logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6

Abala ako sa pagtitingin ng mga bisita ni Shanise rito sa mansion nila. She's indeed rich! Ika-18 niya ngayon, it means debut niya ngayon. Matanda lang ako nang halos dalawang taon kay Shanise, late na kase ako nag-aral ng day care kaya ngayon kahit mag-bente anyos na ako ay nasa Senior High pa rin ako na dapat ay kolehiyo na ngayon.
Pero malapit na rin naman matapos ang year na 'to, at magiging kolehiyo na ako. Masaya ako but at the same time ay alam kong hindi ako panatag. Magkokolehiyo nga ako, pero may trauma naman akong naranasan para lang makapag kolehiyo ako.
“Ava!” Lumingon ako nang tawagin ako ni Shanise. Ngumiti ako sa kaniya at sinalubong ko ang yakap at beso niya.
“Happy Happy Birthday!” tuwang-tuwang sabi ko sa kaniya habang inaabot sa kaniya ang regalo ko.
Alam kong mahilig siya sa dress and make ups, kaya ito ang iniregalo ko sa kaniya na tiyak na matutuwa siya.
“Parang alam ko na 'to, ah?” aniya habang sinisilip ang laman ng paper bag.
Tumawa naman ako. Alam niya kaseng iyon ang nireregalo ko lagi sa tuwing may okasyon. Lalo na tuwing birthday niya.
“Halika! Upo tayo ro'n sa mga ka-batch natin, umiinom sila nh different wines and hard liquors! Paborito mo ang jack daniels 'di ba? Ipangkukuha kita!” nagagalak niyang sabi habang hinihila ako.
Paano ko ba siya tatanggihan? Alam kong masama sa bata ang pag-iinom ko ng alak.
“H-hindi na. Okay na ako sa juice l-lang,” naasiwang sabi ko habang sumusunod sa paghatak niya sa 'kin.
Sinulyapan naman niya ako. “Nako! Don't be KJ, Ava! Once a year lang ako mag birthday,” tumatawang aniya. Sumulyap naman siya sa pool bago tumingin sa akin. “Oo nga pala, may swim suit ka ba? Swimming tayo!” pag-anyaya niya sa 'kin.
Napapikit naman ako nang mariin. God.. Paano ko ba sasabihin na bawal ang mga pinagagawa niya sa 'kin? Kung 'di lang ako buntis, malamang sa malamang ay nilagok ko na ang liquors at tumalon na ako sa pool. Pero parang awa naman! Buntis na ako.
Huminga ako nang malalim. Dapat umisip ako ng paraan paano ba ako makakaalis dito.
“So how are you, Ava?” Jassy asks me in her usual classy tone.
Ngumiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago, siya pa rin 'yong Jassy na mukhang masungit pero mabait talaga 'to. She's my best friend back then, hindi ko alam bigla na lang kaming hindi madalas mag-usap. We don't cut our communication or our friendship, pero sa tingin ko gano'n naman talaga iyon?
Lahat ng tao may purpose sa buhay ng isanh tao. After that, bigla na lang mawawala ang taong iyon at makakakilala ka ng panibagong tao na makakasanayan mo. That's life!
“I'm fine!” masayang sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at niyakap ako.
Inalok niya ako ng inumin pero mariin akong tumanggi.
“Ayan! KJ 'yan! Ayaw uminom!” pagsusumbong ni Shanise sa mga taong kasama namin ngayon.
Nagtawanan naman sila sa naging asal ni Shanise. Habang ako ay pumikit nang mariin.
“Okay! Fine! Kaunti lang,” sabi ko. Kinuha ko ang baso at balak na sanang inumin iyon nang biglang may kamay na sumagi ro'n kaya nabitawan ko ang babasagin na baso.
Gulat akong napanganga dahil sa nangyari. What the fuck?!
“What the hell are you doing, Ava?!” rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses na kinakamuhian ko.
Tumingin ako sa kaniya na walang emosyon. “Drinking? Party? Can't you see I'm enjoying this moment, Sir?” sarkastikong sabi ko sa kaniya at hinarap siya.
Hindi niya ako sinagot. Hinila naman niya ako pero pumapalag ako. Ano bang pakialam niya sa ginagawa ko?
“Tara na! Ihahatid kita sa bahay niyo!” aniya habamg hinihila ako.
Pilit ko naman binabawi ang kamay ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa paligid ko, at takang-takang tumingin ang mga kaklase ko sa akin at kay Sir Villanueva. Malamang ay 'di nila maintindihan ang nangyayari.
“Anong meron?” bulong ni Shanise ngunit hindi ko na pinansin. Tanging kay Sir Villanueva lang nakatuon ang atensyon ko.
“Tara na! Don't be hard headed, Ava!” aniya at hinila ako nang marahas. Wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kaniya kaya hinayaan ko siyang hilahin ako at saka lumabas sa mansion ni Shanise kung saan may kaganapan na party para sa kaarawan niya.
Nang makalabas kami ay humina na ang malakas na musika. Tanging ang malakas na paghinga lang namin ang naririnig ko.
“Let's go. I will take you home,” ani Sir Villanueva.
Tumingin naman ako sa kaniya na punong-puno ng galit. “Ayoko.”
Umigiting naman ang panga ni Sir Villanueva. “Come with me, I'll take you home. Kung iniisip mong gagawin ko ulit sa'yo 'yon—” I cut him.
“What now?! May pakialam ka ngayon? Eh, anong pakialam mo kung uminom ako ng alak at hayaang mamatay ang batang nasa sinapupunan ko?!” sigaw ko sa pagmumukha niya na halos lumabas na ang mga litid sa leeg ko sa sobrang sigaw ko.
He sighed heavily before facing me. “Can you hear yourself, Ava?! Bata iyan! Wala siyang kasalanan! It's all my fault! Kaya huwag mo siyang idamay! Anak ko rin 'yan!” aniya.
Nawalan ako ng lakas dahil sa sinabi niya. Nanlambot ang tuhod ko at napahagulgol.
“Let's go, Ava,” aniya at kinarga ako papunta sa kotse niya.
The next thing I know is I'm sitting inside his car. Tinatahak namin ang direksyon pauwi sa bahay namin, hindi pa rin ako tumigil sa paghagulgol ko.
Kaya naman bago kami makarating sa amin, inihinto niya ang kaniyang kotse sa gilid ng bahay namin.
May iniabot siyang tissue sa akin. Nagtataka ko naman iyong tiningnan.
“Anong gagawin ko diyan?” tanong ko.
He sighed. “Subukan mong kainin,” sarkastikong aniya kaya inirapan ko siya. “Silly. Malamang ipangpupunas mo iyan sa mata mo, baka makita ng magulang mo namumugto na mata mo. Calm yourself, Ava,” aniya.
Kinuha ko iyong hawak niyang tissue at nagpunas-punas ako ng mukha. Inilabas ko rin ang concealer ko para matakpan ang reddish kong nasa mata ko dahil sa kaiiyak ko kanina. I put some make-up, para 'di mahalata nila Mama at Papa na kagagaling ko lang umiyak.
Nang matapos akong mag-ayos ay tumingin ako sa kaniya na walang emosyon. Galit pa rin ako sa kaniya, walang pagbabago.
Inirapan ko siya nang tumingin siya sa 'kin. Wala akong pakialam kahit magalit siya, mas galit ako sa kaniya. Pero narinig ko soyang bahagyang humalakhak na kinainis ko. Fuck this! How could he laugh despite of what he did!
Pinaandar niya ang kaniyang kotse at inihinto na niya ito sa harap ng bahay namin na color white and brown combination.
Bumaba akong mag-isa at hindi ako tumingin sa kaniya. Alam kong sumusumod siya sa akin kaya hindi ko siya pinansin.
Dumilim na rin ang paligid and I think nandito na sina Mama at Papa?
Bago pa man ako pumasok ay bumukas na ang pinto. Parehong gulat ang mukha ng mga magulang ko habang nakatingin sila sa likod ko. Alam kong si Sir Villanueva ang tinitingnan nila.
“Sorry, Ma'am and Sir. I brough you daughter home,” aniya sa malalim na boses.
Napapikit ako nang bigla akong sampalin ni Mama. Did I do something wrong? Bakit bigla akong sinampal?
Napahawak ako sa pisngi ko sa lakas ng sampal ni Mama. Hindi nga pala ako nagpaalam na pupunta ako sa party, tapos kasama ko pa ang propesor ko. Malamang baka kung ano'ng isipin nila.
“Go up to your room!” malakas na sigaw ni Mama kaya naman sinunod ko lang ito.
“Thank you so much, Sir. Kanina pa namin hinahanap ang anak namin, akala namin kung nasaan na siya at kung ano ang nangyari sa kaniya. Thank God at ikaw ang nakasama niya,” rinig kong sabi ni Mama.
Lihim ako napangisi sa sinabi ni Mama.
Hindi niya alam ang kademonyohan na taglay ni Sir Villanueva. Paano niya napupuri ang isang tao na wala man lang bahid na konsensya?

Bình Luận Sách (115)

  • avatar
    AlcantaraAngel

    ang ganda ng story po!😊

    12d

      0
  • avatar
    Kim Uyas

    maganda talaga basahin

    16/08

      0
  • avatar
    Da Niel

    Nccccc

    15/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất