logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Wife For Hire

Wife For Hire

_sunflower


Kabanata 1

"Avianna Verlice's Point Of View"
"Via!" rinig kong sigaw ng aking boss pagkapasok ko sa karenderya. "Saan ka na naman galing? Absent ka na nga kahapon late ka naman ngayon!"
Napalunok ako at lumingon sa kinaroroonan niya. "Eh, Aling Cha, na-hospital po kasi ang kapitbahay ko na malaki ang utang na loob ko kaya hindi ko na po natanggihan nang maki-usap siyang bantayan ko siya sa hospital."
Si Auntie Rosie ang kapitbahay kong may anak na si Sky. Sila ang parang naging gabay ko nang mamatay ang tao na kung saan aki ibinilin ni tatay.
"Puro ka na lang emergency, Via, ha! Hindi na nakakatuwa iyang pa-absent-absent at pa-late-late mo na 'yan," talak nito. Tinigil nito ang ginagawa at nakapamewang na humarap sa akin. "Isa mo pang late o absent, Via, tanggal ka na talaga sa trabaho."
"Pasensya na po, Aling Cha, hindi ko na po uulitin," mahinang saad ko.
Tinalikuran lang ako nito at bumalik sa ginagawa. Napabuntong hininga ako. Ang hirap nang buhay nang hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Kung bakit ba naman kasi nawala ng maaga ang mga magulang ko.
Bata pa lang ay natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa dahil maagang kinuha ni papa god ang nanay at tatay ko. Lumaki ako sa kapitbahay namin na byuda at wala ring anak kaya sa kaniya ako iniwan ni tatay. Naturuan lang ako nitong magtrabaho namatay din dahil sa sakit na cancer.
Wala akong ibang kakilalang kapamilya ko dahil sa pagkakaalam ko kay tatay ay naroon daw sa probinsya ang aming mga kamag-anak. Kailangan kong magtrabaho ng tudo para sa sarili ko dahil isang kahig isang tuka lang din ako.
"Ano, napagalitan ka na naman?" tanong ng kasamahan ko sa karenderya na si Abby.
"Oo, eh. Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa nanay ni Sky kaya nang naki-usap sila sa akin na magbantay sa hospital ay hindi na ako tumanggi pa," problemado kong sabi.
Umiling-iling ito sa akin at bumalik sa ginagawa. Dinakma ko ang hugasin at sinimulan itong hugasan. Kung hindi paghuhugas ng mga plato ay paglilinis ng lamesang pinagkainan ang trabaho ko rito sa karenderya ni Aling Cha.
Natapos ang buong araw ko sa trabaho at pauwi na ako ngayon. Bibili lang ako ng tinapay na pasalubong kay Sky pagkatapos ay didiretso ulit ako sa hospital upang bantayan si Auntie Rosie.
"Sky!" tawag ko sa batang naglalaro sa labas.
Tumakbo ito papalapit sa akin saka ako niyakap. "Ate Via! Kamusta po work mo?"
"Okay naman," nakangiting sagot ko at ginulo ang buhok niya. "Halikana muna sa loob may dala akong tinapay para sa'yo."
Sabay kaming pumasok sa loob ng apartment ko. Nilapag ko sa lamesa ang tinapay na binili ko para sa kaniya at dumiretso sa kusina upang makapagluto ng dinner naming dalawa.
"Ate, pupuntahan mo ba mamaya si mama?" tanong nito habang kumakain kami ng dinner.
"Oo, Be. Si Auntie Rose mamaya ang kasama mo rito dahil ako ang papalit sa kaniya sa pagbabantay sa mama mo sa hospital," sagot ko sa kaniya.
"Ate, salamat po, ah?" biglang saad nito.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Para saan?"
Lumunok ito saka mahinang ngumiti. "Kasi, Ate, tinutulungan niyo po kami nila mama at auntie."
Malungkot akong napangiti at hinimas ang kaniyang buhok. Ang sakit sa dibdib na makitang sa mura niyang edad na ito ay nararanasan niya na ang hirap ng buhay. Masakit na napagdaanan niya rin ang napagdaanan ko noon.
"Auntie Rosie, kamusta na po ang pakiramdam mo?" tanong ko sa nanay ni Sky na mukhang may dinadama talagang sakit.
"Maayos naman ako, Via," hirap na sagot nito at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa kama niya. "Kamusta si Sky?"
"Maayos naman po siya, Auntie, naglalaro naman po," nakangiting sagot ko para maibsan ang problema nito sa anak.
"Nakaka-awa naman ang anak ko," nasabi nito sa gitna ng pagmumuni-muni.
Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang pagkain namin. Nakatulog na si Auntie at ako naman ay nakatingin lang sa bintana habang iniisip ang kalagayan nila. Iniisip ko rin ang perang matatanggap ko para aa buwang ito upang makatulong sa bayarin nila sa hospital.
"Via."
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata nang marinig ang mahinang pagtawag na iyon ni Auntie Rosie. Blured pa ang paninging bumaling ako sa kaniya.
"Via, alas dyes na hindi ba may trabaho ka pa?" mahinang tanong nito. "Pasensya na, 'Nak, ang sarap kasi ng gising mo kaya ngayon ko lang naisip na gisingin ka."
Parang sinindihan ng apoy ang pwetan kong mabilis na dumiretso sa cr upang maligo at magbihis. Mabilisan lang akong nagpaalam kay Auntie Rosie at dumiretso na sa trabaho. Kaagad akong pumasok sa loob ng karenderya at dumiretso sa lababo upang hugasan ang mga pinagkainan dahil late na ako ngunit hindi pa man ako nakakapagsuot ng apron ay kaagad na akong tinawag ni Aling Cha.
"Via, ilang beses ko nang sinabi sa'yo, Hija?" parang pinapahaba ang pasensyang sabi nito. "Pasensya ka na pero kailangan na talaga kitang tanggalin. Sinabi ko na sa'yo na huwag ka nang mag-absent at magpapa-late pero ginawa mo pa rin."
"Aling Cha, ako po kasi ang nagbantay kay Auntie Rosie sa hospital kasi po walang nagbantay sa kaniya. Kagabi hindi po ako nakatulog dahil pabalik-balik din po ang doktor para tingnan siya kaya tinanghali po ako ng gising," mahabang paliwanag ko.
"Pasensya ka na talaga, Hija, pero sa pagkakataon na ito, hindi na kita mapagbibigyan pa," sinabi lang nito at tinalikuran ako.
Naluluhang laglag ang balikat na tumalikod ako upang maka-alis na sa karenderya. Hindi ko na alam kung saan ako hahanap ng trabaho ngayon. Ang malas-malas ko naman na ngayon pa ako nawalan ng trabaho kung kailan ko kailangan ng pera.
Umuwi ako ng bahay upang sana ay ipa-alam kay Auntie Rose na natanggal ako sa trabaho at magpaalam na maghahanap muna ng panibagong trabaho ngunit si Aling Bebang ang sumalubong sa akin.
"Hija, may nais na umakopa ng apartment na tinitirhan mo ngayon, total hindi ka pa naman nakakabayad naisip ko na umalis ka na lang muna," pangunang saad nito.
"Pero, Aling Bebang magbabayad naman po ako, eh. Saktong natanggalan lang po ako ng trabaho," nagmamaka-awa kong saad. "Pangako po sa susunod kapag nakakita na po ako ng trabaho ay magbabayad ako. Huwag niyo lang po akong paalisin, Aling Bebang."
"Pasensya ka na talaga, Via."
Inimpake ko ang gamit ko saka lumabas ng apartment. Mabigat akong bumuntong hininga at pinunasan ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Napakamalas ng araw na ito.
"Via!" narinig ko ang sigaw ng aking kaibigang si Janna. Nilingon ko siya at nakita kong nagmamadali itong tumakbo papunta sa akin. "Oh, saan ka pupunta? Ba't dala-dala mo ang gamit mo?"
"Ah. Pinaalis ako ni Aling Bebang, eh," sagot ko sa tanong niya. "Hindi kasi ako nakabayad ng tatlong buwan at natanggal pa ako sa trabaho."
"Ang saklap ng kapalaran mo, ah," nakangiwing saad nito. Nginitian ko lang siya. "Ay! Kaya nga kita tinawag, may nakita kasi ako."
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Parang bigla naman akong na-curious. "Ano ba 'yon?"
"Saktong nawalan ka ng trabaho, may nakita kasi akong naghahanap ng dalagang willing daw mag-trabaho," sagot naman nito.
Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niya. Kahit pala malas na malas ka may kaakibat din palang swerte.
"Talaga? Saan daw?" tuwang tuwa kong tanong.
May binigay siyang papel na kung saan ay nakalagay doon ang address. Nagpasalamat ako kay Janna saka tinahak ang daan papunta sa address na binigay niya sa akin.
"Kuya, dito po ba ang Cox's group of companies?" tanong ko sa guard nang makarating sa address na binigay sa akin ni Janna.
"Ah, opo, Ma'am," sagot naman ng sekyo. "Ano po ba ang kailangan ninyo?"
"Nabalitaan ko po kasi na naghahanap daw dito ng trabaho?" tanong ko sa kaniya. "Eh, ayon po sa kaibigan ko ay dalaga raw po ang hanap."
"Nako, ano ang apilyedo mo, Miss?" tanong nito.
Nagulat naman ako nang tanungin nito ang apilyedo ko dahil naghahanap lang naman ako ng trabaho. Baka mamaya hindi ako matanggap dahil nagbabase pala sila sa last name ng tao.
"V..verlice po," utal kong saad.
"Sige pwede ka nang pumasok sa loob," sabi niya. "Sumakay ka ng elevator at sa office of the CEO ka pumunta."
"Sige, Kuya, salamat."
Pumasok ako sa loob at dumiretso sa floor na sinabi ng guard. Nang makarating ay namangha ako dahil bumungad sa akin ang puro glass na bintanang nakapalibot sa buong opisina. Sobrang lapad din ng opisina.
Pagkalabas mo ng elevator ay wala nang pinto-pinto kung hindi ay nasa mismong opisina ka na talaga.
Hindi ko alam kung paano ko hahanapin ang tao rito dahil parang wala namang taong narito.
"Hello po?" nag-aalinlangan kong sambit.
"Hi, Miss. Beautiful, come, I'll guide you to the CEO," saad ng lalaking naka-suot ng pormal na suit.
Tumango lang ako sa kaniya at sumunod. Nakatitig ako sa likod nito at talaga mamang namangha dahil kung titingnan lang ay sobrang well built ng katawan niya ngunit ang base sa mukha nito ay nasa bente lang ang kaniyang edad.
Muli akong namangha nang makita ang malinis na paligid. Parang napaka-linis na tao nitong may-ari ng opisina na base sa sinabi ng lalaking sumalubong sa akin kanina ay sa CEO raw.
"Dude, the one you're waiting for is finally here," saad ng lalaking kasama ko.
Nilibot ko ang aking paningin at sa kabilang side ng opisina ay may dalawang lalaking naka-upo. Nang makitang nakatitig ako sa kanila ay nginitian nila ako't kinawayan.
"Tss," narinig kong ungot ng lalaking seryosong nakatingin sa kawalan. "So, you're?"
"A..ah. ako po si Avianna Verlice, Via na lang po," kabadong pakilala ko.
Tinaasan ako nito ng kilay at nagpa-dekwatrong umupo. Sinuyod nito ng tingin ang aking kabuuan. Mula ulo hanggang paa ay tinitigan niya ako. Hindi ko maiwasang hindi mapa-lunok dahil sa ginawa niya.
"Dude, don't pressure the girl," sabat ng lalaking nakasuot ng damit pang-gym. "She looks uncomfortable."
Bumuntong hininga ito at may papel na iniurong papunta sa harapan ng lamesa niya. Dahan-dahan akong lumapit para kuhanin iyon ngunit ang paningin ay umiikot sa limang lalaki na narito sa loob ng opisina. Tinatanguan lang nila ako na para bang sinasabing kuhanin mo at basahin.
Wife For Hire..
Iyon lamang ang laman ng papel. Puno nang pagtataka ang aking mukhang napatingin sa kanila.
"What you've read there is what we are looking for," paunang pagpapaliwanag ng lalaking masungit.
Napalunok akong napatingin sa kaniya. "S..sir."
"I am Marco Crox the CEO of this company. Are you willing to be my wife?"

Bình Luận Sách (328)

  • avatar
    Bryle Terrence Santos Bayan

    nice story

    5d

      0
  • avatar
    Bhing Villarin

    nabitin po ako sa binabawa kong wife for hire wla na po ba itong karugtong? salamat po

    10d

      0
  • avatar
    Britanie Musni

    its so hot

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất