logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4 Nagawang tama

“On Friday will be our school’s foundation day. Every student is allowed to join. Programs and exhibits will be held in the campus. Such as games will start the next day for the campus teachers and everyone. Wait for further announcements until tomorrow. Thank you.”
Announcement iyon ng principal kanina pa pagkatapos ng flag ceremony. Ngayon ay papunta na kaming lahat sa kaniya kaniyang mga classroom.
Sa daan palang ay marami na akong nakikitang mga studyante na malalaki ang mga ngisi sa kanilang mga labi. Mostly boys, na mukhang nagpaplano na namang magcutting dahil walang klase.
Simula ng paghahanda ngayon hanggang sa araw bago ang foundation day. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Magtatayo ka ba ng booth, Lara?” tanong ni Aki habang nasa daan kami papunta sa Principal’s office.
“Hindi. Wala naman akong team tsaka mahirap magtrabaho mag-isa sa isang booth.”
“Why don’t you try? Tutulong ako pagkatapos naming magfacilitate sa exhibit ng mga grade 10,” sabi ni Aki.
Lumiko kami sa pasilyo at sinimulang tahakin ang hagdan patungo sa itaas. Huminga ako ng malalim. Isiniksik ko ang aking mga kamay sa likod ng bulsa ng aking pantalon.
“Sigurado naman akong magtatagal kayo sa exhibit ng mga grade 10. After all, napakadaming interested sa mga research studies na napagtagumpayan nila. Baka nga hindi lang pagfa-facilitate ang gagawin niyo.”
“Sigurado ka ba talagang wala kang gagawin sa foundation day, Lara? You’ll be alone he whole day.”
Nagkibit balikat ako. Hindi na problema sa akin ang pagiging mag-isa dahil nakasanayan ko na iyon. Magiging busy si Aki sa araw na iyon. Hindi naman ako pwedeng tumulong dahil wala akong alam sa exhibit ng mga grade 10.
Kumatok si Aki ng tatlong beses sa pinto bago pinihit ang doorknob upang makapasok na kami. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay dinig ko na ang ilang mga pag-uusap sa loob. Siguro ay kameeting na naman ng Principal ang mga teachers.
Nakatalikod ako sa harap habang isinasarado ang pinto. Kinalabit ako ni Aki kayat sumunod ako sa kanya hanggang sa makaupo kami sa maliit na sofa sa office ng Principal.
“Maglilibot na lang siguro ako sa Friday. Pwede naman akong hindi na pumasok pero magche-check pa rin ng attendance si Prof.”
Napatingin ako sa aking hita nang biglang hawakan ni Aki ang aking kamay na nakapatong doon. Binalingan ko si Aki at inginuso niya ang harapan namin.
Kumunot ang aking noo habang sinusundan ang itinuturo ng kaniyang nguso.
Si Cedrick pala ang kausap ng Principal na iakala kong isa sa mga teachers. Sa kanyang tabi ay si Callum na nakatingin sa aming direksyon.
Napakurap ako sa pagkabigla.
“Anong ginagawa nila rito?” tanong ko kay Aki.
“Kami ni Cedrick ang inatasang magfacilitate sa biyernes. Ngayon sasabihin ng principal ang paghahandang gagawin namin simula bukas,” aniya.
Pasimple namang itinuro ng aking mga mata si Callum.
“E siya?”
Tinitigan ako ni Aki. Sa kaniyang mata ay nakikita ko ang pagkasarkasmo.
“Tanongin mo rin ang sarili mo kung bakit ka nandito.”
Pinaikot niya ang dalawang mata.
Wala sa sariling napatanong ako sa aking isipan. Why am I here anyway? Wala naman akong gagawin dito. Nagpasama lang naman si Aki sa akin.
Huminga ako ng malalim bago napagpasyahang magpaalam kay Aki. Nahatid ko na siya. It’s time for me to do my own business. Wala naman akong gagawin sa loob. Tutunganga oo. Pero sa parte ng Principal ay parang kawalan ng respeto iyon.
Eavesdropping… Yeah, I think.
Pagkarating ko sa classroom ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumitig sa aking inilabas na notebook. Walang pumapasok sa aking isipan. I was pre occupied by something na wala man lang akong ka-ide-ideya kung ano.
Hindi naman ako makakapagpinta ngayon dahil iniwan ko na lahat ng iyon sa bahay. Binabago ko na ang schedule ng pag-uwi ko. Ayaw kong mag-alala ulit si Lola.
Napagpasyahan ko na lang na lumabas muna at maglibot-libot sa buong campus. Malay ko, sa tagal ko na sa eskwelahang ito ay may hindi pa pala ako napupuntahan.
Lahat ng nadadaanan kong estudyante ay abala sa pag dedekorasyon at paggawa ng mga booth nila. Ni minsan ay hindi ko pa nararanasang pumasok sa isang booth. Simula noong nag-aral ako sa eskwelahang ito.
Kung yayayain man ako ni Aki ay hanggang sa labas lang ako. Kung hindi naman ay magtatago.
Umupo ako sa garden malapit sa gate 2. Ang alam ko ay tago ang garden na ito dahil sa mga nakapalibot na malalaking puno. Some finds it creepy staying here, dahil na rin sa mga gawa gawang nakakatakot na mga bagay.
At isa pa, hindi kasi masyadong napagtutuonan ng pansin dahil bilang lang ang mga studyanteng lumalabas sa gate 2. Iyon lang naman ang naobserba ko sa ilang taon kong pag-aaral dito.
Lumakas ang aking pandinig nang makarinig ako ng kaluskos sa likod ng mga naglalakihang halaman. Binalingan ko iyon. Doon ay biglang tumayo ang isa sa mga kaklase kong babae.
Napalaki ang aking mata sa sobrang gulat. Ang kaniyang buhok ay magulo at parang sinabitan ng mga maliliit na dahon. Para siya nakipagrambulan sa kaniyang itsura!
“Hi!” pambabati niya habang lumalapit sa akin.
Abala siya sa kaniyang pag-ayos sa sarli. Napipi ako. Napaatras ako ng konti nang bigla siyang umupo sa aking harapan na ganon pa rin ang itsura. Damn. Hindi niya ba pwedeng ayosin muna ang kaniyang itsura?
Nakakakilabot siya ha!
Maganda nga pero mukha namang baliw na kakatakas lang sa mental dahil sa kaniyang itsura.
“Ahm…Y-your hair.”
Ang kaniyang labi ay kumurba sa letrang ‘O’.
“Sorry. Huwag kang maintimidate sa akin ha? I can see you’re a little bit uncomfortable?”
Ngumiti siya dahilan para lumabas ang kaniyang biloy sa kaliwang pisngi. Naayos na niya ang kaniyang sarili. Ang kaniyang ngiti at biloy ay mas lalong nag-paganda sa kaniya.
Ilang saglit akong napatitig sa kaniya bago napabalik sa ulirat.
“I’m not intimidated. J-just kind of – nervous because of what you look like.”
Humagikgik siya.
“Natutulog kasi ako. But, I was actually waiting for you kaya noong nakarinig ako ng kaluskos. I immediately stood up. Ikaw nga ‘yong dumating,” saad niya na ngayo’y malaki pa rin ang ngiti sa labi at hindi mapuknat.
Tinanguan ko siya.
“By the way, I’m Hailey.”
Inilabas niya ang kaniyang kamay upang makipaghandshake na agad kong ginawa.
“I know… Anong sadya mo sa akin, Hailey?”
“Para kasing hindi, napakatahimik mo e.”
“Ngayon alam mo na,” sabi ko.
Ngiti lang ang kaniyang sagot sa akin. Napatitig kaming dalawa sa kawalan. Tahimik at pinapakiramdaman ang isa’t isa.
Tatayo na sana ako upang umalis nang biglang magsalita ulit si Hailey. Medyo madaldal nga talaga siya.
“You like Callum, right? 6 years na.”
Natahimik ako. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagotin ang tanong na iyon gayong alam na naman ng lahat.
“Silence means yes.”
Nahihimigan ko ang saya sa kaniyang boses.
“Hindi ko alam.”
“Crush mo lang naman siya. Hindi ba?” tanong niya sa akin.
Tumango ako. Is there any difference between like and crush? Hindi ko alam. All I know is I like Callum. That’s all.
At bakit naman na-iintriga si Hailey? Kung gusto ko si Callum ay labas na doon si Hailey. Shouldn’t she be with her friends right now?
“What’s the big deal?” tanong ko.
“No. No… I’m saying.. Crush ko rin si Callum! Kyahhh!”
Nagulat ako sa bigla niyang pagtili. Napakasakit non sa tainga ngunit nahihimigan ko ang saya sa kaniyang boses habang sinasabi niya iyon.
Bakit pa niya kailangang ipaalam sa akin?
“Uhm…Okay?”
“Hindi ka magseselos or sasabunutan man lang ako?” tanong niya sa akin.
Nabigla ako sa kaniyang tanong. Why would I do that? Oo, nakakaramdam ako ng medyo pagkirot sa aking puso sa kaalamang may dumagdag na naman sa mga kaagaw ko sa kaniya. Pero ang pananakit dahil lang kay Callum ay kailan man hindi ko magagawa.
“He’s not mine. Everyone is free from liking him. Hindi pa naman siya pag-aari ng kung sino. Getting jealous? It’s okay kahit walang kami. It’s my feelings. Okay lang hanggat walang nakakaalam.”
“Pero ngayon alam ko na.”
“Hindi ko sinabing nagseselos ako. I just asked. Ginawa ko lang halimbawa ang sarili ko,” sabi ko.
Muli akong umupo. Sa pagkakataon na ito ay sa damuhan na. She’s sitting in the bench at tinitingala ko siya. I always look at people like this.
Ang tingalain sila kapag alam kung deserving sa kanila ang salitang iyon. Kahit hindi sikat. Pero alam nila ang salitang respeto at pribado at pagpapakumbaba.
She’s beautiful though.
Pero bumababa pa rin ang confidence ko sa sarili dahil sa nakikitang pagkaka-iba.
Dahil sa lahat ng taong nagkakagusto kay Callum ako ang hindi maganda.
“But you can’t hide what you truly feel… Eyes don’t lie, Lara.”
Tumango ako. Alam ko. At alam ko rin ang ginagawa mo upang malaman ang totoong nararamdaman ko. You are rying to use logic on me, Hailey.
“Anong nakita mo?” tanong ko.
Nagkibit balikat siya. Ang kaniyang nakalugay na buhok ay malumanay na isinasayaw ng hangin.
“Sadness. Nakita ko iyon sa mga mata mo noong sinabi kong may crush ako kay Callum, Lara.”
Nag-iwas ako ng tingin.
“Sadness don’t always define jealousy,” sagot ko.
Huminga ako ng malalim. Komportable akong kausap si Hailey. Ngunit hindi sapat iyon upang ipaalam ko sa kaniya ang lahat ng nararamdaman ko.
Gusto ko si Callum? Nalaman lang naman nila iyon dahil sa bulungan. It didn’t came from my mouth. Pero kung kanino man nagsimula ang bulungan na iyon. Siya lang ang nakakaalam ng aking totoong nararamdaman.
Sigurado ako si Aki iyon. Ang walanghiyang nagpakalat!
Tumayo ako.
“Hindi naman kasi iisa lang ang ibig sabihin ng kalungkutan. Sometimes it defines loneliness,” sabi ko at umalis na.
Hindi ko na rin inabalang magpaalam. Ito lang naman kasi ang una naming pag-uusap ng kaming dalawa lang. Nag-uusap kami minsan sa classroom lang upang manghingi ng mga sagot at para sa mga group projects and activities.
“Akala ko maldita ka…” napatigil ako sa paglalakad.
“How could you tell?” tanong ko nang hindi lumilingon.
“Rumors,” sagot niya.
“Rumors are not always right, Hailey.”
Tumalikod na ako at nagsimula ulit maglakad. Bakit ba kasi ang dali nilang maniwala sa chismiss lang? At sino naman ang nagpakalat na maldita ako? Ganon ba ang naobserba nila sa mga galaw ko o may nagpakalat na naman ng maling balita?
Nakakumay naman. Puro fake news na lang. Wala bang bago? Iyong totoong balita naman dapat.
Pagkabalik ko sa classroom ay napansin kong walang tao. Pati mga bag nila ay wala. Ang natitirang bag na lang doon ay ang akin at sa dalawang bag na nasa first row. Ang bag nila Cedrcik at Aki. Saan nagpunta ang mga tao dito?
Kinuha ko na lamang ang aking bag. Pati ang bag nila Cedrick at Aki. Nakasukbit sa kaliwang balikat ko ang bag ni Aki. Samantalang ang kay Cedrick naman ay binitbi ko na lamang.
Nagulat nga ako dahil sa sobrang gaan nito. Parang walang laman. Mas mabigat pa ang bag naming dalawa ni Aki.
Lumingon ako sa pinto at nakita roon si Callum na nakasandal na nakatayo. Kumurap ako bago mabilis na binitiwan ang aking buhok na dapat sanay itatali ko na.
Humawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Tangina! Kabute nga! Palagi na lang sumusulpot sa kung saan saan si Callum, hayop! Wala man lang katok o imik.
“Glad you’re here.”
Naglakad ako palapit sa kaniya.
“Nasaan ang mga tao rito?” imbes ay tanong ko.
“Pinalabas ko. Nagkaniya-kaniyang puntahan sa mga booth at exhibit na ginagawa nila. Ang iba ay lumabas ng campus. Probably, bumili ng mga materials,” mahabang litaniya niya sa malamig na tono.
Napatango ako. Pero bakit kailangan nilang dalhin lahat ng gamit nila? Pwede naman nila iyong balikan na lang kapag dismissal na.
Akmang lalagpasan ko na si Callum nang bigla niyang iharang ang kaniyang sarili sa aking dinaraanan.
Tumaas ang aking isang kilay.
“May kailangan ka?” tanong ko.
Nagmamadali akong umalis na. Ang inaalala ko ay baka makapagsimula na naman siya ng away dahil sa tabas ng kaniyang dila. Wala ako sa mood ngayon.
“Let me,” aniya.
Inabot niya ang hawak kong bag ni Cedrick. Walang kahirap hirap niya iyong binitbit. Napanganga ako. If he could be more gentle. Baka naman pwede niyang bitbitin ang bag ni Aki na dala ko?
Ang bigat! Oh, pwede naman magpalit kami. Ang bag ni Cedrick ang aking bibit-bitin at ang bag naman namin ni Aki ang bitbitin niya. I think..that makes sense.
Inilapag namin ang mga bag nila Cedrick at Aki sa labas ng Principal’s office. Tutal ay abala ang mga studyante ay wala ng mag-aabalang pumunta sa itaas upang kunin ang pagsamantalahan ang kanilang mga gamit. Sabi naman ni Callum ay kukunin iyon ng dalawa maya maya lang.
Baka ngayon nga ay nakuha na nila iyon dahil kumatok si Callum kanina sa pinto bago kami umalis. He already gave them a sign. Siguro naman ay naunawaan nila.
“If you are forcing yourself to stay with me dahil wala kang kasama o mape-peste. Maghanap kana lang ng laladiin mo, Callum. Doon hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo, masisiyahan ka pa.”
Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay kasama ko pa si Callum. Nandito kami ngayon sa library dahil kami ang inutusang mag-ayos sa Book Space na gagawin sa Friday. Trabaho sana ito ng librarian ngunit may ibang pinagagawa sa kaniya ang ilang mga teachers.
“Kung pinupuwersa ko ang sarili ko na nandito ngayon, Lara ay dapat kanina pa tayo nag-aaway,” aniya habang ibinababa ang isang karton na naglalaman ng mga libro.
“Glad you didn’t start a fight. May matino ka ring nagawa ngayon, Callum.”
Ngumisi ako. Tumigil si Callum at umangat ang tingin sa akin. Pansin kong medyo magulo na ang kaniyang buhok dahil sa matagal ng paglipat lipat ng mga gamit. Ang pagbuhat niya ng mga karton ay mukhang nagpahirap sa kaniya
Ni pag-ayos ng kaniyang buhok ay hindi niya ginawa. Ang pagtulo ng isang butil ng pawis sa kaniyang noo ay hindi nakatakas sa aking paningin.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Mabilis na nag-iwas ang aking mga mata.
“W-wipe your sweat…”
Pumunta ako sa likod ng isang shelf at sinimulang pilihin ang mga libro na dapat ay idi-display sa labas ng library. Habang naghihila ng libro ay paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang itsura ni Callum kanina.
Ang pagkinang ng kaniyang mga buhok mula sa kaniyang mga pawis na nagpadagdag sa kanyang karisma... Damn! Mukhang may ipipinta na naman ako para pagnasahan sa mga susunod na araw!
Hinila ko ang dalawang libro sa shelf at inilagay sa aking kaliwang kamay. Nag-angat ulit ako ng tingin upang kunin ang kasunod na mga libro. Ngunit agad din akong natigilan nang makita si Callum sa kabilang parte ng shelf at pareho ang aming ginagawa.
Kitang-kita ko siya mula sa mga bakanteng parte habang binabasa ang mga libro bago inilalapag sa karton na nasa kaniyang baba.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang tinititigan ang bawat paggalaw niya. Why does he look so perfect in everything he does? That is a sin! Dapat ay nasa pagitan siya ng mga bakal na rehas imbes na sa mga bakanteng parte ng shelf.
May kasalanan siya… Kasalanan ang pagiging sobra ng kaniyang kagwapuhan!
Hindi ko namamalayan na nakangiti n pala ako. Tumingin sa aking direksyon si Callum. Kumabog ang aking puso nang magtama ang aming mga mata.
Pinawi ko ang aking ngiti sa labi. Nahuli ako!
Itininaas ni Callum ang dalawang libro na hawak. Dahan dahan ay inilapag niya iyon sa karton na nasa sahig habang hindi pinuputol ang pakikipagtitigan sa akin.
Inayos niya ang pagkakatayo tsaka pinagkrus ang kaniyang mga braso.
Tumaas ang isa kong kilay.
“Pangalawa na ‘to sa mga nagawa kong tama. Hindi ba?” tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin at mabilis na binuhat ang kahon papunta sa kasunod na shelf. Sumandal ako sa likod ng shelf habang hawak hawak ang aking dibdib at pilit pinapakalma. Kumalma ka naman! Nagiging baliw na ako sa paningin niya eh!
Nang hindi ko mapakalma ang aking dibdib ay sumubsob na lamang ang aking mukha sa mga libro. Damn!
Parang gusto ko na lang umuwi upang doon sa bahay magti-tili!

Bình Luận Sách (104)

  • avatar
    LI NG

    The story is very nice

    21/07

      0
  • avatar
    Kira Lawas

    wow

    17/07

      0
  • avatar
    Dominguez Jay

    nice story

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất