logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

NASUNDAN nang tingin ni Arth ang paalis na kotse. Ibig sabihin, may kaya sa buhay ang pamilya ng babaeng nakausap niya. Dahil hindi biro ang presyo ng sasakyan. Pero sa klase ng pananamit ng dalaga mukhang napaka simple lang nitong babae. Hindi kagaya ng ibang nakilala niyang babae, nag ka kotse lang akala mo kung sino na.
Napangiti ng simple ang binata, mukhang nag kakainterest yata siya sa babaeng ngayon lang niya nakilala. Dalawang beses na mahina niyang sinampal ang kanyang magkabilang pisngi bago nag simulang humakbang upang bumalik ng bahay.
"Anong sabi ng nakausap mo?" Agad na tanong ni Mabel sa anak na nakaupo na ngayon sa driver seat.
"Wala daw po sa kanila si Franki."  Sagot ni Francine.
Naipag-daop ni Mabel ang dalawang palad. "Kung ganoon, saan naman pupunta ang kapatid mo?"
"Baka naman may kilala ka pa na mga kaibigan ng kapatid mo, tara na at puntahan na natin." Si Frederico na nakaupo sa tabi ng asawa. "Natawagan mo na ba ang kapatid mo?"
"Opo dad. Kanina ko pa siya tinawagan pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya."
"Dios ko, nasaan na ba iyang kapatid mo!" umiiyak na usal ni Mabel. Sobra siyang nag aalala para sa bunsong anak. Hindi pa naman ito sanay mamuhay na mag isa.
"Tawagan mo nga ulit ang kapatid mo!" Utos ni Frederico sa anak.
"Sige po dad," kinuha ni Francine ang cellphone na nasa bag niya. Hinanap sa contact list ang numero ng kapatid at pinindot ang call.
NARAMDAMAN ni Franki ang mahinang siko sa kanya ng kaibigan.
"Ang cellphone mo, kanina ko pa naririnig na tumutunog. Sagutin mo, baka ang parents mo na 'yan at nag aalala na saiyo." Si Angela.
"Hindi pa kasi tayo nakakarating sa bahay ng kaibigan ng kuya mo." Sagot niya.
Balak naman niyang tumawag sa kanyang ate para ipaalam na umalis siya ng bahay, pero ang plano niya ay mamaya pa kapag nasa loob na siya ng bahay na pag tatrabahuan niya.
"Sagutin mo na, malayo na din naman tayo sa bahay namin hindi na nila tayo masusundan." Komento pa ng kanyang kaibigan.
Napapiksi siya. "Sige na nga!"
"Mang Isko ito pala yong address na pupuntahan natin. 1443 Dr. Love Street Phase 1 Subdivision."
"Okay Ineng!" sagot naman ng matanda na maingat na nag mamaneho.
Sumenyas si Franki sa mga kasama na tumahimik muna.
"Hello ate," sagot niya sa tawag ng kapatid.
"Nasaan ka ba ha, Franki?" tanong ng kanyang ate. "Kanina pa kami nag aalala sayo, nasaan ka ba at susunduin ka namin. Kasama ko sina mom at dad!"
Bigla siyang natahimik ng marinig ang sinabi ng kanyang ate. Kasama daw nito ang mga magulang nila.
"Franki!"
Napaigtad siya dahil napalakas ang boses ng kanyang ate.
"Okay lang ako ate, huwag na kayong mag alala."
"Nasaan ka ba?"
"May nag lalayas ba na sinasabi kong saan pumunta?" pamimilosopo pa na sagot niya.
Inagaw ni Mabel ang cellphone na anak na hawak ni Francine 
"Anak, Franki. Ang mommy mo ito. Anak naman, parang awa mo na umuwi ka na." Umiiyak na pakiusap ni Mabel sa anak. "Umuwi kana ha, pag usapan natin ito."
"Im sorry mom," nakokonsensiya niyang sabi ni Franki sa ina. Pero hanggat hindi nag babago ang plano ng ama niya para sa kanya hindi siya uuwi. Mas gugustuhin niyang mapalayo sa pamilya kahit masakit para sa kanya huwag lang maikasal sa kung sinong poncho pilato na lalaki. Kahit naman malayo siya sa pamilya may paraan naman para makita niya ang mga ito.
INE- END CALL na ni Franki ang pag uusap nila sa cellphone ng kanyang ina. Baka kasi mag bago pa ang isip niya at mag pa kumbinsi naman siya. Muling tumawag sa kanya ang kanyang ate pero hindi na niya iyon sinagot, tinanggalan niya ng battery ang kanyang cellphone.
Naramdaman niya ang pag dantay ng palad ni Angela sa ibabaw ng kanyang kamay.
"Okay ka lang?" tanong ni Angela kay Franki. Pagkatapos kasi nitong makausap ang kapatid at ina bigla ng nalungkot ang mukha nito.
Tumango-tango si Franki. "Yeah, im okay!"
Napabuntong hininga si Franki. Pagkatapos niyang makausap ang kanyang ina at ate, bigla niyang na mis ang mga ito. Kaya ko ito! iyon ang salitang ginamit niya upang palakasin ang kanyang loob.
"Malapit na tayo mga ineng!" Malakas na sabi ni Mang Isko.
This is it! Mag sisimula na ang magiging bagong buhay niya kasama ng magiging amo niya. Sana nga nga lang mabait ito at hindi takot sa pangit na kagaya niya ngayon.
HABANG sa loob ng kotse wala pa din tigil ang pag iyak ni Mabel. Si Frederico ang sinisisi nitong dahilan kung bakit nag layas ang bunsong anak ng mga ito.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nag layas ang anak mo eh, kung hindi mo sana pinangunahan ang buhay ng anak mo sana kasama pa natin siya ngayon!" Umiiyak na sumbat ni Mabel sa asawa.
Pinili na lang na manahimik ni Frederico. Ayaw niyang sabayan ang galit ng asawa.
Ine- start na ni Francine ang sasakyan.
"Bigyan na lang po muna natin nang ilang araw si Franki na makapag isip, tiyak naman po na babalik siya ng bahay." Wika ni Francine.
"Isang araw nga lang na hindi natin kasama ang kapatid mo, para na akong mamamatay sa kaba!" Pabulyaw na sagot ni Mabel sa anak.
Ganun yata talaga ang isang ina, ayaw na napapahamak ang anak. Ultimo minuto lang na hindi makita ang anak ay marami ng masasamang nangyayari ang tumatakbo sa kanyang isipan.
"Lets go back home," malumanay ang boses na utos ni Frederico sa anak.
"Go back home? hindi ka man lang ba mag aalala sa anak mo? " Singhal ni Mabel sa asawa.
"Nag aalala siyempre, anak ko yon eh!" sagot ni Frederico. "Doon na natin pag usapan sa bahay kung papaano natin hahanapin ang anak natin."
Dahil sa tensiyon na naramdaman ni Francine sa pagitan ng mga magulang ay agad na niyang pinasibad ang sasakyan.
Gulat naman na sabay na napatingin ang mag asawa sa anak.
"Baka naman mabangga tayo," puna ni Frederico sa anak. 
"Kapag hindi talaga kayo tumigil ni mom, mababangga tayo. Para namang hindi ninyo kilala si Franki. Shes brave! matalino! hindi iyon nag papaapi kahit kanino." Mahabang turan ni Francine habang nag mamaneho. This time ay binagalan na niya ang pag papatakbo ng kotse.
"Pero babae ang kapatid mo." Muling sabi ni Mabel. Natatakot kasi siya na baka ma rape ang anak lalo na at marami na siyang napapanood na balita na mga rape cases at kidnapping!
"Nasa tamang edad na si Franki mom. Hindi niya ipapahamak ang kanyang sarili. Kapag iyon wala ng makain babalik at babalik din siya ng bahay." Positibong sagot ng dalaga.
"Basta kailangan pa din natin hanapin ang kapatid mo!" Ani Mabel na muling umiyak.
Tumahimik na si Francine. Itinuon na lang nito ang paningin sa high way na dadaanan nila.
Samantalang si Frederico may iniisip nang paraan upang mapabalik ng bahay ang bunsong anak. Tama ang sinabi ng kanyang panganay na anak. Kapag wala ng makain ang nag layas niyang anak wala itong choice kundi ang bumalik ng bahay, wala pa din itong alam na trabaho dahil katatapos lang nito sa kolehiyo.
Mamayang hapon pupunta siya ng bangko para pansamantalang e pa close account ang saving account at mga credit card ng bunsong anak. Dahil kapag nag kataon na wala na itong magamit na pera, mapipilitan na itong umuwi at tuloy pa din ang kanyang plano para sa arrange marriage nito.
PALITAN silang mag kaibigan sa pag pindot ng doorbell sa labas ng malaking gate pero wala pa din may nag bubukas nito.
"Baka walang tao," nadidismayang sabi ni Franki sa kaibigan.
"Sabi ni kuya pag sabado nasa bahay lang daw ang kaibigan niya, mag hintay pa tayo." Sagot ni Angela. Muli nitong pinindot ang door bell.
Napahalukipkip siya sa isang tabi. Pasimpleng nag darasal na sana ay nasa loob ng malaking bahay ang kanyang magiging amo.
NAGPUNAS si Argel nang pawis sa mukha, leeg at dibdib gamit ang cotton na bimpo. Katatapos lang niya mag work out. Natigil siya sa ginagawa ng marinig ang sunod-sunod na tunog ng door bell. Naalala niyang mag isa nga lang pala siya sa bahay kaya wala siyang mautusan na pumunta ng gate. 
"That jerk!" Naiiling na bulong ni Argek.
Malamang ang kaibigan niyang si Arthur ang bisita niya. Kagabi pa siya nito niyayaya na pumunta sa batangas para lang mag laro ng golf, kagabi pa niya ito tinanggihan. Kailangan naroon siya sa kanyang bahay, dahil nga sa ihahatid daw ng kapatid nito ang bago niyang kasambahay.
Lumabas si Argel nang bahay na hindi na nag abalang mag suot ng damit pang itaas. Tuloy pa din ang pag punas niya ng pawis sa leeg habang nag lalakad palapit sa gate.
NANLALAKI ang mga mata nang mag kaibigan habang pinag mamasdan ang guwapo at machong lalaki na papalapit sa gate. Para itong isang modelo na rumarampa sa entablado.
"Friend, kung gusto mo sa bahay ka na lang mag trabaho. Sige na friend, doble ang sasahudin mo, ako na lang muna ang mag tatrabaho bilang kasambahay sa bahay na 'yan." Nakatulalang kinikilig na sabi ni Angela sa pina-arteng boses. Hindi nito inaalis ang paningin sa mapipintog na mga dibdib ng lalaking papalapit sa gate.
Walang naintindihan sa sinabi nang kaibigan si Franki. Dahil mas naka pukos ang kanyang atensiyon sa mala adonis na lalaking nag lalakad palapit sa gate. Para itong isang engkanto na tinakwil ng kagubatan dahil sa kaguwapohan na taglay nito.
Grabe ang guwapo niya.... Bulong ni Franki sa sarili. "So yummy!"
NABUKSAN na ni Argel ang gate pero mukhang hindi siya napapansin ng dalawang babae. Nakatayo na siya sa harapan ng mga ito pero mukhang nakatulala na lang habang nakatitig sa kanya.
Unang umagaw sa pansin ni Argel ang babaeng nakasuot ng makapal na salamin. Pasimple siyang napangiti ng mapansin ang nakabuka nitong bibig.
"Miss, baka pasukan ng langaw ang bibig mo." Tawag pansin ni Argel sa nakatulalang babae. Hinawakan niya ang baba nito at isinara ang bibig.
"Ehem, " nahihiyang tikhim ni Franki ng maramdaman ang pag hawak ng lalaki sa kanyang baba. Mabilis niyang pinunasan ang bibig gamit ang likod ng kanyang palad, baka kasi tumulo na pala ang kanyang laway ng hindi niya namamalayan.
Kinurot ni Franki sa tagiliran nito ang kaibigan na mukhang nag day dreaming pa din.
"Ako pala si Angela," pag papakilala ng dalaga sa kaharap na lalaki. " Younger sister ni Arhur."
"Oh, ikaw pala ang sinasabi sakin si Arthur." Nakangiting wika ni Argel. Inilahad nito ang kanang palad sa kaharap na babae. "Im Argel Montenegro!"
Mabilis na inabot ni Angela ang kamay ng binata, agad din naman binawi ng dalaga ang kamay upang ipakilala ang kasama.
"Ito pala ang kaibigan ko si Fra-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Angela ng bigla siyang apakan sa isang paa ni Franki.
"Ako na," ani Franki.
"Masakit yon ah," pabulong na tukoy ng kaibigan sa pag apak niya sa paa nito.
"Fancy po Sir," pakilala niya sa kanyang sarili. Nag aalangan siyang iabot ang kanyang kamay para sana makipag shake hands dito. Iniisip niya na baka hindi iyon tanggapin ng lalaki.
"Siya na ba ang sinasabi ng kuya mo na mamamasukan sakin bilang kasambahay?" Tanong ng binata kay Angela pero ang tingin nito ay na kay Franki.
"Ah oo, pero baka naman puwede papasukin mo muna kami sa bahay mo. Mainit na kasi at masakit na sa balat." Nag pa cute pa ang kaibigan niya pagkatapos nito mag salita.
Mukhang mas malakas pa ang tama nito sa lalaki kaysa sa kanya.
"Ah pasensiya na, please come in." Ngiting paanyaya nito sa kanila.
Pumasok silang mag kaibigan sa loob ng gate.
Naunang mag lakad ang lalaki papasok ng malaking bahay habang nakasunod naman sila dito. Parehong kagat labi na nag palitan ng mahinang tawa ang mag kaibigan. Kutsara at tinidor na lang ang kulang kahit wala ng kanin, ulam na sa kanilang paningin ang nag lalakad na lalaki.
NAMANGHA silang magkaibigan nang tuluyan na nga silang makapasok sa bahay ng binata. Nakakalula sa laki ang bahay.

Bình Luận Sách (1873)

  • avatar
    Siean-Edward Akbay Bensurto

    wow ang ganda naman ng love story nila tsaka completo rekados hindi bitin tsaka hindi oa.

    26/06/2022

      3
  • avatar
    Rovelyn Osoy Agamanos

    this app is awesome and this is for free only. and I highly recommend this app to you guys. the story in this up is good and it will give you a good time because their story is inspiring...

    30/11/2021

      0
  • avatar
    AlonzoStella

    Happy ending 😍💜 i love the story 🥰 hoping na mag karoon din ng story book lahat ng friends ni argel and franki 💜

    25/11/2021

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất