logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 2

Ang mensahe
Ecaterina’s Point of View
“Grabe, ang bilis! Katatapos lang nitong field trip natin tapos next next week ay start na ng lesson natin sa third quarter,” usap ni Kamala sa tabi ko.
Lunch break namin ngayon at papunta kaming apat sa cafeteria, ang dalawa pa sa amin ay sina Adam at Harry. Wala akong planong pansinin sila kaya lang ay mababait na tao at hindi naman ganoon kasama ang ugali ko.
Pagkatapos ng field trip namin ay pa-easy-easy na lamang kaming mga estudyante ng Palace Academy, bago din kasi mag-field trip ay pinag-exam na rin kami kaya nagawa ring nilang mag-after party pa kahit na pagod sa byahe.
Kaagad kaming nagtungo sa madalas naming upuan, animan iyon kahit na apat lang naman kami. Mayroon pa kasi kaming isang nakilala kaso ay nasa ibang grade level, Grade 12 na habang kami ay Grade 10 palang. Swerte siguro kami, mababait na itong dalawang nakakasama namin ni Kamala tapos may isa pang nakilala na siyang SSG President ng buong Senior High. Senior High lang dahil iba na ang president ng Junior High.
“Iyong akin, kung ano iyong inyo ay ganoon na rin ‘yong akin!” maligayang sabi ni Kamala.
Napadako ang tingin sa akin ni Adam, nakita ko kaagad ang pagngiti niya kaya hindi ko rin maiwasang gawin iyon.
“Ikaw, Cat?” tanong niya.
Nilingon ko ang bilihan ng pagkain, para akong pumipili kahit na hindi ko naman nakikita iyon.
“Kahit anong naroon basta gulay,” narinig ko ang mahinang pagtawa niya, kahit si Kamala ay umiiling.
“Cat, kahit ano basta gulay? Dapat sinabi mo na lang, gusto ko ng gulay.” pang-aasar ng pinsan ko.
Kung marunong lang ako noong ginawa ni Kaloy sa bus ay nagawa ko na sa kaniya, bakit ba kasi hirap na hirap akong mang-irap? Tuwing ginagawa ko iyon ay tinatawanan lang ako ni Kamala dahil sa hindi naman masakit ay mukha daw akong tanga at parang sinasapian.
Umalis sina Harry at Adam na may mga ngisi sa labi, although yung kay Adam lang iyong ngisi sapagkat ang kay Harry ay mumunting ngiti lang.
Katulad ng madalas naming ginagawa ay kaunting kwentuhan habang kumakain at minsan pa ay panonood ng gulo kapag may nangyayari dito sa apat na sulok ng cafeteria. Sina Amber at Jamilla lang naman ang exposure na sa mga estudyante, saka si Cassidy na binu-bully nila.
Kagaya na lang ngayon, hindi na rin ako magtataka kung bakit miminsan ko lang makita si Cassidy na pumunta rito tapos kapag naman naisipan niyang pumunta ay minamalas lang siya. Pagkapahiya lang ang nararamdaman niya.
At sa palagi kong nakikita, niligtas na naman ni Harry si Cassidy kaya ayon, mas lalong nagalit si Amber. Napakibit balikat ako at tinapos na ang pagkain. Nang bumalik si Harry ay nagsitayuan na rin kaming tatlo.
Nakapangalumbaba ay tinitingnan ko sa gilid ng aking mga mata ang nasa kaliwa ko, si Maica. Walang emosyon siyang pinapanood ang mga kaklase naming kung ano-ano ang ginagawa.
Naramdaman kong umalis si Kamala kaya natuon ang atensyon ko sa kaniya, pumalit sa kaniya ay si Adam. Kumunot pa ang noo ko at nagtataka kung saan pupunta ang babaeng iyon!
“Lalabas daw muna siya, may hindi daw siyang kayang makita?” si Adam na napatanong pa.
Tiningnan ko si Kaloy na nakikipag-usap kay Chantelle, napaawang ang labi ko at tumango kay Adam bilang tugon.
Tuluyan na siyang nakaupo at buti na lang ay hindi ako katulad ni Kamala na nakikita kaagad ang pamumula. May naitutulong din pala ang pagiging morena, sabagay asset ko na rin ito.
“Cat…” nilingon ko siya at nginitian.
Ganoon din ang ginawa niya at napakamot sa ulo. Lalong napalawak ang ngiti ko sa hindi malamang dahilan. Huh, si Adam lang iyan, Ecaterina!
“Bakit?” napababa ang tingin ko at gustong tampalin ang bibig.
Si Kamala ka, girl? Bakit may paglambing ng boses?
“Last day na kasi ito at sembreak na natin next week, yayayain sana kitang lumabas.” lumundag ang puso ko dahil sa sinabi niya ngunit pinipigilan ang sariling mag-assume.
“L-Labas? Saan sa labas? Diyan lang ba sa may corridor? Soccer field o nagyaya kang lumabas para pumuntang cafeteria kasi nagugutom ka?” ang ngiti niya ay naging tawa.
Lalo akong nakaramdam ng hiya dahil napatingin ang iba kong kaklase sa pwesto namin. Biglang gusto kong sumunod kay Kamala sa labas! Umayos ako ng upo at hinintay si Adam na matapos kakatawa. Lilingon sana ako kay Harry kaya lang ay naharang na ng katawan ni Jorden ang dapat kong titingnan. Tulad nang madalas kong nararamdaman tuwing naaabutang nakatingin siya sa akin ay kulang na lang ay lumundag ako.
Napatungo ako at hindi ko na maiwasang kurutin sa may tagiliran si Adam na may kakaunting tawa pa, nagpipigil na siya ngayon matapos kong gawin iyon.
“Halika na nga!” sabi ko at hinila siya papalabas.
Minsan may sari-sarili silang mundo, lalo na kapag may nangyayaring gulo kina Amber at Cassidy tapos ako na pinagtatawanan lang ni Adam kanina ay parang naging mundo na nila. Wow!
Hila-hila si Adam ay tumigil kami sa tapat ng cafeteria, dito ko na lang siya dinala kasi baka nagutom ito kakatawa kanina. Doon na kami umupo sa madalas naming upuan.
“Ako na o-order,” hindi ko na hinintay pang sumagot siya.
Nakakailang hakbang pa lang ay saglit ko siyang nilingon at hindi nakaligtas sa akin ang namamanghang tingin niya. Nang magpatuloy ay hindi ko na rin maiwasang ngumiti.
Kainis ka, Adam!
Natapos ang klase at malungkot kaming kumaway ni Kamala sa dalawa. Isang linggo kaming hindi magkikita dahil sa semester break, kami ay kasalukuyang uuwi ng Bohol para dalawin ang puntod ni mama sa isang Biyernes.
Pumunta kaming Manila dahil Manila pa-Tagbiliran lang ang mayroong byahe, hindi ko natatandaan kung tumira ba ako roon dahil nga sa palipat-lipat kami ng lugar ngunit tagaroon si papa. Kahit na doon ang hometown ng aking ama ay aminadong wala akong alam, tanging Sitio Ubos, Tagbiliran, Bohol lang kung saan naroon ang iba pang natitirang heritage houses, isa roon ay sa pamilya ni papa.
Nasa loob lang kami ng bahay ni Kamala habang hinihintay ang araw ng Biyernes, Martes palang ngayon at kararating lang namin kahapon. Napabuga ako ng hangin sa kawalan, ginagawa ko kapag walang magawa at nabo-boring-an na.
Tumayo ako sa pagkakaupo at balak lumabas para magpahangin, tutungo sana ako sa duyan na itinali sa dalawang punong naroon. Nagulat na naman ako nang makita siya at mukhang lulundag pa kapag humarap ito. Napapikit ako at naisipang bumalik.
“Oh! Anong nangyayari sa ‘yo?” si Kamala na nakasunod pala sa akin.
Balak kong hilahin din siya kaya lang ay huli na ang lahat, napatingin siya sa aking likuran at nakita ang binatang may kausap na babae. Nanlaki pa ang mga mata bago isigaw ang pangalan niyon.
“Si Jorden ‘yon, oh!” turo niya at wala akong nagawa kundi pumihit muli paharap sa kaklase.
Nakatingin na ito sa amin, bakit narito siya? Tagarito rin ba ang isa sa pamilya niya?
“Jorden, wow! Anong ginagawa mo rito? Ang galing namang coincidence at nagkita-kita pa tayo nina Ecaterina sa tapat ng bahay ng papa niya!” si Kamala na namamangha at patakbong lumapit sa kinatatayuan niya.
Naglakad din ako at napabaling ang atensyon sa kasama niyang babae. Sino naman ito?
“Umuwi ako para dalawin siya,” tukoy niya sa babae.
Ngumiti ito sa amin at ako naman ay napapilit na lang ang ngiti, baka gulat pa rin ako at hindi rin makapaniwalang narito siya.
“Wow, ang tahi-tahimik mo pero mayroon ka pala ha,” kumunot ang noo niya sa sinabi ng aking pinsan, ang babaeng kasama ay bahagyang humalakhak.
Tumungo ako at saglit na napapikit, wala na nga ako sa classroom pero hindi pa rin ako nilulubayan ng kahihiyan. Tapos sa tapat pa ng hindi ko ka-close na kaklase.
Nag-angat na lang muli ako ng ulo, nakita ko pang parang nahihiwagaang nakatingin sa akin yung babae. Pinigilan ko ang sariling lingunin iyon.
“Ah, ako nga pala si Kamala, kaklase ni Jorden sa Batangas.” nilahad niya ang kamay sa babae.
Nakangiting tinanggap iyon at nagpapakilala rin.
“Jordyn…” tuluyan na akong tumingin nang bumaling naman siya sa akin. “And you are?”
“Ecaterina…” nagtatakang tinanggap ko naman ang kaniyang kamay nang sa akin siya naglahad.
Weird din itong isa ‘to, parang mga kaklase ko lang. Tikom na tikom bigla ang bibig pero halatang may gusto pang sabihin. Saka parang halamang nalanta ang kaniyang mga kamay dahil sa matamlay nitong pagbitaw sa akin.
May nararamdaman akong kakaiba sa aming tatlo ngunit itong pinsan ko ay mukhang mas walang pakialam kaysa sa akin. Wala ba itong nararamdaman kaya patuloy lang sa pagngiti sa taong kaharap?
“A-Ahm, akala ko buhay na e…” mas lalo pa akong nagtaka sa sinabi ni Jordyn, narinig ko pa ang bahagyang paghalakhak niya. “… nagkakamali lang pala ako.”
“Jordyn…” si Jorden at napataas pa ako ng kilay.
“Sinong buhay?” sabat ni Kamala sa tabi ko.
Gusto kong mapatampal sa noo dahil wala nga siyang nararamdaman! Ang manhid naman ng isang ito!
“Una na kami ni Jordyn, Kamala at…” napatingin siya sa akin. “… at marami pa kasi kaming aasikasuhin at pag-uusapan. Ingat kayo…”
Ako naman ngayon ang napatikom ang bibig. Si Kamala ay kumaway pa sapagkat ako ay tulala lang, parang may sumakit na kung ano sa akin kaya pumunta ako sa kuwarto at sinabing magpapahinga lang. Kulang na lang ay magkadikit ang dalawang kilay dahil sa nararamdaman kong pagkainis.
Naiiyak ako na ewan!
Inayos ko ang aking ekspresyon at dinampot ang tumunog na cellphone sa side table. Doon ay may nakita akong isang text message at parang mas lalo pang nainis. Tanghaling tapat tapos magte-text ng ganito?
From: +639380687376
Are you one of the students of section H-4? Are you ready to know what will be your fate with your four-cornered classroom? Will you be happy or will cry using your own blood? Good luck!
Napahawak ako sa aking dibdib at biglang naalala ang ngisi ni Maica. Nararamdaman ko ngayon yung kilabot na naramdaman ko noon nang makita iyon.

Bình Luận Sách (3)

  • avatar
    Rogelio Atienza

    okay

    18/10

      0
  • avatar
    Jhan Well Barrola

    Dis store si butifull

    15/10

      0
  • avatar
    CristobalEdmar

    nice chapter

    28/06/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất