logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Level 5

Nang matapos silang mag-enroll, pumunta na sila sa W. Nasa hulian sina Saga at ang kanyang kaibigang pasaway. Kanina sinuway niya ito dahil nanghingi ito ng pera kay Kieron.

Ang sabi lang nito ay may utang sa kanya ang binata. Pero hindi niya binili ang alibi nito.

Sadyang nagpahuli sila dahil hindi niya gusto ang atensyon na nakukuha kasama ang mga binata. Isa pang dahilan ay inilalayo niya si Chanise kay Devlin. Napansin kasi niyang dikit na naman ito nang dikit sa binata.

“Sino pala iyong nanalo ng Mr. CEAFA sa inyo?”

Naalala niya ang pinag-usapan nila ni Shannon. Hindi siya naniniwalang hindi nito kilala kung sino ang nanalo.

Imposibleng hindi niya kilala ang representative nila para sa Mister anf Miss CEAFA. Iyon ang naisip niya.

Kahit hindi nila kasama ang binata nang oras na iyon, naririnig pa rin niya sa ibang estudyante ang pangalan nito.

“Si Shannon.”
Huh? Nalaglag ang panga niya. Huminto pa siya sa paglalakad.

“'Di ba si Devlin, naging Mr. CEAFA rin.”

Nang marinig iyon saka lang siya nakabalik sa realidad.
Nag-research na talaga siya, ah. Naisip niya. Naiiling na humabol siya sa kaibigan.

Tumingin siya kay Devlin. Mukhang wala naman silang narinig sa pinag-uusapan nilang dalawa. Abalang-abala sila sa pinagkukuwentuhang online game.

“Tigilan mo na nga 'yan, Chanise. Wala kang mapapala d'yan.”

Okay lang naman sana kung wala itong girlfriend. Pero kung ang kaibigan niya ang magiging rason ng paghihiwalay ng dalawa, hindi niya magugustuhan iyon.

“Tsk! Crush ka lang ng crush mo kaya ka ganyan magsalita, eh.”

Agad na nagsalubog ang mga kilay niya. “Pinagsasabi mo riyan. Gutom ka na rin 'no.”

Napatingin siya ulit sa harapan. Hindi ba sila nagugutom? Kasi siya ay kanina pa nagugutom. Ala una na ng hapon. Tatlumpong minuto na lang at alas dos na ng hapon. At hindi pa sila nagtatanghalian.

“Sobrang adik ba talaga 'yang mga iyan sa nilalaro nila?”

“Narinig mo naman kanina 'di ba. Nine na sila natapos maglaro kahapon.”

“Ano iyon walang tayuan? Hindi ba sila nakakakuha ng sakit noon?” Napangiwi siya.

Samantalang ilang minuto lang mahuli sa pagkain si Saga, nag-aalburuto na ang tiyan niya. Iyong ilang oras pa kaya na hindi kumakain. At ngayon nga, nagwawala na naman ang tiyan niya. Kanina pa niya gustong ayain si Chanise para kumain ng tanghalian, pero abala ito sa pakikipagkuwentuhan sa ibang kaklase nito.

“Nagpa-deliver ka na ng pagkain, Cian?” malakas na tanong ni Kieron.

Ngayon lang nakita ni Saga si Cian. Hindi nila kasama ang binata kahapon. Mas marami sila ngayon kumpara kahapon. Dahil halos kompleto na ang mga kaklase ni Chanise na puro lalaki.

“Hindi pa. Kanino ko ipapangalan?”

“Kay Monterozo.” Ang laki ng ngiti ni Kieron.

“Sira! Baka pabalikin ni Shannon 'yong magde-deliver.”

“Hindi 'yan. Damihan n'yo, ah.” Tumingin sa kanilang dalawa si Keiron. “Anong gusto n'yo?”

“Okay lang sa akin ang kahit ano. Saan ba kayo o-order?”

“Jollibee.”

“Padagdag ng ice cream at fries. 'Yong pinaka malaking size.”

Iyong si Monterozo, ah si Shannon iyon 'di ba? Hindi na niya magawang kumurap sa naririnig niyang order nila.

Sa likod ng isip ni Saga, kinukuwenta na niya kung magkano iyon. May higit isang libo na rin iyon. Kasama na pati ang inumin.

Kung bibilangin silang lahat, nasa labing pito sila. Kasama na roon si Shannon.

“Apat na bucket ng chicken, ah. Iyong maanghang.”

Parang nabingi siya nang sunod-sunod silang magsabi ng pagkain na gusto nilang kainin. Talo pa nila ang may party. Ang dami nilang in-order.

Ang tanong na naglalaro sa isip niya ay, mababayaran ba iyon lahat ni Shannon?

Kinalabit niya si Chanise.

“Okay lang bang pagbayarin nila si Shannon?”

“Ano ka ba, mas mayaman siya sa inyo, Sadge. Iyong ilang libo, hindi niya ikahihirap agad-agad.”

“Kahit na.”

Napailing siya. Hindi makapaniwala sa kaibigan. Mayaman o hindi, bakit kailangang si Shannon ang sumalo ng bayad para sa pagkain nila. Wala ba silang mga sariling pera? Parang patay-gutom at oportunista lang ang dating. Pangit tingnan para kay Saga.

“Nakakahiya pa rin.”
—•—
Nagulat si Shannon nang makatanggap siya ng tawag mula sa kuya niya. Pinababa siya nito sa unang palapag.

Isinaksak niya ang flash drive sa CPU. Inilipat niya ang mga file na kailangan na nasa kompyuter na ginamit ni Saga.

Noong isang araw pa siya nasa W. At may files siyang tina-type na para sa kanyang ina. Iyon ang bagay na naiwan niya sa kompyuter. Kaya naupo siya tabi ng dalaga nang maglaro sila.

Habang hinihintay na makuha ang lahat ng files, bumaba siya.

“Shannon, bayaran mo iyong order mo,” iyon ang bungad ng kanyang kapatid nang bumukas ang elebeytor.

Kumibot ang kanang kilay niya sa pagtataka. Wala siyang ino-order na kahit ano. Pero bago pa siya makapagsalita, pumasok sina Kieron ng W. May malaki itong ngiti na parang nanalo sa championship tournament.

Ah. Trouble again. Minsan, hinihiling niyang hindi sila naging magpinsan.

“Hey! Pinaghintay mo iyong pagkain natin sa labas, Shannon. Kawawa naman iyong mga delivery man.”

“Mga?” Tuluyang nagsalubong ang kilay niya.

“Tatlong delivery man.”

Naiiling na lumabas siya ng gusali. Ang iba niyang kaklase ay nasa labas din.

“Sino inyo iyong Shannon Monterozo?” tanong ng isang delivery man.

Sabay-sabay siyang itinuro ng mga kaklase niya.

Pahamak. “Magkano po?”

“Four thousand six hundred fifty-nine po, Sir.”

“Sandali lang po.” Bumalik siya sa loob. Hindi naman sinabi ni Shennon na magdala siya ng pera dahil may babayaran siya.

“Pahiram muna ako, Kuya Shennon, ng five thousand. Nasa taas yong wallet ko.”

Umiiling na kumuha ng pera si Shennon. Matapos mabayaran iyon ni Shannon—na keep the change pa—kinuha na ng mga kaibigan niya ang pagkain na sila rin mismo ang um-order.

Mabilis na umakyat si Shannon ulit sa itaas. Nang sasakay si Kieron sa elebeytor, agad niyang pinindot ang close button.

“Woooh!” Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere saka tumawa. “Maghanda iyong iba.”

Pagdating ni Shannon sa huling palapag, agad niyang inalis ang flash drive nang makitang nakopya na ang mga file. Agad niyang pinatay ang kompyuter. As in shut down.

Mainit-init pa ang CPU nang bumukas ang elebeytor. Nakaupo naman na si Shannon sa lagi nitong puwesto.

“Kumain ka na?” tanong ni Kieron.

“Hindi pa. Magpapa-deliver sana ako sa Max.”

“Aww!”

Sayang!
—•—
“Bakit hindi ka kumakain?” tanong ni Ramsey kay Saga.

Kanina pa niya gustong kumain. Ang kaso hindi puwede sa kanya iyong pagkain na binili nila. Tiningnan niya ang iba pa nilang kasama. Lahat ay abala sa pagkain.

Nasa isang bakanteng kuwarto sila na nasa palapag na iyon din mismo. Lounge room kung tawagin. Kung saan puwedeng kumain dahil may mesa at mahahabang stipa. May banyo rin doon.

“Tapos ka ng kumain?”

“Oo. Bakit?”

“Puwede mo ba akong samahan sa labas. May bibilhin lang ako.”

“Tara.”

Kinuha ni Saga ang bag niya at lumabas sila ng silid. Walang nakapansin sa kanila.

“Bakit hindi ka kumain?”

“Hindi lang ako kumakain ng fast food.”

“Hala! Dapat sinabi mo agad. Anong kakainin mo ngayon?”

“May mabibilhan ako. Malapit lang naman sa LRT iyong store. Hahanapin ka ba nila agad?” Alanganin siyang tumingin dito.

Hindi pa naman siguro sila maglalaro agad. At sa dami ng in-order nila baka matagal pa silang matapos. Naisip niya.

Kanina, hindi talaga siya makapaniwalang binayaran ni Shannon ang lahat ng pagkain ng in-order ni Cian. Apat na bucket iyon ng chicken at kung ano-ano pa.

“Hindi naman. Marami naman silang maglalaro doon.”

Dahil hindi naman gaanong malayo, kaya naglakad sila. May mga pedicab at tricycle na dumadaan. Ngunit mas maraming estudyante ang naglalakad sa eskinitang iyon.

“Anong pinagkaiba nitong convenient store sa fast food?”

Mas maraming panindang pagkain ang convenient store kaysa sa fast food? Ah. Hindi. Wala naman kasing pinangkaiba iyon.

Nakatayo sila sa tapat ng mismong estante kung saan nakalagay ang mga food pack.

Kumuha siya ng isang sandwich. “May lettuce ito.” Ipinakita niya sa binata ang hawak. “At may prutas din sila.” Saka siya ngumiti.

“Vegetarian ka ba?” Nahulog ang mga mata nito mga kinuha niya. “Saka ino-oven 'yang sandwich.”

“Hindi ako vegetarian.” Nagsalubong ang kilay niya habang pinipigilang matawa. “Saka prutas 'to.”

Hindi ako vegetarian. Nagkataon lang na hindi ako puwede sa fried chicken.

Pagkatapos magbayad naglakad sila ulit pabalik. Maraming street vendor sa gilid ng kalsada. Marami ring estudyante ang nagkalat sa ganitong oras.

“Gusto mo?” Tumingin siya kay Ramsey.

“Hindi.”

“Hindi itong sandwich.” Tinuro niya ang isang stall kung saan may nakarolyong kung ano sa barbecue stick. Pinagsamang dilaw at orange ang kulay noon. “Iyon ang tinutukoy ko.”

“Hindi ko dala ang wallet ko.”

Lumapit siya agad sa stall. “Kuya, ano po ito?” Tinuro niya iyong nakalagay sa stick.

“Patatas 'yan.”

“Pabili po ako ng apat. Pabalot na lang po.”

“Anong flavor?”

“Cheese.”

Lumingon siya kay Ramsey na nakatayo na sa kanyang likuran.

“Okay lang naman sa iyo ang cheese?”

Kahit magtanong siya, nalagyan na ng tindero ng cheese flavor ang apat na stick.

“Okay lang. Favorite ko ang cheese.”

Pagkatapos niyang magbayad, inabot niya kay Ramsey iyong patatas. Prinito lang iyon at nilagyan ng flavoring. Nagtataka lang siya kung paano nila nahiwa nang paikot iyong patatas.

“Hindi rin ito healthy, ah.”

“Minsan lang naman.”

“Sabihin mo nga, bakit mas gusto mong bumili ng pagkain dito sa labas. Kahit na marami pang pagkain doon sa W.”

“Wala lang.”

Pero sa totoo lang. Nahihiya siyang magpalibre sa taong hindi niya naman kilala.

Sa W, hindi pa rin sila tapos kumain pagdating nilang dalawa.

“Saan kayo galing, Pre?” tanong ni Damion kay Ramsey.

“7/Eleven.”

“Anong ginawa n'yo roon?”

Tinaas ni Saga ang plastic na may lamang watermelon na nahiwa na.
—•—
Chanise Lavista Lo:
Ba't ka pala biglang umalis kanina? Saka sinong kasama mo?
Saga Lovisa Sincuya.
Iyong classmate kong si Ram. Bumili lang ako ng pagkain ko.
Chanise Lavista Lo:
Ay! Sorry. Nakalimutan kong bawal nga pala sa iyo iyong chicken.
Saga Lovisa Sincuya:
Okay lang.
Pero sa totoo lang. Hindi okay. Sumakit ang tiyan niya pag-uwi niya. Buti na lang din at tapos na siyang mag-enroll.
Chanise Lavista Lo:
Nagulat ako, eh. Bigla ka na lang nawala. Wala pa namang nakapansin sa iyong lumabas. Napansin ko lang din noong hinahanap na nila iyong friend ni Devlin.
Napailing na lang siya sa habang tumitipa sa keyboard. Siguro hanggang ngayon nasa W pa rin iyong iba at naglalaro. Kung hindi pa niya pinilit si Chanise na umuwi na, hindi pa ito papayag. Paano, nandoon pa rin kasi si Devlin.

Tumingin siya sa orasan. Nine-thirty na. Baka pauwi na rin sila ngayon.
Saga Lovisa Sincuya:
Good night na. Matutulog na ako.
Chanise Lavista Lo:
Aga, ah.
Good night. 💕

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    Darell Mallari Teofilo

    👏👏👏👏

    01/06

      0
  • avatar
    Hershey Martelino

    Sobrang ganda tlga

    08/04

      0
  • avatar
    BiboBob

    love it

    22/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất