logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Breeze of Nostalgia

Breeze of Nostalgia

Ariescenes


Chapter 1 Callum

“Lara, anong oras ka matatatapos?”
Tiningnan ko mula sa aking balikat si Aki na kanina pa ako hinihintay. Early dismissal ang mga klase ngayon dahil sa emergency meeting ng mga guro. Nakatambay kami ngayon sa likuran ng isa sa mga building ng school.
“I’ve been painting this for almost a week now, Aki. Kaunting oras na lang at matatapos ko na ito.”
Tiningnan ko sa pagitan ng aking balikat si Aki at ngumiti. Napairap na lamang siya at humalukipkip sa kaniyang pwesto. Pinagtuonan kong muli ang aking ipinipinta. I need to make this perfect. Kailangan kong siguraduhin na tama ang pagkakakulay at pagkakahalo ko ng mga pinta sa kaniyang mukha.
Sinuri ko ang labi niya. Few more blend and strokes. Makukuha ko na ang tamang kulay at hugis ng kaniyang mga labi.
“Damn, Lara… You are so obssess with that guy.”
Napangiti ako. What’s wrong obssessing the guy I like? The guy who my heart beats for.
“I can’t help myself but to fall for him everyday, Aki.”
“Seriously, Lara? Kay Callum pa talaga ha. He’s a bad boy. Probably your type. Pero hindi mo ba napapansin man lang? He is ignoring you! Like even if hell freezes, he won’t dare to even utter a word in front of you.”
Napairap na lamang ako.
“That’s why I’m falling for him everyday, Aki. Well, my secret love for him even goes deeper.”
Narinig ko ang pag-alis ni Aki sa kaniyang upuan. Segundo lamang ay naramdaman ko na siya sa aking tabi at panay hinga ng malalim.
Ang pagkabaliw ko kay Callum ay hindi naman issue sa aming dalawa ni Aki. Pinapaalalahanan niya lang ako. She’s just concern.
“Everyone knows you like Callum so much, Lara. Halos lahat na yata ng estudyante dito sa skwelahan natin ay alam iyon. Well, hindi natin alam kung pinaniniwalaan ba ni Callum ang mga rumor na iyon. Or he just doesn’t care at all. Hindi naman siya manhid.”
“He is famous, Aki.”
Iblinend ko ang panghuling kulay sa labi ni Callum. This is my final step to finish another artwork for him. He’s my motivation and inspiration among all my artworks. Kaya karamihan sa mga pinta ko ay mga mukha ni Callum.
“Done! Eto na ang selpon mo.”
Nakangiting isinauli ko ang selpon ni Aki. Mabilis niya iyong hinablot sa aking kamay at nakita ako ang pagdelete niya sa litrato ni Callum na ako pa ang kumuha. That was actually a stolen picture of him. Mas guwapo siya sa stolen e. I don’t like any photos of him that are posted on the internet. They just don’t look natural for me.
“Now your done with him. Anong namang susunod na ipipinta mo? Don’t tell me siya ulit? No way, Lara! Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ni Callum!?”
Nahimigan ko ang maliit na pagsigaw sa akin ni Aki. Alam kong naiinis na siya sa akin. Nagsasawa na siya na palaging si Callum na lang ang aking bukambibig at nakikita.
Isinara ko ang aking bag matapos mailagay ang palette na nahugasan na. Bitbit ko ang nakapintang mukha ni Callum sa aking kaliwang kamay. Tinabunan ko lang iyon ng may sulat ng bond paper upang hindi masiyadong makaagaw ng pansin sa mga tao.
“I might as well paint the city the next time I’ll get in the mood to paint. Paubos na rin ang mga pinta ko, Aki. I need to buy new paints. Pero kailangan ko pang pag-iponan.”
“Invite me then when you have the time.”
Napahalakhak ako. Tumingin ako sa labas ng jeep at sinalubong lamang ng aking ilong ang mabahong usok ng mga kotse. Napaubo ako. This is really a city. Polluted masiyado.
“You do realize that the only phone I’m using for my references is yours, right?”
Napahalakhak si Aki.
“I knew it.”
Naramdaman ko ang pagtigil ng jeep. Sumilip ako sa labas at nakita ang pamilyar ng daanan na palagi kong binababaan. Binalingan ko si Aki at nagpaalam na.
“See you on Monday then!”
Nang muling gumalaw ang jeep para umalis ay kumaway na ako kay Aki na nakasilip sa bintana ng jeep. Nagsimula na akong maglakad pababa sa kalsadang karamihan ay mas naapektuhan ng mga landslide tuwing may bagyo.
It feels good living in a city. But I wonder what it feels like living in a province? Iyong malayo ka sa polusiyon at maraming tao. I want to experience that kind of thing. Ngunit paano ko naman iyon magagawa kung wala nga akong alam na probinsyang pupuntahan.
I only have my grandmother. Sa Baguio lang rin siya nanatili at hindi na nakalabas pa sa syudad. She has a psychological issue about travelling.
Nakita ko agad si Lola Merlin sa labas ng bahay na sigurado akong hinihintay ako. Pabalik balik siya ng lakad at mukhang hindi mapakali. Ngumiti ako at tumakbo papunta sa kaniya.
“Lola!”
Agad kong naagaw ang pansin ni Lola. Mukha siyang napahinga ng malalim nang makita ako.
“Oh jusko! Saan ka ba nagpupuntang bata ka ha? Nakauwi na ako mula sa sakahan hindi ka pa nakauwi.”
Nahihimigan ko ang pag-aaalala sa boses ni Lola. Napahagikgik na lang ako. Sana pala dito na lang kami sa bahay nagpinta ni Aki. Inihatid ko na lang sana siya sa paradahan ng jeep.
“Lola, may tinapos lang po kaming dalawa ni Aki.”
“Gumala kayo?”
Tumaas ang isang kilay sa akin ni Lola.
“Lola naman! Alam niyo naman pong nagpapaalam ako tuwing gumagala.”
Kunwari’y pagmamaktol ko. Umiling lamang si Lola sa akin at iginaya na ako papasok sa aming bahay. Sa labas palang ng pinto ay bubungad na ang mga napakadaming mga ipininta ko na nakasabit sa aming kahoy na dingding. That also includes the 4 pieces I’ve painted for Callum. Ang apat na larawan na puro mukha niya ang nakapinta. Ika-lima na ang hawak ko ngayon.
Of course. Lola Merlin knows me about obssessing to Don Angelo’s grandchild. Sinabi na niya sa akin na ikakapahamak ko lang ang aking ginagawa.Seriously? Hindi naman ako baliw. I’m inlove!
“Huwag kang magpupuyat ha, Lara? Maaga ang pasok natin bukas sa sakahan.”
“Opo Lola. Pagkatapos kong maglaba ng uniporme ay matutulog na ako.”
Pagpapaalala ko kay Lola habang binabanlawan ang aking uniporme. Ganito ang paulit ulit na takbo ng mga araw ko. I study. Do homeworks. Do part time jobs.
Kinabukasan ay agad kaming nagbihis papunta sa sakahan ng strawberries. Maaga ang pasok at maaga rin ang uwi. Pagkababa palang namin sa jeep ay nakikita ko na ang iba pang mga trabahador na nakasuot ng kani kanilang mga sweater at mukhang handa na sa panibagong araw ng pagtatrabaho.
Naging abala na ang lahat nang magsimula nang magdatingan ang mga truck. Naghihintay ng muli ng mga mapupunong basket ng mga strawberries.
Pinitas ko ang mga nakitang magkasunod na strawberries at diretsong inilagay iyon sa maliit na basket. Hanggang tuhod ko lang ang basket ngunit napakabigat na non kapag napuno no. Isinukbit ko ang basket at dumiretso na isang truck na nakapwesto sa kaliwa. Nakita ko agad si Mang Guiller na naglilista naman sa notebook na hawak habang binibilang ang mga basket na naipapasok sa loob ng truck.
“Nandiyan ka na pala, Lara. Buti naman at pumasok ka ngayon.” May ngiti sa kaniyang labi.
“Wala naman po akong gagawin sa bahay,” ani ko.
Tumayo ako sa tabi ni Mang Guiller habang nakapameywang at pinupunasan ang aking mga tumutulong pawis gamit ang sweater na suot.
Tahimik lang kami habang pinapanood ko ang pagsalin nila ng mga strawberries mula sa aking maliit na basket papunta sa malaking basket na hanggang baywang ng tao. Iyan ang basket na aking pinupuno. No one could ever fill that one but me. Iyon ang batas.
Nilingon ko si Ate Solis nang makita siyang papalapit sa amin. Agad sumilay ang ngiti sa aking labi.
“Ate Solis!”
“Lara! Ngayon na lang ulit kita nakita ha!”
“Madalang naman po kasi kayong nagpupunta rito. Kapag kasama mo lang ang Don ay saka ka lang naman bumibisita.”
Lumawak ang ngiti ni Ate Solis at binati si Mang Guiller sa aking tabi. Alam na alam ko na ang schedule ng pagpunta ni Ate Solis dito sa sakahan. Since I was 12, the Don was force to let me work in his plantation because I pleaded. Hindi sana siya papayag dahil bawal iyon sa batas. I can only work 4 hours a day when I was young because of the rule he set. Now I’m 18. I can legally work now for how much hours I can.
“Siya nga pala. Pinapakuha ng Don ang listahan ng mga naharvest noong isang linggo. Nasa iyo raw iyon Guiller.” Tukoy ni Ate Solis kay Mang Guiller.
Tumango naman si Mang Guiller at inilipat sa ilang mga pahina ang ang kaniyang listahan. Nang tumigil iyon ay basta na lamang niyang pinunit ang dalawang pahina na may sulat sa likod at harap. Umawang ang aking labi. Why would he tear that one? Hindi ba’t kailangan pa iyon para tignan at mapagsama sama ang bilang ng mga naharvest sa isang buwan?
“Eto. May kopya na ako niyan.”
Tinanggap ni Ate Solis ang papel na ibinigay ni Mang Guiller at binalingan ako.
“Pakisuyo naman, Lara. Kanina ko pa gustong mag cr.”
Napangiwi ako ngunit walang magawa kung hindi ang mapatango. Tinanggap ko ang hawak ni Ate Solis na papel.
“Nasaan po ang Don?”
“Nasa lilim ng mangga sa tabi ng bahay sa tapat. Makikita mo agad siya.”
Tumango ako. Nagmamadaling umalis sa aking harapan si Ate Solis at nagmamadaling tumakbo papunta sa maliit na kubo kung saan kami minsan nagpapahinga.
Tinungo ko ang daan papunta sa bahay na tinutukoy ni Ate Solis. Nasa malayo palang ay kitang kita ko na ang Don na tahimik na nakaupo sa isang plastik na upuan sa lilim ng puno. Sa kaniyang tabi ay ang isang matangkad na lalaki na naka all black. Naglilibot ang kaniyang mga mata sa paligid at para bang nanunuro.
Agad akong inatake ng kaba nang makalapit sa Don. Napatingin agad siya sa akin.
“M-magandang hapon po, Don. Pinapabigay po ni Ate Solis itong mga listahan. Nagcr lang po siya saglit sa may kubo.”
Kinuha ng Don ang papel na aking hawak nang wala manlang kangiti ngiti sa labi. Inisa isa niyang tinignan ang mga nakasulat. Nang mapansing hindi pa ako umaalis ay nag-angat ng tingin sa akin ang Don.
“It’s good to see you again, Lara.”
Nanlaki ang aking mata at napaturo sa aking sarili. “Kilala niyo po ako?”
Nagpakawala ng ngiti ang Don. Binalingan niya ang lalaking nasa kaniyang tabi at iniabot ang papel na hawak. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.
“Why wouldn’t I? I can never forget the girl who beg. Full of courage.”
Nagpakawala ako ng pilit na ngiti. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon sa ibinigay na komplimento ng Don. It’s been 6 years. Paanong hindi pa niya nakakalimutan? I was still a child back then.
“And I’m glad you’re not yet kicking me out of the plantation despite of that memory. Nakakahiya po!”
Humalakhak ang Don. Tila ba nasisiyahan sa inakto ko.
“Don’t be.”
Pareho kaming napalingon ng Don sa aming gilid nang makarinig ng mga taong naghahagikgikan. Si Callum at Cedrick ang nakitang naming masayang nagkwekwentuhan habang papalapit sa amin. Dumako ang tingin sa amin ng dalawa at nakita ko agad ang pagkawala ng mga ngiti ni Callum.
Damn. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. I didn’t know he would be here! Ito ang unang beses na nakita ko sa plantasyon nila si Callum! At ito rin ang unang beses na nakita niya ako rito. Shit. What is he doing here? At kasama pa niya ang kaibigan niya. I’m doomed. A total embarassment for me!
Mabilis ang ginawang pag-iwas ng tingin ni Callum at binati ang kaniyang Lolo na si Don. Ganun rin ang ginawa ni Cedrick. Napatigil lamang si Cedrick nang mapansin ang aking presensiya na nakatayo lamang sa isang gilid.
“Hi, Lara! Nagtatrabaho ka rito sa plantasiyon nila Callum?”
Napansin agad ni Cedrick ang aking suot na pangtrabaho. Nagdalawang isip pa ako kung sasagot. Knowing Callum is also here. Ninenerbyos ako!
“Oo.”
“Kilala niyo si Lara?” pamamagitna ng Don sa usapan namin ni Cedrick.
Ngumiti agad si Cedrick kay Don at lumipat sa aking tabi. Naramdaman ko ang pagdantay ng braso niya sa aking balikat.
“Well, classmate po namin si Lara. I mean, we have different sections but we stay on the same classroom. Nag migrate po kasi ang section nila Lara sa section namin kasi nga hindi pa natatapos iyong dalawang pinapatayong building sa tabi ng stage. They don’t have anywhere to go kaya inampon na sila ng section namin.”
Napatango tango ang Don. Hindi ko alam kung bakit napakahaba ng litanya ni Cedrick gayong oo o hindi lang naman ang sagot sa tinatanong ng Don. He is so talkative in here. Napakatahimik at pacold naman sa klase.
“Mabuti naman. You can visit Lara anytime you want in here. Tuwing walang pasok ay nandito siya. You already know when. Classmate naman kayo.”
Pilit akong ngumiti sa Don na nakangiti rin a akin. Nang binalingan ko si Cedrick ay may ngiting hindi mapuknat sa kaniyang labi. Pasimple kong sinilip si Callum. Muntik na akong matumba sa aking kinatatayuan nang makitang nakatitig siya sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang iniisip gayong nakakunot ang kaniyang noo.
Binalingan ng Don si Callum.
“Ikaw, Callum? Hindi mo manlang ba babatiin si Lara?”
“No need. Palagi ko naman yang nakikita sa classroom.” Malamig ang boses niya. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagkakatitig sa akin.
Nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi. I’m not doing anything. Why do you sound pissed?
“Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho. Baka hinahanap na po ako ni Mang Guiller.”
Tinanggal ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Cedrick. Hindi pa man nakakasagot ang Don ay mabilis na akong tumakbo papunta sa likod ng truck. Sapo sapo ko ang aking dibdib habang nakatayo sa tabi ni Mang Guiller.
“Anong nagyari sayo, Lara? Mukha kang nakipaghabulan sa aso.”
Pinulot ko ang aking basket na wala ng laman saka ko binalingan si Mang Guiller. Ngumuso ako.
“Hindi niyo agad sinabi na nadito rin pala si Callum?”
Umakto siya na parang nag-iisip. Kapag kuwan ay biglang sumilay ang ngisi sa kaniyang labi na nagpa-inis sa akin.
“Ah….yon ba? Surprise!”
Lumapad ang ngiti ni Mang Guiller at doon na ako tuluyang nanlumo. Damn. Pati pala rito sa plantasiyon ay alam ng lahat ng gusto ko si Callum.
Sino ba ang walanghiyang nagpakalat?

Bình Luận Sách (104)

  • avatar
    LI NG

    The story is very nice

    21/07

      0
  • avatar
    Kira Lawas

    wow

    17/07

      0
  • avatar
    Dominguez Jay

    nice story

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất