logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

She Who Rules The Throne

She Who Rules The Throne

SophiaCathBuama


Chapter 1


THIRD PERSON's POINT OF VIEW
"I'll s-send you the location."
"Where are you going? V!"
"Tsk, let me help you at least!"
"A-ate..."
Napasinghap at mabilis na naimulat ng dalaga ang mata matapos marinig ang mga boses. Para itong tumakbo ng pagkabilis-bilis dahil sa lalim at bigat ng bawat paghinga niya. Ilang segundo lang din ay bumalik na sa normal ang paghinga niya, na naging pagkakataon naman para pamilyaran ang paligid.
Where am I? Tanong nito sa isip.
Mabilis bumalatay sa mata nito ang takot habang inililibot ang mata sa kwartong puting-puti. May telebisyon sa harapan niya na may bintana sa magkabilang gilid, sa kanang bahagi naman ng kanyang hinihigaan ay may maliit na sofa at sa kaliwa'y isang pahabang lamesa. May isang pinto sa kaliwang bahagi ng silid at meron ding isang pinto sa kanang bahagi, wari niya'y isa sa mga 'yon ang pinto sa banyo at pinto papalabas ng silid. Tinignan niya ang kabuuan at doon napansing nakasuot siya ng pang-hospital na damit.
Anong ginagawa ko dito? Tanong nito sa isip. Dahan-dahan siyang gumalaw habang may kunot na sa noo.
"Argh." Mabilis niyang tinignan ang tagiliran nang makaramdam ng sakit. Mas lalong nangunot ang noo niya nang makitang may benda ang buong tiyan.
Marahan siyang umusog sa kaliwa at binuksan ang drawer ng lamesa, inaasahang may makikita siyang kagamitan na pwedeng ipangtawag sa pamilya niya ngunit nang walang makita'y pabuntong hininga siyang napasandal nalang sa headboard ng hinihigaan.
Hindi niya maigalaw ng maayos ang katawan at hinang-hina pa siya. At hindi niya mawari kung bakit siya hinang-hina, saan nanggaling ang tama niya sa tiyan?
Ipinikit niya ang mata at inalala ang huli niyang ginawa.
~*~
"Akala ko ba hindi ka pinayagan?"
Nilingon niya ang kapatid na naka-upo sa dulo ng kama niya. "I'm not V for nothing, brother," nakangisi niyang ani rito na ikinailing nalang ng isa.
"Basta, huwag kang uuwi ng puro galos," nahiga ang kapatid nito sa kama na mabilis naman n'yang tinabihan, "kung ayaw mong masermon at maparusahan ni Lolo."
"Opo, alam ko," aniya sa kapatid saka ito niyakap. "May gusto ka bang pasabulong?"
"Luh, pasalubong ka d'yan, baka nga hindi ka na makadaan sa convenient store." Tinaasan siya nito ng kilay na ikinataas din ng kilay niya.
"At paano mo naman nasabi, ha?"
"Hello, Ate? Saan ka ba pupunta? Makikipaglaban ka, 'no." Natawa siya dahil sa mukha nitong akala mo'y nanay kung manaway. "Paniguradong pagod ka na tapos si Kuya Roro na naman ang maghahatid sayo pauwi."
Napahinto ang magkapatid at napatingin sa pintong bumukas. Naupo silang pareho nang makita ang lolo nila na nakangiting pumasok.
"Akala ko ba'y aalis ka, iha?" tanong niya sa apong babae nang makita ito.
"Paalis na rin po, Lolo Shin, ito lang po kasing isa kung ano-ano pang sinasabi," nakangisi niya pang ani habang nakaturo sa kapatid na nakasimangot na.
"Oh, iho." Napaigtad naman ang bunsong kapatid nang marinig ang boses ng kanilang Lolo. Hindi talaga siya masanay-sanay sa malalim nitong boses. "Hindi ba't may pasok ka pa bukas ng maaga?"
"Opo, Lolo, ano lang po," aniya habang napapakamot sa ulo, "sinasabihan ko lang si Ate V at baka ano na naman pong gawin."
"Ikaw talagang bata ka," natawa nalang ang matanda dahil sa sinabi nito, "pumaroon ka na nga sa kwarto mo't mukhang paalis na rin 'tong Ate mo."
"Opo, Lo'." Tinignan niya ang nakakatandang kapatid. "Pakamusta nalang ako kay Kuya Roro, Ate." Naglakad na ito sa may pinto at bago makalabas ay pumamewang pa muna't tinaasan siya ng kilay. "Mag-iingat, 'no."
Hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis na siya nitong tinalikuran at umalis. Natawa nalang si V sa inasta ng kapatid na akala mo'y ito ang mas nakakatanda sa kanilang dalawa.
Hindi niya maitatangging magkapatid nga silang dalawa. Pareho silang malambing sa isa't-isa, pero kapag sa ibang tao'y nag-iiba ang kanilang asta na waring ayaw nilang may makakita ng kanilang kahinaan.
~*~
VANESSA's POINT OF VIEW
Naimulat ko ang mata dahil sa alaalang 'yon. Nasaan sila Lolo, Dad, at bunso? Kunot na kunot ang aking noo habang nakatingin sa kawalan, pero mabilis kong nahugot ang hininga nang pagtingin ko sa kanang bahagi ay may lalakeng nakatayo. Fudge, this dude almost scares the hell out of me!
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili, bwisit, akala ko naman, tsk! Tinignan ko ng masama ang lalakeng may hawak palang tray at nanlalaki ang matang nakatingin sa'kin. Now, what's wrong with him?
"Who are you? What are you doing here?" tanong ko rito.
Tindig palang ay paniguradong matangkad ito kumpara sa'kin. His natural beige skin color matches his black hair and brown eyes. Naningkit ang mata ko nang mapasadahan ng tingin ang gilid ng leeg nito, may tattoo pa ata ito sa katawan. Is he my nurse?
I snap my fingers in front of him na ikinabalik naman niya sa sarili. "Uh, I'm sorry. Hindi ko alam na gising ka na."
Umikot siya sa kaliwang bahagi at inilapag sa lamesa ang tray na dala. Mabilis kong tinignan ang laman ng tray na agad din naman ikinabagsak ng balikat ko dahil sa pagkadismaya, akala ko naman pagkain ang laman. Isang bowl na may lamang tubig na sa tingin ko'y maligamgam at facetowel ang laman ng tray.
Napahawak ako sa tiyan nang kumalam bigla ang sikmura. "You're hungry." Napatingin ako sa lalaki dahil biglang naging aligaga ang kilos nito. "Wait here," aniya saka lumabas ng silid.
Tinignan ko ang pintong sumara saka pinakiramdaman ang sarili, nang hindi ako makaramdam ng kirot hindi katulad kanina'y agad akong tumayo at lumapit sa lamesa. Binuksan ko ulit ang drawer nito sa ilalim na wala talagang laman, pikit mata akong umayos ng tayo't pumunta sa kaliwang bahagi kung nasaan ang isang pinto. Katulad ng inaasahan ay banyo nga ang loob nito, wala ba akong makikitang kapaki-pakinabang dito?
Lumabas din ako ng banyo habang napapabuntong hininga. Hindi ko na minadali ang sarili at dahan-dahan nalang na lumakad at sumilip sa dalawang bintana. There's no way out. May rehas ang dalawang bintana. Napa-iling nalang ako bago bumalik sa kama at naupo sa gilid nito.
Hindi ko alam ang mararamdaman, parang may mali, but I don't know what. Why do I have this feeling na hindi ko makakaharap ang pamilya ko? Wala akong ibang maisip na dahilan para mapunta ako sa silid na 'to. May nangyare ba na hindi ko alam? Pero bakit? Anong nangyare at hindi ko maalala? Hindi ko alam kung kakabahan dahil ni minsan ay hindi ako naging ganito ka-clueless sa tanang buhay ko.
Nabalik ako sa sarili nang bumukas ang pinto. Mabilis pumasada sa tray na hawak niya ang mata ko. Umayos ako ng upo sa kama at pinagmasdan ang paglapag niya ng pagkain sa lamesa.
"Kumain ka na, ibababa ko lang 'to," aniya saka kinuha ang bowl na may tubig at facetowel.
Tinanguan ko lamang siya habang nakatingin pa rin sa pagkain, nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay mabilis kong kinuha ang tinidor at itinago sa ilalim ng unan. Hindi ako kumibo sa kinauupuan hanggang sa makabalik siya.
"Oh, bakit hindi ka pa kumakain?" Tinignan ko ito sa mata na halatang ikinagulat niya.
"Who are you?" tanong ko rito. Kitang-kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.
"You don't," biglang humina ang boses niya, "remember me."
Hindi siya mukhang nurse dahil sa porma ng kasuotan niya, at kataka-takang ang casual lang ng pakikitungo niya sa'kin na akala mo'y magkaibigan kami.
"I'm going to ask you, again," nagtitimpi kong ani pero mabilis akong natigilan nang bigla niyang banggitin ang hindi ko inaasahan.
"V, hindi mo talaga ako kilala?"
How did he know my codename? Mga kakilala ko lang ang nakakaalam ng codename na 'yon, kilala ko ba siya? Hawak ko pa rin ang tinidor na nasa ilalim ng unan at nanginginig doon ang kamay ko, nanginginig ako sa gigil dahil wala akong makuhang matinong sagot sa taong 'to.
Ayoko siyang daanin sa dahas lalo na't wala naman siyang ginagawang masama, pero sa mga panahong katulad nitong wala akong kaalam-alam ay mukhang hindi ko mapipigilan ang sariling mandamay ng ibang tao.
"For the last time," bulong ko sa sarili, "how did you know me?" Tinitigan ko siya sa mata at doon naman siya natigilan.
"V," banggit na naman niya sa codename ko, "I don't know what to say." Nilapitan niya ako't hahawakan sana sa balikat nang mabilis kong kinuha ang braso niya't iniikot ito sa likuran niya. I pinned him down on the bed and pointed the fork on his neck.
"Now tell me, who are you?" bulong ko sa tenga niya.
"It's me, Jiro," kumunot ang noo ko dahil sa boses niyang kalmado. The heck, hindi manlang siya natakot o kinabahan sa ginawa ko?
"Bakit mo ako kilala?" Idinikit ko na ang tinidor sa leeg niya dahil sa gigil. Now, I'm one hundred percent sure na may nangyare sa'kin. And I can't barely remember anything at all, like hell.
"Because I know you," aniya at hindi ko inaasahan ang lungkot na maririnig sa boses niya, "and you can't remember me at all."
Umayos ako ng tayo habang nakatitig sa kanya. Hindi ko na naman alam ang iisipin. Akala ko makakakuha ako ng impormasyon pero mukhang mas lalo nitong pinagulo ang utak ko.
- • -

Bình Luận Sách (80)

  • avatar
    LI VE

    i like this story

    6d

      0
  • avatar
    Charity Parina

    Goodjob

    25d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good story

    26/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất