"Nako naman Mico, where have you been last night? Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo, sinama mo pa si Rhenise!" sermon ni ma'am Elaine sa kanyang anak, naririnig ko lang mula sa sala habang nandito ako sa kusina nagtitimpla ng gatas para kay Rexford. Para talaga siyang bata kung alagaan, bakit naman si ma'am Mica wala namang problema o saltik sa utak kumpara sa kakambal niya. "Uminom 'yan na—" hindi natapos ang sasabihin ni Mica nang ibato ni Rexford ang unan sa kanya. Dahan-dahan ko namang inilapag ang gatas sa lamesa na nasa harap ni Rexford. Aalis na sana ako nang tawagin ako ni ma'am Elaine. Bigla akong kinabahan nang nakatingin pala sa'kin si Rexford, kinakausap niya ako gamit ang kanyang mata na para bang sinasabing manahimik ako at kung hindi, lagot ako sa kanya. "P-po?" tanong ko kay ma'am Elaine. "Saan kayo galing kagabi?" hindi ko alam kung matatakot ako kay ma'am Elaine o sa anak niyang walang kurap na nakatingin sa'kin. Bakit ba kasi hindi niya nalang sabihin ang totoo, dinadamay niya pa ako. "A-ah, n-nagpapasama lang po si sir kagabi na magpahangin po. O-opo tama po, pahangin po galing kagabi." sabi ko at yumuko na, lintek talaga 'tong isang to. "Magpapahangin? P'wede niya naman buksan ang veranda ng kwarto niya at doon siya magpahangin. Hmm, something fishy brother ah." binabawi ko na ang sinabi ko kaninang walang saltik sa utak si Mica, bakit ba ayaw niya nalang din sumabay para naman makahinga ako ng maluwag. "Nevermind, sige Rhenise puwede ka ng bumalik sa kusina." Tumango ako at agad nang umalis pagkasabi ni ma'am Elaine. Pagka-rating ko sa kusina, lumapit sa'kin si ate Nita. "Kumusta kagabi? nag-enjoy ka naman?" bulong niya sa'kin. "Hindi po, wala naman akong kilala ro—" hindi natapos ang sasabihin ko nang marinig naming sumisigaw si Rexford. "I don't want this life mom, hindi ito ang gusto ko! gusto kong maging malaya, nakaka-pagod na, akala ko ba magaling na ako, akala ko ba puwede na akong gumawa kahit anong gusto ko? what is happening? ayaw ko na ng mga gamot mom!" Agad kaming pumunta sa sala, nakita namin si Rexford na pa-akyat papunta sa kwarto niya, nagdadabog. Tumingin ako kay ma'am Elaine na napa-sapo sa kanyang noo, bakas sa mukha niya ang lungkot at ang kaninang nang-aasar na si Mica ay bakas din ang pag-alala. "Kausapin ko nalang muna si Rex nay." Lumapit si Mica sa kanya pero umiling lang si ma'am. "Hayaan muna natin siya, kailangan niyang mapag-isa," sabi nito. Napansin niya sigurong nakikinig kami kaya biglang umalis si Ate Nita at bumalik sa kusina, ganon narin sana ang gagawin ko nang tawagin niya ulit ko. "Maupo ka muna," utos niya sa'kin na agad kong ginawa. "Alam kong hindi ko na dapat sabihin sa'yo 'to pero mukhang ikaw na ang laging makakasama ng anak ko." panimula niya. Bumuntong-hininga ito at tumingin sa'kin ng seryuso. "He's sick." Natigilan ako sa sinabi niya, hindi makagalaw. "He really need us. A-akala namin magaling na siya dahil matagal namang na operahan but after how many years came, nagsisimula naman siyang mahirapan dahil sa sakit niya. So please, Rhen, I am begging you. Help us, kailangan niyang mainom sa tamang oras ang mga gamot niya, he's not allowed in crowded places and ofcourse, smoke and hard drinks." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ako makapaniwala na matagal ng may sakit si Rexford. "I am trusting you, sana hindi mo iwanan ang anak ko kagaya ng mga nauna." hinawakan niya ang kamay ko. "Can you do that for us?" tanong nito, tanging tango lang ang nagawa ko. Ngumiti siya at tumayo. "Thank you, don't worry may day off ka pa rin naman, dalawang araw." huling sinabi niya at nagpa-alam ng umalis. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nang malaman ang kalagayan ni Rexford, kaya ba masungit siya? kaya ba ganon nalang siya magalit kanina, dahil maraming bawal sa kanya. Kailangan kong maging tutok pala sa kanya, maging maingat. Kinabukasan, maaga akong gumising para magpaturo kay Manang na magluto para kay Rexford. "Bawasan masyado ng matamis yung pagkain niya, dapat hindi rin sobrang alat. Sakto lang ang timpla." paliwanag ni Manang habang ginagawa ang umagahan ni Rexford, pinagmasdan ko lang ang ginawa niya para sa susunod ako naman ang gagawa nito. "Sige, ilagay mo na sa plato." utos niya na agad ko namang ginawa. "Tatawagin ko na po si sir Rexford," sabi ko at akmang aalis na nang pigilan ako ni Manang. "Dalhin mo nalang 'tong pagkain niya sa kwarto at doon na siya kakain. Kapag ganon na nagsasagutan sila ng mama at papa niya, hindi siya lalabas ng kwarto." taka ko siyang tiningnan, ganon ba 'yon? "Hindi po ba siya nag-aaral Manang?" tanong ko. "Nag-aaral siya, mamaya pa ang klase niya. Nauna lang si Mica dahil maaga ang klase nito, ikaw ba ija nag-aaral ka pa ba kasabay ang trabaho mo?" natahimik ako sa tanong niya, kinuha ko ang tray na may laman na pagkain. "Hindi na po ako nag-aaral Manang," sabi ko sabay iling. "Ihahatid ko lang po." tumalikod na ako at naglakad na papunta sa kwarto ni Rexford. Nang makarating ako sa harap ng pinto niya, kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumagot o magbukas man lang. Kumatok ulit ako ngunit ganon pa rin kaya binuksan ko nalang ito ng dahan-dahan. "Sir," tawag ko nang makapasok ako. "Sir, umagahan niyo po." banggit ko ulit. Pagkatingin ko sa kama walang taong nakahiga, akala ko pa naman makakita ako ng nakahubad na katawan, char. Inilapag ko ang tray sa lamesang malapit sa kama niya. "Lumabas ba siya na hindi namin alam?" sabi ko at akmang aalis na ng kwarto nang marinig ang boses niya. "Pumasok ka na naman ng hindi nagpapaalam." halos manlaki ang mata ko sa baritong boses nito, lumunok ako ng dalawang bese at humarap sa kanya na agad ko namang tinakpan ang mga mata ko. "S-sir," kinakabahan kong banggit. "N-naubosan po b-ba kayo ng b-brief?" "S-shit, damn it! don't get your hands on your eyes." bakas sa boses nito ang pagtaranta. "Okay na, puwede mo na buksan." rinig kong sabi niya kaya dahan-dahan kong inalis ang kamay kong nakatakip sa mata. Napa-awang ako nang makita ko na naman siyang kulang ang suot. "Sir! w-wala rin po ba kayong damit o s-short man po na maayos?" tanong ko ulit at tumalikod sa kanya. Wala pa rin itong suot na damit na pang itaas at ang suot niya lang sa baba ay maliit na short na kulay itim, may bumakat na ano. Hindi ko alam kung ano 'yon, ayaw kong banggitin! "Nakita mo na nga ang nasa loob nito kanina, buti nga nakatago na." nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya sa'kin. Hindi pa rin ako humarap sa kanya. Lintek, nakita ko na naman sa isip ko ang nakita ko kanina, umiling ako at sinapo ang noo. Ayaw na tuloy maalis! "S-sir, aalis na po ako." sabi ko at naglakad na nakatagilid, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. "Is that my breakfast, right? I can't feed myself." huh? ano raw? "A-ano sir?" tanong ko. Narinig ko ang pagsinghap nito. "Puwede mo ba akong subuan? hindi ako maka-kain kako." sabi nito na ikinainit ng mukha ko. Dalawa na nga kamay niya, puwede rin isama niya ang dalawang paa para makakakain siya, kailangan pa talaga subuan? wala naman siguro sa kamay ang sakit niya? "Hindi po ba kayo marunong sumubo?" tanong ko na sana hindi nalang pala dahil sa pabalik na tanong niya. "Ikaw ba, marunong ka sumubo?" napapikit ako ng mariin dahil alam kong hindi niya makikita, nakatalikod pa rin ako sa kanya. "Marunong po, pero k-kaya niyo naman po ata pakainin ang sarili mo." sagot ko. "Tss, whatever. You're boring." sabi niya. "Okay you can leave now, I'll just call you if I'm done." dagdag pa nito. "Sana po magsuot na rin kayo ng damit, eat well." sabi ko at akmang lalabas na nang magsalita na naman ito nang dahilan ng pagka-hinto ko. "Eat me,"
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 30 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (199)
Jenna Joy Cruz Umali
omg diko alam sa bawat pag basa ko nababaliw na pala ako HAHAHAHHAHA btw Ang ganda ng story huhu!! more story pa po. thankyouu sa magandang babasahin🤎
omg diko alam sa bawat pag basa ko nababaliw na pala ako HAHAHAHHAHA btw Ang ganda ng story huhu!! more story pa po. thankyouu sa magandang babasahin🤎
23/07/2022
0Ganda nang story
24/10
0done
10/10
0Xem tất cả