Pagkatapos ng training, habol ang hininga ni Mia habang nakahiga sa gitna ng track. Ramdam niya ang pawis na dumadaloy sa kanyang sentido, pero may kakaibang gaan sa dibdib niya. “Are you okay?” tanong ng kanyang coach, nakatingin sa kanya mula sa gilid. “Yes, Coach,” diretso niyang sagot sabay dahan-dahang bumangon. “Good job, Mia,” ani Coach Chuck na may bahid ng ngiti. “Thanks, Coach.” Mahirap man ang bawat hakbang at pagod ng katawan, handa siyang gawin ang lahat—para sa sarili, para sa pamilya, at higit sa lahat, para sa karangalan ng bansa. Alam niyang hindi siya nag-iisa; pati ang mga kasamahan niya ay puspusan din sa training. Habang pinupunasan niya ang pawis, biglang sumagi sa isip niya si Missy—ang kaklase niya sa kurso na lumapit kanina bago pa man dumating si Josh. Ano nga kaya ang sasabihin nun? “Mia, may gagawin ka ba pagkatapos?” tanong ni Joven, isa sa mga kakampi niya sa team—at lingid sa kaalaman ng iba, may lihim itong pagkagusto sa kanya. “May gagawin pa ako,” mabilis niyang sagot. Si Mia ay kilala sa kanyang morena beauty at natural na sex appeal. Maraming nanliligaw, pero hindi niya ito pinapansin. Ang focus niya: pag-aaral at sports. Pangarap niyang makilala bilang Mia Dela Cruz—ang babaeng mag-uuwi ng gintong medalya para sa bansa. “Kung hindi ka busy, baka pwede…” “Busy ako palagi eh, pasensya na. Bye.” Diretso niyang putol, alam na niya ang susunod na sasabihin ni Joven. Tahimik na umalis si Mia, ngunit dinig pa niya ang kantiyawan ng mga kasamahan: “Pare, wala kang pag-asa diyan!” sabay tawanan. Habang naglalakad pauwi, hindi niya namalayang may naghihintay pala sa kanya. “Mia,” tawag ng pamilyar na boses. “Missy?” bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya, kanina pa ito umuwi. “Hinihintay talaga kita, Mia,” sabi ni Missy, may kaba sa tinig. “Talaga?” “Oo eh… Teka, ano nga pala yung sasabihin mo kanina?” tanong ni Mia. Sandaling nag-isip si Missy, saka nag-umpisang magsalita. “Ano kasi…” Ngunit hindi na natuloy dahil biglang sumulpot si Josh, kagagaling lang sa klase nito. “Mi!” nakangiting tawag niya habang kumakaway. “Josh? Anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong ni Mia. “Hinihintay ka. Sabay na tayong umuwi,” sagot niya. Bumaling muli si Mia kay Missy. “Miss, ano nga ulit yung sasabihin mo?” “H-hindi na, Mia. Saka na lang ulit. Bye.” Nagmamadaling tumalikod si Missy at lumayo. “Miss!” tawag ni Mia, ngunit hindi na ito lumingon. Naiwan siyang nagtataka. “Anong problema nun?” tanong ni Josh, kunot-noo. Napasapo si Mia sa balikat ni Josh, bahagyang may inis. “Ikaw kasi! Bigla kang sumulpot, nahiya tuloy siya sa sasabihin niya.” “Ako na naman sinisisi mo? Anong ginawa ko?” depensa ni Josh habang hinihimas ang balikat na pinalo ni Mia. “Nahihiya siya kasi nandito ka!” “Kasalanan ko ba ’yon?” sagot ni Josh na bahagyang nakasimangot. “Sa susunod, kapag nakita mo akong kasama si Missy, huwag ka munang lalapit.” “Bakit?” “Ewan… baka kasi may gusto siya sa’yo.” “Ha? Ano?” gulat na tanong ni Josh, sabay kunot ng noo. Pagdating ni Mia sa kanilang bahay, agad niyang napansin ang bukas na ilaw sa labas at ang pintuang nakabukas. May bisita na naman kaya si Mama? O baka mga coach na gustong makausap ako? tanong niya sa sarili. Dahan-dahan siyang sumilip sa loob. Ngunit kakaiba ang naramdaman niya—parang may mabigat na enerhiya sa bahay. “Mia… nariyan ka na pala,” bati ng kanyang ina, si Mama Angie. Ngunit agad niyang napansin ang namumugto nitong mga mata. Umiiyak ba si Mama? Kasunod nito’y isang lalaking matagal na niyang hindi nakikita. Pamilyar ang mukha, mahigpit ang tingin. “Pa?” bulalas ni Mia, at mabilis siyang yumakap dito. Ramdam niya ang pananabik at pananabik ding tugon ng kanyang ama. “Pa, nagbalik ka na! Sabi ko na eh… miss na miss kita, Papa.” “Miss na miss din kita, anak,” sagot ng kanyang ama, sabay halik sa ulo niya. “Pasensya ka na, kung bakit ngayon lang ako.” “Pa, ano ka ba… wala ’yun,” tugon ni Mia, ngunit agad niyang napansin si Mama na tila pilit pinupunasan ang luha, parang may sipon. “Mia, anak…” sabi ng ama. “Yes, Pa?” “Sabihin mo na sa kanya, Antonio,” singit ni Mama, basag ang tinig. “Huwag ka nang magsinungaling sa anak mo.” Natigilan si Mia. “Pa… ano bang nangyayari?” Huminga nang malalim ang kanyang ama bago nagsalita. “Mia, huwag kang magagalit sa akin sa sasabihin ko. Pero kailangan mo nang malaman ang totoo.” “Kailangan kong malaman ano, Pa?” bakas ang kaba sa tinig ni Mia. May ibinaling ang ama niya sa sulok ng sala. Noon lamang niya napansin na may isa pang taong nakaupo roon. “May ipakikilala ako sa’yo…” sabi ng kanyang ama. “Anak ko siya… kapatid mo. Si Missy.” Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Mia. Napako siya sa kinatatayuan, hindi makagalaw. Tila umiikot ang mundo niya sa bigat ng bawat salitang narinig. “Pa… nagbibiro ka lang, ’di ba?” nanginginig ang tinig ni Mia. Dahan-dahan niyang nilingon si Missy, na nakatungo lamang, walang imik. “Mia…” muling sambit ng ama. “Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa’yo. May anak ako sa labas. Ngayon ko lang sinabi dahil college ka na.” Unti-unting bumagsak ang mga luha ni Mia. Ang mga bulung-bulungan noon, ang mga sabi-sabing hindi niya pinaniwalaan—lahat pala totoo. Ang ama niyang tinitingala niya, larawan ng kabaitan at responsibilidad… may tinatago palang lihim. “Liar!” sigaw ni Mia, halos mabasag ang tinig. Kasabay nito’y ang iyak ng kanyang ina. “So ito pala ang gusto mong sabihin sa akin sa school?” baling niya kay Missy. “...Oo,” mahinang sagot ni Missy, halos hindi marinig. Biglang sumikip ang dibdib ni Mia, para bang pinipiga ang kanyang puso. Nahihirapan siyang huminga. “Mia, are you okay?” mabilis na tanong ng kanyang ama, tila aabutin siya. “Huwag mo akong hawakan, Pa!” sigaw niya, umatras ng ilang hakbang. “Okay lang ako! Hayaan mo akong ganito!” “Sorry, anak,” mahina ngunit malamig na sagot ng kanyang ama—ni anino ng pagsisisi’y wala sa kanyang mukha. Habang ang Mama niya’y tahimik na umupo, umiiyak, may hawak na baso ng tubig. “Sorry, Mia…” bulong naman ni Missy, nanginginig ang boses. “Hindi ko intensyong saktan ka. Hindi ko intensyong—” “Wala kang kasalanan, Missy!” putol ni Mia, nanginginig ang katawan. “Pareho lang tayong biktima. Pero… patawarin mo ako… ayoko munang makipag-usap sa kahit sino.” Mabilis siyang tumakbo sa kwarto, isinara ng malakas ang pinto, at bumagsak sa kama. Mahigpit niyang niyakap ang unan habang humagulhol. “I hate you, Papa! I hate you!” malakas niyang sigaw, sabay patuloy na pag-agos ng luha.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
great
08/12
0hi bro
04/12
0go higher mia
01/11
1Xem tất cả