logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

NAPALUNOK nang sariling laway si Franki, ganito kalaking bahay ang lilinisin niya? Hindi pa nga siya nakakasimula parang pagod na siya. Tapos, nakakabingi pa ang katahimikan baka malungkot lang siya.
"Have a sit," paanyaya ni Argel sa dalawang dalaga. "You want something, water, juice or anything ?"
"No thanks!" Panabay na sagot ng dalawang dalaga.
"Are you living alone in this house?" tanong ni Angela sa binata.
"Yes," tipid na sagot ng Argel. "Excuse me ladies, kukuha lang ako ng damit."
Huwag na! bulong ni Franki sa sarili. Muli niyang pinagmasdan ang matipunong katawan ng binata, mukhang alaga sa gym ang katawan nito. Malinis at mukhang mabango. Hindi sinasadyang napadako ang kaniyang paningin sa bandang ibabang bahagi ng katawan nito. Muli siyang napalunok ng laway, agad din naman niyang sinaway ang kanyang sarili. Hindi pa nga siya nag kaka nobyo pero ang laswa na niyang mag isip.
"Kakahiya ka Franki..."  bulong na saway niya sa sarili.
"Mukha yatang nag eenjoy ang kasama mo sa magandang tanawin na nasa kanyang harapan." Pasaring ng binata. kay Angela nito sinabi pero kay Franki ito nakatingin. "Sige maiwan ko na muna kayo,"
Tumalikod na nga ang binata.
Naiawang niya ang bibig, siya yata ang pinaringgan ng binata.
Nasundan nilang mag kaibigan ang binata na nag lalakad palayo ng sala, hanggang sa may hagdan nakasunod pa din ang paningin nila dito.
"Masyado ba akong halata?" Tanong niya sa kaibigan. Ramdam niyang uminit ang mag kabilang pisngi niya dahil sa pagkapahiya, akala pa naman niya hindi kita ang mga mata niya sa suot na salamin.
"Hindi naman friend," natatawang sagot nito. "Nahuli ka lang naman na nakatingin sa kanyang ' bird'." Bungisngis na sabi pa nito.
"Eeeehhh grabe nakakahiya!" Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang bibig.
Humagalpak naman ng tawa si Angela. "Mukhang mag eenjoy ka dito friend ah, nakakainggit ka promise!" Kinikilig na sabi nito.
Mahigpit na kumapit sa isang braso niya ang kaibigan, ipinilig nito ang ulo sa kanyang balikat na para bang kinikilig.
"Friend tingin mo, kaya ba ng powers ko ang mag linis sa ganito kalaking bahay? and take note, mukhang mag isa lang akong kasambahay."
"Ang guwapo na niya ang macho pa!" ito ang sagot ni Angela. Mukhang nawawala na yata ito sa sarili.
Gamit ang hintuturong daliri, idiniin niya iyon sa noo ng kaibigan at bahagyang itinulak iyon.
"Ang layo ng sagot mo sa tanong ko,"
Napakamot sa leeg si Angela. "Ano ba iyong tanong mo?"
"Ang tanong ko, kung kakayanin ba ng powers ko na mag linis ng ganito kalaking bahay? Mukhang mag isa lang akong gagawa ng gawaing bahay."
Para namang bumalik na ang huwisyo ng kanyang kaibigan.
"Oo nga ano, naku baka hindi mo kayanin. Mamaya tatanungin ko kung may makakasama ka ba dito." May pag aalala sa boses na sagot ng kaibigan.
MUKHANG  abala sa pag uusap ang dalawang babae na nakaupo sa sofa. Nakalapit na si Argel sa mga ito ng hindi man lang siya namamalayan.
"Mag isa lang siyang magiging kasambahay ko," sagot ng binata.
Sabay na napalingon ang mag kaibigan sa nag salitang binata. Nakalapit na pala ito sa kanila ng hindi man lang nila namalayan.
"Seriously?" maang na tanong ni Franki sa binata.
Seryosong naupo sa isang sofa  si Argel sa tapat ng mag kaibigan.
"Yes." Nakangiti pa na sagot ng binata.
Nagkatinginan silang mag kaibigan. Parang ngayon pa lang gusto na niyang mag back out!
"Dont worry, every sunday may pumupunta dito para mag general cleaning ng bahay. May nag lalaba din ng mga labahin ko." Mahabang paliwanag ng binata.
Nakahinga ng maluwang si Franki dahil sa sinabing iyon ng binata.
"Ikaw naman ang gagawin mo, mag lilinis pa din para lang ma maintain ang kalinisan ng buong bahay. Walis - walis, punas-punas at siyempre kasama na ang pagluluto." Pahabol pa na sabi ng binata.
"Oh friend kayang- kaya mo yan, mahilig ka naman mag luto di ba." Sabat ni Angela na hinawakan sa balikat ang kaibigan.
Napatango siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman siguro siya mahihirapan sa gawaing bahay kung kada linggo ay may pumunta sa bahay na iyon para mag general cleaning.
"Magkano naman po ang magiging sahod ng kaibigan ko?" tanong ni Angela sa binata.
"Okay na ba ang ten thousand a month?" Sagot ng binata.
Napanganga si Franki ng marinig ang sinabi ng binata. Ang laki yata ng sahod niya kada buwan, samantalang ang mga kasambahay nila sa bahay six thousand a month lang. 
Hindi na masama ! he, he he!  sa isip-isip niya.
"Bakit po ang taas yata ng sahod ko?" Curious niyang tanong sa binata.
"Ah kasi ganito yon," simula ng binata. Umayos ito ng upo bago ituloy ang sasabihin. "Nakatira pa din ako sa parents ko, bihira lang na mag stay ako dito sa bahay ko. Para naman hindi mag mukhang haunted house itong bahay dahil lagi walang tao kaya nag hanap ako ng kasambahay na mag e stay dito." 
"Haunted house!" panabay na ulit ng mag kaibigan.
"Nananakot ka yata eh!" tila reklamo ni Franki sa binata.
"Joke lang, natakot ka ba?" natatawang tanong ng binata sa kanya.
Pekeng tawa ang isinagot niya dito. "Kaya pala malaki ang sahod ko, dahil bukod sa pagiging kasambahay magiging guard pa pala ako." Mahinang reklamo niya.
Naramdaman niya ang mahinang pag sabunot sa buhok niya ni Angela. "Akala ko ba gusto mo ang ganitong trabaho?" Bulong sa kanya ng kaibigan.
"Kulang pa ba ang ten thousand pesos, dadagdagan ko." 
Hindi siya umimik, hindi naman sa ayaw niya sa kanyang trabaho. Pero gusto pa din niyang pag isipan mabuti kung kakayanin ba niyang mag isa sa ganoon kalaking bahay.
"Kung ayaw mo e di mag hahanap na lang ulit ako ng ibang--"
"Sssssh!" Agad na pigil ni Franki sa sasabihin nito. "Pumapayag na ako siyempre, sapat na saakin ang ten thousand pesos na sahod. Basta lagi may stock na pagkain sa refrigerator, para kapag na bored ako sa pagkain ko na lang ibubuhos."
"Okay deal!" sagot ng binata. "Pero mula ngayon dito muna ako uuwi ng buong isang linggo."
Lihim siyang napangiti. Makakasama niya ang binata ng buong isang linggo.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Argel ang makahulugan na ngiti ng babae.
"Bakit ganyan ka makangiti?"
"Wala po Sir, may naalala lang akong movie na nakakatawa." Kaila ni Franki.
"Babantayan ko ang kilos mo sa isang linggong pananatili ko dito sa bahay ko. Kikilatisin ko ang trabaho mo kung makakapasa ba saakin." 
Napangiwi siya sa tinuran nito. Ibig sabihin kapag hindi nito nagustuhan ang trabaho niya, any time puwede siya nitong palitan. Bigla siyang nanlumo.
"Puwede ko ba siyang dalawin dito paminsan-minsan?" Tanong naman ni Angela sa binata.
"Oo naman. Mabuti na din iyong may makausap siya kapag wala ako dito sa bahay."
Infairness, may nakatago din pa lang kabaitan itong amo niya.
"Mamaya pag uusapan natin ang mga rules ko dito sa bahay,"
Awtomatikong napataas ang isang makapal niyang kilay sa sinabi nito. Akalain mo yon, ito na ang nag sabi na bihira lang ito mag stay don sa bahay na iyon tapus may mga rules pa ito. Wow ha! matindi din itong amo niya.
Sasagot pa sana siya ng biglang takpan ni Angela ang kanyang bibig.
"Huwag ka na mag reklamo ang guwapo kaya ng amo mo. Mukha naman siyang mabait!" Bulong pa ni Angela sa kanya.
Napapiksi siya pero hindi na nga siya nag salita. Naku! kung hindi lang niya talaga kailangan ang trabaho, mag ba- back out na siya. 
Muli niyang naalala ang kanyang ama, siguradong nang gagalaiti na iyon sa galit dahil sa pag lalayas niya at sa hindi niya pag payag sa arrange marriage na gusto nito.
Hmmmm... mainam na itatak niya sa kanyang kukuti ang salitang 'Arrange Marriage' upang pag igihan niya ang kanyang trabaho.
HINDI na nag tagal sa bahay ng kanyang amo ang kaibigan na si Angela. Hinatid niya ito hanggang sa labas ng gate. Makailang ulit silang nag yakap na para ba ayaw pakawalan ang isat-isa.
"Mag-iingat ka dito ha, basta kapag may kailangan ka message mo lang ako o kaya tawagan."
"Oo friend, basta pakiusap kapag nag tanong sayo sina mom huwag mo sasabihin na nandito ako ha." Bilin niya na may malungkot sa tono ng boses.
"Oo friend, basta huwag mo pababayaan ang sarili mo ha. Tapus kapag wala dito ang yummy mo na amo, huwag mo kalimutan mag lock ng pinto mga bintana basta lahat ng puwedeng isara." Bilin pa sa kanya ng kaibigan. Inginuso nito ang ibabang bahagi ng katawan niya. "Pati iyang perlas mo, dapat naka sara din dahil lalaki pa din siya noh!"
Natawa si Franki sa huling sinabi ng kaibigan. "Sige na umuwi kana, kanina ka pa hinihintay ni Mang Isko sa kotse. Mag- iingat kayo sa byahe!"
Muli silang nag yakap na mag kaibigan.
"Sige alis na ako, bye!" Paalam ni Angela.
"Bye! ingat kayo sa byahe." Kumaway pa siya kay Angela na nag simula ng humakbang paatras, muntik pa itong matumba dahil naapakan nito ang isang may kalakihan na bato.
"Bye friend!" Pasigaw na sabi ni Angela bago ito pumasok ng kotse.
Hatid tanaw niya ang kotse na nag simula ng umandar na kung saan ay nakasakay ang kaibigan, bumagal ang takbo ng kotse ng mapatapat iyon sa kanyang harapan.
"Ingat ka dito ha," muling pahabol na sabi sa kanya ng kaibigan.
Isang ngiti ang binitawan niya at muling kumaway sa kaibigan, hanggang sa unti-unti na ngang mawala sa kanyang paningin ang kotse.
NAKARAMDAM siya ng lungkot ng mapag isa na lang siya sa labas. Parang gusto niyang maiyak lalo na nga at ngayon lang niya naranasan ang malayo sa pamilya. Pero ayaw niyang umiyak, kakayanin niya ang lungkot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon, it was her choice kaya dapat lang panindigan niya ang naging plano niya sa buhay. Papatunayan niya sa kanyang pamilya na kaya na niyang maging independent woman, edad twenty three na siya kaya dapat lang masanay na siyang tumayo sa sariling paa.
Buntong-hinga na muling pumasok sa loob ng gate si Franki. Isinara niya ang gate at ine- lock iyon.
"Franki, you can do it! hindi ka malulungkot! hindi ka iiyak!" Pabulong niyang usal habang nag lalakad pabalik sa malaking bahay. Pinag close at open niya ang mga kamay.
Pero hindi na niya nagawang pigilan ang kanyang mga luha na ngayon ay umaagos na sa kanyang mga mata. Tinanggal niya ang suot na salamin sa mga mata, mabilis na pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata at pisngi.
KUNOT - NOO na nilapitan ni Argel ang kanyang bagong kasambahay. Nakatayo ang dalaga malapit na sa pinto ng kanyang bahay, tila umiiyak ito.
"Fancy, ayos ka lang ba?" Usisa ni Argek sa dalaga.
Napaigtad si Franki sa gulat ng marinig ang boses ng kanyang amo.  Mabilis na muli niyang isinuot ang salamin sa mga mata.
"O-okay lang po ako Sir, " sagot niya. Nauna na siyang mag lakad pabalik sa malaking bahay.
Humalukipkip si Argel na sinundan ng tingin ang kasambahay. Sigurado siya sa kanyang nakita, umiiyak ito. Malamang nalulungkot at naalala ang pamilya.
Muling bumalik sa loob ng kanyang bahay ang binata, mamaya na lang niya sasabihin ang mga rules niya sa kasambahay kapag okay na ito.
UMIIYAK na umakyat sa mahabang hagdan si Mabel upang tunguhin ang kuwarto nilang mag asawa.
"Mom!" Pigil ni Francine sa kanyang ina.
"Hayaan muna natin ang 'yong ina." Pigil ni Frederico sa panganay na anak na aktong susundan ang ina.
"Pero dad, baka kung anong gawin ni mom sa sarili niya." Nag aalalang turan ng dalaga na binawi ang sariling braso na hawak ng ama.
"Walang gagawin na masama ang iyong ina. Gagawa ako ng paraan para bumalik ng bahay ang pasaway mo na kapatid."
"Hindi ko maintindihan dad, bakit ba kasi kailangan niyo ipagpilitan na maikasal ang kapatid ko sa anak ng kumpare mo. Nabasa ko naman ang mga report ng kompanya at mukhang bumabalik na sa normal ang takbo ng ating negosyo." May bahid na sama ng loob na wika ni Fancine.
"Dahil ayoko na mapariwara ang buhay ng kapatid mo!" Mariing sagot ni Frederico.

Bình Luận Sách (1873)

  • avatar
    Siean-Edward Akbay Bensurto

    wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.

    26/06/2022

      3
  • avatar
    Rovelyn Osoy Agamanos

    this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...

    30/11/2021

      0
  • avatar
    AlonzoStella

    Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜

    25/11/2021

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất