logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 Pang-anim na Liham

Dear, Vin
    Today as I write this letter, I realized we are both work hard in this life. You, to make your father proud of you. And me, to give my sister a good life.
My sister, basketball
Study, popularity
Work, your father's company.
You see Vin,we have different goals in life. And from the beginning, there was no love in our priorities. Love will be the biggest distraction. And we both know we can't fail.
Lalo na ako, bawal akong mabigo.
Kaya nga nung unang beses na nakita kita. Nug unang beses na tumigil ang mundo ko, nung unang beses na tumibok ng mabilis ang puso ko... nung unang beses na nakaramdam ako ng paruparo sa tiyan ko. Tumalikod ako para tumakas.
Dahil nung araw na nakita kita, bumalik sa akin ang imahe ni Daddy nung nalaman niyang wala na si Mommy. Bumalik sa akin kung paano niya hinawakan ang may parteng dibdib niya, kung paano siya nawalan ng malay, kung paano sila nagkagulo para maisugod siya sa hospital.
Vin, nung araw na nakita kita bumalik sakin kung paano nawala si Daddy dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Mommy.
"Aliyah, saan ka pupunta?" nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at hindi na pinansin si Sydney.
Grade 9 lang ako noon, may trabaho ako sa karendirya malapit sa school namin. Dumating si Sydney at pinilit akong sumama sa kanya, ayaw ko sana kaya lang mahirap talaga pag si Sydney na ang namilit sa akin. Hindi niya kasi ako tinitigilan hangga't hindi ako pumapayag.
Pumunta kami ni Sydney sa school nila. Sa private school nag-aaral si Sydney, sobrang ganda ng school nila at napakalawak. Gandang-ganda ako noon habang naglalakad kami papunta sa gym na pinaggaganapan ng laro.
Sabi ni Sydney, may laro daw yung crush niya at ipapakilala daw niya ako. Sumama na rin ako kasi matagal ko na rin gusto makilala ang lalaking laging ikinukwento ng kaibigan. Simula kasi yata ng magkakilala kami ikinukwento na niya sa akin iyun pero never ko pa siyang nakilala.
"Teka lang Ali, hinahanap ko pa" pasigaw na sambit sa akin ni Sydney dahil sa ingay na bumabalot sa loob ng court.
Malaki ang gym ng school nina Sydney, halata mong mayayaman ang gumagamit. Pag iginala mo ang mata mo, makikita mo ang mga estudyanteng halata ring may masasabi sa buhay. Ang gagara ng mga suot nila, medyo nakakahiya ang pantalon at t-shirt na suot ko.
Sabi naman kasi ni Sydney, practice game lang daw to. Eh sa sobrang dami ng tao parang championship ang laban.
"Ohmygod, Valencia"
Biglang nagiritan ang mga babae hindi kalayuan sa tinatayuan namin ni Sydney. May itinuturo ang mga ito at biglang magtutulakan na parang kinikilig.
Wala sa sarili kong nilingon ang sinisigawan nila.
"Nakita ko na..."
Vin, sabi sa librong nabasa ko. Malalaman mo daw pag gusto mo ang isang tao, pagbiglang tumahimik ang paligid pag nakita mo siya, pag biglang parang tumigil ang mundo at kayo lamang dalawa ang gumagalaw, pag may naramdaman ka daw na kumikiliti sa tyan mo kasabay ng mabilis na pagkabog ng puso mo.
Iyun mismo ang naramdaman ko habang pinapanood kitang tumakbo habang dinidribol ang dala mong bola.
Natakot ako, hindi normal ang ganitong pakiramdam. Kahit kailan ay hindi tumibok ang puso ko na parang may humahabol dito sa sobrang bilis.
Isang beses akong umurong naghahanda sa pag-alis ngunit laking gulat ko ng tumalon ka para i-shoot ang bola at nang tumapak ang mga paa mo sa sahig ay sa akin unang lumapat ang mata mo.
Pareho tayo noong nakatitig sa isa't-isa. Parang nawala ang mga tao sa paligid, para akong nililipad dahil sa hindi mapangalanang pakiramdam.
"Sa library ko unang nakita ang Mommy mo, anak. Noon paglapat palang ng mata ko sa maganda niyang mukha parang tumigil ang mundo ko. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko, kinabahan ako lalo na nung magtama ang mata naming dalawa..."
"Sa library ko unang nakita ang Mommy mo, anak. Noon paglapat palang ng mata ko sa maganda niyang mukha parang tumigil ang mundo ko. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko, kinabahan ako lalo na nung magtama ang mata naming dalawa..."
"Sa library ko unang nakita ang Mommy mo, anak. Noon paglapat palang ng mata ko sa maganda niyang mukha parang tumigil ang mundo ko. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko, kinabahan ako lalo na nung magtama ang mata naming dalawa..."
Paulit-ulit na nag-echo sa pandinig ko ang mga salitang iyun ni Daddy sa tuwing ikukuwento niya sa akin kung paano sila nagkakilala ni Mommy.
At nung panahong ako ang nasa katayuan ni Daddy. Sa halip na gawin ang ginawa niya dati kaya niya nakilala si Mommy. Mas pinili kong tumalikod, mas pinili kong tumakbo. Tinakasan ko ang taong unang nagparamdaman sakin ng kakaibang pakiramdam.
"ELLEN, TAWAGIN MO ANG DRIVER. BILISAN MO, ANG SIR MARTIN KAILANGAN MADALA SA HOSPITAL"
"ELLEN, TAWAGIN MO ANG DRIVER. BILISAN MO, ANG SIR MARTIN KAILANGAN MADALA SA HOSPITAL"
"ELLEN, TAWAGIN MO ANG DRIVER. BILISAN MO, ANG SIR MARTIN KAILANGAN MADALA SA HOSPITAL"
Si Daddy, walang buhay. Namumutla at hindi gumagalaw.
Hindi ako pwedeng magmahal, hindi ako pwedeng masaktan. Sa dami ng kailangan kong gawin, wala akong panahon para mawasak.
Vin, nung araw na tumakbo ako akala ko tuluyan na kitang matatakasan. Pero simula din ng araw na yun, ginulo mo na ang isip ko. May mga oras na bigla na lang kita naaalala at hindi ko alam kung bakit ngumingiti ako, sa gabi naiisip ko ang mga titig mong para bang kinikilala ang pagkatao ko gamit lang ang mga mata mo at hindi ko alam kung bakit nahihiya ako kahit wala namang nakakakita sa akin.
Gusto ba kita? Tanong ko sa sarili ko.
But no, I can't like you just because you're handsome, I can't like you without knowing who you really are... I.can't.like.anyone. Pilit ko iyang isinisiksik sa utak ko.
Paulit-ulit akong umiling habang mariin na nakapikit. Alas onse na ng gabi, nakahiga na ako at iniisip ko na naman ang gwapong lalaking nakita ko sa school ni Sydney.
Dapat tulog na ako ng ganitong oras. May pasok pa ako bukas.
Umikot ako para sa kabilang side humarap. Sinubukan ko na ring pumikit ngunit agad din akong nagmulat ng mata at umiling dahil sa imahe ng lalaking tumalon para i-shoot ang bola.
BAKIT KO BA NAIISIP YUN?
"Ate, okay lang po ba kayo?" napabalikwas ako ng bangon at gulat na lumingon sa kapatid kong nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko.
Mukha itong nagtataka sa naabutan niyang ikinikilos ko. Pikit akong umiiling habang nakahiga. Mukha yata akong nananaginip.
"H-ha?"
"Okay lang po ba kayo? May problema po kayo" mahinhin uli nitong tanong at humakbang palapit sa kama ko.
Mabilis akong tumango "O-okay lang. May naiisip lang ako" awkward akong tumawa na lalong nagpakunot sa noo niya.
Ilang segundo akong tinitigan ni Belle bago rin ito tumango na parang kumbinsido.
"Ikaw? Bakit gising ka pa? May problema?" bumangon ako at sinalubong siya "May masakit ba sayo? Yung dibdib..."
"Ate, okay lang po ako" putol nito sa pag-aalala ko at matamis akong nginitian "Binisita ko lang po talaga kayo kasi napapansin kong parang wala po kayo sa sarili nitong mga nakaraang araw".
Napabayaan ko ba siya?
Iyun agad ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Masyado nga yata akong lutang kakaisip sa isang lalaki, hindi ko napapagtuunan ng pansin ng kapatid ko.
Matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Belle bago ito hinila para mayakap. "Pasensya ka na, medyo madami lang akong iniisip nitong mga nakaraan".
"Ate, kung may problema ka pwede mong sabihin sa akin ha. Hindi mo kailangan solohin".
Tumango na lamang ako at mas niyakap ito ng mahigpit, ibinalik naman nito ang higpit ng yakap ko.
Love,
Aliyah

Bình Luận Sách (48)

  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    12d

      0
  • avatar
    YguasJosephine

    Ang Ganda po

    08/08

      0
  • avatar
    CabangonRavelyn

    💖💖

    22/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất