logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3:

Zane's POV:
It's been five years... Five years of longing. Nang bitawan ko siya, akala ko magiging okay ako kasi ano ba naman 'yong naging saglit naming pagsasama but then that 4 months was the happiest days of my life.
Bawat araw na lumipas akala ko ay isang hakbang upang unti-unti ko siyang makalimutan pero hindi, I still think of her. I wonder what she's doing, if she finally met the man who is deserving of her love. Gusto kong malaman kung masaya siya ngayon kasi doon lang ako mapapanatag.
Sa buong five years ng bigla niyang paglaho ay wala akong narinig kahit isang salita tungkol sa kanya, she just disappeared like she never existed, just like a midsummer dream.
She stayed on my dreams kaya no'ng makita ko siya ulit doon sa club akala ko panaginip ulit, pero it was real, she's real.
All I could think at that time is that, totoo bang nasa harapan ko ngayon ang babaeng matagal ko ng nais makita? She looked beautiful as ever,  is it because may bago na siyang minamahal? Masaya ako para sa kanya, I'm happy that she have found someone who will cherish her which I failed to do so.
"Daddddy!"
Napalingon ako sa aking likuran, gumuhit ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi nang makita si Shane na tumatakbong palapit sa akin, my daughter.
"Honey, be careful! Baka madapa ka!", nag-aalalang sabi ni Claire na sinusundan si Shane.
Sinalubong ko si Shane saka ito binuhat.
"What did I tell you about running? Hmmm?"
"I forgot, the floor is not slippery naman eh kaya it's okay."
Napatingin ako kay Claire.
"Binuhat mo sana papunta dito, alam mo naman ang hilig nito tumakbo. She fell last time and got hurt.", pag-sabi ko kay Claire.
"I did, nang ibaba ko bigla nalang tumakbo agad."
Napailing ako.
"Dad, 'di pa ba tapos niluluto mo? I'm hungry."
Nanlaki ang mga mata ko, oh right! Ang niluluto ko.
"Go to mommy first, I'm almost done.", inabot ko si Shane kay Claire at kinuha naman 'to ni Claire saka ibinaba.
"You're old enough na, hindi pwedeng binubuhat ka lagi. You're heavy.".
Eto na naman siya, ayaw niyang binubuhat si Shane kasi magugusot raw suot niya, her reasons is that malaki na ang bata kaya hindi na kailangang palaging binubuhat.
"Mom, cook for me too like Dad does."
"Yeah, sure baby. Next time."
Tinignan ko ang niluluto ko. I learnt cooking, I don't know why I did.
Zach's POV:
"Hi, Shane~", akmang bubuhatin ko si Shane, anak ni Zane nang agawin ito sa akin ni Claire.
"Katatapos lang kumain ng anak ko."
Kung makalayo naman sa akin kay Shane parang may virus ako.
Inismiran ko siya saglit bago ako ngumiti ng malapad nang harapin ko si Shane na buhat-buhat niya.
"Miss mo ba gwapo mong Tito?"
Tumango ng paulit-ulit si Shane kaya gusto ko sanang pisilin ng mahina matatabang pisngi nito nang umatras si Claire.
"Talagang mami-miss ka, kung saan-saang bahay ng babae ka kasi nagpupunta."
Nak ng tinapa, ang laki ng galit sa akin ng babaeng 'to.
"Pinaglihi ka ba sa sama ng loob? Lakas ng trip... Kapatid ko, asan?", tanong ko.
Inirapan niya ako.
"Kakaalis niya lang for work.", mataray na sagot nito sa akin, hindi ko tuloy naabutan tsk.
For your information lang 'no? Dito nakatira sa bahay ang pamilya ni Zane, wala silang sariling bahay. They're living with us kasi  simula nang e-cancel ni Claire engagement niya kay Zane noon ay nawalan na ng tiwala sa kanya ang Mama ko at ang Papa ni Zane kaya hindi pumayag ang mga ito na bumuklod sila.
Pumayag si Zane kahit hindi sang-ayon si Claire kasi mas mababantayan si Shane dito sa bahay since pareho silang may trabaho ni Claire.
Ako, wala ako palagi sa bahay hindi dahil nasa bahay ako ng iba't-ibang babae, okay? 'Wag na 'wag kayong maniniwala sa Claire na 'yan, ang talim ng dila kung anu-ano pinagsasabi. May sariling condo ako, doon ako most of the time.
Hinahanap ko si Zane kasi paglalabasan ko ng sama ng loob, habang dumadaan ang oras mas lalo akong nastre-stress sa katotohanang malapit na akong matali imbes na siya 'yong dapat nasa pwesto ko. Ang raming babaeng nakapili sa akin tapos biglang kailangan ko maging stick to one?
"I advise you to stop playing around lalo na't you're getting engaged soon, kawawa naman fiancee mo."
'Yan rin sinabi ni Mama.
"It's time for you na tumino."
Tinignan ko siya.
"Kung meron mang hindi matino dito, ikaw 'yon.", sagot ko sa kanya, at bago niya pa ako mahampas ng high heels niya ay umalis na ako doon pagkatapos ko kurutin ng mahina pisngi ni Shane na walang naiintindihan sa pinag-uusapan namin ng Ina niyang pinaglihi sa ampalaya.
L*ngya na 'yan, ang daming gagawin tapos kailangan ko pa pumunta sa bahay no'ng anong pangalan ulit ng magiging fiancee ko? Bleu?
Ayun, kailangan ko pa pumunta sa bahay niya para ipakilala sa mga anak niya. Pa'no ko sasabihin sa mga umaasang maging boyfriend ako na instant tatay na ako? L*tse na 'yan.
Bleu's POV:
Nasa sala ako ngayon, kakatapos ko lang actually na mag-impake kasi bukas na bukas ay lilipat na kami doon sa bahay namin.
Dapat ngayon na kami aalis kaya lang may nag-message sa aking tukmol na ngayon daw siya pupunta sa amin para magpakilala sa mga anak ko kaya napostpone ang pag-lipat namin ng mga anak ko bukas.
Kalaro ng mga anak ko si Dave eh tapos biglang nawala, sabi ni Laine may natanggap raw na tawag kaya lumabas saglit. Feeling ko jowa no'n, ba't kasi hindi niya bigyan oras ang girlfriend niya, jusko naman Dave.
Kanina pa 'yong message ni Zach na papunta na siya, ewan ko kung asan na siya baka naligaw na 'yon. Hindi alam ng mga anak ko na ipapakilala ko ngayon si Zach kaya mapayapa lang silang naglalaro lalo na si Laine.
Kunot noo akong napatingin kay Dave nang kumakamot siya sa ulo niyang napapasok sa bahay.
"Oh?"
Napatingin siya saglit kay Laine at Tobi na busy sa paglalaro tapos sa akin.
"Kailangan ko na umalis, kailangan ko puntahan si ano... Si Gianna."
Gianna, pangalan ng girlfriend niya.
Nag-away na naman siguro ang dalawang 'to.
"Ba't kasi andito ka imbes na girlfriend mo 'yong kasama mo."
"Oo na, pupuntahan ko na nga eh."
"Pag nag-away kayo tapos maglalasing ka na naman, tawagan mo ako ah? Babasagin ko sa ulo mo baso ng ininom mo."
Para naman siyang natakot sa sinabi ko.
"Ba't habang tumatagal mas nagiging brutal ka?  Hindi na nga iinom eh."
Hindi iinom, ako pa lolokohin.
Nilapitan niya si Tobi at Laine, nagpaalam siya habang kinikiliti ang dalawang anak ko. Ewan ko ba sa kanya, sabi ko mag-asawa nalang siya kasi ang hilig niya sa bata.
2 years na sila no'ng girlfriend niya, pero mga limang beses ko lang ata nakita? Natatarayan ako sa jowa niya, may galit ata sa akin.
Nagpaalam siya sa akin pagkatapos niya magpaalam sa mga anak ko, tumayo ako at sinabihan 'yong isang kasambahay na bantayan muna si Tobi at Laine kasi ihahatid ko sa labas si Dave.
"Lipat na kayo bukas diba? Pupuntahan kita sa bahay niyo para matulungan kita sa pag-aayos.", sabi niya habang binubuksan 'yong pintuan ng kotse niya.
"Okay na ang lahat, 'wag ka ng mag-abala. Magkaayos kayo ng girlfriend mo, lalo na't palagi nalang kayong nag-aaway."
Napakamot siya sa batok niya.
"Tawagan mo ako if you need some help"
Tumango ako.
"Ingat.", sabi ko at sumakay na siya sa kotse niya.
Ako 'yong nagbukas ng gate, medyo mabigat, kasi malaki 'yong gate ng bahay namin pero kaya lang naman.
Sinundan ko ng tingin ang papaalis na kotse ni Dave, hindi pa ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko ay napansin ko ang isang mamahaling kotse ang kararating lang tapos huminto sa harap ng gate namin.
Taas kilay akong napatingin dito, biglang bumukas ang bintana nito at may ulo na biglang sumilip,
"Zach?"
Malapad na ngiti siyang napatingin sa akin.
Ba't natagalan ang tukmol na 'to?
"Ipasok mo kotse mo.", malakas kong sabi, binigyan niya ako ng okay sign at pinasok ang kotse niya sa loob.
Sinara ko 'yong gate nang makapasok na siya ng tuluyan, pagharap ko ay nagulat ako ng nasa likuran ko na siya sabay inabutan ako ng isang bouquet ng lilac.
"P-para sa'n 'to?", taka kong tanong.
Hindi lang bouquet ng lilac ang dala niya, may hawak-hawak rin siyang paper bag sa kabila niyang kamay na hindi ko alam kung anong laman.
"Sorry natagalan ako, I bought some foods for your kids, may nadaanan akong flower shop kaya binilhan kita."
Nagdadalawang isip kong kinuha 'yong bouquet ng bulaklak, ba't lilac? Most of the time rosas 'yong mga binibigay ng iba.
"You don't have to pero... Salamat."
I've never once received flowers before, this is the first time and it's not roses but lilacs.
Nauna siyang maglakad tapos sumunod ako.... Parang may mali... Bahay niya ba 'to? Nauuna pang maglakad sa akin?
Ngayon ko lang napansin suot niya, pormal na pormal ah hahahha
Inunahan ko siya ng lakad at nang malagpasan ko siya ay binigyan ko siya ng tingin tapos alam niyo 'yon? All smiles lang siya.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay agad na napatingin sa amin ang dalawa kong anak, napahinto ito sa paglalaro.
"Kids, upo kayo ng maayos. May ipapakilala ako. "
Excited na napaupo si Tobi sa sofa habang masamang nakatingin si Laine kay Zach pero sumunod din naman ito kay Tobi ng upo.
Dinala ko si Zach sa harapan nila at ibinaba ni Zach ang dala-dala niya sa taas ng mini table na kaharap ng sofa namin.
"Who is he?", may matalim na tingin kay Zach na tanong ni Laine.
Third Person's POV:
Kinakabahan si Bleu, inosente lang na nakatingin si Tobi sa kanilang dalawa ni Zach habang ang sama naman ng tingin ni Laine sa binata.
"I want to introduce to you guys, Zach. I'm marrying him.", may awkward na ngiti sa labi na pakilala ni Bleu kay Zach sa mga anak niya.
"So is he gonna be my Dad?"
Napatingin si Bleu kay Zach dahil sa naging tanong ng anak na si Tobi, naisip niya na dapat pala nag-practice muna sila ni Zach sa kung anong sasabihin o isasagot sa mga anak niya.
"Yes baby.", sagot ni Bleu sa anak.
"Can I call you Dad now?"
Tinignan ulit ni Bleu si Zach, ngumiti ang binata at tumango.
"Of course.", nakangiting sagot ng binata.
Lumiwanag ang mukha ni Tobi at kuminang ang mga mata nito.
He's just a child who wants a father figure that he can call Dad.
"What's your job?", biglang tanong ni Laine.
Nagulat si Zach sa napaka straightforward na tanong ng bata.
"I own restaurants, I sing... Stufss like that."
Napantig ang tenga ni Laine.
"You sing? Can you play guitar?"
Zach gave Bleu a side eye, "hindi mo man lang ako ininform na kasing sungit mo pala anak mo" , laman ng utak ni Zach.
"Yeah, I do. I sing in clubs minsan and yeah, I can play the guitar... "
"What other instruments?"
Napalunok ng laway si Zach, pakiramdam niya ay para siyang may kasalanan at nadakip ng mga pulis and that the police is asking him questions right now.
"Drums, recorder, electric guitar and I'm currently learning the piano."
Napapatango si Laine.
"Nasa job interview ba ako?", kaloob-looban ng utak ni Zach.
Napatingin si Laine doon sa paper bag na nakalapag sa mini table at nahuli ni Zach 'yon.
"I don't know what you guys like so I kinda bought what I thought you'd like."
Nilabas ni Zach ang laman ng paper bag, it's basically just fries, burgers and smoothies.
"Pwede ba sila sa burger at fries?", tanong ni Zach kay Bleu na pinapanood lang sila.
"Yeah, pwede.", sagot naman ni Bleu sa kanya.
Tahimik lang si Bleu pero she's actually observing Zach right now.
"That's great... Here...", binalik ni Zach ang tingin kay Tobi at Laine saka binigay ang mga pinamili niyang pagkain.
Zach's POV:
"What's your name?", tanong ko doon sa batang lalaki.
"Tobi!", masiglang sagot nito sa akin.
Tobi? Naalala ko tuloy si Zane, siya dapat 'yong nandito kung hindi lang nabuntis si Claire, naman eh! Nasa club siguro ako ngayon kumakanta.
"Ilang taon ka na Tobi?"
Itinaas ni Tobi 'yong kamay niya and showed me five. Hindi ko na siya dinisturbo after kasi kumakain na siya no'ng burger.
Napalipat ako ng tingin doon sa batang babae, ito 'yong parang kakagatin ako, ang sama ng tingin sa akin tapos hindi niya ginagalaw ang burger na binigay ko.
"What's your name?", tanong ko pa rin sa kanya kahit parang lalamunin niya na ako.
Hindi niya ako sinagot at inirapan lang ako, okay lang naman ako. Hahahah
Naupo nalang ako ng maayos.
"She's Laine, she's 7 years old.", si Bleu na ang sumagot ng tanong ko.
7 years old? Nabuntis ba siya ng maaga? Napaka iresponsable naman ng tatay ng dalawang bata na 'to.
But then, I know nothing so I shouldn't be quick to judge.
"Baby, eat it na, eat what Tito Zach brought."
Kinuha ni Bleu ang burger at binigay ito kay Laine at nakinig naman ito.
Nakikinig naman pala siya, ayaw niya lang talaga sayo Zach. Sorry naman kung ganito lang ako.
May kinuha ako doon sa paper bag kasi nauuhaw ako at agad akong nagtaka nang sundan iyon ng tingin ni Laine, ayaw niya ba sa smoothie? Gusto niya ba 'tong Tropicana? Galing pa 'to sa personal fridge ko sa isa sa mga resto ko na aking pagmamay-ari. Actually 'yang mga pagkain na dala ko ay galing sa isa sa mga resto ko kaya mamahalin 'yan,  baka akala niya galing mcdo lang 'yan.
"You like Tropicana?"
I'm kinda taken aback kasi her voice is soft compared to its tone earlier.
Anong meron sa Tropicana?
"Oo, paborito ko. Gusto mo ba? Ay teka... Masyadong matamis for kids... "
Nakatitig lang siya doon sa Tropicana kaya napatingin ako kay Bleu, anong nangyayari sa anak mo madam?
"It's her favorite drink.", nakangiting sabi ni Bleu sa akin.
"Ahhh talaga? Sayo na oh... ", sabi ko sabay inabot 'yong tropicana sa kanya.
'Yong matatalim niyang tingin sa akin kanina pa ay napalitan ng maamong ekspresyon, titig na titig siya sa tropicana... Gano'n niya ba kapaborito? Marami ako niyan sa condo ko. Bigay ko ba sa kanya lahat?
Itinaas niya ang tingin niya sa akin kaya ngumiti ako,
"Sige na, it's yours."
Nagtaka ako ng umiwas ito ng tingin sabay kinuha sa akin 'yong tropicana.
Teka...
Napakamot ako sa may bandang leeg ko, tama ba nakikita ko? Namumula ata mukha ng batang 'to.
Umusog ako ng konti palapit kay Bleu saka bumulong sa kanya,
"Mukhang type ako ng anak mo, anong gagawin ko?", biro ko sa kanya at siniko niya tagiliran ko bilang sagot.
"Baliw."
Natawa ako sa reaksyon niya.
Napangiti ako habang tinitignan ang dalawang anak niya na kumakain.
Bleu's POV:
Tinignan ko si Laine at kinakain niya na 'yong burger pero parang nahihiya siya, hawak-hawak niya sa isang kamay niya 'yong tropicana pero hindi niya iniinom.
Nilipat ko ang tingin ko kay Zach and he got this smile on his face while looking at my kids kaya napangiti ako tapos bigla siyang napatingin sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin kung kaya't naglaho ang ngiti niya.
Naramdaman ko ang pag-usog niya palapit sa akin ulit sabay bulong na naman,
"Ang cute ng mga anak mo, ano pa mga gusto nilang kainin para 'yon na dalhin ko sa susunod?"
Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko kasi napapangiti ako, akala ko nahuli niya akong parang t*nga na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Ice cream tapos pizza, doughnuts mga gano'n.", sagot ko sa kanya na hindi siya tinitignan.
Kita sa peripheral vision ko ang pagtango niya.
Binalik niya mga tingin niya kay Laine at Tobi.
"Dahan-dahan lang, drink this... ", napatayo siya sabay pinunasan ang gilid ng bibig ni Tobi at inabot 'yong smoothie sa anak ko.
Nakipaglaro lang saglit si Zach kay Tobi habang nanonood si Laine, biglang nahihiya si Laine na kausapin at lapitan kasi si Zach.
Nagulat nga ako kasi akala ko uuwi na siya agad pero nakipaglaro pa siya kay Tobi. He's wearing a dark grey suit and pants, sa loob ng suit niya isa puting tshirt kaya agad na nadumihan ito ng sakyan siya ni Tobi at gawing kabayo.
Ba't kasi pumayag? Hindi ba siya nabibigatan kay Tobi?
"Baby, madumi na damit ni Tito Zach mo, baba ka na. Tito Zach needs to leave na.", saway ko kay Tobi kasi ako 'yong naaawa kay Zach eh.
Nakinig sa akin si Tobi at dahan-dahan itong bumaba sa likod ni Zach, naupo si Zach sa sahig habang tumatawa.
"You're leaving?", nalulungkot na tanong ng anak ko kay Zach.
Ang bilis niyang na attach kay Zach, nakakatakot sa oras na matapos ang isang taon na deal namin.
Ginulo ni Zach ang buhok ni Tobi.
"I'll visit often.", sagot nito kay Tobi.
Tumayo na ako para buhatin si Tobi kaya napatayo na rin si Zach sabay nagpagpag ng suot niya.
"I can leave later though... ", mahinang sabi nito sa akin.
"Magmumukha kanang basahan maya niyan at isa pa they need an afternoon nap."
"Ahhh sige."
Hinatid ko siya sa labas habang buhat-buhat si Tobi at nakasunod naman si Laine na hindi na nagsalita pa ulit.
"Una na ako, bisita ako ulit ah?", malambing na sabi nito kay Tobi na buhat-buhat ko.
"Magdadala ako ng maraming tropicana sa susunod.", baling na sabi naman nito kay Laine.
Napatingin siya sa akin.
"Una na ako.", paalam niya sa akin, tumango ako bilang sagot.
Tinignan niya ulit si Laine at Tobi bago siya tumalikod para sumakay sa kotse niya.
"Daddy... "
Napahinto si Zach at gulat akong napatingin kay Tobi.
"Daddy... ", ulit nito.
Napalingon si Zach na parang nagulat rin.
"Take care Dad.", may matatamis na ngiti sa labi na sabi ni Tobi kay Zach.
May unti-unting bumuo na ngiti sa mga labi ni Zach.
"I will.", nakangiting sagot nito at sumakay na sa kotse niya.
Gaya ng pag-alis ni Dave kanina ay sinundan ko lang rin ng tingin ang paalis niyang kotse.
"My Dad Kevin is still better... "
Napatingin ako kay Laine ng magsalita ito,
"... But he's... He's okay."
Napangiti ako.
Zach's POV:
Hindi ko na napansin ang oras, natuwa ako masyado sa pakikipaglaro kay Tobi.
Gano'n rin ako kapag nakikipaglaro ako kay Shane kapag wala 'yong bruha niyang nanay na nakabantay, ginagawa akong sasakyan pero okay lang kasi natutuwa ako 'pag naririnig ko 'yong malakas nilang tawa.
Natigilan ako kanina ng tawagin akong Daddy ni Tobi, ganito pala nararamdaman ni Zane 'pag tinatawag siyang Daddy ni Shane.
I wasn't allowed to call my Father as Dad no'ng bata ako... Ayaw niyang tawagin ko siyang Papa kasi naniniwala siyang hindi niya ako anak, na anak raw ako sa ibang lalaki ni Mama. I don't really remember, but that was what Mom told me.
I think I understand how those kids feel, to have someone that they can call Father... Kasi lumaki akong walang matawag na ama.
I've never once imagined na maging ama, pero iba 'yong naramdaman ko ng marinig kong tawagin akong Dad ni Tobi.
Kailangan ko paghirapan na kunin ang loob ni Laine, she actually needs the affection of a father. Now, I'm curious kung sino ang ama ng dalawang batang 'yon... Katulad ng ama ko, pa'no nila nagagawang iwan ang mga anak nila?
Dave's POV:
"Maghiwalay na tayo."
Napahilamos ako ng mukha.
"Ano na naman ang problema, Gia? Andito na nga ako diba?"
"Pagod na ako Dave! Okay? Pagod na ako!"
Hinawakan ko ang braso niya,
"Ano pa ba ang gusto mo?!"
Hinigit niya sa akin ang braso niya.
"Ikaw! Ikaw ang gusto ko. "
Kumunot ang noo ko, nagpunta lang ba ako dito para mag-away na naman kami?
"Sayo na ako, diba?"
"Oo sa akin ka pero 'yong puso mo hindi! Ano ba ako? Rebound? Ba't pa natin pinapatagal ang relasyon na 'to? Isa lang naman gusto kong gawin mo pero hindi mo magawa!"
"Mahal nga kita, di pa ba sapat sayo 'yon?"
"Kung mahal mo ako pwes mamili ka! Ako o 'yong bestfriend mo?! Eto ang palaging pinag-aawayan natin diba? Kasi hindi ka makasagot! I'm putting an end to this bullsht! Stay here kung ako ang pipiliin mo, leave the room kung ang bestfriend mo."
Ba't kailangan kasi akong mamili? Pinaparamdam ko naman sa kanya na mahal ko siya, nilalayuan ko na nga si Bleu noon para sa kanya pero ang gusto niya ay tapusin ko pagkakaibigan namin ni Bleu.
"Ba't ba kasi paulit-ulit ka? Mahal nga kita! Bleu is my friend for years now! Hindi ko pwedeng tapusin pagkakaibigan namin dahil lang sa nagseselos ka sa kanya!"
Sinusubukan kong hawakan ang kamay niya pero nilalayo niya sa akin 'yon.
"I don't trust your friend, parang any time aahasin ka niya!"
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ganya'n si Bleu."
Tinulak niya ako ng malakas,
"Eh ano siya? Ginagamit niya lang mga anak niya para landiin ka! This is your last chance Dave. Ako o ang Bleu na 'yon. Mamili ka na!"
"Babe, hindi kailangan umabot sa gan—"
"MAMILI KA!"
Napaupo ako sabay napatakip sa buo kong mukha.
"Are you staying here with me or you'll gonna leave?", matigas nitong tanong sa akin.
"In the count of three, mamili ka."
Napahinga ako ng malalim.
"One—"
Napatayo ako.
"Mag-iingat ka lagi.", huli kong sinabi bago ako lumabas sa condo niya.
I just came into a realization, I can't date a girl na ayaw matanggap na may babae akong kaibigan, on top of that Bleu isn't just a friend... She's like a family to me, kung hindi niya maintindihan 'yon ay wala na akong magagawa.
Sa dalawang taon namin ng pagsasama ay never akong naging clingy kay Bleu may time pa na nilayuan ko si Bleu para sa kanya pero ando'n pa rin ang pagseselos niya, palaging gusto niyang tapusin ko pagkakaibigan namin ni Bleu, tiniis ko 'yon kasi alam kong may nararamdaman rin naman ako sa kanya pero ang tapusin pagkakaibigan ni Bleu dahil lang sa nagseselos siya? Hindi ko na 'yon matatanggap,  lalo na't dinadamay niya si Laine at Tobi, that was my last straw and I'm not tolerating that sht.
Maaaring nagustohan ko siya, mahalaga siya sa akin but no, she isn't allowed to talk sht about Bleu, Tobi and Laine.
—————————

Bình Luận Sách (279)

  • avatar
    ftplouie

    ganda nung story eto lng yung story na lagi kong binabasa😭 last part na ba talaga toh?😭 need ko pa ng book 3😭 ang ganda kc

    08/09/2023

      3
  • avatar
    Madhielyn Tabaranza Villarba

    great story again,,I was fully satisfied😊.I can't wait for the next story to publish...good job👏

    31/08/2022

      1
  • avatar
    Jessiett Acebedo

    love you too 💞

    17d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất