logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 5

Kabanata 5
"Patawad. Ang akala ko'y ikaw na ang aking kaibigan na magsusundo sa akin. Hindi pala, nagkamali ang aking paningin."
Tumingin sa akin si Brie na may pagtataka bago ulit tumingin kay Ashton 'tsaka lang siya nagsalita.
"Ahm... A-ashton ang iyong ngalan, hindi ba? Maaari ko bang malaman kung nasaan ang inyong tirahan upang sa gano'n ay maihatid ka namin sa iyong tinitirhan," sambit niya.
Hindi sumagot si Ashton bagkus tumingin siya sa akin na may pangamba sa mukha at mahahalata 'yon dahil magkasalubong ang kaniyang kilay.
"Brie, 'wag mo munang kulitin si Ashton... Sa ngayon ay kailangan niya munang makapag-isip nang maayos at baka nahihirapan pa siyang magsalita," hayag ko.
Tumango naman sa akin si Brie 'tsaka siya tumayo para makapagpaalam na uuwi na siya dahil mukhang tapos na 'yong trabaho ng kaniyang engineer na boyfriend.
Nang kaming dalawa na lang ni Ashton, ay 'tsaka lang siya nagsalita na ikina-gulat ko.
"May dahilan ako kung bakit ako narito, hindi lang aksidente ang pagkikita natin," humarap siya sa akin at tinitigan ng mabuti ang aking dalawang mata.
"May dahilan ang lahat ng 'to at ang dahilan ng 'yon ay nakita ko sa aking pangitain at ikaw ang tutulong sa akin para matalo ko ang aking mga kalaban."
Halos magsalubong ang dalawa kong kilay sa pagtataka dahil sa sinabi niya. Ano ba 'yong tulong na sinasabi niya? Sinong kalaban? Bakit ako? Ano'ng mayroon? Sino ba talaga siya?
"Sino ka ba talaga?" takang tanong ko.
Bumuntong hininga siya.
"Alam kong mahirap paniwalaan ang aking ihahayag sa iyo ngunit sana... Kahit sa isang pagkakataon ay paniwalaan mo ang aking isasalaysay."
"Sino ka ba talaga?"
"Isa akong Hari ng karagatan at hindi ko batid kung bakit nakarating ako rito sa inyong mundo at kung bakit nakakahinga ako rito... At kung bakit may mga paa ako upang makalakad."
Napatingin ako sa dalawa niyang paa na med'yo nahihirapan siya sa paglalakad at napansin ko 'yon.
"Ang aking hinala na nagpatapon sa akin dito ay ang aking kalaban na si Vitio. Lubos ko siyang kaaway, hindi lang kaaway kundi kaagaw at kahati, dahil lahat ng akin ay gusto niyang angkinin, ang pagiging Hari ko at pati na rin ang trono ko sa La Estaña ay gusto rin niyang kunin."
"T-teka! Teka! Hindi ko pa rin gets este maunawaan. I-ikaw? Hari? Dagat? Vitio? La Estaña? Ang gulo," nalilito kong tanong.
"Alin ba doon ang hindi mo maunawaan? Hindi mo nga ba maunawaan o hindi mo lamang kayang paniwalaan?" tanong niya sa akin na ikinatigil ko.
"A-ang hirap kaseng paniwalaan... p-paano ako maniniwala, sige nga?! Ikaw ay isang Hari? Paanong nangyari 'yon, walang gano'n. Nasa mundo tayo ng reyalidad at wala sa pantas'ya, Ashton," paliwanag ko.
"Sa ngayon ay hindi mo pa kayang paniwalaan ang aking inihayag ko sa iyo, ngunit kapag lumaon ay maiisip mo na s'yang tunay ang aking ibinigkas," wika niya.
Bumuntong hininga ako.
"Pero bakit ka nga ba nasa kalsada noon at walang saplot noong una kitang nakita?" tanong ko na lang.
"Dahil 'yon kay Vitio, gusto niyang makuha ang aking kapangyarihan at nang hindi ko iyon binigay sa kaniya ay gumawa siya ng paraan upang ipatapon ako sa mundo ng mga tao. Nakita ko rin sa aking pangitain na nagdidiwang na siya ngayon sa aking kaharian at inangkin na nang tuluyan ang aking trono, marahil ang akala niya'y namatay na ako sa pagtapon niya sa akin dito ngunit hindi niya batid na pansamantala lamang ang kaniyang kaligayahan, dahil kahit anong pilit niya'y darating ako upang kalabanin siyang muli," paliwanag niya.
Napalunok ako sa sinabi niya. Totoo kaya 'yong mga sinasabi niya? Imposible kase pero, paano kung totoo nga? Ano'ng gagawin ko?
"Isa ka bang ano?"
"Isa akong akong Ala kung tawagin ay Nix."
Nanlaki ang mga mata ko, nananaginip ba ako? Nasa mythology ba ako? Hindi ko alam kung bakit na excite ako at may parte rin sa akin na kinakabahan.
"T-totoo?" gulat kong tanong.
Tumango lang siya sa akin.
"K-kung gano'n, 'di ba sabi mo ay may kapangyarihan ka? P'wede ko bang makita?" kinakabahan kong tanong.
Bumuntong hininga siya na parang nalungkot sa tanong ko.
"Iyon ang aking mabigat na suliranin dahil hindi gumagana dito sa mundo ng mga tao ang aking kapangyarihan o sad'yang hindi ko pa alam kung paano gamitin dito. Siguro'y dahil sa naging isa na akong mortal kaya hindi ko magamit ang aking kapangyarihan, sa ngayon."
Biglang bumagsak ang dalawa kong balikat na parang nanghinayang at nalungkot sa sinabi ni Ashton. Mahirap man paniwalaan ang sinasabi niya pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung maniniwala ako sa kaniya lalo na't kakailanganin niya ng tulong ko.
"K-kailan ka babalik sa karagatan?" tanong ko.
"Siguro ay pahuhupain ko muna ang aking karagatan hanggang sa maging patag ulit iyon at kapag humupa iyon ay maaari na ulit akong bumalik upang kalabanin si Vitio at alam kong kakailanganin ko ang iyong tulong, sa ngayon ay dito muna ako sa iyo upang mapaghandaan ang aking pagbalik sa aking kaharian."
"Sige, tutulong ako. Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya, pero may tanong pa ako."
"Ano iyon?"
"Maaari bang makarating sa kaharian mo ang isang mortal na kagaya ko?" tanong ko.
"Oo. Kung pahihintulutan siya ng Panginoon ng dagat."
"At ikaw 'yon."
Lagi niyang sinasabi na siya ang Panginoon ng dagat kaya sigurado akong siya ang p'wedeng magpahintulot sa mga mortal na p'wedeng makarating sa kaniyang kaharian.
"Oo."
"Ahm... Huling tanong. Maaari rin ba kayong umibig sa isang mortal? Ikaw, p'wede ka bang umibig?" tanong kong muli.
"Maaari, ngunit kung magiging mortal rin ako o kaya naman ay iiwan ko ang aking kaharian para sa isang babaeng iniibig ko."
"Paano naman 'yong maiiwan sa kaharian mo? S-sino ang mamumuno kung iiwan mo?"
"Iyan ang hindi mangyayari... hinding-hindi ako iibig sa isang mortal kapalit ng aking pamamahala sa aking karagatan. Hindi ko kayang i-sakripisyo ang pagiging pinuno at Panginoon sa Las Estaña para lamang sa iisang babae, iyon ang pagkakamaling gagawin ko kung mangyayari iyon," malumanay niyang sabi.
"P-pagkakamali ang umibig?" takang tanong ko.
"Oo, lalo na kung sa isang mortal na kagaya mo. Ang isang katulad ko ay maaari lang maikasal sa isang kagaya kong Hilios kung tawagin ay sirena sa mundo niyo, ngunit sa aming kaharian ang tawag ay Hilios."
Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya. Kahit pa-paano ay marami-rami rin akong nalaman tungkol sa karagatan na tinitirhan niya.
"Bakit mo sa akin sinasabi ang lahat ng 'to? P'wede mo bang sabihin ito? Wala bang kaparusahan?" tanong ko.
"Mayroon."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Kung gano'n. Bakit mo sinabi sa akin?! Bakit hindi mo agad sinabing may kaparusahan para hindi na ako nagtanong sa'yo!"
"Ayos lang, kakailanganin mong malaman ang tungkol sa akin dahil ikaw ang kaisa-isang makakatulong sa akin ngayon. Ngunit, maaari bang sa iyo lang ang aking mga sinabi dahil kung malalaman pa ng iba ay baka mas lalong lumala ang aking kaparusahan."
"T-teka 'di ba ikaw ang Hari? Bakit kailangan mong maparusahan?"
"Iyon na ang batas sa Las Estaña at iyon din ang kauna-unahang patakaran. Walang sinumang mortal ang p'wedeng makaalam tungkol sa aming mga Hilios."
"Kung gano'n... hindi ko ipagsasabi sa iba," tumitig ako sa mga mata ni Ashton para makita niya na hindi ako nagsisinungaling.
At sa unang pagkakataon ay nakita kong sumilay sa kaniyang labi ang masuyong ngiti. Hindi tulad ng ibang ngiti na normal lang pero ang kaniya ay masuyo at maaliwalas sa mukha.
"Salamat sa iyong pagtulong sa akin, tatanawin ko itong utang na loob."
"W-wala 'yon... ang importante ay nakatulong at natulungan kita. Patawad kung minsan nag-iiba ang aking ugali dahil siguro hindi ako sanay na may kasamang lalaki sa iisang bahay," natigilan ako sandali bago ulit magtanong. "Kaya ba wala kang ka alam-alam dito kasi hindi ka naman tagarito?"
"S'yang tunay."
"Medyo naniniwala na ako, sa'yo."
"Hindi ko lubos na gustuhin mong maniwala sa akin ngunit sana'y maniwala ka talaga dahil kakailanganin ko ang iyong tulong sa pagbabalik ko sa Las Estaña."
"'Wag kang mag-alala baka sa mga susunod na araw ay paniwalaan na kita nang tuluyan."
Tumango lang siya sa akin bilang tugon kaya naman tumayo na ako sa pagkakaupo para makapagpahinga kahit kaunti at makapagluto na ng hapunan namin mamaya.
"Magpapahinga lang muna ako," wika ko.
"Ngunit nagugutom na ang iyong Hari," narinig ko ang pagkulo ng tiyan niya kaya bahagya akong natawa.
Pumunta akong kusina para magluto na lang ng makakain. Sumunod naman sa akin si Ashton at pinagmasdan ako kung paano magluto.
"Madali lang ba ang iyong ginagawa?" tanong niya.
"Oo, gusto mo bang subukan?" nakangiti kong tanong.
"Maaari ba?" medyo gulat niyang tanong.
"Oo naman, mas maganda kung susubukan mo ang mga bagay na hindi mo pa alam dito sa mundo namin para sa gano'n ay may maibaon ka sa iyong pag-uwi," ani ko.
"Sang-ayon ako sa iyong sinabi."
Tinuruan ko siya kung paano magluto ng ulam at makikita mo sa kaniyang hitsura na sineseryoso niya ang mga itinuturo ko sa kaniya. Mukhang mas kakailanganin niya pang matuto sa iba pang mga bagay hangga't hindi pa siya nakakabalik sa kaniyang kaharian.
Hanggang sa matapos na kaming magluto at natuwa naman si Ashton sa naging resulta ng pagluluto namin. Habang kumakain kami ay nag-uusap kaming dalawa sa ibang bagay para mas makilala ko pa siya.
"Mayroon akong kapatid sa aking ina ngunit ipinatapon din siya dito sa mundo ng mga tao. Kaya gusto ko rin sana siyang hanapin habang hindi pa ako bumabalik sa Las Estaña, gusto ko sa pagbalik ko ay kasama ko na siya sa aking kaharian."
"Naparusahan siya? Bakit siya naparusahan? Bakit siya pinatapon dito?" sunod-sunod kong tanong.
"May patakaran siyang nilabag kaya pinatapon siya rito. Ginawa ko ang aking makakaya upang hindi siya ipatapon ngunit hindi sa lahat ng bagay ay ako ang nagdedesisyon sa mga kaparusahan lalo na sa kung ito'y batas. Kung isa sa amin ang tumutol sa patakaran, mas malaki ang kaparusahan kung ako'y tututol."
"Kung ganon, ano naman ang kasalanan niya para ipatapon dito? B-baka nahihirapan siya ngayon dahil katulad mo ay hindi pa kayo sanay sa mundo namin."
"Umibig siya sa isang mababang Hilios na isa rin sa mga pinagbabawal sa Las Estaña. Hindi maaaring umibig ang isang hilios sa mabababang uri."
Bigla tuloy akong nalungkot sa k'wento ni Ashton. Naaawa tuloy ako para sa kapatid niya na gusto lang umibig na naaayon sa kaniyang puso pero hindi siya p'wedeng magmahal ng kung sino lang, dahil isa iyon sa pinagbabawal sa Las Estaña at mapaparusahan ang sino mang magkakamaling lumabag sa kanilang patakaran.
"Nakakalungkot naman ang sinapit ng kapatid mo. Nagmahal lang naman siya pero lalo lang siyang napasama sa nangyari."
"Alam naman niya na sa una pa lamang ay hindi maaaring umibig ang mga hilios sa mabababang uri. Ngunit mas pinili niya pa ring maparusahan kaysa itakwil ang kaniyang minamahal, nawala sa kaniya ang kaniyang kapangyarihan dahil tinanggal iyon ng amang Hari."
"Amang Hari? Ama mo siya?" tanong ko.
Umiling naman siya.
"Pumanaw na ang aking ama pati na rin ang aking ina at hindi ako naniniwalang walang pumatay sa kanila dahil alam kong planado ang lahat."
Nagulat ako sa hinayag niya. Tumibok ng mabilis ang aking puso na parang nanonood lang ako ng isang palabas na ang genre ay fantasy. Paborito ko pa namang panoorin ang fantasy series kaya siguro nahumaling rin ako sa mythology dahil sa mga kapa-kapangyarihan ng bawat karakter.
"Sino naman 'yong tinutukoy mo na amang Hari?" tanong ko.
"Siya ang pinakapinuno sa Las Estaña at pinakamatanda sa aming kaharian, siya ang naghahatol sa aming kaparusahan kapag lumalabag kami sa patakaran. Siya si amang Simeon ang tagahatol sa aming nakakataas."
"Sino naman ang mga tagahatol sa mga mabababang Hilios?" tanong ko.
"Ako."
Hindi na ako nagtaka dahil na i-k'wento nga niyang siya ang Hari ng karagatan.
"At sino naman ang kontrabidang gustong umangkin sa kaharian at kapangyarihan mo?" tanong ko ulit.
"Ang aking nasin, siya ang huwad kong kaaway sa Las Estaña. Hindi siya titigil hangga't hindi niya napapasakamay ang aking kaharian."
"Nasin?"
"Kung hindi ako nagkakamali ay pinsan ang tawag niyo sa nasin na siyang ibig sabihin."
"Ahh... 'Yon pala 'yon, akala ko bulating nasinan hehe. Charot!"
"C-charot?" takang tanong niya.
"Este biro lang, 'yon ang ibig sabihin no'n. Sabihin mo nga, Charot."
"C-charot... charot, kakaiba ang inyong lenggwahe ngunit nakakatuwa," wika niya.
Lihim akong napangiti sa pagbanggit niya ng charot.
Natapos na kami sa pagkain kaya napagdesisyonan kong magpahinga na. Naglinis ako ng katawan bago ako nagsuot ng pantulog na damit samantalang siya naman ay pinaglinis ko na rin ng katawan at pinagpalit ko na rin ng damit. Dito ko muna siya sa sala pinatulog dahil hindi naman siya p'wede sa k'warto ko.
"Magpahinga ka na, malapit na rin matapos 'yong bago kong bahay sa tapat ng clinic ko kaya makakahiga ka na rin sa komportableng k'warto, sa susunod."
Tumango lang siya sa akin bago siya tumayo sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa akin. Medyo nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglapit niya. Hindi ko alam kung ano'ng binabalak niya pero hindi ako nakagalaw lalo na sa ginawa niyang pagyakap sa akin.
"Maraming salamat sa iyo. Ang sabi sa akin ng ibang hilios ay masasama talaga ang mga tao ngunit mukhang nagkamali ako na paniwalaan sila," sabi niya habang yakap-yakap niya ako sa baywang.
Biglang nagsitaasan 'yong balahibo ko sa batok dahil sa pagbulong niya sa likod ng tainga ko. Bumilis din ang pagpintig ng puso ko at alam kong naramdaman niya 'yon dahil magkadikit lang kami. Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at tipid akong nginitian bago ulit umupo sa sofa na siyang hihigaan niya.
"M-magpahinga ka na... b-babalik na ko sa k'warto," nauutal kong sambit.
Mabilis akong naglakad papuntang k'warto ko 'tsaka ako napasandal sa nakasarado pintuan nang makapasok ako sa loob. Napahawak ako sa dibdib ko kung na saan ang aking puso na sobrang bilis ng tibok. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ang bilis ng tibok nito? Nagpasalamat lang naman siya sa akin at normal lang ang magpasalamat. Pero bakit nagwawala itong puso ko! Hindi 'to p'wede! Bawala ito!

Bình Luận Sách (78)

  • avatar
    ApiladoJm

    wow

    15d

      0
  • avatar
    Cristine Ruda

    Ang Ganda ng kwento nag kakilala sila dahil nakahandusay yung lalaki at nakita Ng babae

    31/07

      0
  • avatar
    Maxine Delavega

    ang ganda ng story

    23/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất