logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6 - Pandak

Ken's Point of View
Pagpasok ko kinaumagahan ay muli akong inihatid ni manong Jose. Muli ko rin siyang pinakiusapan na sunduin ako rito mamayang hapon.
"Magtext na lang po kayo mayang hapon serr..." untag niya sa akin.
"Sige po." I smiled.
Nang nasa tapat na ako ng gate ay muli kong naalala 'yong pangyayari kahapon, hindi na ako nagtaka nang mabasa ko ang nasa tarangkahan. Pinalitan nila 'yong karatula roon.
Muli kong nakita 'yong guard na parang bouncer at tumungo siya nang lingunin ko rito sa pwesto ko. 'Mabait ka naman pala kung gusto mo...'
Unknown: Nasa school ka na? :)
Text nang kung sinuman sa akin kaya agad akong napakunot-noo. Sino namang magbibigay ng number ko rito? Napakamot ako sa aking baba. Agad akong nagtipa ng reply.
Me: Ho u?
When I clicked the send button ay naglakad na ako while holding my phone, in case magreply siya at malaman ko agad kung sino siya.
Walang pang isang minuto ay may reply na siya.
Unkown: Hindi pa ba niya nasasabi sa'yo?
'Ha? Sinong magsasabi sa akin?'
Me: Ano? Anong sinasabi mo? Can you just answer my simple question?
Reply ko muli at pagkatapos ay tinungo na ang second floor. Buti maaga ako ngayon and thankful na rin ako dahil malapit lang ang school sa bahay namin. Hindi na ako malelate.
Subalit, wala akong natanggap mula roon sa mystery sender na 'yon, natakot yata sa haba ng reply ko. I shrugged before entering the room.
Pagpasok ko, still, ganoon pa rin ang ambiance. Comparing my former school, halatang mas magara ang school na ito kaysa roon. Pagkaupo ko sa seat ko ay may lumapit na babae, siya 'yata 'yong pabebe kahapon, I guess? Hindi ko maalala 'yong pangalan niya.
"Hi!" masiglang bati niya sa 'kin, inipit pa niya 'yong buhok niya roon sa kanyang tenga.
Tumingin ako sa kanya, bigla siyang nailing, napansin ko pa ang pamumula ng kanyang pisngi.
"H-hello..." I replied, even though I got stuttered, I managed to smile at her.
"OMG! Ang gwapo mo namnan!" impit na tili niya sa akin dahilan upang mapahiya ako.
"A-ah, hehe..." pilit ang ngiting ipinakita ko sa kanya, umayos ako ng upo, kaso nailing ako nang bigla niya akong siyasatin.
"Kaso, mukha kang shuteyyyy e! Haha!" gulat ako nang tumawa siya, 'yong tawang sobrang over-acting.
"Ha?" wala sa sariling tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
"Diyan ka na nga, 'di ka naman pala tunay na lalaki..." aniya pa dahilan upang mas mapahiya ako sa mga kaklase ko rito.
'Yong mga kalalakihan ay mga nakatingin sa akin, they are all grinning, hindi ko alam kung nang-iinsulto ba sila or what.
"Anong nangyayari rito?" biglang eksena ng isang pamilyar na boses, nilingon ko siya at muling nagtagpo ang mga paningin namin kasabay na rin niyon ang pagtagpo ng kilay ko.
"Si Champ!"
"Oh My Gosh! Narinig niya kaya 'yong mga sinabi mo?"
"Eh ano naman ngayon!?"
"Tanga ka ba? Magkaibigan 'yang dalawang 'yan..."
"Really? I don't care..." sabi niyong namahiya sa 'kin.
"What did you to him?" Champ asked, walang bakas na emosyon sa kanyang mga mukha.
Hindi ko alam ang history nitong Champ na ito rito dahilan para manahimik silang lahat.
Lumapit siya sa kinauupuan ko and grab my left arm, ang higpit ng hawak niya sa akin. Kulang na lang ay kaladkarin niya ako palabas, buti na lamang ay maingat siya at marahan ang paghawak niya sa 'kin.
Dinala niya ako rito sa cafeteria, tsaka niya lamang niya ako binitawan nang masigurong malayo na kami roon. Nilingon niya ako, nakakunot-noo siya, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Kakaiba 'yong awra niya ngayon.
Inirapan ko siya dahil wala akong maisip na itanong. Ayaw ko pa namang insultuhn siya ngayon dahil sa nakikita kong awra niya. His smiles is better than this kind of eerie feelings na nararamdaman ko towards him.
"Tara, kain tayo..." buti na lang nagsalita na siya and ngummiti na siya.
'Weird...'
"Ba't mo pa 'ko sinama-sama rito, kakain ka lang pala!" inis na usal ko sa kanya.
Ngunit nginitian niya lamang ako, imbes na sagutin na naman akong pabalang ay inakay niya lang akong parang tanga. At ako namang si tanga talaga ay nagpadala naman sa kanya. Tsk!
Pinaupo niya ako, para lang siyang timang na nakangiti sa akin. He, then, sighed at saka tinungo ang counter para umorder.
Pagbalik niya ay may bitbit na siyang tray na puno ng mga pagkain. Kung maka-order ay parang hindi lumamon ng isang linggo.
"Are you serious? Kakainin mo lahat 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
He just, again, smiled.
"Sasaluhan mo 'ko..." usal niya, seryoso while nakangiti.
"W-what?" gulat na tanong ko.
"Kaya kita dinala rito dahil sasaluhan mo 'ko, alangan namang ako lang ang uubos nito?" untag niya dahilan upang mapitlag ako sa aking kinauupuan.
"So, 'yon pala 'yong purpose ko rito?" halukipkip ko. Tumango-tango siya at humagikhik.
"Say, Ahhhh..." inilapit niya sa bibig ko 'yong fries.
Nakaramdam ako ng kahihiyan sa ginagawa niya at hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko sa ginagawa niya. Nararamdaman ko 'yong pag-iinit ng pisngi ko.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?" galit na bulong ko sa kanya at nagpalinga-linga. Baka kasi may makakita sa amin.
"Ano pa ba? E 'di sinusubuan ka..." walang kagatul-gatol na sagot niya sa akin at muling ngumiti.
"Tsk! Ayon na nga... Baka may makakita sa atin!" pigil na sigaw ko sa kanya.
He suddenly pursed his lips dahilan para mapatingin ako sa pinkish niyang labi. Umiwas ako ng tingin doon at pumulot ng fries at sinubo agad. Narinig ko ang pagbungisngis niya.
"Ang cute mo..." anya, I rolled my eyes annoyingly.
"I'm not your pet..." nguya ko ng fries.
Muli lamang siyang tumawa sa harapan ko subalit sa pagtawa niya, nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Hindi ko alam kung bakit ko tinititigan ang mga mata niya, at sa pagtitig ko roon ay doon ko nalaman ang katotohanang tinatago niya sa lahat.
'He's so fragile.'
He couldn't tell it to anyone but I can clearly see it, even though hindi niya sinasabi sa akin, nababasa ko ang lungkot na 'yon sa mga mata niya.
Twenty minutes later, takteng hindi ko nararamdaman 'yong oras namin. Hindi sa napapasarap ako sa pagkain, paano e destructive masyado itong si Champ. Ang pangit ng pangalan.
"May message ka..." untag niya ng makitang umilaw ang screen ng phone ko.
Pagkuha ko'y nakita ko 'yong name niya sa lockscreen ko.
Troy: Nasan ka?
Kumunot ang noo ko, bakit naman niya ako hinahanap this time?
Me: Andito sa room, bakit?
I lied. Then, may reply na siya agad.
Troy: Suus! Room daw, geh, take your time ;)
Bigla akong nasamid ng mabasa 'yon, umiinom kasi ako. Nilingon ko ang paligid namin, nagpalingalinga ako.
Troy: Enjoy ;-)
WTF!
"May problema ba?" tanong ni toothpick.
"Ha? Wala..." I lied.
"Anong wala e, hindi na nga maipinta 'yang mukha mo e!" ngisi niya. Nakaharap na rin pala siya sa phone niya.
"Sinasabi mo diyan? Bilisan mo na kaya?" inis na saad ko.
He grinned and nodded.
"Let's go!" masiglang sabi niya sa akin.
"Hmm..." tinanguan ko rin siya tsaka kami lumabas pareho sa cafeteria.
Nang nasa quadrangle kami ay pinagtitinginan kami ng mga kababaihan. May mga napapatakip sa kanilang mukha at napapatingin sa kanilang mga phone.
'Paano e ang sikat-sikat ng taong kasama ko ngayon...'
"Ang sikat mo na..." biglang salita niya sa tabi ko.
"A-ako?"
"Sino pa bang kausap ko?"
"Ewan ko sa'yo? Hindi naman kita kinakausap a, at wala rin akong balak na kausapin ka..."
"Sure ka?" bigla kaming napatigil, hinarap niya ako at nakangiti pa.
"Hmm.." tumango ako at alanganing tumingin sa kanya.
"Tigil-tigilan mo nga 'yang kakangiti mo sa harapan ko! Nagmumukha kang kambing..." irap ko.
"Haha! Kaya kita gustung-gusto kausap e..."
"Dahil natatawa ka palagi? Ganoon? Payaso ako? Tss!" muli ko siyang inirapan at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ito naman, hindi na mabiro, uyy! Hintayin mo 'ko!"
"Bahala ka sa buhay mo!"
"Huyy!"
"Hindi ako huyy!"
"Ken! Hintayin mo 'ko! Ang pandak-pandak mo tapos ang bilis mo maglakad!" insulto niya.
'Aba't!'
Huminto ako at nilingon siya ng sobrang sama. Pinagmasdan ko ang height niya, nakita ko rin ang takot sa kanyang mukha. Bigla siyang kinabahan.
'Tama siya, mas matangkad siya kesa sa 'kin...'
Muli ko siyang tinalikuran at naglakad ng mabilis. Pakialam ko kung mas matangkad siya kesa sa 'kin. As if may paki ako.
'Iniinsulto mo pati height ko! Isa pa talagang toothpick ka, makakatikim ka na talaga sa 'kin!'
"Pandak! Hintayin mo 'ko!"
"Neknek mo!" sigaw ko rito sa hallway kaso bigla akong napahiya ng sitahin kami niyong teaher.
"Lower down your voice!"
"Sorry po, ma'am!" paumanhin ko, sakto nang nasa likuran ko na si Champ.
"Aish!" inis na usal ko at mabilis na muling umakyat ng hagdan.
Then, nag-vibrate ang phone ko.
Unknown: Pst!
Isa pa 'tong sender na 'to na ayaw paawat sa kakatext.
Me: SINO KA BA TALAGA?
Galit na tanong ko, at nang ma-send ko 'yon ay pumasok na ako sa loob ng room. Katatapos lang ng first period.
Unknown: Secret.
Nainis lang ako ng sobra. Kaya naman ay in-off ko na ang phone ko.
Maghapon kong tinamasa ang pagkainis, una kay Champ tapos pangalawa, itong sender na ito na sobrang napaka-epal.

Bình Luận Sách (29)

  • avatar
    ApiladoAngelou

    so nice I like story

    11/07

      0
  • avatar
    GabAndrea Clado

    haha

    09/07

      0
  • avatar
    Shan Michael Pangan

    hyyjo

    08/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất