logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 5

Ang hinala
Kaye’s Point of View
Saka pa lang natauhan ang iba sa amin nang himatayin si Ecaterina, mabuti na lang ay kaagad na nakatayo si Harry at nasalo ang aming kaklase. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ko, lalo na kung alam ko na ang susunod na mangyayari sa akin.
Nang makitang maayos na ang itsura ko sa salamin ay kaagad akong pumunta sa dining area namin, doon ay nakikita ko na si manang na naghahanda ng umagahan. Naroon na rin si Tito King na inaayos ang long sleeve ng kaniyang polo. Palagi ko siyang nakakasabay at ang pinsan ko naman na si Chantelle na kaniyang anak ay mag-isa na lang mamaya dahil tanghali iyon gumising. Minsan lang iyon na maagang magising.
Naupo ako, kaharap ko lang siya nang maupo rin. Tiningnan niya ako at nginitian.
“Good morning, Kaye.” napatango ako at ngumiti rin.
Simula nang pagtira ko rito ay tanging si tito lang ang komportable kong pakisamahan, nakakasama ko si Chantelle sa school ngunit hindi ko minsan gusto ang ugali niya. Minsan naman ay nasasanay na lang ako.
“Dadalawin niyo po ba si tita ngayon?” usap ko.
Nakita ko ang paglungkot ng mga mata ni tito, napaka-transparent niya talaga katulad ni Chantelle pero sa ugali ay mas marami ang namana ng aking pinsan kay Tita Grace.
“Oo e, kailangan, Kaye…” napatango muli ako.
Hindi na dinugtungan ang sinabi at nagpatuloy na lang sa pagkain. Ayaw kong mas lalong malungkot si tito lalo na kung siya na lang ang nagha-handle ng lahat. Wala na siyang katulong dahil maagang nawala ang aking mga magulang at si tita naman ay na-ospital.
Sa kondisyon ng kaniyang asawa ay nakapagtataka. Last year lang iyon nagsimula, naging moody si tita at minsan ay nakakatakot na rin siya dahil nahuhuli rin namin siyang kinakausap at sinisigawan ang sarili. Siya ang nagpapatakbo ng Palace Academy ngunit nang magkaroon siya ng ganoong sakit ay si tito na naman ang sumalo.
Ngayon, wala na akong balita kung ano mang ganap at mga plano sa school ngunit nakikita ko ang pagbabago niyon.
Nagpaalam na ako kay tito, saktong lalabas pa lang ay nakababa na si Chantelle. Saglit ko siyang tiningnan at tumalikod na, kinuha ang bike at nagsimulang magtipa.
Hindi kalakasang hangin ang sumasalubong sa aking mukha, dinadama ko iyon at nakita sa gilid ng mga mata ang isang binatang nagba-bike din. Nasa kabilang side siya ng kalsada at kumakaway, ngumiti lang ako at binilisan ang pagtitipa.
Mabilis ang pagpreno saka pag-park ng bike ang ginawa ko, kasunod lang siya ay mapang-asar akong tumingin sa kaniya.
“Kailan kaya kita mauunahan?” tinapik ko ang kaniyang balikat.
Tinuro ko ang school namin, inakbayan niya ako at sabay na kaming naglakad. Pagkapasok ay kahit na minsang nakitaan na kaming ganoon ang pwesto ay hindi pa rin maiiwasan ng ilan na tumingin. Naramdaman ko ang lalo niyang pagdikit sa akin kaya naman tinampal ko ang kaniyang tiyan.
“Tabs,” bulong ko na narinig niya.
“Abs ‘yan ‘no!” paglalaban niya.
“Tabs talaga,” sabi ko pa at nagulat ako nang nilapit niya ang mukha sa akin, kung mayroong nasa likuran namin ay mapaghahalataang naghahalikan kami.
“Pasalamat ka, Reyna, ayaw kong makita ng iba ang katawan ko. Para sa ‘yo lang kasi ito e,” isa pang hampas ang ginawa ko.
Mas malakas iyon kaysa sa nauna ngunit imbis na umaray ito ay tumawa lang, ang lakas pa! Nakakuha na naman tuloy kami ng atensyon.
“Wren!” napatigil kami sa paglalakad, malapit na ako sa aming room nang mangyari iyon.
Nakita namin si Ellian, ang vice president ng senior high. Bumaba ang tingin niya sa akin kaya naman kinalas ko ang pagkakaakbay ni Wren sa akin at umayos ng pagkakatayo. Mabuti na lang ay hindi nagtanong si Wren sa ginawa ko at mas binigyang pansin ang taong nasa harap na namin.
“Bakit?” tanong niya kay Ellian na nagtaas muli ng tingin sa kaniya.
“Pinapatawag ka ni Greyson, president ng senior high…” simpleng sabi bago tumalikod pero may sinabi pa ulit muna. “Sa usual na meeting place daw, hinihintay ka niya roon.”
Nawala na sa paningin namin si Ellian nang lingunin niya ako, alam ko na ang ibig sabihin niya kaya tumango lang ako. Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. Nginitian niya ako pagkatapos ay tumalikod na rin at naglakad.
Ako naman ay pumihit na rin paharap papuntang classroom namin, sa sobrang lutang ko na rin siguro kanina gawa nang biglang tinawag si Wren ay hindi ko alam kung anong ire-react ko, naramdaman ko lang ang aking panginginig. Kasabay ko lang sina Eryl at Shye at kahit sila ay hindi alam ang gagawin, nabigla sa nakita.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na rin ang iba naming kaklase, tanging ang magpinsan na sina Ecaterina at Kamala saka si Jamilla lang ang wala. Katulad namin kanina ay ganoon din ang reaksyon nila. Napapatanong pa ang ilan kung ano ang nangyari, si Cassidy pa nga ay may kung anong sinasabi na hindi namin maintindihan. Naging kalmado lang kami nang pinaupo kami ni Harry sa sari-sarili naming upuan ngunit ako ay hindi pa rin matigil ang panginginig, lalo na’t malapit lang sa amin ang nakakalat na dugo.
“Sino naman ang hayop na gumawa niyan at sa isang teacher pa?” si Lineth na bakas sa mukha ang takot at pagkagulo.
Napapikit ako, mabait ang naging biktima nila kaya palaisipan sa amin ang suspect. Halos lahat ng estudyante ay paborito si Ms. Chaves dahil sa galing niyang magturo at sa pagkakaroon ng consideration sa mga tinuturuan niya tulad namin. Aminadong sang-ayon ako kahit na hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla niya na lang ako tinanggal sa choir. Alam kong may dahilan si Ms. Chaves at ico-consider ko iyon kagaya nang ginagawa niya.
Lumabas ang isang pulis sa classroom namin, nang dahil sa nangyari kay Ecaterina ay hindi na namin napigilang sabihin ito sa nakakataas. Ang kaninang tingin na nararamdaman ko ay mas lalo lang lumala ngayon. Tanggap ko nang ayaw nila sa section namin at halos isumpa kami dahil sa nangyari noon, kaya naman ang isang tulad ko na malapit kay Wren Montenegro, na SSG President sa Junior High ay talagang hindi na kataka-takang pag-uusapan kami.
“Are you okay?” tinanguan ko si Wren na kararating lamang.
Hindi pa nagtatagal ay napatingin siya sa adviser namin at doon tumungo, sinundan ko lang siya ng tingin habang napapabuntong hininga.
“Ms. Bautista…” ang isang pulis na lumapit sa akin.
Tumaas ang ulo ko dahil mas matangkad siya sa akin, kita ko rin ang paglingon ng iba kong kaklase sa taong nasa harap ko na ngayon. Narinig ko pang nagsalita si Amber at parang pinipigilan ang ama.
“... kukuhanan lang namin siya ng statement, Amber.” dahilan ni Mr. Cayetano sa kaniyang anak.
Hindi tumugon si Amber at nag-iwas lang ng tingin. Sumama ako sa kaniyang ama at nilahad sa kaniya ang lahat, nakausap na rin pala niya sina Eryl at Shye kaya napasabi siya na hindi daw ako nagsisinungaling. Napakunot na lang ang noo ko sa pagtataka.
Mukha ba akong magsisinungaling?
Bumalik na lang ako sa pwesto ng mga kaklase ko, nahihiya pang humakbang dahil sa mga estudyanteng tumitingin lang, hindi kalayuan sa pwesto namin. Ang iba ay bumubulong-bulong pa.
“Kaye…” pangunang sabi ni Cassidy nang makabalik ako.
Nilingon ko siya, nahagip ko pa si Amber na biglang naging iratado ang mukha nang marinig ang boses ng kaklase namin. Naglalakad na siya kasama ang iba naming kaklase, hindi ko alam kung saan pupunta. Nasagot lang iyon nang magsalita muli si Cassidy.
“Pupunta silang clinic, baka lang gusto mong sumama o dito ka na lang muna?” nilingon ko ulit sina Amber at medyo malayo na sila, mukhang sa clinic nga pupunta.
“Sasama ako…” sagot ko at kaagad na sumunod kina Amber, naramdaman ko naman si Cassidy sa aking likuran na nagsisimula na ring maglakad.
Tinungo ko ang aking ulo para hindi makita ang mga taong nagbubulungan, mas malala pa nga yata sila sa amin. Mas nagmumukha silang kriminal sa ginagawa nilang iyan.
“Baka si Kaye ang may gawa niyon kay Ms. Chaves…”
“O kaya pwede ring si Jamilla kasi wala siya ngayon, sa napapansin ko…”
“Pero mas malakas ang kutob ko na si Kaye kasi siya rin ang may gawa ng pagkamatay ni Stephen, ‘di ba? At may sakit ang tita niya sa utak kaya baka kasabwat niya si Chan---”
“Tahimik!!!” napatigil ako sa paglalakad nang nabangga ako sa isang tao.
Inangat ko ang aking ulo at nakita ang seryoso niyang mukha, hindi ako sanay dahil mas madalas ko siyang nakikitang nakangiti. Hinampas ko ang kaniyang tiyan kagaya ng ginagawa ko kaniya kanina.
“Tabs, bakit ka---” napatigil ang pagsasalita ko nang yakapin niya ako.
Napatingkayad pa ako dahil mas matangkad siya sa akin. Nakita ko roon si Amber na iritadong nakaharap sa isang babae na galing sa ibang section. Nakikita ko rin sa ‘di kalayuan sina Jorden, Harry, Adam at Kamala na nasa labas na ng clinic.
“Kapag hindi kayo tumahimik, kayo ang ipapakulong ko!” pananakot ni Amber, ginagamit ang kapangyarihang mayroon siya dahil sa kaniyang ama.
Tiningnan ko ang babae, para lang siyang pangalawang Amber. Sa tindig at itsura pa lang ay halata ring hindi papatalo at tuloy pa rin sa paghihinala niya sa akin.
“Hindi kami bata na matatakot basta-basta dahil lang diyan sa sinabi mo, Amber.” sabi nang babae.
“Alam niyo na palang hindi kayo mga bata pero sa ginagawa niyong ‘yan para kayong mga bata, ow… mga isip-bata pala dapat,” balik na sabi ni Amber na nakangisi na.
“Huh! Hindi pambata ang ginagawa namin, sinasabi lang namin sa isa’t isa na sa tingin na---”
“Sa tingin na kung sinong mamamatay tao sa amin? At napagdiskitihan niyo si Kaye na alam niyong---”
Binaba ni Wren ang ulo ko at tinago sa mga dibdib niya. Hindi ko na nakikita ang nangyayari ngunit naririnig ko pa ang mga boses nila. Napapikit ako habang nakatago sa mga bisig ni Wren.
Patuloy pinakikinggan ang mga hinala ng babae tungkol sa akin.

Bình Luận Sách (3)

  • avatar
    Rogelio Atienza

    okay

    18/10

      0
  • avatar
    Jhan Well Barrola

    Dis store si butifull

    15/10

      0
  • avatar
    CristobalEdmar

    nice chapter

    28/06/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất