Lord, kung aabot po ang kamay niyo rito pakibatukan naman po itong katabi ko. Kanina pa siya nakatingin sa braso kong may galos, imbes na magdasal siya, sa braso ko nakatingin. Iyan ang huli kong dasal, kanina pa kasi nakatingin si Rexford sa braso ko. "Bakit ka ba nakatingin sa braso ko?" bulong ko kay Rexford nang maka-upo ako galing sa pagluhod. Tumingin siya saglit sa'kin at bumalik na naman sa braso ko. "Are you sure, you're okay? do you want me to bring you to the hospital?" English nang English naman ang isang 'to. "Sir, kung nababahala ka po sa braso ko wala po ito. Sabi ko naman, malayo 'to sa bituka." sabi ko sa kanya, "Sir, nagdadasal ka ba? parang hindi e." pagkasabi ko no'n, napaiwas siya ng tingin at tumingin sa harap ng altar. Bakas sa mukha niya ang lungkot, mukhang mali ang tanong ko. "I don't pray, I mean matagal ko nang tinigil." tumayo siya at tumingin sa'kin. "Tapos ka na ba magdasal? can we go home?" bumalik ang boses niya sa pagiging malamig. Nakatingin lang ako sa kanya na may pagtataka, paanong tinigil niya? May nangyari kaya? Sinunand ko lang ng tingin ang pigura niya na nakatalikod habang naunang maglakad. Parte kaya sa sakit niya ang dahilan kung bakit hindi na siya nagdadasal? "Why are you still standing in there? let's go Rhenise," agad akong naglakad papunta sa kanya, inabot niya sa'kin ang isang helmet ng motor at sinuot ko agad ito pero hindi agad ako nakasakay. Nakatingin lang ako sa likod niya. "What now? ang init na," dahil sa maotoridad nitong sabi, sumakay ako sa likod at nahihiyang kumapit sa balikat niya. Kinakabahan ako na ewan. Ang bango niya kahit pawisan, parang hindi nawawala sa katawan niya ang bango. Nawa'y lahat. "Hold tight, Rhenise." rinig kong sabi pero hindi ko ginawa kaya nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang dalawa kong kamay at pinalupot sa baywang niya nang dahilan ng pagkagulat ko. Nasubsob tuloy ang mukha ko sa likod niya, sobrang lapit ko na sa kanya. Nagsimula nang umandar pero hindi parin ako gumagalaw sa likod niya, gusto kong alisin ang kamay kong nakapulupot sa kanya pero hindi ko magawa kahit naman mabagal ang pagmamaneho niya. Naamoy ko ang kanyang mabangong pabango, sa sobrang lapit ko ba naman sa kanya. Ang tigas ng kanyang katawan ay nararamdaman ko rin sa aking kamay, nanginginig ang aking ako ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hanggang sa nakarating kami sa mansyon. Natigil ako sa pagtanggal ng suot kong helment nang may biglang humili sa'kin ng marahas. Gulat akong tumingin sa babaeng masamang nakatingin sa'kin. Napangiwi ako nang maramdamang sumakit ang sugat ko sa braso, roon niya nahawakan pagkahila niya sa'kin. "Camille, what are you doing?" bakas sa boses ni Rexford ang galit. Nilapitan niya ako at tiningnan ang braso ko. "Are you okay?" nag-alala niyang tanong. Suminghap si Camille sa gilid namin. "Why are you with her, Rex?" galit na tanong niya, napa-atras ako at inalis ang nakahawak na kamay ni Rexford sa'kin. "Anong ginagawa mo rito?" pabalik na tanong ni Rexford, yumuko ako at aalis na sana nang hilahin ulit ako ni Camille. Napangiwi ulit nang sa may sugat ko na naman siya nakahawak. "Huwag kang tumakas, babae." galit na sabi niya. "Camille, let's talk this alone. Sige na Rhen, pumasok ka na." mahinahon ngunit may diin na sabi ni Rex. "Bakit mo siya pinapaalis?" rinig kong sabi ni Camille nang makatalikod ako sa kanila. "Wala naman siyang ginagawa, bakit mo siya sinasaktan?" huling narinig ko mula kay Rexford at tumakbo na papasok sa loob. Ang sakit na tuloy ng braso ko. Nagmamadali akong magbihis para makatulong kina Manang at magpasalamat na rin kay ate Nita na pinautang niya ako. Paglabas ko ng kwarto bumungad sa'kin ang mukha ni Rexford. Gulat akong umatras dahil muntikan na akong masubsob sa dibdib niya. "S-sir, ano po 'yon?" hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan minsan kapag kaharap siya. Bumaba ang tingin niya kung saan ang sugat ko. "Are you okay? pasensyahan mo na si Camille, she's a tiger kapag nagseselos siya." sabi nito, kumunot naman ang noo ko sa kanya. "Bakit naman po siya magseselos? sa'kin ba siya nagseselos sir? wala naman po akong ginagawang masama." sabi ko sa kanya. Bakit ba ako ang pinagseselosan ng babaeng 'yon. Nananahimik ako sa buhay. "Yeah, I don't know too. Anyway, I just passed by to apologise to you." pagkatapos niyang sabihin 'yon, tumalikod na siya. Naglabas ako ng hangin mula sa bibig ko at naglakad na patungo sa kusina. "Kanina ka pa inaantay ni Mica at Kendrine, Rhen." iyan agad ang bungad sa'kin ni Ate Nita. "Bakit daw po ate?" tanong ko. "Hindi ko alam, nasa taas sila. Baka bababa na ang dalawa para punta-" "Manang! dumating na ba si Rhenise!" napatingin ako sa labas ng kusina nang marinig ang boses ni Mica. Nang makita niya ako, ngumiti siya at nilapitan ako. "There you are! kailangan mong sumama sa'min." bakas sa mukha niya na para bang excited siya. "P-po? saan ma'am?" taka kong tanong. "Shopping! Kendrine will help us to choose your clothes." hindi parin nawala ang pagkunot ng noo ko sa sinabi niya. "Nagpaalam kasi kami kay mommy na kung puwede isama ka namin sa pag-aaral para na rin mabantayan mo ang kapatid ko." halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napa-awang ang labi at siya naman ay bakas na bakas sa mukha ang galak. "Aren't you excited? na kwento ni Manang sa'min na hindi ka na raw nag-aaral kaya ayon." tumawa pa siya ng bahagya. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatayuan ko. "Pasensya na po, pero h-hindi po ata tama na sasabay pa ako sa pag-aaral kasama kayo." yumuko ako pagkatapos kong sabihin iyon. "Hey, huwag kang mahiya. Sabi ni mama sweldo mo rin naman ang ipangbabayad mo sa school kasabay nang pagsisilbi kay Rex kung iyon ang dahilan kung bakit ka mahihiya. Tsaka si Rex lang naman ang trabaho mo rito sa'min kaya madali lang sayo ipagsabay sa pag-aaral." mahabang sabi niya, hindi ko parin alam kung ano ang sasabihin ko. Matagal kong pinangarap na makapag-aral ako. "A-alam ba ni sir Rex?" tanong ko, ngumiti siya at tumango. "Yes, sang-ayon siya para narin daw malapit yung taga-silbi niya sa kanya. Ano na? tara na!" hinila niya ako palabas sa kusina. "Saan kayo pupunta?" napahinto kami nang makita si Rexford sa sala. Tumayo naman bigla si Kendrine at pumunta sa tabi namin. "Let's go na ba?" tanong nito nang hindi pinansin ang tanong ni Rexford. "Oh, brother. Aalis kami kasama si Rhenise, pwede naman siguro namin siyang hiramin from you?" sabi ni Mica, tiningnan lang siya ni Rexford at bumalik ang tingin sa'kin. Agad akong napaiwas, pakiramdam ko mapapaso ako sa bawat titig niya. "No," gulat kaming tumingin sa kanya. "Hephep, my handsome cousin. Bakit ayaw mong isama namin si Rhenise, bibili kami ng mga gamit niya for school." pagtataray ni Kendrine sa pinsan niya. "She can't go unless...." hinintay pa namin ang sasabihin niya. "Unless what, Rex?" tanong ni Mica. "She can't go unless, I'm with you."
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 26 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (199)
Jenna Joy Cruz Umali
omg diko alam sa bawat pag basa ko nababaliw na pala ako HAHAHAHHAHA btw Ang ganda ng story huhu!! more story pa po. thankyouu sa magandang babasahin🤎
omg diko alam sa bawat pag basa ko nababaliw na pala ako HAHAHAHHAHA btw Ang ganda ng story huhu!! more story pa po. thankyouu sa magandang babasahin🤎
23/07/2022
0Ganda nang story
24/10
0done
10/10
0Xem tất cả