logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4:

Bleu's POV:
Nakalipat na kami sa sariling bahay namin ng mga anak ko, my parents went to a business trip the day na nakabalik ako at pagkatapos akong kausapin ni Dad tungkol sa engagement  and they're coming back in 2 days para sa engagement party. It's time to meet the in-laws raw, ang messed up ng cycle ng engagement na 'to.
Sabi ko kay Dave na hindi niya na kami kailangan puntahan ng mga anak ko muna at bigyan ng time girlfriend niya pero eto siya sa kusina namin kumakain ng napaka malumanay, natutulog kasi mga anak ko kaya para siyang batang walang kalaro.
Napapansin ko ang down niya ngayong araw parang hiniwalayan lang eh... Teka, hiniwalayan?
Nilapitan ko siya.
"Hoy, 'di ba sabi ko quality time muna kayo ng girlfriend—"
"We broke up.", malumananay niyang putol sa sasabihin ko.
Palagi silang nag-aaway pero never sila naghiwalay, ngayon lang.
"Bakit? Anong nangyari?"
"It just happened.", may halong hinga ng malalim niyang sagot sa 'kin.
"Sigurado ka ba diyan? Ano ba pinag-awayan niyo this time at naghiwalay na talaga kayo?"
Walang kabuhay-buhay niyang sinubo 'yong kanin, sino ba nakipaghiwalay?
"Wala, nasasakal na ako tapos nakakapagod na."
Nasasakal raw pero ganyan reaksyon niya.
Naglagay ako ng tubig sa baso tapos inabot ko sa kanya, kanin lang kinakain niya walang ulam tapos wala pang nakahandang tubig, ganyan siya kasabog tignan ngayon.
Napailing nalang ako at hindi na nagtanong pa kasi private and personal na problema niya  na 'yon. Si Dave kasi if gusto niya e-share sa akin ay siya mismo magsasabi, base sa inaakto niya ngayon ibig sabihin niyan ayaw niya pag-usapan and it's better na 'wag siya pilitin.
Binuksan ko 'yong fridge at wala siyang laman maliban sa tubig tapos 'yong tropicana na binigay ni Zach kay Laine na hanggang ngayon hindi niya pa iniinom. Kailangan ko mag-grocery while tulog pa ang dalawang chikiting.
Sinara ko ang fridge at napatingin ako kay Dave.
"Mag gro-grocery ako, pakibantayan muna mga inaanak mo.", sabi ko sa kanya.
Ninong 'yan ng dalawa kong anak.
Nilingon niya ako, natauhan na ata sa pagiging sabog niya.
"Will you be okay alone?", tanong niya.
"Oo naman, wala naman masyadong pinagbago ang Makati."
"You're leaving now?"
"Yeah habang tulog pa ang dalawa."
Nakabihis na rin naman ako at may sariling kotse, kaya it's not that much of a hassle.
Bago umalis ay nagtanong pa ako kay Dave kung may gusto siyang ipabili o kainin para mabilhan ko siya tapos alam niyo sinagot? Soju daw, muntik ko ng hampasin ng upuan, iinom na naman eh.
Nagpunta ako sa pinakamalapit na mall, at nagpunta sa grocery area. Mapili sa pagkain ang dalawang anak ko kaya this time gusto ko bilhin ay mostly veggies para masanay sila, may natutunan rin kasi akong tricks sa pagluluto na kahit veggies siya eh kakainin ng anak mo without knowing na gulay ang mga ito,  and yes, marunong na akong magluto.
Si Laine hindi naman mahirap pakainin ng gulay, kay Tobi talaga mahirap kasi hindi niya raw gusto ang lasa.
Habang nililibot ko ang buong grocery store para sure talaga akong wala akong makalimutan ay napahinto ako sa frozen food section.
Napatingin siya sa gawi ko at nawala ang mga ngiti sa labi niya, kumunot ang noo nito at masama itong napatingin sa akin.
Napababa ang tingin ko sa batang babae na kasama niya, napansin niya ang pagtingin ko dito kaya agad niya itong binuhat.
"Why are you here?", tanong niya na may halong pangangamba, bakit parang takot na takot siyang makita ako? Napaghahalataan eh.
Tinulak ko 'yong trolley na naglalaman ng mga groceries na balak ko bilhin papalalit sa kanya, at isang hakbang palang ang nagawa ko ay napaatras siya ng biglaan.
"What's with your reaction? Para kang nakakita ng multo ah.", natatawa kong sabi, napatingin ako ulit sa batang buhat-buhat niya.
Clueless na nakatingin sa akin ang bata. So, she's their child?
"Bakit ka andito?", tinagalog niya lang tanong nito sa akin kanina, boring.
"Bakit? Sayo ba 'tong mall? Di ba ako pwede dito? O baka naman... "
Nilibot ko ng tingin ang paligid.
"... Baka naman may kasama ka na takot kang makita ako, Claire?"
Nakita ko ang paglunok niya ng laway.
"Bakit naman ako matatakot na makita ka ni Zane?"
Napailing ako sabay natawa ng saglit.
"Wala akong binanggit na pangalan, sayo mismo nanggaling 'yan as if you're guilty with something."
Naglakad ako palapit sa kanya, at masama pa rin siyang nakatingin sa akin.
She smirked.
"Don't tell me bigla kang naglaho tapos bumalik ka para sirain ang pamilya ko?"
"Hindi ako gano'ng tao kay magpasalamat ka, nakakainggit lang kasi... "
Kumunot ang noo niya, tinaas ko ang kanang kamay ko at marahan na hinaplos ang pisngi ng batang buhat-buhat niya.
"Nakakainggit na lumaki ang anak mo na may ama sa tabi niya... 'Yong ANAK ko kasi hindi."
Mabilis niyang sinampal ang kamay ko palayo sa pisngi ng anak niya kaya mas lalo lang akong natawa.
"Do I sound like a kontrabida sa isang teleserye? Pwede na ba? Para kasing any time manginginig ka na sa takot hahahah, I'm just kidding."
Isinakay niya ang anak niya sa trolley na nasa tabi nito na sa tingin ko ay kasing edad lang ni Tobi.
"Eto ang tatandaan mo, lubayan mo ang pamilya ko. Masaya na kaming tatlo, and if you think you're someone special kay Zane, well wake up! Never na naging mahalaga sa kanya ang mga buwan niyo lang na pagsasama."
Mahigpit akong napahawak sa pantulak ng trolley ko;
"Sabi mo eh. Wala akong pake.", inirapan ko siya at akmang lalagpasan na nang bigla niyang higitin ang braso ko sabay bulong sa tenga ko;
"Seryoso ako, you don't want anything to happen sa iniingatan mo kaya lubayan mo kami."
Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Wag kang magpapahalata na threatened ka sa akin, Claire. If he really loves you hindi dapat ganito ang inaasta mo. Don't threaten me, you think I'll go easy on you porket hinayaan lang kitang lokohin ako 5 years ago?!"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Akala mo hindi ko alam? Na si Zane ang ama ng anak ko? Wala akong gagawin na ikakasira sa pamilya mo pero matakot ka na kasi malapit na ang karma mo, maliit lang ang mundo Claire... Malalaman at malalaman rin ni Zane ang lahat.", diin pero mahina kong sabi sa kanya at binangga ang balikat niya bago ko siya lagpasan ng tuluyan.
Binilisan ko ang paglalakad kasi ayokong may maisagot pa siya at lumala ang sagutan namin, kasama niya ang anak niya at ayokong makita ng anak nito ang mga gano'ng klaseng scenario, walang kasalanan ang bata.
It looks like hindi niya kasama si Zane, marami-rami ang laman ng trolley niya, paano niya 'yon mabubuhat lahat lalo na't kasama niya anak niya?
"Oh?"
"Huh?"
Sabay kaming napahinto, papunta na sana ako sa counter para magbayad pero may nakasalubong ako.
"Wife!", masigla niyang tawag sa akin.
"W-wife?!"
Binitawan niya ang trolley na tulak-tulak nang makasalubong ako nito, take note, walang laman 'yong trolley na tulak-tulak niya. May halong lukso siyang lumapit sa akin, ba't ang good mood nito?
"Wife?", ulit ko sa tinawag niya sa akin nang makalapit siya.
"Oo, advance ako kahit hindi pa tayo kinakasal. "
Yeah, I'm talking with Zach right now.
"Ginagawa mo dito? Kararating mo lang?", tanong ko sa kanya.
"Ah hindi, mag-iisang oras na akong nandito."
Almost one hour pero wala pa siyang napipili o nabibili?
Napatingin ako ulit doon sa trolley na tulak-tulak niya na walang laman.
"Ahhhh hahahha may sinamahan lang ako tapos nawala sa paningin ko. Nagtutulak ako ng trolley kasi wala akong magawa."
Ang lakas naman ng trip ng lalaking 'to.
Siya naman napatingin no'ng laman ng cart ko.
"Para kay Tobi at Laine?", nakatingin sa cart ko na tanong niya.
"Oo.", maikli kong sagot.
Bigla siyang napakuha ng cellphone niya sa bulsa at may binasa na text.
"I need to go, I'll see you sa engagement party natin next week."
Nagmamadali niyang sabi sa akin.
"Sige, see you."
"Paki kumusta ako kay Tobi at Laine ah?"
"Oo na, alis na."
Nginitian niya ako saka nagmamadaling umalis na hila-hila 'yong trolley na walang laman.
"Ba't kasi ginagawa akong utusan, l*nghiya talaga.", rinig ko pang reklamo niya ng paalis na siya.
Napailing na lamang ako. Bago tuluyang pumila sa cashier ay nahagilap ko 'yong fresh milk na buy one take one kaya pinuntahan ko saglit kasi sayang naman hahahaha.
Hindi naman gano'n kahaba ang pila pero nakakangalay tumayo.
No'ng turn ko na sa cashier ay tinitignan ko ng mabuti 'yong total ng mga pinamili ko, ang rami ko pala talaga na binili, paano ko 'yan mabubuhat lahat sa kotse ko? Papatulong nalang siguro ako.
Nagtaka ako nang may card na ginamit ang cashier after niya ma-scan lahat ng pinamili ko. Kaninong card 'yan?
"Miss, kaninong card 'yan? Hindi akin 'yan, I'm paying with cash.", nagtataka kong sabi.
"Card po nO'ng gwapong asawa niyo ma'am, sabi niya gamitin ko raw if turn niyo na magbayad."
Gwapong asawa? Teka... si ZACH?
Napatingin ako sa palagid pero hindi ko siya mahagilap. Hoy, ang baliw ng lalaking 'yon, pinagkakatiwala lang basta-basta ang card niya.
"Here ma'am.", bigay sakin ng cashier no'ng card na may pangalan na Zacharias Ford Silvius, sa kanya nga.
Ano 'to? Ako magdadala? Napakamot ako sa batok ko at napatingin ulit sa paligid, ang lakas ng trip ng lalaking 'yon.
Umalis na ako sa harap ng cashier  para sa susunod na magbabayad, wala akong nagawa kundi itago sa wallet ko ang card ng baliw na 'yon.
Habang nagbabalot 'yong male staff sa mga pinamili ko ay naghahanap ako ng ibang male staffs na pwede kong mahingan ng favor kasi mukhang hindi ko kaya ang anim na plastic bags na pinamili ko.
"Tapos na ma'am", sabi no'ng lalaki after niya magbalot.
Mukhang hindi naman mabigat, kaya ko 'to.
Nang bubuhatin ko na ang anim na plastic bags ay biglang may ibang bumuhat nito kaya napaatras ako sa gulat.
"Saan kotse mo?", tanong niya habang buhat-buhat 'yong anim na plastic bags ng pinamili ko gamit ang dalawa niyang kamay.
Akala ko umalis na siya? It's Zach.
"Alam kong gwapo ako, marami pang oras na pwede mong sambahin ang pogi kong mukha pero asan muna naka-park kotse mo?"
Natauhan ako sa sinabi niya, ang kapal. Hindi kasing kapal ng libro kasi buong library sa kakapalan.
"Halika.", sabi ko at naunang maglakad.
"Akala ko umalis ka na?", tanong ko habang napapalingon sa kanya.
"Oo, tinulungan ko lang saglit kasama ko sa pagbuhat ng mga pinamili niya, babalikan ko after kitang matulungan."
Ganito ba galawan ng mga babaero? Marami sigurong nadadaling babae 'to. 'Pag nakilala ko 'to 5 years ago tapos ganito galawan baka kumagat na ako agad hahahha.
Nagpunta kami sa parking lot, pagkarating namin sa kotse ko ay binuksan ko agad 'yong trunk ng kotse ko... Nakita ko ang pamumula ng mga palad ng kamay niya, bumakat rin sa palad ng mga kamay nito 'yong hawakan ng plastic bags.
Sinara ko ang trunk ng aking kotse after niya mailagay ng maayos ang mga pinamili ko.
Hindi ako sanay sa ganito, na parang may lalaking nag-aalaga sa akin?
"S-salamat.", sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya.
"Maliit na bagay."
Naalala ko bigla ang card niya.
"Oo nga pala, I have your card."
Kinuha ko ito sa aking wallet at inabot sa kanya.
"Hindi mo naman kailangan bayaran mga pinamili ko.", ani ko.
Kinuha niya 'yong card tapos hindi niya man lang pinasok sa wallet niya, deneretso lamang nito na ibinulsa. Iba talaga ang mga mayayaman.
"It's for Tobi and Laine, kaya okay lang."
Napangiti ako.
"Salamat ulit."
"Oo na, alis ka na kasi babalik na ako sa kotse ko baka nainip na 'yong mga kasama ko kakaantay sa akin hahaha."
Bakit kasi binalikan pa ako.
"Sige na, ingat ka.", sabi ko sa kanya.
"Oo naman, kawawa ka naman kung haharap ka sa altar ng mag-isa. Una na ako."
Natawa ako sa sinabi niya, lahat ng lumalabas sa bibig niya may halong signal number 3 na bagyo.
Zane's POV:
Naabutan ko sa sala si Claire na nakatulala, where is Shane?
Nilapitan ko siya.
"Where's Shane? ", tanong ko sa kanya, gulat siyang napatingin sa akin.
What's with that reaction?
"You okay?"
Tumango siya.
"Pinapatulog ni Zach, napagod rin kasi sa shopping namin kanina."
Zach? I see.
ZACH?!
"sure ka bang mapapatulog no'n si Shane? Last time ng inutusan mo anong ginawa? Naglaro buong hapon."
"A-ahhh kasi.. "
Kumunot ang noo ko. Ba't ba parang lutang siya?
"Are you still mad na hindi ako sumama sa inyo kanina? Work has been hectic, sasama ako sa susun—"
Hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang mapatayo at nanlalaking mga mata na napahawak sa mga kamay ko,
"No! You don't have to... Kaya ko na, it's okay... "
Naguguluhan ako sa inaasta niya.
"You sure about that?", taka kong tanong at paulit-ulit siyang napatango.
What's bothering her?
"Okay, I'll go check on Zach and Shane.", paalam ko sa kanya at umakyat sa taas papunta sa kwarto ni Shane.
Idinikit ko ang aking enga sa pintUan ng kwarto ni Shane para mapakinggan ang nangyayari sa loob pero tahimik lang ito kaya napakunot ako ng noo.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at saka sumilip sa loob.
A smile curved in my lips.
Shane is indeed sleeping, nakaunan siya sa braso ni Zach, na natutulog rin.
It reminded me when I first met Zach as my half-brother. He was still so young back then, I was against of my father marrying again kaya I kinda neglected Zach as my brother... But that child, that child named Zach puts a smile everyday, he's the total opposite of me.
I pushed him away many times but he'd come back smiling like nothing happened. He's thirsty for attention, katulad ko ay nag-iisang anak rin siya but he grew up na walang kinilalang ama. He's neglected by his own father, and that's when I realized that he's a child full of smiles hiding his fragile heart.
Unti-unti ko siyang tinanggap bilang kapatid and there's this dream that he'd always tell me...
"Kuya, when I grow up, I want to be the best father that my kids could ever have. That's my dream."
"That's a great dream for your future pero masyado ka pang bata para mag-isip ng ganyan, as you grow up a lot of things will change and that might include your dreams."
"I'm aware, I can have a lot of dreams... It's free. Kuya, when I grow up and have my own family, I want them to feel like they're the luckiest to have me, I promise that."
Natatawa lang ako 'pag naaalala ko ang pag-uusap naming iyon noon kasi ang lalim niyang mag-isip for a child but years has passed... Ilang ulit nga siyang nagloloko ngayon but one thing is for sure kasi alam kong hindi niya nakakalimutan;
He'll be a good father.
Bleu's POV:
Mabilis kong sinagot ang tawag sa cellphone ko habang hindi mapakali na nagdra-drive.
[Hoy! Asan ka na?]
Malakas na tanong sa akin ni Dave.
"Eto na papunta na, malapit na ako."
[Sabi ko na nga ba dapat sabay na tayo. Bilisan mo! Hindi naman pwedeng simulan 'tong engagement party kung wala ka baliw.]
Tama, it's the day of the engagement.
Dapat kanina pa ako nakaalis pero kasi nagising si Tobi at nahuli akong bihis na bihis kaya kailangan ko siyang patulugin ulit. Si Manang 'yong nagbabantay ng dalawa kong anak ngayon pero si Tobi kasi, 'pag nagigising 'yon sa tulog, hindi na ito matutulog ulit 'pag hindi ako ang gumagawa kaya dapat ako.
Tinatawagan ako ni Papa kanina pa kasi ando'n na daw lahat, ako nalang raw ang hinihintay. Akala niya siguro hindi ako sisipot katulad no'ng mga napapanood niya sa teleserye, jusko naman.
Medyo natagalan ako sa pagpatulog ulit kay Tobi tapos kailangan ko mag-retouch ulit kasi ayoko naman magmukhang lantang halaman sa harap ng mga bisita.
Present ang buong family and friends ng pamilya ni Zach tapos gano'n rin sa side ko, while the dinner tomorrow will be between the families lang.
"Eto na nasa harap na ako ng venue!"
[Okay, sinabihan ko si Tito na nasa labas ka na, mukhang kukunin ka ng fiancee mo. Bilisan mo kasi parang may familiar na guy sa family ng fiancee mo, parang naging Professor natin nung college.]
Nag-park ako ng maayos saka tinignan saglit mukha ko sa rear-view mirror, okay na, mukhang tao naman.
"Oo na, mamaya na 'yang chismis mo. Baba ko na tawag."
Binaba ko na agad ang tawag bago pa makasagot si Dave.
Bumaba ako sa kotse tapos muntik pa akong matapilok kasi ang taas ng heels ko.
I'm like wearing a nude silk long sleeves dress. See through ang sleeves niya, and fitted siya sa waist area and flowy 'yong sa baba.
Ngayon ko lang ata naayusan ulit ang sarili ko. After ko ipanganak si Tobi, at pagkatapos kong ma-adopt si Laine, ay naging full time Mom ako sa dalawa na nakaligtaan ko ng alagaan ang sarili ko kasi nakatuon ang buong atensyon ko sa aking dalawang anak.
"Oh sht."
For the second time muntik na naman akong matapilok, buti nalang hindi ako natumba pero naputol 'yong heels ko sa kaliwa,  'pag minamalas ka nga naman kung kailan andito na ako sa harap ng venue.
Ba't hindi ka naputol kanina sa bahay? Ba't dito pa? Ba't kasi ang nipis ng heels nito?! Ba't ba itong napili kong suotin?!
"Bleu?"
Napa-angat ako ng tingin at nakita si Zach.
"Zach.", humihingi kong tulong na tawag sa pangalan niya.
Bigla siyang natawa.
"Ang ganda-ganda mo ngayon pero mukha kang timang sa postura mo."
Kasi naman naka-angat 'yong isang tuhod ko habang nakakapa sa hangin ang isa kong kamay.
Napayuko siya ng tingin sa heels ko.
"Naputol?", may halong tawa niyang tanong at napatango ako.
"Wala ka bang dalang extra?", tumigil na siya sa kakatawa at nilapitan ako.
"Wala, magpa-paa ba ako papasok? Mas magmumukha akong timang kung papasok akong sira ang isang heels ko, magmumukha akong pilay."
Napakamot si Zach sa itaas na bahagi ng kilay niya, saka nag-isip.
Napalibot siya ng tingin sa paligid na para bang naghahanap siya ng paraan tapos napatingin ulit sa akin.
Napatitig siya sa paa ko parang nahiya tuloy ako.
"Mukhang same size lang naman kayo ng paa.", mahina niyang sabi.
Sino ibig niyang sabihin?
"Halika."
Saan?
Nagtataka pa ako nang bigla niya akong buhatin.
"Hoy! Pwede naman ako maglakad, nakakahiya! Hoy!", sabi ko habang hinahampas ng mahina braso niya pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad papasok sa venue, parang mamumula ako sa hiya.
"Parang t*nga, Zach. Baba mo ako."
"I think Claire brought an extra pair of heels.", sabi niya.
Claire?
Napatingin siya sa akin at kumunot noo niya.
"Now that I'm looking at you closely, you really look like someone... Bleu... Bleu... "
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang paulit-ulit na binibigkas pangalan ko;
Napapikit ako ng mga mata nang pagbuksan kami no'ng nagbabantay sa labas ng venue, nakakahiya!
Naramdaman ko nalang ang paghinto niya sa paglalakad;
"Bleu... Teka... Bleu?"
Binaba niya ako, napamulat ako ng mga mata at napatayo ng maayos... Napatingin ako sa mukha niya na parang may naaalala siya bigla;
"You're that Bleu?", tanong niya.
Naguluhan ako sa tanong niya.
"Ano?", tanong ko pabalik.
"My half-brother's ex... "
Kumunot ang noo ko.
"Bleu."
Napatindig ako ng tayo nang marinig ko ang boses na 'yon.
It's that voice.
His voice.
Doon lang ako napalibot ng tingin sa loob ng venue, familiar faces... Lalo na ang lalaking nakatayo sa harapan ko.
Biglang dumaan sa isip ko ang sinabi ni Dave kanina sa tawag.
'Bilisan mo kasi parang may familiar na guy sa family ng fiancee mo, parang naging Professor natin no'ng college.'
Binalik ko ang tingin ko kay Zach at pati siya mukhang nalilito.
Zach..
Zach...
That Zach that I have never seen once, 5 years ago?
Namuo ang luha sa mga mata ko nang mapatingin ako ulit kay Zane.
What kind of sorcery is this? Anong laro 'to ng tadhana?
Am I marrying my ex-boyfriend's brother?!
——

Bình Luận Sách (279)

  • avatar
    ftplouie

    ganda nung story eto lng yung story na lagi kong binabasa😭 last part na ba talaga toh?😭 need ko pa ng book 3😭 ang ganda kc

    08/09/2023

      3
  • avatar
    Madhielyn Tabaranza Villarba

    great story again,,I was fully satisfied😊.I can't wait for the next story to publish...good job👏

    31/08/2022

      1
  • avatar
    Jessiett Acebedo

    love you too 💞

    17d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất