logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5:

Zane's POV:
"Are you sure na you're not attending tomorrow's dinner?", pangatlong beses na tanong sa akin ni Claire.
"Claire, I already told you that I have a really important matter to attend to, tomorrow. That's why I'm attending this engagement party today."
Hininto ko 'yong kotse sa parking lot na kaharap lang no'ng venue.
"Ano 'yon? Kaming dalawa lang ng anak mo ang ando'n?"
Nilingon ko siya sa tabi ko.
"You're going with my family. Hindi ako makakapunta kaya dapat ando'n ka."
I fixed the cuffs of my sleeves at napailing nalang.
"Kailangan na natin pumasok, we're late.", sabi ko at nagtanggal ng seatbelt saka binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas.
Dapat kanina pa kami nakarating, kasama namin si Shane kanina pero kailangan naming iuwi kasi inaantok kaya pinabantayan muna namin sa kasambahay sa bahay.
Napasunod ako ng tingin sa kotseng parang kararating lang din pero nabaling ang tingin ko kay Claire nang makalabas na siya sa kotse, nilapitan ko siya.
"Let's go."
Kumapit si Claire sa braso ko habang napatingin ako ulit doon sa kotseng kararating lang.
Hinila ako ni Claire kaya nagtungo na kami sa loob ng venue.
Nang makapasok ako ay nagtaka ako kasi akala ko kanina pa sila nagsimula and all, pero parang may inaantay pa sila.
There's Dad, Zach and Zach's Mom and some family friends, at katabi ni Dad ay ang sa tingin ko ang pamilya ng fiancee ni Zach... Where's the fiancee?
Natuon ang atensyon ko sa isang lalaki na may kausap sa phone, napatitig rin siya sa akin... Sa'n ko ba nakita ang lalaking 'to?
Bigla siyang may sinabi saglit sa lalaking tingin ko ay kasing edad lang ni Dad;
"She's already outside, why don't we ask Zach na sunduin ang anak ko sa labas.", sabi nito sa Dad ko.
"Sure thing, I'll be right back.", sagot rin naman ni Zach at nagtungo agad sa pwesto ko kung saan nasa entrance palang kami ni Claire sa venue.
"You guys are late but, so is my fiancee, go in.", segway pa nitong sabi saka tinapik balikat ko bago tuluyang lumabas.
Napailing na lang ako at nagpatuloy kami ni Claire papasok.
"Ridiculous! Imagine being late to your own engagement party.", rinig kong mahinang sabi ni Claire pero hindi ko nalang pinansin.
"Oh, here's my eldest son, anyway."
Napabitaw sa akin si Claire nang makita ako ni Dad, huminto kami sa harap ng pamilya no'ng fiancee ni Zach.
Napa side eye ako ng tingin doon sa isang lalaki na may kausap kanina sa phone kasi wagas kung makatitig sa akin, maybe he finds me familiar as well?
"You were supposed to marry their daughter if it wasn't for your marriage with Claire.", bulong ni Dad sa akin while tapping my back.
"Oh yeah, I remember him. I briefly met him outside the venue with his wife on their engagement day.", sabi no'ng lalaki na kasing edad lang ni Dad.
"Nice to meet you, I'm Jeffrey Williamson and this is my wife, Jane Williamson, while this fine young man with us is a very close friend of my daughter, Dave Lee Evans.", pagpapakilala niya.
Williamson?
Napatingin ako ulit doon sa lalaking nagngangalang Dave at binalik ko rin sa lalaking katabi ni Papa.
"May I know the name of your daughter?", kunot noo kong tanong.
Akmang sasagot na siya nang mabaling ang tingin niya sa likuran ko,
"Oh there she is, my daughter... "
Napalingon ako sa likuran ko at agad na nanlaki ang mga mata ko.
"Bleu... Bleu Williamson is the my daughter's name.", rinig kong sabi nito.
"Bleu... "
Third Person's POV:
Hindi na nalingon ulit pa ni Zane ang kausap kasi natuon ang atensyon niya sa babaeng buhat-buhat ng kapatid.
Nanlaki ang mga mata ni Claire at agad siyang napatingin kay Zane para makita ang reaksyon nito.
Pinasok ni Zach sa loob ng venue si Bleu ng tuluyan at ibinaba ito ng marahan malapit sa kinatatayuan ni Zach na katabi si Claire.
"Bleu... ", Zane called her name just as the way he did as before.
Napatindig si Bleu ng maayos at dahan-dahang napaharap kay Zane, nalilito niyang nilibot ng tingin ang paligid at hininto iyon kay Zane.
She's been struck with a lightning at napalipat siya ng tingin kay Zach at Zane, Zach right now is just as confused as she is.
"It seems like the main character of this event has arrived, I'd like to get everyone's attention."
Kung hindi pa nagsalita 'yong host ay mukhang magkakatitigan lang sila doon buong gabi.
Bumaba ang host sa mini stage at hinila si Zach at Bleu sa gitna, kahit lito ay inalalayan naman ni Zach si Bleu kasi putol ang isang heels nito.
Napahawak si Claire sa braso ni Zane pero ni hindi ito napansin o naramdaman ng binata dahil sa nangyayari.
Mataimtim na nakatitig si Zane kay Bleu at Zach habang hindi na mapakali si Claire.
"Can I invite here on stage the father of Bleu and Zacharias?", host.
Sabay namang napaakyat ang magkumpare sa munting stage na may ngiti sa mga labi, ibinigay ng host ang mic nito sa Papa ni Bleu, while Zach's step father which is Zane's father gave Zach a small box where his and Bleu's engagement rings is inside.
"First of all, my family and Arthur's family is really thankful for everyone that took their time to join us here today in this special day.", paninimulang sabi ng Ama ni Bleu sa mga bisita.
Arthur- Zane and Zach's father, on the other hand motioned na kailangan suotin ni Bleu at Zach 'yong singsing kaya kahit balisa ang dalawa ay sinuot nila ito.
"It actually took years before this event to finally happen, thus, me and Arthur are really excited about this. We've been friends for years now but starting today, I am proud to announce that we'll finally be a family.", pagkatapos nitong sabihin ni Jeff ay binigay niya ang mic kay Arthur.
"This event is to celebrate the unison of the Williamson and Arden family. Zacharias who may be not blood-relaated to me but I have always considered as my own son is marrying the only daughter and child of the Williamson family, and yes! That is what we are celebrating today, their engagement.", sabi naman ni Arthur sa mic.
Biglang nag-abot ang mga mata ni Bleu sa mga mata ni Zane, hindi maalis ni Bleu ang tingin niya kay Zane... She's wondering kung anong iniisip ni Zane ngayon, she's wondering kung anong ibig sabihin ng mga tingin ni Zane sa kanya.
"So I hope everyone enjoy the rest of the night and congratulate the soon-to-be married couple. Thank you!"
Nagpalakpakan ang lahat. Doon lamang naputol ang naging matagal na titigan ni Zane at Bleu sa isa't-isa nang yakapin si Bleu ng Papa niya at yakapin rin siya ng Ama ni Zane at Zach.
Maraming nagsilapitan sa dalawa para i-congratulate sila, binalik ni Bleu ang tingin niya kay Zane pero wala na ito sa kinatatayuan niya kanina.
Zach's POV:
Lumabas ako sa venue kasi biglang napansin ko nalang wala na si Bleu sa loob, ako lang 'yong busy na kumakausap sa mga guests.
Hinanap ko siya at nakita kong nakaupo siya sa swing doon sa parang playground sa likuran ng venue, take note nakapaa lang siya.
Ang raming nangyari kanina, nakalimutan kong naputol pala heels niya.
Nilapitan ko siya at napaangat siya ng tingin sa akin.
"Did you know?", tanong niya sa akin agad.
Napailing ako habang nakatingin sa mga paa niya, tinanggal ko 'yong pares ng sapatos na suot ko saka iniluhod ang kanang tuhod ko para maisuot sa paa niya ang mga ito.
"I'm just as clueless as you are.", sagot ko sa kanya habang sinusuot 'yong sapatos ko sa paa niya.
Nang maisuot ko na ay naupo ako sa katabing swing, nakatingin siya sa akin.
"I've never seen you once no'ng kwinekwento ka lang sa akin ni Zane noon, and he told me na kaibigan ka lang niya."
Napakamot ako ng mahina sa taluktok ng ilong ko.
"We kept it as a secret, so we introduced ourselves as friends sa iba."
Mukhang balisa talaga siya sa nangyayari kumpara sa akin.
"Hindi mo ba ako naalala? You've seen me before diba?"
"I did, pero that was just twice or thrice. Ilang taon na ang lumipas and I've met a lot of people, naging kayo lang rin ni Zane for months. You weren't special to me kaya siguro hindi kita naalala agad?"
Teka, parang ang grabe naman no'ng you weren't special pero 'yon ang totoo eh, wala naman akong pake sa kanya dati kasi ba't ako magkakapake sa girlfriend ng kapatid ko?
Kumunot ang noo niya,
"You've met a lot of people?", nakakunot noo nitong tanong.
I rolled my eyes.
"Babae, okay na?"
Natawa siya ng mahina, laughing finally!
Para kasing affected siya masyado sa nangyayari, I was confused, oo, pero hindi big deal sa akin kasi mag-ex na sila at hindi naman naging sila ng gano'n katagal... Unless those few months meant more than I expected?
"Bleu."
Sabay kaming napatingin ni Bleu sa nagsalita, it's Zane.
Agad kong tinignan ang mukha ni Bleu and there goes her eyes again, she looks so hurt.
"What's happening?", seryosong tanong ni Zane sa aming dalawa ni Bleu.
"We're engaged, gano'n lang ka-simple, Zane.", deretsong sagot ni Bleu.
Nagkatitigan silang dalawa at napapalipat ako ng tingin, tama bang andito ako?
"Believe me, pareho kaming walang alam.", sabat ko para mahinto na 'yong titigan nila kasi ako 'yong natutunaw kahit hindi naman ako kasali.
Napahawi ng buhok si Bleu at umiwas ng tingin.
"It doesn't really matter now, nangyari na.", patuloy ko.
Parang wala silang pake sa sinasabi ko, mukha silang mag-jowang may LQ base sa pag-iiwas nila ng tingin sa isa't-isa.
Ginagawa pa akong third wheel ng mga 'to.
"So, you're telling me na hindi mo alam na you're getting engaged with my brother?", pag basag ni Zane ng katahimikan, napatingin naman na sa kanya si Bleu.
"Ni hindi ko nga alam na kapatid mo si Zach, ang sabi mo sa akin noon na kaibigan mo lang siya."
Bumaling naman ng tingin sa akin si Zane.
"You don't remember her?"
Ano ba namang tanong 'yan.
"How can I? You guys dated like less than five months, I have no interactions with her, nor have seen her more than 4 times and it's been five years, hindi naman naging memorable o special sa akin si Bleu noon para maalala ko."
Napapa-english tuloy ako, l*ngya 'yan. Ano ba 'to? Interrogation? Nasa korte ba kami?
"How about now?", tanong ni Zane na kung makatingin sa akin lagpas ribs ko.
"Anong how about now? Anyway, gaya ng sabi ko, does it really matter if we're engaged? Bakit? Don't tell me may feelings pa kayo sa isa't-isa?"
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa, nagkatitigan sila mata sa mata at sabay sabing;
"No."
"Wala."
Sarap manuntok ng hangin, wala naman na pala.
"Final answer na 'yan?", may halong pagdududa kong tanong at sabay silang masamang napatingin sa akin.
"Nagtatanong lang ako, ang seryoso niyo naman.", napausog kong sambit. Mukhang mas makakabuti sa buhay ko ang tumahimik na lamang.
Bumaling ng tingin si Zane kay Bleu.
"I thought you have a boyfriend? The guy in the club?"
Ito na ba 'yong oras para umalis ako at makapag-usap sila? Sobrang gwapo ko, hindi ako nababagay sa mga ganitong drama.
Dahan-dahan akong napatayo.
"Zane."
Napalingon kami sa likuran ni Zane at may dumating  na pusit, si Medusa.
Kulang nalang tumakbo itong palapit kay Zane tapos kapit sa braso ng kapatid ko na akala mo lintang may planong sumipsip ng dugo.
Naupo ako ulit, okay lang naman siguro makinig ng chismis diba? Hindi naman sa chsimoso ako, ngunit maaari akong maging referee sa oras na mayroong sabunutan na mangyayari.
"We need to go home, I got a call that Shane woke up and is looking for us.", may halong pagtataray na sabi ni Medusa, I mean Claire kay Zane, pero kay Bleu nakatingin.
Aba't... Anong deal ng tatlong 'to na hindi ko alam? Mas nakakaintriga pa sa Zeinab at Skusta Clee na hiwalayan ah?
Nagulat ako sa biglaang pagtayo ni Bleu mula sa swing.
"I think wala ng iba pang pag-uusapan. Past is past, we're facing the present today kaya 'yon ang panindigan natin. Uuwi na ako.", matigas na sabi nito at nilagpasan si Zane at Claire.
Ang ganda na sana ng sinabi kaya lang mukha siyang pato mag walk out dahil sa malaking sapatos ko.
Napatayo ako.
Tinignan ko si Zane.
"Hatid ko lang fiancee ko.", nakangiti kong sabi sabay kindat, agad akong umalis nang sumama 'yong timpla ng mukha ni Zane, pikon talaga.
Bleu's POV:
"Bleu! Bleu!", tawag sa akin ni Zach habang mabilis akong naglalakad papasok sa venue.
Huminto ako kasi bigla kong naalala na suot-suot ko sapatos niya at naka medyas lang siya ngayon, nilingon ko siya.
"Don't tell anyone about me and Zane, to my family and your family.", seryoso kong sabi sa kanya.
Tumango siya.
"I'll take you home.", aya niya sa akin.
"May kotse ako.", sagot ko agad.
Sa totoo lang gusto kong mapag-isa ngayon, kailangan ko makapag-isip. Wala akong maintindihan sa nararamdaman ko.
"At least, let me send you to your car then."
Napailing ako. Tinanggal ko 'yong sapatos niya sa mga paa ko.
"Do me a favor."
"Ano?"
"I need some time alone, at baka hanapin ako sa loob, I just want to leave right now... Can you entertain my family, yours and the other guests?"
Hindi ko alam pero parang kailangan ko na umalis, may namumuong luha sa mga mata ko na kanina pa gustong tumulo.
I was taken aback nang bigla niyang iluhod ang kanang tuhod niya sa sahig at pinagpag 'yong talampakan ng mga paa ko saka sinuot ulit sa akin ang pares ng sapatos niya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makatayo siya ng maayos.
"Ako ang bahala, pwede kang dumaan diyan papunta sa kotse mo without the need to go back inside the venue.", sabi niya sabay turo doon sa parang maliit na daanan.
Tumitig ako sa mukha niya.
"Salamat, Zach."
Ngumiti siya at tumango.
"Ingat ka."
Tinalikuran ko na siya at nagtungo na sa daang tinuro niya kanina at gaya ng sabi niya ay papunta nga 'yon sa kung saan ko pinarking ang kotse ko.
Agad akong sumakay at nag seatbelt, bago pa may makakita sa akin ay pinaandar ko na ang kotse at umalis doon.
Mabilis akong napapaangat ng tingin habang nagdra-drive kasi parang tutulo na ang  mga luha ko anytime, baka ano pa mangyari sa akin sa daan 'pag umiyak ako dito sa kotse.
Ano ba ang nararamdaman ko? Ba't ako nagkakaganito? Ayokong magsinungaling sa sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya, just him calling my name is enough for my knees to go weak.
Saan ba ako nasasaktan? Sa katotohanang dapat matagal ko ng tanggap na may pamilya na siya? Na ikakasal ako sa kapatid niya? Ano 'to pamilya na kami na para bang wala kaming nakaraan?
Hindi ko alam kung anong kasalanan ko to deserve this, kaya ko naman eh... Kaya kong palakihin ang mga anak ko ng walang ama, ipagpatuloy ang buhay ko na wala siya kasi that's what I've been doing for the past five years, kaya bakit kailangan magkita kami ulit na ganito ang sitwasyon? Bakit ako pinaglalaruan ng tadhana?
Hininto ko ang aking kotse sa harap ng bahay ko. Mahigpit akong napahawak sa manibela at napapikit.
"Kaya mo 'to, Bleu. Nakayanan mo all this time kaya alam kong makakaya mo rin ngayon. Si Zane lang 'yon, five years na ang dumaan, Bleu. Umayos ka.", pagkumbinsi ko sa sarili.
Nang pakiramdam kong naikalma ko na ang sarili ko ay lumabas na ako sa kotse ko.
Pagbaba ko ay may lalaking nakatayo sa harap ng gate ng bahay ko, napatingin siya sa akin at doon tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
"Dave.", basag na boses kong tawag sa pangalan niya.
Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"You... I thought I'll never meet someone as stupid as I am but then there's you... ", he placed his right hand sa likod ng ulo ko, I buried my face on his chest.
"Alam mo na?", umiiyak kong tanong sa kanya.
"You lied to me, the same lie na sinabi mo sa parents mo. You should've told me! Bakit kailangan mo pagdaanan ang lahat ng 'yon mag-isa? ".
Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"Kung b*bo lang ako hindi ko maiintindihan titigan niyo ng lalaki na 'yon kanina, kulang nalang umiyak ka sa harap ng lahat."
Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko.
Bumitaw si Dave sa pagkakayakap sa akin, tinignan niya ako sa mukha then he used the cuffs of his sleeves para punasan ang mga luha ko.
"Tell me everything.", Dave.
Nang gabing 'yon ay inamin ko lahat kay Dave, mula simula hanggang sa paghihiwalay namin ni Zane.
"Anong gagawin mo sa family dinner with the in-laws niyo bukas? You need to be there with Laine and Tobi.", tanong sa akin ni Dave.
Napakagat na naman ako sa ibabang bahagi ng labi ko.
Ilang ulit ko na 'to sinabi, na noon pa man ay alam kong darating rin ang panahon na magkikita kami ulit ni Zane at malalaman niya ang tungkol kay Tobi pero hindi sa ganitong paraan, this is so complicated lalo na't he's married at may anak na.
"I'll have to see what I can do tomorrow, hindi ko nga alam kung makakayanan ko ba bukas na harapin siya ulit."
Problemado na napatingin sa akin si Dave.
"Just tell me if you need help about something, alam mo namang kahit ano pa 'yan tutulungan kita."
Ang swerte ko talaga kay Dave, kaya 'yan rin ang rason kung ba't hindi ko sinabi sa kanya ang totoo kasi mas mastre-stress sa akin 'yan, aakuin niya problema ko na parang problema niya na rin and I don't want to interfere with his life, lalo na no'ng naging sila ni Gianna.
Claire's POV:
"Ano ba, Zane?! Can you walk slowly?!"
Simula ng umuwi kami galing sa engagement party na 'yon ay hindi na siya nagsasalita buong biyahe at ang bilis maglakad na para bang wala siyang kasama.
Napahinto siya at nilingon ako.
"It's a long night, I'll go check on Shane and you can sleep.", parang hindi man lang narinig ang mga sinabi kong imik niya.
Hinawakan ko ang kamay niya bago siya makaalis.
"Why are you acting like this? Ano? Nagseselos ka ba kasi your brother is marrying your ex?!"
Pinaliitan niya ako ng mga mata saka malakas na binawi ang kamay niya.
"We're both tired, kaya pwede bang disregard what you're thinking right now? It's not making any sense at all."
Ano raw?
"It doesn't make sense? 'Yang pinapakita mo sa akin? Sigurado ka ba?"
"Bakit? Ano bang pinapakita ko? Gaya ng sabi ko I'm just tired, don't read too much about it. You're overthinking and overreacting."
'Di ako makapaniwala sa sinabi niya, kasalanan ko pa ngayon na hindi ako natutuwa sa pinapakita niya sa akin? Sa pinapadama niya sa akin? Ako, na asawa niya?
"I'm overreacting? Sa tingin mo, OA lang ako? Then you should've seen your own face habang nakatingin kay Bleu and tell me if overreacting lang ako. Hindi ka lang pagod, Zane, naiinis ka diba? Dahil sa nalaman mo ngayon? Umamin ka!"
"Pag-aawayan ba natin 'to? Oh sige! Let's say what you're saying right now is true, ano ngayon? Baka nakakalimutan mo, asawa lang kita sa papel, pinakasalan kita dahil kay Shane. Simula pa lang nilinaw ko na sayo intensyon ko diba? Stop acting like a wife to me and just do your thing bilang Ina ni Shane, 'wag kang umakto na parang nakalimutan ko na mga ginawa mo."
I gritted my teeth because of frustration at dahil na rin sa galit na nararamdaman ko.
"Let me remind you the purpose of our marriage, it's for Shane alone. Do your duties as her mom, 'yon lang.", sabi niya at iniwan ako dito sa pwesto ko para umakyat sa ikalawang palapag.
Napakuyom ako ngmga kamao, naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.
Ako 'yong nasa tabi niya all these years pero si Bleu pa rin ang nasa puso niya.
Hindi ako makakapayag na masisira ng babaeng 'yon ang pinaghirapan kong buuin.
Kaya kong gawin lahat para mapanatili ang pamilyang 'to, even though it means that I'll have to dirty my hands.
-------

Bình Luận Sách (279)

  • avatar
    ftplouie

    ganda nung story eto lng yung story na lagi kong binabasa😭 last part na ba talaga toh?😭 need ko pa ng book 3😭 ang ganda kc

    08/09/2023

      3
  • avatar
    Madhielyn Tabaranza Villarba

    great story again,,I was fully satisfied😊.I can't wait for the next story to publish...good job👏

    31/08/2022

      1
  • avatar
    Jessiett Acebedo

    love you too 💞

    17d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất