logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

"Totoo nga ang issue tungkol sa papa ko," hagulgol ni Mia sa harap ng bestfriend niyang si Josh, habang magkasama sila sa paborito nilang spot.
Tahimik lang si Josh, nakikinig. Syempre bilang bestfriend, alam niyang minsan hindi kailangan ng salita kundi ng pakikinig lang.
“Buong buhay ko… hindi ko pinaniwalaan yung tungkol sa papa ko,” patuloy ni Mia, nanginginig ang boses at basang-basa ng luha ang mga mata.
“Iiyak mo lang ‘yan, lilipas din ang sakit,” mahinahong sagot ni Josh.
Umiling si Mia. “Hindi, Josh… hindi ito mawawala. Mananatili ang sugat na ginawa ng papa ko. Noon, akala ko si Mama ang mali. Kinampihan ko pa siya… pero ngayon napagtanto ko, si Papa pala talaga ang may kasalanan.”
Pinunasan niya ang luha at humugot ng malalim na hininga, saka dahan-dahang bumuga.
“Alam kong mali ang ginawa ng papa mo…” sagot ni Josh, sabay marahang tapik sa balikat niya. “Pero huwag mong hayaan na tuluyang kainin ka ng sakit. Isipin mo na may pangarap ka pa. Iyon ang mas mahalaga.”
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa, magkadikit ang mga balikat, para bang sapat na ang presensya para damhin ang bigat ng isa’t isa.
Ngunit si Mia ang muling bumasag sa katahimikan.
“Hindi ako bibitaw sa pangarap ko, Josh. Patuloy pa rin ako… pero sa ngayon, hindi ko pa rin kayang patawarin si Papa.”
“Alam kong masakit… pero huwag kang magtanim ng galit, Mia. Masama ‘yan,” mahinang paalala ni Josh.
Napalingon si Mia, puno ng kirot ang mga mata. “Gusto mo ba patawarin ko siya agad? Hindi ganun kadali! Oo, ama ko pa rin siya… pero paano ko kakalimutan yung sakit na ginawa niya sa amin ni Mama? Yung mga gabing akala ko si Mama ang mali…” nanginginig ang boses niya, at muli na namang namuo ang luha.
“Mia…” malumanay si Josh, at hinawakan ang kamay niya. “Alalahanin mong nandito ako. Hindi ka nag-iisa.”
Napakagat-labi si Mia, saka tuluyang sumandal sa balikat ni Josh. Habang pinapahid niya ang luha, hinahagod naman ni Josh ang kanyang likuran.
“Salamat, Josh… dahil palagi kang nandito para sa akin,” mahina niyang bulong.
“Syempre. Kaibigan kita. Hinding-hindi ko hahayaan na malugmok ka.”
Kinagabihan, pag-uwi ni Mia, nadatnan niyang gising pa ang kanyang ina. Nakaupo lang ito sa mesa, nakatulala, bakas sa mga mata ang pagod at lungkot.
“Ma, matulog ka na… gabi na,” sabi ni Mia habang papalapit.
“Hindi ako makatulog, anak,” mahinang sagot ng ina.
Bumuntong-hininga si Mia at umupo sa tabi niya. Dahan-dahang isinandal ang ulo sa dibdib ng ina, at niyakap siya nito nang mahigpit.
“Ma, pasensya ka na…” bulong ni Mia, nanginginig ang tinig.
“Huwag mong akuin ang kasalanan, anak. Wala kang sala. Kung may dapat sisihin, iyon ay ang ama mo,” sagot ng ina habang hinahagod ang kanyang mga braso.
Umangat si Mia, at nakatingin sa ina na ngayon ay pinipigilan ang luha. “Akala ko noon ikaw yung mali… madalas ikaw ang sinisisi ko. Hindi ko alam na mas grabe pala ang dinadala mo.”
Tumulo ang luha ng kanyang ina. “Anak, problema naming dalawa ng Papa mo ‘yon. Huwag mong pasanin. At isa pa, ni minsan hindi kita sinisi.”
At doon na rin bumigay si Mia, sabay iyak kasama ng ina. Pareho silang binitawan ang lahat ng bigat sa kanilang dibdib.
“Huwag kang mag-alala, Ma. Gagawin ko ang lahat para manalo ako sa lahat ng laban ko. Lahat ng ito… iaalay ko sa’yo. Kapag nanalo ako sa Nationals, makakasali ako sa SEA Games. At kapag nanalo ako roon… ipagsisigawan ko sa buong mundo na ikaw ang nanay ko!”
Napahagulgol ang ina sa narinig. “Salamat, anak… kaya pagbutihin mo ang lahat. Para ‘yan sa pangarap mo. At tandaan mo, nandito lang ako… hindi kita iiwan, kahit anong mangyari.”
Isang mahigpit na yakap ang isinukli ni Mia.
“Salamat, Ma.”
Ewan niya kung paano niya haharapin ang lahat ngayon. Syempre, maaapektuhan din ang kanyang pag-aaral.
Isang daang kilometro ang itinakbo niya hindi para lang mag-ensayo, kundi para mailabas ang sakit sa kanyang puso. Para mabawasan kahit kaunti ang bigat na dinadala niya.
“Kanina pa siya diyan, coach. Mugto ang mga mata,” sabi ni Shiela, kasamahan niya sa running.
Ayaw kasi tumigil ni Mia sa pagtakbo; gusto niyang ubusin lahat ng sakit na dala niya mula sa pamilya.
“Ganun ba?” sagot ng coach.
Nang muling dumaan si Mia sa harap nila, sinabayan siya ng coach sa pagtakbo.
“May problema ba, Mia?” tanong nito.
“Wala, coach,” mabilis niyang sagot.
“Come on, Mia. Coach mo ako, pero hindi lang basta coach. Para na rin kitang kapatid. Alam kong may dinadala ka,” sabi nito.
Maya-maya, bigla siyang huminto sa gitna ng field.
“Kasi coach…” hindi na niya natapos; unti-unti nang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
“Kung gusto mong sumigaw, sumigaw ka. Malaya ka dito,” wika ng coach.
At doon, sumigaw si Mia. Malakas. Buong sakit. Para bang nag-transform siya lahat ng kirot, inilabas niya.
“Hindi mo pwedeng kimkimin ang lahat ng sakit, Mia,” dagdag ng coach. Lingid sa kanyang kaalaman, matagal nang alam ng coach ang nangyari dahil kaibigan ito ng kanyang ina.
“Pwede mong sabihin sa akin ang lahat, Mia.”
Gusto ni Mia, pero mas nanaisin niyang si Joshua lang ang makaalam bukod sa sarili niya.
“Okay lang, coach. Salamat,” sagot niya, nakayuko.
“Mia… ayokong maapektuhan ang lahat ng pinaghirapan mo. Para na kitang kapatid ang turing ko.”
“Huwag kang mag-alala, coach. Bilang manlalaro, hindi ko hahayaan na masira ang layunin ko,” sagot niya, may halong pagmamalaki.
“Mabuti kung ganun. Tandaan mo, kapag may kailangan ka, huwag kang magdalawang-isip. I’m your coach, pero kailangan ko ring makinig sa mga estudyante ko,” seryosong sabi nito.
Tumango si Mia, piniling manahimik.
“…at huwag mong pwersahin ang sarili mo, naiintindihan mo?” dagdag pa nito.
Tumango lang ulit siya.
Pagbalik niya, sinalubong agad siya ng mga teammates na nag-aalala rin para sa kanya.
“Mia, okay ka lang ba?” unang tanong ni Shiela.
“Okay lang ako,” mahina niyang sagot habang umupo sa bench.
“Napansin namin kanina mugto ang mga mata mo, tapos bigla ka na lang tumakbo nang walang tigil. Akala namin kung ano na… Pasensya na, concern lang kami sa’yo,” dagdag ni Shiela.
“Saka team tayo, hindi ka namin pababayaan,” sabi naman ni Bea.
“Pasensya na sa pag-aalala. Pero huwag ninyo akong intindihin,” mahina niyang tugon.
“Basta kung may problema ka, huwag kang mahihiyang kausapin kami,” dagdag ulit ni Shiela.
Bumuntong-hininga siya, saka malungkot na ngumiti.
“Basta huwag ninyong pabayaan ang isa’t isa. Team tayo,” tugon niya.
“Boses ni Coach Chuck!” sigaw ng isa nang magsalita ang coach mula sa kanilang likuran.
“Team, kailangan ninyong alalahanin may laban tayo. National ang haharapin natin. Hindi pwedeng mawala sa focus,” sabi nito.
“Yes, coach!” sabay-sabay na sagot ng lahat.
Kailangan nilang manalo. Kailangan niyang manalo. Hindi niya hahayaang matalo siya hindi lang sa totoong buhay, kundi lalo na sa sports na mahal niya.
“Mia, alalahanin mo lahat ng sinabi ko,” paalala ng coach.
“Yes, coach,” mahina niyang tugon.
“Humanay!” utos ng coach.
Tahimik silang pumwesto, nakikinig.
“Stretch muna. Pagkatapos, jogging isang daang metro.”
“Yes, coach!” sabay nilang sagot.
Pagkatapos ng training, lumapit sa kanya ang isang babae sa field.
“Mia.”
Si Missy pala, may dalang energy drink. Kapatid niya ito sa ama.
“Missy…”
“Pwede ba kitang makausap… doon?” sabay turo nito sa isang bakanteng bench. Walang tao kundi silang dalawa.
Hindi naman siya ganoon kasama para tumanggi. At isa pa, gusto rin niyang makausap si Missy tungkol sa kanilang ama… at tungkol sa kanila.
“Sige, walang problema,” tugon niya.
Maya-maya, naupo sila sa bakanteng bench, tanaw ang buong field. Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Missy bago nagsalita.
“Pasensya ka na, Mia,” unang sabi nito.
“Tungkol saan?”
“Sa lahat ng nangyari,” sagot ni Missy.
Mabait si Missy mayaman ang ina nito, isang negosyante, pero ni minsan hindi siya sinungitan. Magkaklase pa sila sa iisang kurso.
“Wala kang kasalanan, Miss. Wala kang dapat ihingi ng tawad,” sagot niya, saka ibinaling ang mata sa field kung saan may mga estudyanteng tumatakbo at naglalaro ng volleyball.
“Meron… kasi alam kong mas nasasaktan ka kaysa sa akin. Alam ko, Mia.”
“Tapatin mo nga ako. Matagal mo na ba itong alam?” tanong niya.
Nanatiling tahimik si Missy, nakayuko lang.
“Missy! Sagutin mo ako. Matagal mo na ba itong alam?”

Bình Luận Sách (5)

  • avatar

    great

    08/12

      0
  • avatar
    Magno Ramos Jr.

    hi bro

    04/12

      0
  • avatar

    go higher mia

    01/11

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất