"Si nanay?" tanong ko sa kapatid kong si Rhian na busy sa pagbabasa. Napahinto siya at napa-awang ang labi nang makita ako, agad niya akong nilapitan at niyakap. "Ang tagal mong umuwi," napangiti ako nang sumimangot ang kanyang mukha pagkatapos niya akong yakapin. Apat kaming magkakapatid, si Rhian lang ang nakakasundo ko. Hindi ko pa masiyang nakakausap ang isa ko pang kapatid na babae dahil hindi ko alam kung bakit inis siya sa'kin, yung bunso naman namin ay bata pa at hindi pa masyadong nagsasalita pero namiss ko rin 'yon alagaan. "Si Rhione?" tanong ko. "Tulog ate, kakatulog lang. Si Rhema naman ayon gumala kasama ang mga kaibigan." tukoy niya sa isa pa naming kapatid na babae. Tatlo kaming babae at ang bunso namin ay si Rhione, nag-iisang lalaki. "Si nanay pala umalis, bumili ng pagkain. Ate bakit nga ngayon kalang nakauwi? alam mo bang galit na galit si nanay sa'yo, akala niya kinalimutan mo na kami o nag-asawa ka na." gusto kong matawa sa sinabi niya. Umupo muna ako at hinarap siya. "Lumipat ako ng bagong amo dahil pinalayas ako ng dati kong amo kaya kailangan ko munang maghanap bago ako umuwi rito." paliwanag ko sa kanya. "May dala ka bang pera? alam mo naman 'yon si nanay." sabi niya, natutuwa ako na kahit papaano ay may karamay ako sa buhay at iyon ay si Rhian, siya lang ang nakakaintindi at nakakaalam sa'kin. Tumango ako sa kanya at kinuha ang pera na inutang ko kay ate Nita kanina. Nakakahiya kasing bumale kay ma'am Elaine, kay bago ko palang ay bumabale na. Buti nalang pina-utang ako ni ate Nita kahit pangbigay ko lang kay nanay ngayon. "Salamat nam-" hindi natuloy ang sasabihin ni Rhian nang may magsalita bigla. "Oh, bumalik ka na pala." napatingin ako kay Rhema na kakapasok lang at tinaasan ako ng isang kilay. Hindi ko siya pinansin, mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya pero kung umasta siya para bang siya ang panganay. Sa aming apat siya ang pinaka-spoiled at laging kinakampihan ni nanay, sa aming apat din, ako lang ang hindi nakapag-aral, silang dalawa ni Rhian ay nag-aaral. Si Rhione naman, syempre bata pa 'yon kaya hindi pa nag-aaral. "Akala namin ay nag-asawa ka na," ang oa niya ah, ilang linggo lang naman akong hindi naka-uwi. Nag-asawa agad ang nasa isip nila. "Saan ka galing?" tanong ko na mas lalong ikinataas ng isa niyang kilay. Wala kasi si nanay kaya may lakas na loob akong tarayan din siya, kapag kasi nandito si nanay tahimik lang ako, hinayaan silang mag-ingay dalawa. Ayaw kong gumawa ng pagkakamali na pagsisihan ko lang din balang araw, may sakit si nanay kaya ayaw kong mapahamak siya. Si tatay? syempre may tatay pa kami, lagi nga lang nag-iinom. "Bakit mo tinatanong? sino ka ba para magtanong?" pagtataray pabalik nito. Napailing nalang ako at akmang tatayo nang makita namin si tatay na kakapasok lang at lasing na lasing. "Uy, tatlo kong prinsesa." sabi nito at tumawa pa, pa-ika-ika itong maglakad. Nilapitan ko agad siya at inalayan, tumulong na rin si Rhian, itong si Rhema tumingin lang na parang walang pakialam. "Tay, naglalasing ka na naman." sabi ko at pinaupo na namin siya sa maliit na sofa. "A-anak," tumawa siya at hinubad ang damit na halatang naiinitan. Si Rhian na ang nagpatuloy sa paghubad, napailing ako sa kalagayan ng tatay ko. "Rhenise, ikaw ba 'yan anak?" lasing na sabi nito. "Ang laki mo na anak, kailan ka pa umuwi?" dagdag niya pa at papikit na ang mata. "Tay, magpahinga po muna kayo." sabi ko at pinahiga siya sa sofa. "Dito ka muna matulog anak, namiss ko kayong magkasama." pagkatapos niyang sabihin 'yon tuloyan na siyang nakatulog. Nagkatinginan kami ni Rhema na agad naman niya akong inirapan. Naglabas ako ng buntong hininga habang pinagmasdan si tatay. Pinunasan na rin siya ni Rhian. Kay tatay kami close ni Rhian, sa kanilang dalawa ni nanay, si tatay 'yong maunawain. Nagsimula ang paglalasing niya nung nawalan siya ng trabaho at hindi na tinaggap kahit saan. Kaya simula no'n, tumigil ako sa pag-aaral at ako ang tumulong kay nanay maghanap-buhay. Hindi madali, sobrang hirap makipag-sapalaran sa laro ng buhay. "Rhenise," napalingon ako sa pamilya na boses, nakita ko si nanay na may dalang bilihin kaya agad ko siyang tinulongan at nagmano sa kanya. "Umuwi ka pa," hindi ako sumagot sa sinabi niya, dinala ko nalang sa kusina ang mga binili niya. Pagkatapos naming ayusin ni Rhian ang mga pinamili niya kinuha ko ulit ang pera sa bulsa ko at inabot kay nanay. "Pasensya na po kung 'yan lang nay, pinalayas po kasi ako sa una kong amo at lumipat agad sa iba kaya po hindi ko pa talaga sweldo." paliwanag ko kahit hindi niya naman tinatanong. Kinuha niya ang pera sa kamay ko at binilang ito. Tumingin siya sa'kin at tumango, nakahinga ako ng maluwag nang hindi siya nagalit. "Dito ka na matulog, bukas ka na bumalik sa trabaho," pagkasabi niya non lumabas siya sa kusina. Nagkatinginan kami Rhian at sabay na ngumiti. "Tabi ulit tayo matulog!" masayang sabi sa'kin ng kapatid ko, sobrang miss ko sila kaya agad naming pinuntahan si Rhione. "Ache!" bungad bg kapatid ko nang makapasok kami sa kwarto, kakagising lang ata. Niyakap ko agad siya. "Hello bunso, gwapo pa rin ah." sabi ko at pinaulanan siya ng halik sa mukha. Kinagabihan, sabay kaming kumain. Nahimasmasan si tatay kaya akala niya kanina nanaginip daw siya na nandito ako, tuwang-tuwa siya nang makita ako pagkagising niya. "Kumusta anak? hindi ka naman ba nahirapan sa amo mo, baka pinahirapan ka ah." malambing na sabi ni itay. Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Hindi tatay, ang bait nga po ng bago kong amo. Huwag po kayong mag-alala maayos naman po ang lagay ko sa kanila." sabi ko para hindi na siya mag-alala kahit na hindi ko pa naman talaga alam kung ano ang kakalabasan sa pananatili ko kina ma'am Elaine. "Mabuti, pasensya ka na anak ah kung ikaw pa ang gumawa ng dapat ay ako. Hindi ka tuloy nakapag-aral ulit." malungkot na sabi ni itay, tahimik lang sila nanay na nakikinig sa'min. "Wala 'yon tay, basta po para sa inyo gagawin ko ang lahat." sagot ko sa kanya at ngumiti. "Pasikat," otomatiko akong lumingon sa katabi kong si Rhema. "Pagkatapos ni Rhema at Rhian ikaw naman ang mag-aaral anak. Tuloy mo pa rin ang pangarap mong maging abogado." gusto kong umiyak sa sinabi ni tatay, alam na alam niya parin ang gusto ko. "Kumain na kayong dalawa." nahinto ang pag-uusap namin nang biglang magsalita si nanay habang sinubuan niya si Rhione. Nagkatinginan nalang kami ni tatay sabay iling. Dito talaga kami nagkakaintindihan, pasalamat ko nalang na mayroon akong Rhian, Rhione at tatay na kaya akong suportaan kahit anong mangyari. Sapat na sa'kin na kaunti lang ang susuporta at maniniwala sa kakayahan ko, basta ang mahalaga meron. Kinabukasan, maaga akong umalis dahil magsisimba pa ako. Gusto sanang sumama ni Rhian pero hindi siya pinayagan ni nanay dahil mag-aaral pa ito. Linggo ngayon kaya pagkatapos kong magsimba babalik na agad ako sa trabaho, wala rin naman akong gagawin sa bahay kung sa Lunes pa ako aalis. Habang naglalakad ako papunta sa simabahan dahil malapit nalang ito, hindi ko napansin na may paparating na motor kaya agad akong pumunat sa gilid na akala ko ay magiging maayos ang pagtabi ko. Natapon ako sa may damo, nakaramdam ako ng kirot sa braso ko. Pagkatingin ko, nakita kong may galos akong natamo. Hindi ko napansin na may bato pala. "Shit, are you okay?" hindi agad ako nakasagot sa narinig kong boses dahil nakatingin lang ako sa sugat ko at hinihipan ito. "Hey, ayos ka lang ba?" Dahan-dahan akong lumingon sa nagsalita at laking gulat ko nang makita kung sino ito. Basang-basa ang kanyang mukha na halatang nagmula sa pawis, bakat din ang kanyang magandang hulma na dibdib. Bigla akong kinabahan nang magtama ang mata namin, kita ko rin kung paano siya nagulat nang makita ako. Si Rexford lang naman ang nakita ko. "Shit, damn it. Ayos ka lang ba?" nataranta niyang tanong kaya agad niya akong inalayan. Masakit din 'yong pwetan ko ah. "What the hell are you doing here? bulag ka ba? hindi mo alam na may nag-racing dito?" hindi ko alam kung ako ang sinisi niya o ano, ako nanga 'yong napahamak tapos mukhang kasalanan ko pa. "W-wow, pasenya na po ah. Ang tanga ng motor, hindi umiwas." sabi ko at umirap. "I'll bring you to the hospital," ang oa, galos lang naman at malayo sa bituka. Tumayo ako ng tuwid at humarap sa kanya. "Hindi na sir, galos lang ito atsaka magsisimba pa po ako, nahuli na ako sa mesa. Babalik narin ako sa bahay niyo pagkatapos kong magsimba." huminto ako saglit sa pagsasalita at inayos ang sarili ko. "Sige sir, pasensya na po ulit. Pasabi nalang sa motor mo na mag-ingat sa susunod at huwag po siyang tanga." dagdag ko at akmang aalis na nang hilahin niya ako, tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kabilang braso ko. Mukhang napansin niya na nakatingin ako roon kaya agad niya itong inalis. "Where are you going? ihahatid na kita sa bahay." gusto kong umirap sa sinabi niya. "Magsisimba pa po ako," sagot ko. Magpapaalam na sana ulit ako nang magsalita ulit siya. "Samahan na kita magsimba."
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 34 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (199)
Jenna Joy Cruz Umali
omg diko alam sa bawat pag basa ko nababaliw na pala ako HAHAHAHHAHA btw Ang ganda ng story huhu!! more story pa po. thankyouu sa magandang babasahin🤎
omg diko alam sa bawat pag basa ko nababaliw na pala ako HAHAHAHHAHA btw Ang ganda ng story huhu!! more story pa po. thankyouu sa magandang babasahin🤎
23/07/2022
0Ganda nang story
24/10
0done
10/10
0Xem tất cả