logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 5

Gabi na nang makauwi ako sa amin. Agad akong dumiretso sa kuwarto ko para gawin ang dapat kong gawin.
Ni hindi na ako kumain ng hapunan ko, basta na lang ako dumiretso sa kuwarto para maligo at simulan ng gawin ang balak ko.
Hindi ako sigurado kung itutuloy ko pa ba? Mayroon kaseng parte sa 'kin na nasasaktan ako sa gagawin ko. At may parte rin sa akin na sumasang-ayon na gawin ang bagay na iyon para sa ikabubuti ko.
Kinuha ko ang mifepristone at misoprostol. Hindi ako sigurado sa desisyon kong 'to pero nandito na 'to.
Nanginginig kong kinuha 'yong dalawang abortion pills.
Napagakat ako ng labi habang hawak hawak ko ang mga pills na 'to.
Tama ba ang magiging desisyon kong ito?
O baka mas lalo lang lalala ang mangyayari sa gagawin ko?
Gusto ko siyang mabuhay, ang kaso lang ay sa tingin ko ako lang ang mahihirapan. At itatakwil lang ako ng mga magulang ko kung hahayaan ko siya sa sinapupunan ko.
Kung ilalaglag ko naman ang anak ko, kawalan ko rin iyon bilang isang ina. Nakokonsensya ako na hindi niya makikita ang mundo, dahil sa pagiging makasarili ko.
Humagulgol ako. Gulong-gulo ang utak ko habang hawak pa rin ang abortion pills.
Wala na akong pakialam kung marinig ba ako ni Mama at Papa sa lakas ng pag-iyak ko. Hindi ko na kase kayang pigilan ito, nasasaktan ako para sa sarili ko at para na rin sa anak ko.
“H-hindi, a-anak. Wala ka n-naman kasalanan, eh. A-ang dapat managot ay a-ang Tatay mo, kase siya n-naman ang may gawa sa akin n-nito,” utal na sabi ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa paghagulgol ko.
Hinimas ko ang tiyan ko at saka ako pumikit. “Please, God. Help me. Take this pain away. Please fill this loneliness with your love. Help me, God, please, help me..”
Hindi ko na talaga ang alam ang gagawin ko. Parang wala ng laman ang utak ko para sa mga bagay na 'to. Nawalan ako ng lakas, dahil sa pangyayaring 'to.
Nagsu-suffer ako, habang ang gumawa sa akin nito ay ni hindi man bakas sa mukha niya ang pagsisisi na ginawa niya.
Wala akong ibang ginawa kun'di ang magdasal nang magdasal. Kailangan ko Siya, palagi.
Dear Lord, Give me strength to move on and the joy to overcome my pain. Give me hope to see a rainbow in my wilderness and in my storm. Amen.
Nagising na lang ako na umaga na. At hawak ko pa rin ang abortion pills. Nakapag desisyon na 'ko para sa amin ng anak ko.
Hahayaan ko siyang mabuhay. Wala siyang kasalanan dito, ako at ang kaniyang ama ang mayroong pagkakasala. Hindi niya ginustong mabuhay, ako ang gumusto na mabuhay siya, at makita niya ang mundo.
Tumayo ako at itinapon sa basura ang abortion pills. Sinigurado ko na 'di iyon makikita ni Mama, dahil naglilinis iyon paminsan minsan sa kuwarto ko. Kaya kailangan kong mag-ingat palagi sa mga actions ko.
Hindi niya dapat malaman na buntis ako, hangga't kaya kong itago ay itatago ko muna pansamantala. Ako at si Sir Villanueva lang ang makakaalam dito. Pero wala naman siyang pakialam, kaya siguro sarili ko lang ang makakaalam sa kalagayan ko.
At kailangan kong mag-ingat sa mga gagawin ko, dahil may bata sa sinapupunan ko.
Nang matapos akong maligo ay kinuha ko ang uniporme ko na plantsado na ni Mama kagabi.
Nalungkot ako nang makita ang uniporme ko. Iyon ang uniporme na sinuot ko nang araw na gahasain ako ni Sir Villanueva.
Parang ayaw ko suotin, dahil sa tuwing nakikita ko iyon ay naalala ko ang pang bababoy niya sa 'kin.
But I don't have any choice kun'di ang suotin 'to, dahil wala akong ibang uniporme na plantsado.
Ilang minuto akong napapapikit nang mapag deisyonan kong suotin na lang ito. Kailangan kong harapin lahat ng kinatatakutan ko, dahil sa laban na 'to hindi lang ang sarili ko ang pinaglalaban ko kun'di pati na rin ang anak ko.
Maaga akong lumabas ng kuwarto ko para maghanda ako ng makakain ko, at ng anak ko. Kailangan lagi akong busog para sa anak ko. Isasantabi ko na lang muna ang pagda-diet ko sa ngayon, mas mahalaga ang kalusugan ng anak ko.
Narinig ko naman na bumukas ang pinto nila Mama kaya napalingon ako habang nagpi-prito ako ng itlog.
“Oh? Bakit ang aga mo naman ngayon, Ava? At saka bakit ikaw ang nagluluto?” pagtatakang sabi ni Mama habang kinukusot pa rin niya ang kaniyang mata.
Ngumiti ako. “Ewan, Ma. Ganado lang ako ngayon at saka gustom na po kase ako, kaya ako na lang ang nagluto,” sagot ko.
Nang matapos na ay inihapag ko na sa hapag kainan ang mga niluto ko. Pinagmamasdan lang ako ni Mama habang kumakaim ako kaya napatingin ako sa kaniya.
“Bakit po?” nagtatakang tanong ko. “Alam ko naman na maganda ako, Ma. 'Wag ka ng nabibigla,” I joked.
Tumawa naman siya. “Baliw. Ang pangit mo kase,” aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ko na lamang pinansin si Mama at kumain na lang ako nang kumain. Ayokong late ako sa school, kaya naman maaga akong pumapasok para lang hindi ako ma-late.
“Oo nga pala,” ani Mama kaya napatingin ako sa kaniya. “Naririnig ko kahapon may umiiyak, umiyak ka ba? Mah nangyari ba sa 'yo, anak?” tanong ni Mama na bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Nanlaki ang mata ko at umiling. “H-hindi po! Wala po akong problema!” mabilis na pagtatanggi ko. “Nanood lang po kase ako ng movies na nakakaiyak,” pagsisinungaling ko at mukha naman siyang naniwala sa akin.
Binilisan ko ang pagkain ko at saka na ako nagpaalam kay Mama na papasok na ako. Late siguro nagising si Papa, kaya hindi ko siya nakasabay mag almusal.
“Sis!” malakas na sigaw ni Shanise sa akin kaya napalingon ako habang naglalakad ako sa hallway.
She's my classmate. Dati ko siyang kaibigan ngayong Senior High, pero dahil sa naiilang ako na magkaroon ng kaibigan ay kusa na lang akong lumayo. But we remain friends until now.
Ngumiti ako. “Bakit?” tanong ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin at saka ngumuso. “Ikaw, ha. Magkaklase na lang nga tayo, 'di pa kita mahagilap. Birthday ko mamaya, may party ako. G ka ba? Sama ka!” anyaya niya sa akin.
Napakagat ako ng labi. Alam kong kapag sinabi niyang party ay inuman na iyon kaya nagdadalawang isip ako.
Napakamot ako sa ulo. “H-hindi ko kase alam, Shan. Wala kase ako sa mood para sa party party na iyan,” sagot ko.
Mas lalo siyang sumimangot. “Ang KJ naman! Once a year lang ang birthday ko, sumama ka na!” pagpupumilit niya.
I smiled awkwardly. “S-sige, sasama ako,” napipilitang sabi ko.
Napatalon naman siya sa tuwa at saka ako niyakap. Samantalang ako, hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi na maganda ang epekto ng alak sa akin dahil may bata na nasa sinapupunan ko.
Kailangan kong mag-ingat nang doble.

Bình Luận Sách (115)

  • avatar
    AlcantaraAngel

    ang ganda ng story po!😊

    12d

      0
  • avatar
    Kim Uyas

    maganda talaga basahin

    16/08

      0
  • avatar
    Da Niel

    Nccccc

    15/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất