sa harap ng aso at pusa upang panain ang mga ito ng pag-ibig, binanat ko na ito at mabilis na pinakawalan ang palaso na sabay namang tumama sa dalawang hayop at bigla na lang itong tumahimik habang nakatitigan ang dalawa sa isa't isa.
"Pareho kayong hayop kaya magmahalan kayo," sambit ko upang kausapin ang aso't pusa kahit batid kong hindi ako nito nauunawaan.
Sunod ko nang nakita ay ang pagpapalambing ng pusa sa aso habang sinasayad na ng pusa ang noo nito sa katawan ng aso.
"Magsaya kayo ng magkasama hindi puro away, buti nga kayo eh kasi ako hindi ko alam kung kailan ako sasaya." malungkot kong sabi at muling binalik ang pana sa likod ko at muling ginawang indisible.
Agad ko nang tinalikuran ang aso't pusa at nagpatuloy sa paglalakad na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa ko.
Napadpad ako sa parke kung saan nagkalat ang mga taong namamasyal, hinahayaan kung maglakad ang mga paa ko kung saan-saan hanggang sa 'di sinasadya narinig ko ang saad ng isang babae na tila may sinasabi kahit wala naman itong kausap kaya bahagya kong nilapitan ito upang pakinggan.
"Kailan kaya ako makikilala ng mga asawa ko ohwenji." kinikilig pang sambit nito na tinalo pa ang bulati na bilagyan ng asin.
Hindi nito napansing nasa likod niya ako at pinagpatuloy ang pagsasalita napansin kong may hawak pala itong isang bulaklak ng gumamela at isa-isang tinatanggal ang mga talulot nito.
"Sana naman po panain na ako ni kupido at magustuhan din ako ni Jungkook o kaya ni Jimin kong hindi si Jimin kahit si V na lang." saad pa nito napakarami naman yata ng pantasya niya sa buhay eh mukhang trise anyos lang siya eh.
Teka nga sino ba 'yung mga lalaking sinabi niya, mas g'wapo kaya 'yon sa'kin.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at susubukan kong hanapin sa tinatawag nilang Facebook baka pogi ang mga ito kakaibiganin ko nga.
Una kong hinanap si Jungkook ngunit napakaraming lumabas na litrato na masasabi kong p'wede na pogi naman.
Ito kaya 'yon pari-parihong litrato ng isang lalaki lang naman kasi lumalabas, sunod kong pinuntahan ang tinatawag nilang Google baka dito mahanap ko sabi kasi nila alam ni Google lahat pero nagkakamali sila 'di alam ni Google kung sino ako.
Jungkook... mabilis kong tinipa ang pindutan ng litra upang isulat ang pangalan na agad namang may lumabas na resulta sa hinahanap ko ngunit may kadugsong pa pala ang pangalan nito.
'Jeon Jung-kook, better known mononymously as Jungkook, is a South Korean singer and songwriter. He is the youngest member and vocalist in the South Korean boy band BTS.'
Basa ko sa isip ko pero potangina wala na naman akong naintindihan ang galing ko talaga, Ingles pa nga.
Mabilis ko nang pinatay ang selpon ko wala naman akong mapapala kaya mas mabuting itanong ko nalang baka makilala ko kong sino sa tatlong sinabi ng babaeng 'to ang ipapana ko sa kanya para matulungan ko na rin ito kahit papaano.
"Paumanhin binibini," tawag pansin ko rito na ikinagulat naman niya.
"Narinig ko ang sinasabi mo maari bang itanong kung sino si Jungkook?" tanong ko at nanlaki ang mga mata nito.
"Millennial ka ba kuya halos lahat kilala ang BTS," mataray na sagot nito.
'Ano yung millennial nakakain kaya 'yun?' isip-isip ko.
"Katulad ng sabi mo halos lahat, halos lang hindi ako kasama sa lahat," masungit kong tugon.
"Edi okay si Jungkook ito siya." mabilis nitong ipinakita sa'kin ang larawan sa selpon niya na iisang mukha lang din ng nakita ko sa facebook.
"Kasama siya sa grupong bts na taga Korea sikat na sikat sila tapos idol na idol ko sila ang gagaling kasi nila tapos kilala sila ng karamihin tawag sa fans nila ARMY." kinikilig na naman nitong sambit habang pinapaliwanag sa'kin kong sino si Jungkook.
"Taga Korea ba kamo, naku ining aral ka muna 'wag puro landi," masungit kong sabi.
Dahil sa pagkakaalam ko ay napakalayo ng Korea at katulad ng sabi nito ay sikat ang tinatawag nitong Jungkook.
"Ay paepal crush lang naman eh hinahangaan ko lang," singhal ng babae sa'kin.
"Hinahangaan mo lang pala bakit humihiling ka pa sa kupidong panain ka sa kanila, Luh asa ka naku baka nga 'di alam ng Jungkook mo na nabubuhay ka pala sa mundong 'to," pang-iinsulto ko.
"Ang sama ng ugali mo kahit pogi ka hindi kana sana mag kajowa kahit kailan," matalim ako nitong tinitigan sa mata.
"Anong jowa?" taka ko namang tanong.
"Luh kahit jowa di mo alam, saang planeta ka ba galing kuya at wala kang alam?"
"Galing ako sa Jupiter kakalipat ko lang kahapon dito sa Earth sa susunod na linggo sa Mars na ako gusto mo sumama." diretso kong sabi at nakita ko ang pagpipigil nito ng tawa.
"Sabog ka ata eh, Alien ka ba?"
"Hindi ko sigurado pero parang gano'n na nga."
"Ang tino mo kausap jan kana nga," inis na sabi nito at tinalikuran na ako, pero sinigawan ko pa ito bago siya tuluyang makalayo.
"Wag munang pangarapin ang Jungkook na 'yon tatanda kang dalaga sinasabi ko sa'yo." pang-aasar kong sigaw rito at nilingon ako nito habang galit ang eksprisyon nito sa mukha.
"Wag ka sanang magkajowa!" balik nitong sigaw sa'kin.
"May jowa na ako!" sagot ko kahit hindi ko naman talaga alam ang ibig sabihin ng jowa.
"Edi sana all sayo." iritadong saad nya at nagmadali na ngang umalis.
Bakit puro walang kwenta nangyayari sa'kin sa araw na 'to walangya naman oh.
'Sayang ka binibini tutulungan sana kitang ihanap ng kapariha pero nakakainis ka kaya tumanda ka sanang dalaga kukunat ang balat mo makikita mo.' pagsusumpa ko sa isip sa babaeng 'yun habang tinatanaw ko ito papalayo.
Matapos ng ilang oras kong naging palaboy sa kalsada ay nagpasya na akong pumasok sa iskwela ng naramdaman kong kumakalam na rin ang aking sikmura.
Medyo malayo na rin pala ang nalakbay ng mga paa ko kaya agad na akong sumakay sa isang taksi pabalik sa paaralan, agad naman akong nakarating at sa kantena dumiretso para kumain.
Alam kung may klase pa ako ng ganitong oras kaya minadali ko na ang pagkain upang makapasok sa huling klase ko ngayong umaga.
Pagkagaling sa kantena ay tinungo ko ang ikalawang palapag kung saan ang silid ko.
Walang katok-katok akong pumasok sa silid dahilan upang maagaw ko ang atensyon ng lahat kasama na ang gurong nagtuturo sa unahan.
"Late na naman ang mabait kong estudyante bakit ngayon ka lang pumasok, halos katabi na ng dorm mo ang university ah," saad ng guro sakin habang nakatingin pa ng diretso sa'kin upang komprontahin ako.
Hindi ako nagpatinag sa tingin n'yang 'yun at nakipagtitigan rin ito ng diretso rito habang nakataas noo pa ako sa kanya.
"Pasensya na may nilakad lang ako," walang galang kong sagot.
"Ah talaga PO ba, ano namang nilakad ninyo at parang mas importante pa PO sa klase natin." masungit na sambit nito sa'kin na pinakadiinan pa ang 'PO' na tila ito na ang nahiya sa kawalan ko ng galang.
Sasagot na sana ako ay biglang tumayo si Fenn at sumabat sa usapan namin.
"Naku miss Madison siguradong walang k'wenta ang nilakad n'yang si Dawin nag text ba naman sa'kin kanina ano daw ibig sabihin ng JOWA," tumatawang saad nito na ikinainis ko ng sabay-sabay na nagtawanan ang lahat ng mga kamag-aral ko.
Naalala kong tenext ko nga pala siya at hindi manlang ako nireplayan.
"Anong nakakatawa sa tanong ko?" malamig kong tanong sa lahat.

"Jowa lang hindi mo pa alam saang planeta ka ba galing?" pang-aasar paring saad ni Fenn.
"Stop that, maupo ka na Mr. Zidia," pagpapaupo na sa akin ng ginang at agad na nga akong tumungo sa upuan ko.
Nabaling pa ang tingin ko kay Linnea ng galit na naman itong nakatingin sa'kin kaya mabilis ko nang iniwas ang tingin ko at nilagpasan siya para makaupo na ako.
MABILIS NA lumipas ang mag-hapon hanggang sa matapos na lahat ng klase ko, nang makita ko nang nauna na lumabas si Linnea ay lumabas na rin ako ayokong mag sabay kami.
"Dude saan ka pa pupunta 'di ka pa uuwi?" habol na tanong ni Fenn ng palabas na 'ko ng silid.
"Dadaan muna ako sa silid-aklatan kailangan kong humiram ng libro." sagot ko naman na hind ko manlang siya nilingon naramdaman ko namang sumunod ito sa'kin.
"Himala ngayon mo lang naisipan mag-aral, very nice huh," pang-aasar nitong sabi.
"Manahimik ka na pwede!" bulyaw ko na rito at habang patuloy pa rin sa pagsunod sa akin umakyat kami ng ikatlong palapag kung saan ang silid-aklatan at agad na tumungo rito, kailangan kong mag-aral ng Ingles mula ngayon dahil sadyang nakakabobo ang mundong 'to pag wala kang alam.
"Anong tawag sa librong matututo ako ng Ingles?" tanong ko kay Fenn na nakasunod pa rin sa'kin habang ako naman ay tiningnan ang mga librong dinadaanan ko.
"Seriously hahaha, 'di ka ba napipilitan lang?"
"Tinatanong kita ng maayos pwede?" masama ko pa itong tinitigan sa mata kasabay ng pag kibit balikat niya.
"Fine, English Tagalog dictionary hanapin mo, pero teka nga papahirapan mo lang sarili mo kakabasa ng libro mag google translate ka ugok," saad pa nito.
"Hindi gumagana ang selpon sa mundo ko."
"Huh?" natatawang tanong nito habang nagtataka, nadulas ako 'di nga pala niya alam kung anong totoong mundo mayroon ako.
"Hindi gumagana ang selpon pag walang load," pagpapalusot ko rito saka ito humagalpak ng tawa.
"Manahimik ka na pwede ba bawal maingay dito," saway ko na rito.

"Tangina pinagkakaguluhan ka ng kababaehan wala ka pa lang load nakakaawa ka," pagpatuloy nito sa pang-aasar, mabilis kong kinuha ang isang makapal na libro sa istante nito at ibinato ko sa kanya.
Ngunit 'di nya ito sinalo kaya malakas na gumagawa ng ingay ang librong nalaglag sa sahig dahil iniwasan ito ni Fenn. Naagaw namin ang atensyon ng karamihang taong nando'n sa silid.
"Shhh quite everyone respect your surrounding please." rinig naming saway ng namamahala sa aklatan.
Patuloy pa rin ang pagpipigil ng tawa ni Feen ngunit 'di ko na ito pinansin, dinampot naman agad nito ang libro saka binalik sa kinalalagyan hinanap ko na din ang dapat kong kukunin upang makauwi na rin, ngunit sa lahat ng nababasa kong libro wala akong maunawaang salita, marunong akong bumasa ngunit sadyang hindi ko lang maunawaan.
"Ito dude tamang-tama ito aralin mo ng kahit isang buwan may matutunan ka naman jan kahit papa'no." Inabot ni Fenn sa'kin ang hindi kalakihang libro.
"Wala bang mas makapal jan?" tanong ko rito na ikinagulat niya pa lalo.
"Grabi mag-aaral ka talaga bilib na ako sayoy ngayon mo lang naisip 'yan sa ilang buwan na nating magkasama dude, dahil kay Linnea ba 'yan tama ba ako?" nanunuksong saad nito sa'kin pero buntong hininga lang ang isinagot ko.
"In love ang potek alam ko 'yan." Inakbayan ako nito bigla ngunit mabilis ko s'yang hinampas sa ulo ng librong hawak ko.
"Ikaw may sabi n'yan tamang hinala ka eh 'no, ihanap mo na lang ako ng libro p'wede ba." nagngingitngit sa inis kong saad sa kanya.
"Ito na lang oh." napalingon na ako rito ng muli s'yang magsalita nabaling din naman ang tingin ko sa hawak niya.
'English-Tagalog Dictionary.' basa ko sa librong inilahad ni Fenn sa akin kaya agad ko na 'yung kinuha sa kanya.
Agad na kaming nagpalista ng hihiraming libro sa namamahala ng silid-aklatan at inilagay ko na rin sa bag ko ang librong 'yun matapos makalabas ng silid.
"Hey Fenn p'wede makisabay pauwi na rin kayo 'di ba?" saad ng isang babae na sa pagkakatanda ko sa boses niya si Ada ito.
Kilala ko si Ada na nasa kabilang dorm lang namin nakatira na s'yang kasama ni Linnea kung hindi ako nagkakamali.
Sabay pa kaming napalingon ni Fenn sa pinagmulan ng boses at awtomatikong kay Linnea nabaling ang tingin ko na kasabay pala ni Ada.
"Sure no problem," nakangiting sagot naman ni Fenn.
Sumabay na nga ang mga ito sa amin sa paglalakad. Pero hindi ko ito pinansin at nauna na sa kanilang bumaba ng hagdan nararamdaman ko namang nakasunod sila sa'kin pero hindi ko na nagawang lingunin ang mga ito.
Naririnig ko ang usapan nila ngunit nag bingi-bingihan na lang ako hanggang sa makalabas kami sa gate tuluyan.
"Kamusta ka master Win!" Napaatras ako bigla ng hindi ko inaasahang sasalubungin ako ni Lucas ng makalabas na ako ng gate.
Paano niya nalaman na dito ako nag-aaral at talagang inabangan niya talaga ang paglabas ko, napatingin pa ako sa ayos nito mula ulo hanggang paa purong puti ang kasuotan niya, alam kong kahit may misyon sya ay hindi niya malalaman ang paaralan ko puwera na lang kung sa paaralang 'to ang misyon niya.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong sambit sa kanya.
"Hindi ka manlang ba natutuwang makita ako at ganyan mo ako salubungin?"
"Tss," napangisi na lang ako sa kanya.
"Naparito ako para sunduin ka na umuwi ka na master," saad pa niya.
"Sino naman may sabi sa'yong umuwi ako paano mo ako nahanap?" diretsong tanong ko rito.
"Hindi na mahalaga iyon sumama ka na sa'king umuwi master dahil kasama ko ang iyong ama."
ikinagulat ko ng sabihin nitong kasama niya si Ama.
"Hoy dude teka sino siya at bakit master ang tawag niya sayo?" sumabat na si Fenn sa pag-uusap namin ni Lucas.
"Siya ang personal kong alalay." walang emosyon kong sagot kasabay ng pagsalubong ng kilay ni Lucas dahil hindi naman totoo ang sinabi ko, sadyang master lang ang tawag sa'kin ng isang ito.
"Baka naman p'wede mo akong ipakilala sa mga kasama mong binibini." saad ni Lucas na nakatingin na sa dalawang babaeng kasama ko.
"Anong karapatan mong sabihin sa'kin yan, alalay lang kita kaya hindi mo sila p'wedeng kilalanin," masungit kong ani rito.
"Kahit kailan talaga pinaglihi ka sa sama ng loob," singhal ni Lucas sa'kin at saka lumapit sa mga kasama ko sa likod.
"Magandang hapon sa inyo ako na ang kusang magpapakilala sa sarili ko dahil alam kong hindi gagawin ni Master 'yon, ako nga pala si Lucas ang poging ALALAY ng kupal na si Dawin." pagpapakilala ni Lucas sa sarili niya at pinakadiinan pa ang pagkakasabi ng 'alalay' buti naman nakikisama siya.
Nagpakilala naman ang tatlo kay Lucas na mukhang ikinatamuwa nito.
"Tama na Lucas umuwi ka na hindi ako sasama sayo," saad ko dahilan para muli itong tumingin sa'kin.
"Uuwi ka sa ayaw at sa gusto mo," maawtoridad na saad ni Ama dahilan para mapalingon na kami sa kanya na kakalabas lang din ng gate.
"Sabi ko sayo kasama ko siya eh," pabulong pang sambit ni Lucas sa akin.
Hindi nga nagbibiro si Lucas at kasama nga nya si Ama.
"Anong ginagawa niyo rito?" mariing tanong ko kay Ama.
"Sinusundo ka na sumama ka sa amin pauwi sa ayaw at sa gusto mo, kinausap ko na rin ang iyong mga guro mo," nahihimigan na ang galit sa pananalita nito.
"Ayokong umuwi, bakit ba kayo nandito paano niyo ko nahanap kahit pilitin ninyo 'ko di ako sasama," pagtanggi ko pa rin.
"Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo ah mas gugustuhin mong dumito mag-isa umuwi ka na dahil marami tayong pag-uusapan."
Nagpatuloy ang sagutan naming iyon na walang pakialam sa ibang nakakarinig sa paligid namin.
Nanatiling tahimik lang din sina Fenn dahil napapansin nilang galit na ang Ama ko.
"Ayoko nga," mariing saad ko, kumuha ako ng tiyempo at mabilis na tumakbo papalayo sa kanila upang takasan ang mga ito dahil siguradong pipilitin nga ako nitong umuwi.

Bình Luận Sách (59)

  • avatar
    AvelinoApril rose

    nice story,nakaka 😊

    24d

      0
  • avatar
    Raniya L Mamintal

    nice this game

    15/05

      0
  • avatar
    AconoBryan

    5000

    02/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất