logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 Boxers

Kinabukasan ay nagising akong mabigat ang ulo. Nahihilo ako. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Lumabas ako ng kwarto at nag handa ng breakfast. I walked through the close curtain and tried to open them but I was welcomed by the strong cold breeze of the wind coming from the outside. The pouring of the rain was still in it’s vigorous state. Mas lumala pa kaysa kahapon. The roaring of the thunders became more poweful.
Bumalik ako sa kusina at naghanda na ng pagkain sa mesa. Medyo may kadiliman sa loob dahil nakasara lahat ng bintana at hindi ako nagbukas ng ilaw. Nang matapos ay tinungo ko ang kwartong katabi ng sa akin.
I knocked twice before entering the room not minding if I ever invade someone’s privacy. Hindi naman nakalock ang pinto at sobrang dilim sa loob.
Tinungo ko ang kinahihigaan ni Ephraim. Natatakpan ng kumot ang kaniyang katawan hanggang sa leeg. Natatalikuran niya ang pinto. Niyugyog ko ang kaniyang balikat para gisingan.
“Kakain na,” sabi ko. Hindi siya sumagot at umungol lamang. Napatikhim ako. “Hey!”
“Susunod ako,” sabi niya sa mahinang boses. Lumabas na ako mula sa kwarto at nagtungo na muli sa kusina. Mabilis ang ginawa kong pagkain. Uminom ako ng gamot pagkatapos. Pakiramdam ko kasi ay magkakatrangkaso ako.
Bumalik akong muli sa kwarto ko para itulog ang nararamdaman. Alas onse na nang magising uli ako. Wala na ang sakit ng ulo. I guest, it’s just the effect of the rain yesterday. Medyo naambonan kasi ako at nabasa.But unlike me, Ephraim’s the worst. Sobrang nabasa siya kahapon or better yet, called naligo sa ulan.
Nagshower ako at nagsuot ulit ng pajama at jacket. Pumunta ako sa kusina para magluto. Napatigil ako nang makita ko roon si Ephraim na siyang nagluluto na. He’s wearing his own hoodie na ninakaw ko. Together with the leggings I gave him, that look like a mere short in his state. Natatawa na lang talaga ako dahil sa itsura niya. Nakapaloob ang isa niyang kamay sa bulsa ng hood ang ang isa naman ay abala sa paghahalo ng kaniyang niluluto.
“What’s up?” I said trying to start a topic. Hindi pwedeng tumayo lang ako roon at panoorin siyang magluto. He can feel my presence.
“I’m cooking something for lunch. Gising ka na?” he asked throwing me a short glance between his shoulders.
Lumunok ako ng sariling laway at naghila ng upuan. Umupo ako at pinanood siya.
“Obviously?” sarkastikong saad ko. Kumuha ako ng saging sa platong nasa gitna ng lamesa. Puno iyon ng iba’t ibang klase ng prutas, but I’m salivating for the taste of bananas to heightened my mood.
Hinarap ko na lang ang mga prutas at iyon ang pinagkaabalahang kainin nang hindi ako makatanggap ng kahit na anong imik sa kaniya. Ang awkward lang ng sitwasiyon namin dahil pareho kaming natrap sa bahay. Hindi pa namin alam kung kailan titila ang ulan dahil hindi pa kami nagbubukas ng t.v. We are not listening to the radio, either. Takot lang naming matamaan ng naglalakasang tunog ng mga kidlat. Nakaoff ang cellphone ko.
Napahinto ako sa pagsubo ng saging dahil sa narinig kong pagtikhim. Bumaba ang tingin ko sa mga balat ng saging, I nearly ate all the whole bunch. Nilingon ko si Ephraim. Nakasandal siya sa likod ng kitchen counter habang nakakrus ang kaniyang mga braso. Ang lalim ng tingin niya sa akin na para akong papatayin. Kumunot ang noo ko at tinanggal ang saging na nakapasok sa bibig ko. Anong nagawa ko?
“Tapos ka na?” tanong ko nang may ngiti sa labi.
“Itapon mo na ang mga pinagbalatan mo. Kakain na tayo,” he said wihout breaking the eye contact.
Ngumisi ako at inayos ang mga nabalatan kong saging sa gusto kong ayos nito. Pinagpatong patong ko lahat ng iyon para makagawa ng tower. I turned to him to see his reaction.
Ngumiti ako ng matamis at iwinagayway ang kamay na parang nagmamagic. “Tsaran!” I showed him my banana tower. Umawang ang kaniyang labi habang nakatingin sa ginawa ko.He pressed his lips together trying to surpass the ghost smile from his lips.
Hinawakan niya ang kaniyang sentido at marahan iyong hinilot. Naglakad siya papunta sa harap ng lababo at yumuko. Nang tumayo siya ay nakita ko ang hawak niyang maliit na supot.
Lumapit siya sa akin at hinarap ako. “Ito ang ibig kong sabihin.” Iwinagayway niya sa tapat ng mukha ko ang supot kung saan niya nilagay ang mga nagbalatan ko. Madali siyang tumalikod at itinapon iyon sa trash bin.
Napaawang na lang ang aking labi dahil sa ginawa niya. I just stood there, unable to do something and unable to utter a word. Damn. Why does he take jokes so seriously? Nagpapatawa lang naman ako sa ginawa ko.
“Kain na.” bumaba ang tingin ko kay Ephraim na nakaupo na sa tapat ko. Tapos na niyang ayosin ang mesa nang hindi man lang ako iniimakan. Tsk.
Pabalang akong umupo at hindi siya pinansin. Nagsimula na akong kumain nang hindi siya tinataponan ng kahit na anong tingin. Though, ramdam ko and titig niya sa akin. It’s making me feel uneasy but happy at the same time. The image of me and Ephraim in one table, having a feast while facing each other makes me flattered.
“Inaya kitang kumain pero binalewala mo ako?” umangat ang aking tingin kay Ephraim. His face was in it’s usual stoic poise.
Binaba ko ang kutsara. Pasimple kong pinaloob ang kaliwang kamay ko sa leeg kong natatakpan ng makapal kong buhok. Nakaramdamam ako ng hiya dahil sa sinabi niya. Zaphira.He’s a visitor, damn it!
Imbes na manghingi ng paumanhi ay pinanatili ko ang pagiging mataray ko. Iyon lang ang natatanging alam kong paraan pala maitago ko ang mga kilig at hiyang nararamdaman ko tuwing si Ephraim ang kaharap ko.
Nagtaas ako ng kilay. “Shouldn’t you be be the one leading the feast? Ikaw ang nag-aya, ikaw dapat ang naunang kumain at nagyaya,” sabi ko.
Pinaglandas niya ang kaniyang dila sa kaniyang labi bago nagsalita. “Hindi mo ako yayayain?” tanong niya.
“Why would I? You cook. You prepare. And you invite,” pinagdiinan ko ang bawat salitang sinabi ko.
“I’m a visitor. Bakit mo ako inaalila?” ngumuso siya.
Nag-iwas ako ng tingin.He’s trying to be cute! “Hindi kita inaalila, Ephraim.You did all these things in your own will.”
“You just watched, you should have volunteered at least.” Saad niya.
“Ano pa bang gagawin mo ko kung nagawa mo na lahat?”
“Marami.”
“Tulad ng?”
Naglibot ang kaniyang mata. “Look around you,” ginawa ko ang sinabi niya. I looked at every corner of the kitchen. Pati na ang ceiling ay hindi ko pinalagpas.
“Anong sunod?”
Kumunot ang kaniyang noo.Tumikhim siya kapag kuwan ay idinantay ang dalawang kamay sa lamesa. Magkasalikop ang mga iyon at kinukulong sa pagitan ng dibdib niya at mesa ang kaniyang plato.
“You are too naive. Can you stop being that way?”
“Anong sinasabi mo?”
Umiling siya. “Yayain mo ako.”
“At bakit?”
“I’m hungry! Kung balak mo akong patayin sa gutom, paghandaan mo muna ang burol ko.”
Nagulat ako sa sinabi ni Ephraim.Mabilis pa sa alas kwatrong iniusog ko palapit sa kaniya ang mga pagkain. Shit. I didn’t see that coming. Why would he say such thing? Ang lame niya magjoke.
“Kain ka na,” pang iimbita ko sa kaniya at mabilis na yumukod para ipagpatuloy ang pagkain. An undefining silence pass in between us. Tanging ang mga pagkalansing lang ng mga plato ang naririnig. Pakiramdam ko ay mag-iisang oras na kaming nakaupo dahil sa sobrang katahimikan.
Ako ang unang nagsalita. “Kamusta ang company niyo?” I asked giving a glint of curiousity in my voice, though I’m not really interested about it. I’m much more interested about his interest on architecture.
“Why are you interested?” he asked, still busy with his food.
“Just curious.” Nagkibit balikat ako.
He sighed. Akala ko ay hindi niya na sasagutin ang tanong ko dahil ibinaba na niya ang kaniyang kutsara. Tapos na siyang kumain gaya ko.Matapos niyang uminom ng tubig ay hinarap ako.
“The real estate, is in its usual adequate state. . Satisfied?” pinanliitan niya ako ng mata.
Umiling ako. “Not really.Tell me more,” I said giving him my full attention and showing him the interest from my face that surely he wants to see.
“Why are you even interested, Zaphira?” he asked as he crossed his arms below his chest and lean at the back of chair.
“I’m planning on taking business for my course.I just think, maybe it can help me a bit. For future references,” I lied.
“Why not take aquaculture instead?” siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay “It can help you manage your family’s fishing business.” Tinutukoy niya ang fishing business ng pamilya namin sa Ilo-ilo. Mula sa maliit na negosyo ay napalago ni daddy ang fishing business ng pamilya namin. Simula nang mamayapa si daddy, ay napunta kay Kuya ang pamamahala. Before our father’s death, pinahawak na lahat kay Kuya Apollo lahat ng ari-arian namin.
“Not interested,” sabi ko.
“Why?” tanong niya.
“The question is, why do you always ask ‘why’?”
“Huwag mong ibalik sa akin ang tanong, Zaphira,” naging mapanganib ang boses niya. “Why are you not interested in aquaculture?” inulit niya ang kaniyang tanong.
Bumaba ang tingin ko sa kutsara at iyon ang pinagluran habang nakikipag-usap sa kaniya. Hindi ko kasi kayang tagalan ang pakikipagtalastasan ng titig.
“Okay,” huminga ako ng malalim habang pinipikit ang mga mata. “I’m not interested in aquaculture nor in architecture. Anything that has to do with business doesn’t interest me. Papers and offices doesn’t attract my atention. I want to be free.” Matapang na sinalubong ko ang kaniyang tingin. Napakalamig pa rin ng kaniyang titig. Walang pinagbago.
“Doesn’t architecture make you free, the same with aquaculture?”
“I want to fly.”
“What do you mean?”
“Gusto kong makita ang tanawin ng karagatan mula sa taas. Gusto kong makita ang ulap mula sa taas. Gusto kong makita ang liwanag ng buwan mula sa taas. . .” I paused “I want to be an aviatrix.” Nakita ko ang pag-alon ng kaniyang lalagukan dahil sa sinabi ko.
I can feel the tension starting to build between us. Hindi ko alam kung bakit.
Astronoymy interest me.But it is only my hobby, stargazing and all, together with cooking and baking. Gusto kong maging piloto. Dahil gusto kong libotin ang mundo. . . nang kasama ka. Ngunit wala pa akong naabot, unti-unti mo ng naabot lahat ng iyon. . .nang hindi ako kasama.
Aminin ko man o hindi. Mas mataas ka pa rin kaysa sa akin. Pakiramdam ko ay nasa talampakan mo pa lang ako.Wala pang naabot and I’m still too young for you. Pero ang pagtibok ng puso ko sa’yo, hindi na pang bata. You see, I’m turning into a woman now.
“What about you? Why does architecture interest you? You see, ikaw lang ang natatanging tagapagmana ng real estate company niyo. Kapag nakapagtapos ka ng architecture, it will be too much hassle for you?” saad ko.
Nararamdaman kong nagiging seryoso na ang usapan namin. We are in the getting to know stage, well ako lang naman ang nakikinabang, mukhang hindi naman interesado sa kahit na anong ginagawa at sinasabi ko si Ephraim.
“I plan to take 3 projects after I graduate. Ang real estate na ang pagkakaablahan ko pagkatapos ng huli kong kontrata,” napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
“You’re saying all your plans on me for the future?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Why not? It’s just plans anyway, pwede pang baguhin,” sabi niya.
“So, you’re planning to stay in US after you graduate?” napalunok ako nang mapagtanto ang sinabi ko. Bakit ang layo? Why does their busines be that far from my hometown?
May business nga sila sa Pilipinas pero maliit lang iyon. They just own some wide lands that are ready to sell in PH. 10 percent lang iyon. Ang 90 ay sa US na. Argh. That mean, he’s gonna take over his father’s position as the CEO of their company after his graduation ceremony. At isang taon na lang ay gagraduate na si Ephraim ng Architecture.
One year to pursue him,huh?
“Ikaw, Zaphira?” pinaglandas ulit ni Ephraim ang kaniyang dila sa labi niyang namumula pa dahil sa pa ulit ulit niyang ginawa. Kinuha niya ang baso at uminom. “Aviatrix deals also with papers. Test and contracts.”
“Ilang oras lang ba pwedeng magtake ng test? Signing contracts doesn’t even take too much time. Hindi na iyon big deal para sa akin. Madali na lang iyon,” sagot ko.
“Bakit ka pa nagtanong sa akin kung hindi ka naman pala interesado sa business?” nakitaan ko ang inis sa kaniyang mata nang sandaling mag-iwas siya ng tingin.
Ngumiti na lang ako. Napagod na akong makipagtarayan sa araw na ito. Napagdesisyonan kong sagutin na lang siya ng maayos upang hindi na muling magkaroon ng malamig na yelong pader sa pagitan namin.
“Because I want to know you better,” I answered honestly.
“Nakatulong ba ang mga tanong mo?” nakagat ko ang pang-ibabang labi. Sa totoo lang ay hindi masiyado. Parang gumawa lang ako ng paraan para kausapin siya at hindi para alamin ang mga interest niya.
“Come on, Ephraim. . . We both know what I’m to.Bakit hindi mo na lang ako sabayan?”
“Paano kita sasabayan kung hindi mo ako ma sabayan?” tanong niya ng may pagkasarkastiko.
Damn it! He asked to many questions! Bakit ba sa tuwing nagtatanong ako ay nagtatanong rin siya? Ibinablik lang niya sa akin palagi ang sitwasiyon e.
Umiling-iling ako. I’m done. Nawalan na akong ng laway para magsalita. My throat was so dried up. I can feel my lips getting chopped. Lumamig pa ang hangin dahil mukhang pumapasok ang lakas ng hangin mula sa labas. Hanggang sa matapos kaming kumain ni Ephraim ay hindi pa iyon humihinto. The thunder was still roaring like it has it’s own anger to people.
Kinuha ko ang platong pinagkainan naming dalawa ni Ephraim at dinala iyon sa lababo. Napaatras na lang ako nang makita ko siyang nakatayo pala sa likod ko. He trapped me between his arms and the sink. Yumuko siya dahilan para mapaatras naman ang ulo ko.
“A-anong ginagawa mo?” tanong ko sa mababang tono.
“Gusto mong magustuhan kita?” tanong niya.
Mabilis akong napakurapkurap habang pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya.
“Oum. .” dahan dahan akong napatango. Iyon ang gusto ko. Ang magustuhan ako ni Ephraim.
“Entertain me,” sabi niya at mabilis na umalis sa kusina. Naiwan akong sapo sapo ang dibdib habang nakasandal pa rin sa sink. Entertain him? Madali lang iyon kung makakapagpakita lang siya ng mga emosiyon.
Mabilis kong tinapos ang paglilinis sa kusina at sinunod ang daang tinahak ni Ephraim. Nakita ko siya sa sofa, nakahiga at nakapikit ang mata. How can I entertain him, kung tulog naman siya?
Hindi ko pa mapigilan ang paghagikgik habang kitang kita ko ang paa niyang medyo expose. Nagmukha lang short yong leggings ko na suot niya. I couldn’t even imagine how my things fit him, by his body situation.Iisipin ko na nga lang ay mapupunit na ang leggings ko. But damn.Kasyang kasiya iyon sa kaniya. Medyo maliit nga lang. Sretchable ang pinahiram kong pang ibaba sa kaniya, ngunit sigurado ako na kapag sinauli niya iyon ay mas magiging maluwang na kaysa sa dati.
Nagtakip ako ng bibig habang ngiting ngiti. Naupo ako sa single sofa.Hinarap ko si Ephraim at pinakatitigan siya habang tulog. Ang bilis niyang nakuha ang tulog niya ha.
Adolescence really had hit him.
Buong araw kaming walang ginawa ni Ephraim. Nag-uusap kami pero kapag may mga kailangan lang ay tinatanong. Sometimes, we would just pass by each other and not mind what the one of us was doing. Pagkagising niya kasi ay nahiya na akong pag-usapan pa ang sinabi niya. He wouldn’t waste his time on me just because of that thing.
Kadalasan ay tuwing nagigising ako sa pagkakaidlip ay nakikita ko na si Ephraim sa kusina at kung ano ano ang ginagawa. Ang kusina na yata namin ang naging tambayan niya.
Pareho kaming tulog ng tulog dahil sa lakas ng hangin na napupunta sa loob mula sa labas. Ang lamig ng simoy ng hangin at kaya nitong magpahele. Sa aming dalawa ni Ephraim ay mas lamang ako ng kaonting tulog.
Biyernes na ng umaga nang mawala ang bagyo. We were never updated to weather because we didn’t open any gadgets nor appliances that nothing to do with cooking. Hindi kami nagbubukas ng ilaw, ang lampara lang ang gamit namin dalawa.
Pumunta ako sa likod ng bahay para bisitahin ang garden. Napahinga na lang ako ng maluwag dahil hindi iyon sinalanta ng bagyo, kung hindi ay lagot ako.
Umuwi na noong alas sais ng umaga si Ephraim para makapagpalit ng maayos na damit. He had endured 2 days of using my clothes jus so he won’t catch any colds. Panigurado akong nagrereklamo na iyon ngayon sa likod likod ko. Mabuti na lang at hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na siya suot ang pinahiram kong onesies na ayaw ko sanang ilabas dahil minsan ko lang iyong gamitin. Wala naman sigurong nakakita sa kaniyang naglalakad habang suot yong damit ko.
Pumunta ako sa banyo sa kwarto ko at inilabas ang damit at pantalon ni Ephraim na itinago ko.Hinanap niya iyon ngunit hindi ko ipinakita. Lalabhan ko bago isauli sa kaniya. My way of saying sorry, I think he was so timid wearing my clothes infront of me.Buti nga ay hindi ko siya pinahiram ng undies ko.
Napatayo ako nang wala sa oras nang may mapagtanto.Nanlaki ang aking mata habang nakatingin sa nakaplanggana ng damit ni Ephraim.
Oh my gosh! Did he wear anything under his before using my things!?
Hinalo ko ang tubig sa planggana at binanlawan ang mga damit niya bago labhan ng may sabon. My jaw literally dropped when I saw the last thing I don’t want to see from his things. He left his boxers! Wala siyang suot na kahit na ano nang umalis siya?
Shit! Shit! Shit! Shit.
Napatakip ako sa mukha.Nahihiya na akong suotin ang mga damit na pinahiraman ko sa kaniya! Ano na lang ang iisipan niya kapag nakita niyang suot suot ko ang mga damit na pinahiram ko? Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang buong mukha ko. Hindi ko lang maimagine na nakikiskiss yong ano ni Ephraim sa gitna ng leggings ko. Idagdag pa ang isiping fitted iyon at madalas ko iyon hilain pataas hanggang sa madikit na lang siya sa gitna ko. Bakit ba hindi ko manlang naisipan na bigyan siya ng napkin?
Oh gosh! Sinadya niya bang iwan ang gamit niya?
Lumunok ako. I can’t stand it.
Napagdesisyonan kong huwag na lang galawin ang boxer ni Ephraim at hayaan iyong nakababad sa sabon. Pikit matang tumalikod ako at lumabas ng banyo.
Lumabas ako ng bahay at nanatili sa teresa. Pinapalobo ko ang aking pisngi habang pinapaypayan ang aking leeg gamit ang mga kamay ko. Pakiramdam ko kasi ay naiinitan ako kahit na kakatapos lang ng bagyo.
Inilibot ko ang aking paningin nang makita ang ilang bilang ng tao na dumaan sa harap ng bahay namin. May mga hawak silang sako at hila hila iyon. Lumabas ako ng gate at sinundan sila ng tingin. I looked around again and saw how horrible our sorrounding was. Ang mga tao ay nagkalat sa dalampasigan at ang mga bata naman ay nanatili sa buhanginan. Namumulot sila ng mga basurang inalon na sa isla ng Yato galing sa karagatan.
Inipon ko ang aking buhok at inilipat iyon sa iisang bahagi. Nilapitan ko ang mga batang siyang-siyang sa pamumulot ng mga nabaling sanga at tinulungan sila.
“Ate Zaph!/ Ate Zi!” iba’t ibang tawag nila sa akin.Nginitian ko silang lahat.Itinaas ko ang kaliwang kamay at isa-isang nakipag-apir sa kanila.
“Kamusta?”
“Okay lang po kami. Nanatili lang po kami sa bahay habang bumabagyo,” sabay sabay na naman nilang sagot.
“Hindi ba hinangin yong bubong ng bahay niyo?” baling ko kay Elle.
Ngumiti si Elle dahilan para lumitaw nag kaniyang ngiping bungi. “Nilipad ng hangin yong bubong ng bahay ng baboy nami Ate Zaph. Pero ‘yong bubong namin hindi,” bumungisngis siya.
“Nagawa na ba ng tatay mo?”
“Opo, kaninang umaga pa,” sabi niya.
Tumango ako at binalingan naman si Keith. “Bakit hindi ka sumama sa papa mong pumalaot ngayon, Keith?”
Kinuha ko ang maliit na sako na hawak nila at nilagay roon ang napulot ko.
“Ayaw akong pasamahin ni papa, Ate Zaph.Baka daw biglang bumagyo ulit,” sabi niya sa mababang boses. Nakayuko si Keith at hindi manlang ako tinaponan ng kahit na anong tingin. I can feel the sadness in her voice.
“Gusto mo na ulit makahuli at makahawak ng isda?” I asked, trying to figure out, what’s wrong.
Binigyan naman niya ako ng kasagutan nang makita kong tumango siya.
“Gusto ko na rin pong lumangoy ulit,” sabi niya. Nahihimigan ko pa rin talaga ang kalungkutan sa kaniyang boses. Hiindi gaya ng mga kasama niyang bata ngayon ay siya lang ang malungkot.
Bata palang kasi si Keith ay sinanay na siya sa pananatili sa dagat. Hindi siya sirena pero hindi nakokompleto ang araw ni Keith kapag hindi siya nakakalangoy sa maalat. Nagbabago ang kaniyang ugali sa ganoong sitwasiyon. Hindi naman siya spoiled.Nasanay lang siya dahil sa papa niyang kaisa isang kasama.
“Hindi pa naman pwedeng maligo ngayon sa dagat dahil kakatapos lang ng ulan,” pagpapaalala ko sa kaniya.
Nilingon ko si Lj nang siya naman ang sumabat. “Ako Ate Z! Gusto ko na ulit lumangoy sa dagat!” malaki ang ngiting ipinapakita niya.
Hinaplos ko siya sakaniyang buhok. “Alam niyo ba yong water cave sa dead end ng camping side?” asked, refferring to the opposite side from where Ephraim always stay.
Humiyaw si Elle at pinalakpak ang dalawang kamay.”Alam ko po ‘yon!” she said happily.
Ngumiti ako.”Pupunta tayo roon sa Wednesday next week,” sabi ko dahil holiday sa araw na iyon at wala kaming pasok.Though, pwede na rin naman akong mag-absent dahil tapos na kami sa lessons.Final test na lang ang hinihintay namin para makapag proceed na kaming lahat sa graduation.
Nang sandaling magtama ang mata namin ni Keith ay kinindatan ko siya. I winked at her showing the real promise I can’t broke for these kids. Her face instantly lit up at what I did.
Ngiting ngiti siya at naging hyper na. Makikita ang tuwa sa kaniyang mga mata habang abala na sa pagpulot ng mga sanga. Ginaya ko ang pag-upo nila sa buhangin. Sa tuwing aalis ako sa aking pwesto at malalayo sa kanila ng ilang inches lang ay agad na silang sumusunod at makikipag-agawan sa mga pinupulot ko.
Napapangiti na lang ako dahil sa kakulitan nila. Pinagpapawisan na ako dahil sa ginagawa namin. Malayo pa ang paglubog ng araw at masakit pa sa balat ang init na ibinibigay nito.
Nilingon ko ulit ang mga bata ang nakitang nakasalampak na ito ng mga upo sa buhangin. Gumawa sila ng pabilog at magkakatapat ang kanilang mga talampakan. Nagtatadyakan ng mahihina ang kanilang mga paa. Ilang segundo lang ay huminto sila a naghihingalo na.
“Pagod na ako!” reklamo ni Elle.
“Mabaho ka na Lj, maligo ka na.” Keith teases Lj stucking out her tounge while showing a ghost smile from her lips.
Lj doesn’t look annoyed, though. Ngumuso lang siya habang nakatingin sa damit niya. “Madumi na ang damit ko.” Tinutukoy niya ay ang damit niyang puro buhangin at pwede namang matanggal agad pag tinapik tapik.
Lumapit ako sa kanila at kinuha ang maliit na sakong nasa gitna nila Elle at Lj. “Gutom na ba kayo?”
“Opo!” sabay sabay na sagot nila habang nanlalaki pa ang mata.Sabay sabay silang tumayo at hinarap ako nang may mga malalaking ngiti sa labi.
“Magmeryenda tayo sa bahay.” Itinuro ko ang bahay namin na malapit lang. “Pero bago iyon, ay magpaalam muna kayo sa mga magulang ninyo,” sabi ko. Agad namang umalis si Elle at para magpaalam sa kanilang mga magulang.
Lumipat ang tingin ko kay Keith na hindi man lang gumalaw sa kaniyang kinatatayuan.
Nagsalita siya. “Uuwi na lang po ako ng maaga para hindi mag-alala ang tatay,” sabi niya.
Naalala kong hindi pala niya namulatan ang kaniyang ina kaya palaging ang tatay niya lang ang kaniyang kasama. Nakakapagtaka lang dahil mula noon ay hindi siya nagtanong tungkol sa nanay niya. But I know deep inside her, she’s longing for a mother’s love. Nasisiguro kong ang pangungulila niya sa kaniyang ina ang dahilan ng pabigla biglang pagbabago ng mood niya minsan. No one dared to talk about her mother. Pati ang ama niya. Tsaka na lang siguro nila pag-uusapan iyon kapag si Keith na mismo ang nagtanong.
I smiled at her. “Halika na.”
Akay akay ko ang mga bata papunta sa bahay. Dumiretso silang tatlo sa kusina pagkapasok namin. Mas nauna pa sila kaysa sa akin.
Kaniya kaniyang hila na sila ng upuan habang hinihintay ang handa ko. Inilapag ko sa mesa ang mga naluto ko na. Nagbake ako ng cookies at gumawa ng ice-cream. Gumawa naman ako ng apple juice bilang inomin nila.
Habang hinihintay na matapos sa pagmemeryenda ang mga bata ay nagpagdesisyonan ko munang pumunta sa kwarto para ilabas ang mga damit kong napaglakihan ko na. Balak kong ipamigay sa kanila para naman hindi paulit ulit ang mga sinusuot nilang damit.
Palabas pa lang ako sa kusina nang bigla na namang bumungad sa pagmumukha ko si Ephraim. Muntik pa akong mauntog sa kaniyang dibdib dahil sa bigla niyang paglitaw.
I looked at him from head to toe and noice he’s wearing a sweatshirt and a faded jeans paired with brown leather shoes. Ayos na ayos siya. Bumalik ang tingin ko pataas. My eyes automatically settled in between his thighs for a moment. Namula ang mukha ko dahil nalala ko na naman ang boxers niya sa banyo.
Tumikhim ako. “Wala pang gabi. Anong ginagawa mo rito, Ephraim?” I asked.Ngumuso siya. Nag-iwas ako ng tingin sa ginawa niya.I waited for his response.
“Nasaan ‘yong boxers ko?”
Napapikit ako ng mariin. Damn! Hiyang hiya na ako.

Bình Luận Sách (228)

  • avatar
    Geraldine Tamon

    she’s buetyfull story

    7d

      0
  • avatar
    Frias Eron

    cool

    15d

      0
  • avatar
    Bûåñg Kâ Kol

    the story I'd very good Nice 🙂👍

    18d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất