logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

VANKLYNE'S POV'S
I'm here in my room, still remembering what happened earlier. All the fear and pain I felt when daddy died, seemed to suddenly come back when ate celine called me earlier, she said that i need to go to the hospital, I was scared when she said that mom was suddenly attacked in a restaurant. But luckly, she met a girl who's save her life from that emergency situation. On the other hand, like what they want, i also want to find that girl, who save my mom's life. I don't know, but i want to know about her more, maybe it's just because i also want to thank her for what she did.
AIKA'S POV'S
Kakarating ko lang galing sa trabaho, pagod na pagod ako sa dami ng mga nangyari ngayong araw, dahilan upang agad akong umupo sa sahig nang bahay namin. Pagkatapos kong mag pahinga, ay agad kong ini abot kay mama ang isang libong kinita ko sa pag babanlaw kahapon.
— He'to ma ohh, nakahanap ako kahapon ng raket ehh ( Pag-amin ko sa kanila, habang ini aabot kay mama ang pera)
— ohh ano yan? ano na naman ginawa mo kahapon? (tanong nila papa at mama nang may pag tataka)
— e'to naman sila mama, para namang hindi ako kilala, syempre naghanap ako ng pwedeng pandagdag natin sa pambayad sa kuryente. Eh sakto kahapon, naka leave yung nagbabanlaw sa laundry shop ng tita ni Maurine, sabi niya pwede naman daw kami nalang magbanlaw nang mano mano. ( Pagpapaliwanag ko, at saka ibinigay ang pera kay mama)
— ehh kung naghahanap ka na lang kasi nang mapapangasawa mong matandang mayaman edi di ka na sana diyan nahihirapan. (Pang-aasar nang kuya kong panganay na si kuya Ayan, dahilan upang samaan ko siya nang tingin)
— Oo nga naman hahahaha, para masaya na buhay mo hahahaha ( dagdag pa nitong isa ko pang kuyang tukmol, na si kuya Adrian)
— tigilan n'yo na nga yang kapatid niyo, imbis na fucos sa pag-aaral pinamamadali niyo namang mag-asawa ka'gad. ( Pagsaway ni papa kila kuya)
— oo nga naman, ehh kayo nga dapat mag-asawa na dyan ehh, ang tatanda niyo na ( sagot ko habang nakataas ang kilay)
— Hoyy excuse me, bata pa ko uyy, at t'saka, kaya naming maghanap, kahit kailan namin gusto, kasi mga lalaki kami noh ( katwiran nitong si kuya ayan )
— Bakit, kala mo ba di ko rin kayang maghanap kahit kailan ko gusto. ehh ang ganda ganda ko kaya ( sagot ko habang nakataas ang kilay)
— ano? maganda? hahaha, nu ka, ilong mo nga pango eh ( pang-aasar naman ni kuya Adrian kasabay nang pagpisil sa ilong ko, dahilan para hampasin ko siya)
— uyy uyy, tama na nga yan, baka magka pikunan na naman kayo niyan. Kumain na lang nga tayo, tutal nandito na man na si aika, kumpleto na tayo.( pagsayaw samin ni mama)
Agad naming tinawag ang bunso naming kapatid na si aizan, na kanina pang naglalaro sa labas, at saka kumain nang sabay sabay.
HABANG KUMAKAIN.....
— Alam niyo ma, may babae kanina na nanikip ang dibdib dun sa cr kung san kami naglilinis. Kami nalang pa naman ni beshy ang tao sa area na yun, kasi malapit nang mag sara yung restaurant.(Panimulang kwento ko)
— Talaga? Tas ano nangyari? sinong tumulong? ( Tanong ni mama)
— Buti nalang talaga nakita siya ni beshy, na kinakapos nang hininga, kaya natawag kaagad ako ni beshy. Ta's pagdating ko dun nakita ko siyang hirap nang huminga, ta's yun hinilot ko likod niya, t'saka yung dibdib niya. Gaya nung ginagawa ko sayo ma, pag naninikip dibdib mo. Di ko nga sana na lang hihilutin kasi baka mamaya, hindi gumana, or baka mamaya mapasama pa siya, eh kaso na awa na ako, t'saka antagal ng tulong na tinawag ni beshy. ( pagke-kwento ko sa kanila)
— Buti na lang talaga marunong ka maghilot, kahit pa paano. (Sambit ni papa)
— oo nga eh, buti na lang talaga, kahit pa paano natulungan ko yung babae. Kasi naman nakakaawa talaga, yung paghinga niya kanina, kung nakita niyo lang talaga ( Saad ko habang puno ang bibig ng pagkain )
— Siya nga pala kumusta ang paghahanap mo ng scholarship? May balita na ba? (Tanong ni papa)
— yun nga pa ehh, wala pa nga rin kaming nakukuha hanggang ngayon,maghahanap nalang siguro kami ulit ni beshy, matagal pa naman bago ang pasukan ehh ( Sagot ko, kahit na ang totoo'y pinanghihinaan na rin ako nang loob)
— Kung sa bagay (sagot ni papa, t'saka bumalik sa pagkain)....
Habang kumakain kami, patuloy pa rin kami sa pagke-kwentuhan at sa pagtatawanan. Ganito kami parati, simple lang pero masaya lalo na pag sama-sama.....
Pagkatapos naming kumain, ay agad akong umakyat sa taas, t'saka natulog.
KINABUKASAN......
CELINE'S POV'S
I'm here in the university, kasalukuyan akong nakatingin sa isang malaking bintana sa office ng dean, kung saan tanaw na tanaw kung gaano ka lawak ang university, inaasikaso ko ngayon ang enrollment ni klyne. I'm so busy, but my mom told me that i need to make an schedule for this. Di daw kasi pwedeng i-online enrollment ko na lang siya, coz he's a college student, i need to pass all the requirements personally. But it's ok, gusto ko rin namang makita ang university kung saan ako dati nanggaling. It's been almost four years na ata, basta.... di ko na masyadong matandaan kung ilang taon na, medyo matagal na rin kasi, maraming na ring nagbago, marami na ring nangyari. Basta ang alam ko lang, that this university, witnesses a lot of things and memories. This place witnesses a lot of love stories, and one of those are mine.
— Ahmm Ms. Castillo? (Pagtawag sa akin ng dean, nang mapansin niyang nakatulala ako sa isang kanyang bintana)
— Ohh yes? (tanong ko)
— Ahmm, please filled up this form. ( nakangiti niyang sambit, sabay abot nang form)
— Ahh ok, thank you ( nakangiti kong sagot, sabay tanggap ng form)
After i filled up all the needed information, umuwi na ako. Kasalukuyan na akong nasa van, pauwi nang bahay, di pa rin maalis sa isip ko, yung girl na sinabi ni mom, the girl who saves her life yesterday. I'm just curious about that girl, i want to know, anything about her......
Bigla kong naalala, i have no meetings or any work related this whole day, that's why i can go wherever i want. Hmmmm, what if I'll go to the restaurant, where mom met that mysterious girl? Wait i will call yaya muna, para naman ma-inform ko rin si caitlyn na may dadaanan muna ako.
— hello ate beth ( pagtawag ko, nang marinig kong sinagot na niya ang tawag ko)
—hello ma'am, bakit po? (tanong niya)
— ahmm nasan si caitlyn, can i talk to her? i just want to say na may dadaanan lang muna ko, and baka rin kasi may gusto siyang ipabili, para mabili ko na ngayon (sagot ko)
— ahmm wait ma'am tawagin ko lang po.......
Maya-maya pa'y kinuha na nang anak ko ang cellphone, t'saka kinausap ako.
— Hello mommy, where are you na? i'm still waiting for you, ang tagal mo.( nagtatakang tanong nitong anak ko)
— I'm sorry, there's just something really important to go to, but it's really just a moment, promise it's really just a moment. Wait, do you have anything you want to eat? I'll just buy it here. ( Sagot ko, para hindi na siya magtampo)
— ahmm, i want to eat fries, milktea and burger. Mom can you buy it for me? ( tanong niya na halatang nag papacute, hay nako itong anak ko talaga, napaka lambing)
— Sure, why not, ok just wait for me ok, I'll be there for a moment. I love you (pangako ko sa kanya)
— Ok mom, i love you too ( Sagot niya, at saka pinatay ang cellphone)

Bình Luận Sách (169)

  • avatar
    Viojan Eva

    💕🥰❤️

    8d

      0
  • avatar
    Ricci Jewel Famaran

    It's good.

    19d

      0
  • avatar
    Jane Gante Manaya

    so love all

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất