logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Until you came

Until you came

Isabella


Chapter 1 part 1

Nagwawala si Lucas, ang boyfriend ko at dumating na lang syang ganito na para bang sinapian nalang bigla. Okay naman kami eh.. Sobrang saya namin, sweet, at may pag-aalaga sa isa't isa pero paano nahantong ang lahat sa ganitong pangyayari?
Hindi ko alam kung anong meron sa akin at halos lahat ng tao ganito ang trato sa akin.
"Mag break na tayo!" sigaw ni lucas, muntik na mabingi ang aking tenga nang ihagis nya sa lapag ang cellphone ko.
Pamana pa naman sa akin yun ni mama nung lumisan sya pero.. Nasira lang ng dahil sa lalaking ito.
"Haha.." peke kong tawa. Pano ba ako napasok sa ganitong relasyon.
" pagod na pagod na akong kasama ka! Mabuti pa't mag break na tayo, tutal di ka naman kagandahan" sigaw ni lucas habang naka upo ako sa lapag ng kwarto humihikbi ng iyak.
"sabihen mo! Anong rason bat ka nakikipag break ha?! Okay naman tayo ha?!" sigaw ko sa kanya patayo mula sa lapag.
Sinampal nya ako, halos mahimatay ako sa pag ikot ng aking ulo pero pumikit pikit ako at pilit na ginigising ang sarili upang bumalik ako sa realidad.
Rinig ko syang nag sisigaw ng mga salita.
"meron na akong iba. Mas mabuti sya kesa sa sayo na anak ng lasinggero! Di ka naman kaaya aya bilang Girlfriend"
"wala kang oras sa akin, puro ka trabaho trabaho. Baka nga jowa mo na yung boss mo eh! Kalandian mo!!"
Yun lamang ang huli kong narinig at ang pag sara ng pinto na gumawa ng malakas na ingay. Pumikit na ako at tuluyan nang nawalan ng malay.
Nagising na lang ako sa hospital at medyo madilim ang paligid ko. Pumikit pikit nalang upang maka kita ng malinaw pero sadyang wala paring malay ang katawan ko at hindi pa handa upang tuluyang gumising.
Isang bagay lang ang nakita ko, iyon ang isang lalaking naka long sleeves sweater at may slick hair na kala mo nabasa ng ulan..
Baka naman umuulan sa labas at napadaan lang itong lalaki.
Tuluyan na akong pumikit at pag lipas ng oras ay tuluyan na akong gumising.
Agad agad akong napaupo sa aking higaan nang maisip ko ulit ang pag hagis ng boyfriend.. I mean ex boyfriend ko ng aking cellphone.
Nasan na kaya yung phone na yun, sayang naman yun baka pwede pang mapaayos
Tanong ko sa aking isip. Tumingin ako sa aking kamay at may naka turok na dextrose, sakto at dumating na ang doctor at sinabi nya ang nangyari sa akin.
"Ms. Solace unconscious ka nang dinala ka ni Sir. Blaise dito sa hospital"
Huh?? Sino kaya itong sir. Blaire? Parang familiar sya sakin eh.. parang narinig ko na sya somewhere pero hindi ko maalala.
"na diagnose kang may trauma dahil sa injury ng ulo mo, pero ginamot na namin sya at ganun na din ang iba mong sugat sa katawan."
Tumango tango ako sa kanya at nag pasalamat bago sya umalis. Nag ka injury siguro ako sa ulo dahil nabagok ako mula sa pag kakahulog sa sahig.
Di ko na malayan na nauntog pala ako dahil tuluyan na akong nawalan ng malay. Isa palang sinabi ng doctor ay bayad na raw ang hospital bills ko.
May pera naman ako pero.. sino kaya nag bayad nun?? Ang bait naman nya para gawin yun.
Baka naman si.. "sir. Blaise"? pero di ko naman maasume na sya yun kase di ko naman sya kilala at di ko naman tuluyang alam kung sya nga talaga ang nag bayad ng bills ko.
Salamat nalang sa nag bayad kung sino ka man!
Nagpahinga muna ako ng 2 oras dito sa kwarto upang maka kuha ng lakas para bumangon. Medyo masakit lang ulo ko dahil dun sa injury pero overall okay naman na ako.
Matapos makapag pahinga ay bumangon na ako mula sa kama. Tinanggal narin ng mga nurse ang dextrose ko kanina kaya pwede na akong makapag lakad lakad.
Pansin ko dito sa aking kwarto ay private room sya ha.. May fridge, kusina at sariling bathroom. Mahal siguro tong kwarto na to, swerte ko talaga sa nag bayad nito.
Pumunta ako ng kusina at tumingin tingin.
May mga mansanas pa sa lalagyanan ng prutas at pag bukas ko ng fridge ay may 2 tocino at 1 pack ng yacult.
Mauwi ko nga to pag labas ko tutal sakin naman na to, natawa ako sa naisip ko.
Talino ko talaga...
Kunin na ang lahat ng free mayaman ka man o mahirap!
Tinignan ko ang mga drawers na nasa kwarto at inisa isa kung may mga gamit ba akong maaring maiwan. So far wala naman, wala naman din akong dala dala sa bulsa ko na mga gamit lalo na't naka shorts ako. Sama ko narin na naka v neck long sleeve ako.
Sinabihan rin ako ng doctor na maaring maka alis na ako ng hospital ngayong okay naman na yung katawan ko, alagaan ko nalang daw ang injury sa likod ng ulo ko.
Medyo nag mukha akong naka headband, gamit tong gauze na pinakot nila sa aking ulo para matakpan ang sugat ko sa likod.
bagay naman sakin eh with my middle length hair!
Tumatawa tawa pa ako ngayong nasaktan na ako noh? Ganun naman talaga, hindi naman lahat ng bagay kailangang gawing malungkot pag may nangyari sayong hindi ka nais-nais.
Kinuha ko na ang mga kailangan ko at sakto na nagbibigay ang hospital ng free bag at small teddy bear.
Duon ko nilagay mga gamit ko tsaka umalis na ako sa hospital.
Tanda kong wala pala akong dala-dalang wallet kase nandun mga cards at pera ko. So mag lalakad nalang ako pauwi tutal 30 mins walk lang naman pagitan ng hospital tsaka nung condo units.
Swerte ko talaga kay Sir. Blaise, kung sino ka man sana magkakilala tayo at makapag pasalamat lang ako oh..
Sinimulan ko nang maglakad pauwi ng condo, sana wala dun si lucas kundi, baka hindi lang injury matamo ko dun.
Baka nga macoma pa ako ehh!
I crossed my fingers hoping that he's not at our unit.
Nakadating na ako sa Villar's Condominiums mga mayayaman at ceo ang naninirahan dito at kung nag tataka man kayo bakit dito ako naninirahan ay dahil kay lucas..
Anak kase yun ng mayaman, mga angkan na gumagamit ng gintong kutsara ang pamilya nila eh. kaya after ng 8 months na naging kami-
Napag decisionan naming mag renta ng condo dito sa Villar's, sagot naman nung tatay ni Lucas ang bayad dito pero di na namin pinaalam na tumira kaming sabay sa iisang condo kase ayaw sakin ng mga magulang nun.
Ewan ko ba...
Pag dating ko dito sa 3rd floor ay dahan dahan kong inilagay ang code at kagat labi akong pumasok sa pinto ng aming unit at pagkita ko ay walang tao rito.
Buti naman..
Kita ko parin ang gulo ng sala mula kagabi at nang pumunta ako sa aming kwarto ay naka tambad parin ang gulo mula kagabi.
Nakita ko ang basag kong cellphone at kinuha ito mula sa lapag. Sana pwede pa tong mapagawa, madaming memories dito eh..
Nababasa na ang aking mata nang maisip ko ang kagabi.
Hays..
Binuksan ko ang cabinet at kita na wala na ang mga damit ni Lucas dito.
"Iniwanan na nya talaga ako hahah..." mahina kong sabi.
Sinayang lang ang 2 years na relasyon para lang sa ibang babae?...
Napa upo ako sa kama na may bubog pero di ko nalang ito inisip at umiyak nalang sa lungkot..

Bình Luận Sách (91)

  • avatar
    Saliha B. Badal

    😍😍

    2d

      0
  • avatar
    Krisdel Villarmino

    gandaa nito

    19d

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    ang sad

    29/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất