logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7: Wedding

I woke up with multiple blankets on top of my body. Dahan-dahan kong iniangat ang katawan ko, decreasing some of the blankets I had with me, nang mapansin ko si Esme na nakahawak sa kaliwang kamay ko habang nakahilig ang ulo sa gilid ng higaan.
I leaned towards her at pinagmasdan siya. Halata ang pagod at ang pag-iyak niya nang nakaraang gabi dahil sa akin. Parang may pumiga sa puso ko habang pinagmamasadan ko ang mukha niya at maalala si mama na hindi rin ako iniiwan sa tabi ko sa tuwing nagkakasakit ako. I really miss my Mom.
I wish I could go back. I tried last night but it didn’t work. Maybe, the way that Saraya died that day needs to be the same way in order for me to go back.
Para magawa ko ang bagay na yon, kailangan kong makapunta sa mismong lugar kung san ito nangyari. Esme could help me dahil alam niya kung san ito mismong nangyari, but I’m sure she wouldn’t let me when the time comes na kailangan ko nang gawin iyon. Just the thought of me leaving her someday makes my heart ache, but, what can I do when I don’t even belong here in the first place.
I can’t help but to think that maybe that night I fell off the stairs was the day I died at wala na akong pag-asang makabalik pa. Pero kailangan ko pa ring sumubok.
I shake my thoughts off, nang gumalaw si Esme. Marahil ay napansin niya na gising na ako kaya bigla siyang tumayo sa pagkakahilig at agad hinawakan ang noo ko.
“Binibini” nag-aalang lumapit sa akin si Esme na parang iiyak na naman ulit. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat para pakalmahin siya.
Ngumiti ako ng mahinahon, “Kalma Esme, ayos na ang pakiramdam ko” Hinawakan ko siya sa kamay at hinaplos ito “Salamat sa pagaalaga sa akin”
Dahil yata sa sinabi ko natrigger ang iyak na pinipigilan niya. “B-Bini..Binibini… huk.. wag mo na iyon gagawin ulit” umiiyak na tugon nito. Gusto kong matawa sa pag-iyak niya kasi para siyang batang inaway. Nang namula ang ilong niya, doon ako bigla nalang natawa.. she’s so cute. Hinampas ako ni Esme dahil sa pagtawa ko na siyang bigla niyang binawi. “Patawad, Binibini, hindi ko sinasadya” mabilis na sabi nito habang napiyok dahil kakagaling lang niya sa pag-iyak.
“Ayos lang Esme, maari kang maging komportable sa akin” I want her to be comfortable with me since she’s the only person I can trust and rely on in this world. Marahan siyang ngumiti dahil sa sinabi ko. Ibinuka ko naman ang dalawa kong kamay, inaaya siya sa isang yakap. Mablis na sinagot ni Esme ang yakap ko ng isang mahigpit din na yakap.
I pat her back and decided that from today onwards I will not do anything to make her worry. Kailangan kong gumawa ng adjustment at masanay sa pamumuhay dito.
After our dramatic morning, sinimulan akong tulungan ni Esme na ayusin ang buhok at damit ko. I told her I want to go out and explore the village to get to know everyone. Natutuwa niya akong inayusan nang banggitin ko ito.
She Braided both sides of my hair and tied it at the back then ponytailed the remaining hair on my back. Siya rin ang pumili ng damit na susuotin ko para sa araw na ‘to. She picked a muddy brown dress na umabot ang haba hanggang sa ankle ko and its sleeves flowing just at the end of my wrist.
It suits my style and my ashen hair. Napatingin ako sa salamin, at masasabi kong, kahit maganda ang ayos ko, hindi pa rin ako masasanay. Saraya and I share the same face, It’s just that her hair color and style are different from mine. We both have a pale face, brown eyes, and a mole on the left cheek, kahit ang chubby cheeks na meron ako ay meron din siya.
Napangiti ako dahil in this world which I’m not familiar with, something is still the same.
Nang masiguro na maayos na ang itsura ko, inaya na ako ni Esme na lumabas. I wore the leather shoes before going out.. hmmm, it feels comfortable.
---------
Inikot ako ni Esme sa village, pointing to some of the places like the village’s general kitchen, woodshed, and some places that are used by the people living here.
Nasabi sa akin ni Esme na simple raw ang pamumuhay sa Isla ng Saylon. Madalas raw na magkaroon ng mga salo-salo at maliit na aliwan. Dahil magtatanghalian na, dinala ako ni Esme sa isang mahaba na kubo kung saan may nagaganap na maliit na pagsasalo. Madalas raw magsalo salo ang mga tao rito na dahilan para magkakalapit sila.
Hindi ko alam kung gusto kong pigilan si Esme nang malapit na kami sa kubo, dahil natatakot ako na baka masira ko ang pagsasalo nila. Alam kong hindi ako tanggap dito, and forcing my way to them is not good.
Hinila ko ang kanang kamay ni Esme na naging dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. “Uh, Esme… siguro ay kakain nalang ako sa silid ko”
Kumunot ang noo niya “Bakit naman Binibini? Makikisalo tayo sa kanila para makalapit mo din sila” nginitian niya ako “Huwag ka magalala Binibini, noong mga nakaraang araw madalas akong magtungo dito at ayos naman ang pakikitungo nila sa akin. Basta nandito ako, magiging ayos ka”
Kahit na nagsabi siyang magiging maaayos ako, kinakabahan pa rin ako. Siguro ay mabait sila kay Esme pero iba sila makitungo sa akin, kita ko iyon sa mga tingin nila nung gabing yon.
Huminga ako ng malalim bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok namin sa loob, halos karamihan ng nakatira sa village ay nagtatanghalian. Inilibot ko ang paningin ko sa loob. May mga mahabang mesa na gawa sa kahoy at upuan rin na mahahaba.
They were all busy eating while sharing little waves of laughter and stories not until they noticed me.
Napansin ko ang pagbabago sa mood ng mga tao sa loob, ang kaninang mahina ngunit masayang kuwentuhan ay napalitan ng tahimik na lugar. Tila ba binabantayan nila ako at ang magiging kilos ko.
Mahina kong hinila ang braso ni Esme. “Esme, u-umalis na kay-“ Bago ko pa masabi ang ibubulong ko kay Esme, isang boses ng matandang babae ang tumawag sa kanya. “Esme, ikaw pala yan! Aba’y halika dito at nang makakain ka” Pasigaw na sabi nito habang nakataas ang kamay para makuha ang atensyon ni Esme.
“Binibini” Nilingon ako ni Esme at saka nginitian. Tumango ako sa kanya at sumunod patungo sa mesa kung nasaan nakaupo ang matandang babae.
She greeted me with a smile but confused face. “Siya po si Binibining Saraya, Binibini siya naman si Lola Azita” Tumango ako sa matanda at saka siya nginitian.
“Napakagandang Dilag mo pala iha” namula ako dahil sa sinabi ni Lola Azita “Napakaganda ng iyong mga mata” dugtong na sabi niya. Gusto kong maluha sa sinabi niya dahil naalala ko si Grandma na madalas ding sabihin sa akin na may maganda akong mga mata.
Nginitian ko siya at nagpasalamat. We started our lunch with people eyeing us which makes me very uncomfortable but Lola Azita’s warmness outshined them.
Through the whole lunch she told me little stories about the village. Until it went to different topic “Iha, balita ko ay sa ikatlong araw na pagsikat ng araw ang magiging kasal mo kay Rua” Kasal??? Muntik ko na mabitawan ang kutsara na hawak ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako kay Esme na may nanlalaking mata. Paglingon ko kay Lola Azita maging siya ay parang nagulat na nabigla ako sa pagbangit niya ng kasal sa tinawag niyang Rua na inaasahan kong ang namumuno sa village na ito.
“A-ah, kasal po… kung ganun po ay ilang araw nalang” bawing sabi ko which immediately comforted the old woman’s face. These past few days occupied my thoughts na nalimutan ko ang tungkol sa kasal. Fuck! What do I do???
Wala nga akong jowa nung ako pa si Sailor tapos ngayon ay ikakasal ako? Tapos sa hindi ko pa kilala????
Tumawa ako ng mahina para bumalik sa dati ang mood tsaka nagpatuloy na nguyain ang pagkain na halos di ko na malasahan sa sobrang kaba.
Rua… Ruaaa… sino siya? Nasa malalim ako na pagiisip ng isang boses ng lalaki ang biglang lumapit sa pwesto namin.
“Lola Azita~~~ kanina pa kita hinahanap” malambing na tawag ng isang lalaki. Lumingon ako para Makita kung sino ito dahil nasa likod siya ni Esme. It was the guy who ruined my plan that night. He’s tall and tanned skin with a scar on his left cheek. Nanlalaki ang matang tinitigan ko ito, hanggang sa mapansin niya ako.
“Ohhhh, Binibining Saraya” Mapaglarong turo nito sa akin. Mahina siyang tumawa bago iniabot ang kamay niya para magpakilala “Kamusta ka na Binibini? Ah ako pala si Orin” I hesistated to reached out my hand.
Nang tinitigan ko lang ang kamay nito, umakto siya na parang nakakaawang bata saka hinawakan ang sariling kamay. “Ugh, Binibini kawawa naman yung kamay ko” Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. He’s so dramatic. “Biro lang Binibini” ngumisi ito sabay upo sa tabi ni Esme. Tinawanan siya ni Lola Azita at mahinang hinampas sa kamay.
“Bakit mo ba ako hinahanap Orin?”
“Heheee, lola di naman sa gusto kitang Makita ngayon.. pinapahanap po kayo ni Rua” mapaglarong sabi nito habang ngumunguya ng pagkain na nasa harapan niya.
“Rua? Para saan”
“Gusto niya raw po kayong makausap para sa paghahanda ng kasal” Gumilid ang mata ni Orin, pointing to me so I knew immediately na ang kasal ko ang tinutukoy niya.
Medyo malakas ang pagkakasabi ni Orin ng salitang kasal ng kanilang pinuno kaya nagsimulang magbulungan ang mga kumakain sa loob ng kubo.
“Kasal? Itutuloy ang kasal ng pinuno sa babae na yan?”
“Dapat ay hindi na yan nakarating dito sa Isla”
“Kawawa naman ang ating pinuno, halatang ginagamit siya ng kasabwat ng babae na yan”
“Tsk, dapat ay ipatapon na yan sa gitna ng dagat”
Humigpit ang hawak ko sa kutsara dahil sa mga naririnig. Nagaalala namang tinignan ako ni Esme pero nginitian ko siya pati na rin si Lola at si Orin.
Ayaw nila sa akin, eh hindi ko naman ginusto na mapunta ako dito. Hindi ko naman gusto na maikasal sa pinuno nila, kung tutuusin mas gugustuhin ko pa na ipatapon na lang ako sa dagat. Hays, Anong gagawin ko??

Bình Luận Sách (37)

  • avatar
    LucabanSheila

    wow

    13d

      0
  • avatar
    Vyrone Ivan

    maganda

    16d

      0
  • avatar
    BactolMary genina bactol

    intersting

    17d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất