logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3.Invade

Kira Hiroto's PoV:
Ginabi na naman ako ng uwi. Okay lang, ang mahalaga hindi ko kasabay 'yong asungot na si Tatsuya.
Nagtataka lang ako kung bakit nanginginig na tumingin 'yung transferee sa'kin kanina nang mapadaan ako sa tapat ng locker room ng mga babae. Sabi ko na magiging mahirap ang panibagong kulungan niya eh, naisip ko na agad.
Dahil wala ang landlady ng apartment, wala akong magamit na susi para makapasok sa kwarto. Mabuti na lang at palagi kong dala ang tension wrench ko, may magagamit ako pang lock picking.
Hahawakan ko pa lang ang knob pero napansin ko na nakabukas ang pinto. Strange, hindi naman iniiwang nakabukas ng landlady ang pinto ng mga tenants niya.
Pinihit ko ang knob at pumasok sa loob. Wala namang bago, kaso parang may nararamdaman akong kakaiba. Inilapag ko muna ang bag ko sa sofa sabay kumuha ng maiinom sa ref. Nakakapagtaka nga dahil may lamang ilang pagkain sa pridyider, eh hindi pa naman ako bumibili.
Baka namili na si Tatsuya kanina pagkatapos ay dumiretso dito sa unit ko. Iniwan niyang nakabukas ang pinto.
Uupo pa lang sana ako sa sofa nang marinig kong bumukas ang shower sa banyo. Teka, wala namang ibang nakakapasok sa apartment ko bukod kay Tatsuya, hindi ba? Baka nakiligo lang siya. O baka naman nasira na naman 'yung tubo ng CR.
Pumunta ako sa banyo para alamin kung anong meron. Wala naman akong dapat katakutan dahil gawa-gawa lang ng tao ang mga multo. Balak ka lang nilang patayin gamit ang takot nang hindi sila nahihirapan.
Dahan-dahan kong pinihit ang knob at sumilip.
Halos mapanganga ako sa nakikita ko.
Walang hiya.
PAANO NAGKAROON NG BABAE SA UNIT KO??? A-AT NALILIGO PA NGAYON SA CR KO?!?
Hindi ko sinasadya, 'yong mata ko nakakita ng malaking kasalanan.
Anak ng pusang gala talaga!
Agad kong sinarado 'yung pinto, hinatak ang bag ko mula sa sofa pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto para magbulag-bulagan.
Leche talaga, sino bang may sabing–
Teka, UNIT KO 'TO AH?!?
Bumalik ako sa tapat ng banyo at kakatok na sana nang biglang bumukas 'yung pinto.
Pareho kaming nagkatitigan no'ng babaeng balot sa tuwalya, hanggang sa–
"AAAAHHHH!!!"
Medyo sumakit 'yung tainga ko sa pagtili niya kaya tinakpan ko na lang ang bibig niya gamit ang kamay ko at idinikit siya sa pader. Siya naman ay nagpupumiglas, halos kalmutin na rin ako sa braso para lang makawala.
Depusa ang sakit ng kalmot nito, ang haba ng kuko!
"MNMNMNMN! MNMNMNMN!!!"
Sinubukan ko siyang pakalmahin, pati ako natataranta na kasi hindi ko alam kung may nakakarinig na ba sa mga tili niya.
"SHHHH!" Suway ko. "Kapag hindi ka tumahimik, paalisin kita dito sa unit ko at bahala ka sa labas na nakahubad!"
Bigla siyang tumahimik. Okay, mukhang gumana 'yung sinabi ko.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa bibig niya at magsasalita sana nang bigla niya na lang akong sipain sa gitna ng binti ko, alam niyo na 'yon!
"BWISET–!!!" Sigaw ko habang nakahawak sa iniingat-ingatan ng mga kalalakihan.
DEPUSANG BUHAY!
Sinubukan ko siyang abutin kaya lang...
"TULONG! MAY MANYAKIS NA NAKAPASOK SA UNIT KO! TULONG–"
"UNA SA LAHAT, UNIT KO 'TO, HINDI SA'YO–"
Nahablot ko 'yung tuwalyang nakabalot sa katawan niya habang ako naman ay natumba sa sahig.
PRAMIS HINDI AKO MANYAKIS! Balak ko talagang hawakan siya sa braso para sabihing siya ang trespassing sa unit ko eh! Isa pa sa gandang lalaki kong ito magiging manyakis lang ako?!?
NI HINDI KO NGA SIYA MATINGNAN NG DIRETSO DAHIL SA NANGYARING ITO EH!
"AAAAAAHHH!!!"
Hinablot niya 'yung tuwalya niyang hawak ko pa rin habang ako naman ay napaupo sa tabi, umiiwas ng tingin sa hubad na katawan niya.
Malas na mata, lahat na lang nakikita kahit hindi naman dapat!
"BASTOS!" Sigaw niya habang ako naman ay hiyang-hiya sa nangyari sa kaniya. At kahit hindi ako nakatingin, narinig ko na lang na sumarado ang pinto mula sa kung saan.
Medyo nakahinga ako nang maluwag, kahit na nananakit pa rin 'yung pagkalalaki ko. Leche talaga!
Sinubukan kong makatayo at umupo sa sofa, napayakap sa unan at huminga ng malalim.
Sino ba 'yon? Ba't may babae dito sa unit ko? Ano ba kasing–
Nakita ko na 'yung babaeng 'yon ah. Siya ba si–
Narinig kong bumukas ulit ang pinto ng kabilang kwarto, pero hindi ko pa rin mapigilang tumingin dahil sa nangyari kanina.
Hindi na inosente ang mata ko, DEPUSA!
Chapter 3.5 : Lie Low
Kira Hiroto's PoV:
Pusang-gala.
Nakaupo ako ngayon sa sala, katapat ang isang babaeng naka-long sleeves na kaninang umaga lang ay grabe kung makatitig sa'kin, at nakakairita talaga.
Kumakain siya ngayon ng onigiri samantalang ako naman eh hindi mapalagay habang hawak ko ang cup noodles ko. Hindi ako sanay na may kasabay ako kumain fish tea!
"Kanina ka pa nakatitig sa'kin ah."
Napatingin ako sa hawak kong noodles, sabay nagmadaling kumain.
"Maghinay-hinay ka nga."
Takte, sa nangyayari talaga ngayon hindi ko magawang maghinay-hinay!
Hindi ko naman talaga alam na ngayong araw pala 'yung sinasabi ng matandang landlady na dito pa talaga sa tinutuluyan kong unit titira ang apo niya. O baka nasabi niya nga pero hindi naman ako nakinig.
Sabagay, wala naman akong panahon para pakinggan ang kahit anong bagay mula sa ibang tao.
Bigla akong napahinto nang mapansing nakatitig na si Afuro sa'kin, sabay ngisi.
"Hindi ko alam na ikaw pala ang magiging roommate ko." Ani niya. "Nagtataka lang ako kung ba't kanina nakita kita sa harap ng Locker Room ng mga babae. Sabihin mo nga, inii-stalk mo ba ako?"
Ako? Stalker? Hindi naman ako gano'n kababaw.
"Nagkataon lang 'yon." Sagot ko. Totoo naman, magka-cutting kasi ako kanina sa PE nang bigla ko siya napansing nakatitig sa'kin, kaya hindi ko rin maiwasang mapasulyap sa kaniya.
Kung bakit magka-cutting ako, simple lang. Nakakatamad at para kang engot na nagja-jumping jack sa unahan ng mga kaklase mong todo suporta sa katarantaduhang ginagawa mo.
"'Yon lang 'yon? Wala nang iba?"
Napatango naman ako. "Matanong ko lang, ba't ba kanina mo pa ako tinititigan? Anong meron sa'kin?"
Hindi pa rin nawawala ang pagngisi niya. Mas lalo tuloy akong naiirita sa pagmumukha ni Aphrodi.
"Hindi ba't bawal ang tattoo sa school? Bakit meron ka sa mukha?"
"Wala ka nang pake." Binilisan ko nang kumain para lang hindi na niya ako tanungin ng kung ano-ano. Wala ako sa mood para magsagot.
"Hindi ka ba man lang magso-sorry sa pambobosong ginawa mo sa'kin kanina?"
Syete naalala ko na naman. Nararamdaman kong umiinit ang mukha ko dahil sa nangyari kanina.
"As if namang pagnanasaan ko 'yang katawan mo. Hindi ko sinasadya 'yon." Sambit ko sabay sumubo pa ng noodles.
Kahit nakita ko pa ang buong katawan niya, hindi ko siya pagnanasaan ano? Ni wala nga akong maisip na dahilan kung bakit ko naman gagawin 'yon.
Kung ang ibang tao ay masyado nang mataas ang pagkahayok sa laman ng kung sino, puwes hindi ako interesado.
"No sorry? Alam mo bang pwede kang kasuhan ng sexual harassment–"
"Alam mo rin bang trespassing ang ginawa mo kanina?"
"Hoy hindi 'yon trespassing! Unit ko rin 'to!" Napataas ang boses niya sa sinabi niyang 'yon.
Leche ayoko talaga nang gulo, pero ayoko din namang manakit ng babae. Wala lang akong choice.
Tama naman siya, hindi 'yon trespassing dahil nakikitira din siya dito sa unit. Isa pa pwede niya talaga ako kasuhan kahit aksidente lang 'yon.
Napabuntong hininga na lang ako. Nakakayamot talaga. "Sorry."
"Hindi sincere."
Aba't–
"Paanong hindi sincere?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Hindi pa ba sapat na humingi ako ng 'sorry'? "'Yon lang naman ang kailangan ng mga katulad ninyong tao hindi ba? Ang marinig lang ang kapwa ninyo na magsabi ng salitang 'sorry'?"
Narinig ko siyang naghimutok. "Hindi masasabing talagang humihingi ka na nga nang tawad kung parang namamalimos lang sa'yo ang paghingi no'n. Maging totoo ka naman."
Nakakainis. Ang dami naman nitong dama. Tumayo na lang ako at nagtungo sa kwarto dala ang kinakain ko.
"Hoy Kira! Hindi pa tayo tapos!"
"Para sa'kin tapos na. 'Wag mo kong istorbohin." Sabay sinarado ko na ang pinto, binuksan ang ilaw at umupo sa kama. Binaba ko na
muna ang kinakain ko sa ibabaw ng shelf, sabay humiga para makapag-isip isip.
Hahanap talaga ako ng paraan para siya na mismo ang lumayo sa'kin. Maghintay ka lang.
Hanggang sa bigla na lamang kinain ng kadiliman ang buong paligid ko.
Hindi ko namalayan ang oras, nagising ako ilang oras bago pa mag-alarm ng umaga, tapos hindi na ako makatulog.
Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig. Medyo nanunuyot na rin kasi ang lalamunan ko.
Habang umiinom, napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Afuro.
May naisip na akong plano HAHAHAHA
Hahanap na lang ako ng tiyempo sa mga susunod pang araw. Hahayaan muna kitang manibago sa unit natin, Aphrodi.

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    BelloNith Nith

    Naolll

    16/08

      0
  • avatar
    Marzel Vergara

    its so good

    13/06

      0
  • avatar
    Zyreill Espenido Bulandrina

    it's just that the world and I don't have a lot of people

    06/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất