logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 3

Ang babae
Ecaterina's Point of View
Inalis ko ang kakaunting dahon na tumatakip sa pangalan ni mama. Itinapat ko ang picture niya na aking dala, magkamukha nga kami maliban na lamang sa kulay ng balat. Maiksi ang kaniyang itim na itim na buhok na bumagay sa mala-mestiza niyang balat at mukha.
Mohana A. Sarmiento
Malungkot akong napangiti nang mabasa ang apelyido, napapatanong kung mahal na ba siya ni papa noon bago niya makuha ang pagiging Sarmiento. Hindi ko rin alam dahil kaunti lang ang natatandaan ko noong panahon na tingin ko ay naghihirap si mama nang dahil kay papa.
Tuluyan akong naupo sa damuhan at sinulyapan ang pinsan na katawagan ang ama. Umuwi na sa Batangas si Tito Morven noong Miyerkules dahil kailangan din siya roon, ayos lang sa akin dahil nadalaw niya na rin naman si mama.
Napatingala ako, sa kulay asul na langit ay may isang taong nagpaalala lang sa akin. Ganoon ang kulay ng headphone na palaging nakasalpak sa kaniyang tainga at kahit din ang mga mata niya. Simula nang makita siya noong Martes ay hindi na muli nasundan iyon na nakapagpahinga sa akin ng maluwag ngunit naiinis pa rin dahil naaalala ko pa rin siya.
"Kamukhang-kamukha mo talaga si tita 'no..." napausog ako para makaupo si Kamala.
Tapos na siya sa kaniyang cellphone at ako naman ang pinuntahan. Inalis ko si Jorden sa aking isip at ngayon lang napansin na hawak-hawak ko pa rin ang litrato ni mama.
"Alam mo, maganda ka kaya nga may something para sa 'yo si Adam e." nangingising sabi niya na inilingan ko, nang-aasar na naman.
Nagkwento lang nang kung ano-ano si Kamala na siyang nagpatagal sa amin sa sementeryo, nang mawalan na siya ng topic ay umuwi na rin kami. Masarap sana ang hangin kaya lang ay nakakaantok kaya pagkarating pa lang ay nakatulog kaagad ako. Bukas, babalik na ulit kami at pasukan na muli sa Lunes.
Makikita ko na naman siya.
Isang hindi maunawaang pakiramdam nang lisanin namin ang Tagbiliran, ilang beses kong nasulyapan ang tapat ng bahay na siyang papalayo na sa amin. Nang hindi ko na matanaw ay umayos na ako ng upo, katabi si Kamala rito sa backseat ng inarkila naming sasakyan para makarating sa airport.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa nang maramdamang tumunog iyon, isang text message galing kay Adam. Napangiti na lang ako at kaagad nag-reply, nang pinindot ang back ay nakita ko ang isang message na nagpakilabot sa akin nitong nakaraang araw.
Lalo lang nadagdagan iyon noong pumunta sa akin si Kamala na hawak din ang kaniyang cellphone, nakatingin doon at natatawa.
"Cat, tingnan mo ito oh!" natatawang sambit niya. "Hindi nakakatakot, parang nampa-prank lang pero prank naman talaga yata ito e."
Hinablot ko ang hawak niyang cellphone at nanlaki ang mga mata, ang message na iyon ay katulad nang sa akin! Kinuha ko rin ang akin at idinikit pa sa kaniya na parang hinahanap ang pagkakaiba ngunit lahat ng mga salitang naroon at tinipa ay katulad na katulad n'ong sa akin.
Mas naging triple lang iyon nang malaman kong hindi lang kaming dalawa ang mayroong ganoong mensahe, kahit ang mga kaklase na nagkakagulo na sa group chat ng section namin ay mayroon din. Pinagbibintangan ang isa't isa ngunit wala ring nahanap na suspect dahil lahat kami ay mayroong natanggap, nag-send pa nga ng screenshot ang iba upang patunayang sila mismo ang nakatanggap at hindi sila ang nag-send.
Hinuha na lang namin ay baka pinagti-trip-an kami ng ibang section.
Kahit na ganoon ay hindi ako kumbinsido, nakakatawa para sa iba kong kaklase pero ako ay nanatiling seryoso. Ang dating sa akin ay parang kamatayan at ayon ang ayaw ko sa lahat. Ready akong mamatay ngunit kung ang mga mahal ko sa buhay ang mauuna ay hindi ako handa.
Pagod na nahiga ako sa aking kama at naalala na naman ang ama dahil sa mga nakikita ko sa aking kwarto. Pinikit ko na lang ang mga mata at tuluyang hinila ng antok. Ang bilis ng araw para sa akin, Linggo na at huling bakasyon na namin. Pati iyon ay parang hindi makapaghintay sa kung saan.
Bumangon ako at naghanda na, may usapan kami ngayon ni Adam na magsisimba. Sinabi ko iyon kay Kamala at niyaya siya, sasabay lang siya sa akin pero hindi sasama sa aming dalawa. Inilingan ko ang dahilan niyang gusto kami bigyan ng privacy. Dahil sinabi ko nga sa kaniya ay siya pa ang nagkusang mamili ng aking susuotin, um-oo na lang ako dahil may tiwala naman ako sa kaniya at alam kong alam niyang simbahan ang pupuntahan namin.
Pinili niyang damit sa akin ay loose na tokong na may tastas sa dulo, kulay sky blue na bumagay sa turtle neck kong pink shirt, ang sapatos naman ay puti na may guhit na pink.
Nang tingnan ang sarili sa salamin ay napangiwi ako, maganda iyong damit ngunit hindi bagay sa skin-toned ko! Mas bagay ito sa kaniya dahil maputi siya!
Pinalitan ko iyon dahil alam ko na ang mararamdaman ko mamaya kapag ayon ang suot na ipapakita ko kay Adam! Mahihiya na naman ako!
Simpleng jeans at kulay dark blue na shirt ang sinuot tapos puting sapatos, ni-half tuck in ko ang damit para malagyan ng kaunting style. Wala rin namang nagawa si Kamala, siya na lang ang nagsuot niyon at hindi nga ako nagkakamali, mas bagay na bagay sa kaniya. Mas nagmukha siyang koreana sa suot niya. Psh, bakit kasi hindi ako nagmana kay mama ng kaputian?
Hinintay namin si Adam sa tapat ng aming gate para doon na sumabay sa kaniya, kaagad din kaming sumakay nang dumating siya. Nasa front seat siya katabi ang driver nila, kami naman ni Kamala ay nasa backseat. Tumingin na lang ako sa labas kagaya ng aking ginagawa kapag nasa isang sasakyan.
Nang makarating ay kaagad humiwalay si Kamala sa amin, sinundan ko siya ng tingin at nakitang patungo siya sa kaibigan, kay Harry na kasama ay si Cassidy. Napaawang ang labi ko nang makitang napadaan at nilagpasan sila ni Jamilla na nakangisi at kasama naman si Amber.
Inalis ko ang atensyon doon nang yayain na ako ni Adam sa loob.
Sumama na ako dahil ayaw ko rin namang makita ang mga 'yon, feeling ko ay pasukan na! Lalo na at nakita ko yung dalawang bully na iyon na madalas gumawa ng eksena sa cafeteria. At ang babait tingnan ha? Sabagay, ang iinosente ng mga mukha kaya hindi mo aakalaing mga masasama ang ugali.
Umupo kami sa may pang-apat na upuan, bago magsimula ay narinig ko na muli ang pamilyar na mga boses na nakanta. Tinaas ko ang tingin sa koro at doon ay nakita ang magpinsan na sina Chantelle at Kaye, kasali sila sa isang Youth dito sa Batangas at choir din sila.
Nakinig na lang ako nang magsimula na, nalilingunan ko si Adam na diretso ang tingin sa unahan. Nangingiting ibinabalik ko naman ang tingin kay father, minsan na kaming sabay na nagsisimba ni Adam. Kasama pa nga namin si Kamala noon e, kaya lang nang malaman ni Kamala na may gusto ako rito ay sumasabay na lang siya tapos iiwan na kaming dalawa. Para daw may privacy nga kami.
Iniilingan ko iyon kahit na sa loob-loob ko'y gustong magpasalamat.
"Corn dog, 20 pesos ulit!" nakangiting sabi ko nang matapos ang misa at nakalabas ng simbahan.
Ginulo ni Adam ang aking buhok at mahinang humalakhak, nakaramdam ako ng hiya ngunit hindi winala ang ngiti. Hinila ko na lang siya sa kung saan may nagtitinda ng corn dog. Nginitian kaagad ako ng tindera at natutuwang tiningnan kaming dalawa.
"Habang tumatagal, lalo kayong bumabagay..." hiya muli ang naramdaman dahil sa sinabi ng ale.
Hindi ko sinulyapan si Adam dahil sa nararamdaman at kumuha na lang ng lalagyan ng corn dog. Apat na piraso para sa bente pesos na bayad, ganoon din sa kasama ko.
"Gustong-gusto mo talaga iyan 'no," tinanguan ko siya.
Isinubo ko ang natitira at nginuya. Favorite ko talaga ito sa lahat ng street food, kumakain naman ako ng iba kaya lang mas gusto ko talaga ito. Walang special, hotdog lang na may harina tapos prinito pero masarap at kayang-kaya ng bulsa.
"Saan mas masarap ang ganiyan? Dito o sa Laguna?" tanong niya muli.
"Parehas lang naman e, pero nakaka-miss din yung sa Laguna," sagot ko.
Naalala ko yung unang tikim niyon, bago kasi iyon sa paningin ko kaya sinubukan ko at hindi naman ako nagsisi. Ayon siguro ang magpapaalala sa akin sa probinsya ng Laguna.
"Sana corn dog din ako..." napataas ang kilay ko. "... para gustong-gusto mo rin ako."
"Ano?" tanong ko nang hindi marinig ang huling sinabi niya.
Bago pa man siya magsalita ay may isang mapang-asar na tawa na akong narinig, hindi ko na kailangan lingunin iyon dahil kilala ko na siya.
"Grabe din bumanat si Adam, kaso palpak e." si Kamala na natatawa pa rin.
Si Harry ay naiiling habang nakatingin kay Adam, nahihiya namang ngumiti sa akin si Cassidy.
"Sayang, medyo bingi itong si Ecaterina e." dugtong pa ng aking pinsan.
Napanguso ako at iniisip ang sinasabing banat nito. Banat ba talaga iyon? Siguro? Nakakagulat din naman kasing gusto niyang maging corn dog. Gusto niya ba nang kinakain siya?
Napahawak ako sa aking labi dahil sa iniisip. Ang halay mo, Ecaterina!
"Oh, Jorden!" napaangat ako ng tingin.
Nagulat na naman ako nang mapadako ang tingin niya sa akin. Kita ko naman ang paglayo ng mga mata ng babaeng kasama niya, si Amber na katabi ang may mapanuring tingin na si Jamilla. Nasa likuran din nila si Maica na palagi talagang walang emosyon.
"Kasama mo pala sila..." nilingon ni Amber si Kamala at napataas ang kilay, nairita sa tono ng pagkakasabi.
Napataas din ang kilay ko, napapansin ko simula noong pagpapakilala ni Kamala ay iritado na siya rito ngunit kapag nahuhuli ko iyon ay nag-iiwas lang ng tingin.
Nabasag ang pananahimik namin nang may mabilis na sasakyan na dumaan, sinundan namin iyon ng tingin at huminto iyon sa hindi kalayuan. Sapat lang para makita namin kung sino ang bababa.
Nanlaki ang aking mga mata at nabitawan ang lalagyanan ng corn dog na dala dahil sa babaeng bumaba roon sa sasakyan. Gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya ngunit nanghihina ang aking mga tuhod, nararamdaman ko rin ang pangingilid ng luha nang humarap ito sa amin.
"Ecaterina?"

Bình Luận Sách (3)

  • avatar
    Rogelio Atienza

    okay

    18/10

      0
  • avatar
    Jhan Well Barrola

    Dis store si butifull

    15/10

      0
  • avatar
    CristobalEdmar

    nice chapter

    28/06/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất