logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2.Wrong Move

Terumi's PoV:
Pauwi na ako ngayon mula sa Raimon Junior High.
Hindi pa rin mawala sa isip ko y'ong hitsura nang lalaki kanina. Siya 'yon, 'yung kakaiba kong kaklase na nasa bandang likod. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinusundan.
Baka may gusto siya sa'kin?
Ewan, 'wag kang feeling Afuro, kaya ka nasasaktan eh.
Dumiretso ako sa apartment ni Lola Matsuzaka, na siyang may-ari ng uupahan kong unit. Ayon sa kaniya, bawat floor ay may anim na unit, pero dahil walo lang naman ang palapag, nasa 64 na unit lang meron ang apartment niya kumpara sa ilang nadaanan ko na halos sampu paitaas ang floor. At ang kwento pa niya, bawat unit ay may dalawang taong magshe-share.
Nakasalubong ko si Lola sa bandang gate ng apartment.
Ayan na siya hehe...
"Afuro! Kumusta naman ang paborito kong apo?" Bati niya at ako naman ay napayuko bilang paggalang. "Nauna pa ang mga gamit mo kaysa sa'yo ija, 'wag mong sabihing sa sobrang excited mo ay inuna mo pang pumasok sa school kaysa ayusin ang mga gamit mo?"
Napangiti na lang ako nang wala sa oras sabay tumango. Sorry, study first po ako lola hehehe
"Gano'n na nga po."
Nakaramdam ako ng pagod mula sa araw na ito, kaya bigla na lang akong napahikab.
"Mukhang pagod ka na apo ko. Tara na't pumasok ka na sa unit mo." Sambit niya sabay nag-umpisang maglakad papasok ng apartment.
"Opo, Lola."
Nakarating kami sa bandang pinto.
"Teka, muntik ko nang makalimutan." Bigla siyang huminto sa paglakad sabay tumingin sa'kin. "Ayos lang ba sa'yo kung may kasama ka sa unit? Nawala kasi sa isip ko na dito ka na rin pala mangungupahan kaya wala nang bakanteng unit na pwede. Isa pa, itong unit na lang ang natitirang may bakanteng kwarto."
Kung gano'n ay may makakasama ako sa unit? Ayos lang naman sa'kin 'yon–
"Siya nga pala lalaki ang makakasama mo."
Wala namang problema sa'kin kung babae ang makasama ko sa unit pero lalaki? Seryoso?
Napaisip ako kung papayag ba ako o hindi. Kaso kasi...
"Apo," hinawakan niya ang mga kamay ko. "Alam kong may problema ka sa kanila, pero 'wag kang mag-alala dahil iba naman siya 'di gaya nang mga lalaking nakakasalamuha mo noon."
Napansin niya sigurong hindi ako kumportable sa balita niyang may roommate akong lalaki kaya tuloy nagpaliwanag siya nang wala sa oras. "Sa kusina at sala lang naman kayo magkikita, magkahiwalay naman kayo ng matutulugang kwarto. Kung gusto mo palalagyan ko ng dalawa o tatlong lock ang kwarto mo."
Pare-pareho lang ang mga lalaki, kapag nagbigay sila ng motibo at nalaman ang kahinaan mo, tsaka ka nila aabusuhin. Mga uri sila ng predator na naghahanap nang mabibiktima sa masukal na paligid.
"Tinanong ko siya noon kung may naging girlfriend na ba siya, ang sabi niya istorbo lang daw sa buhay niya ang mga gano'ng bagay."
"Ah eh, Lola, sa tingin niyo po kaya ay lalaki din ang gusto no'n?"
Bigla siyang natawa sa tanong ko. Hindi naman masama ang tanong ko ah?
"Wala siyang interes sa mga lalaki. Tingin ko nga wala rin siyang balak makisalamuha sa ibang tao kasi sa tagal niya nang nangungupahan, ni minsan hindi ko pa siya nakitaang nagdala ng kaklase o kaya kaibigan. Tanging kuya niya lang ang nag-aasikaso sa kaniya."
Walang kaibigan? Pero may kuya?
"Hindi po ba sila magkasama ng kuya niya dito sa unit?"
"Hindi apo. Mas gugustuhin niya na lang daw yakapin ang kubeta kaysa makita ang pagmumukha ng kuya niya." Bigla siyang ngumiti. "Sa totoo lang, nasa unang floor ng apartment ang kapatid niya. Inaakyat niya pa ang kapatid niya para lang maipag-asikaso 'yon ng makakain."
So tamad pala 'yon.
"Matanong ko lang po Lola, wala po ba siyang nakasama dati sa unit na 'to?" Sambit ko sabay sandal sa pinto.
"Mayroon naman kaya lang hindi rin nagtatagal. Ayon kasi sa mga naririnig ko sa mga naka-roommate niya, may nagpaparamdam daw na kaluluwa sa unit na ito tuwing gabi. May naririnig silang matandang boses na tumatawag sa pangalan nila at humihingi ng tulong. Sa tingin ko naman hindi 'yon ang namayapa mong Lolo." Natawa na lang siya nang maalala ang asawa niya. Alam kong malungkot ang
pinagdadaanan ni Lola Matsuzaka kasi siya na lang ang nag-iisang nagpapatakbo ng apartment na ito, ilang taon na rin ang nakalipas.
Dapat si papa ang namamahala nito kung hindi lang siya nagpunta sa Tokyo at iniwan si Lola Matsukaza na mag-isa. Ngayon andito na ako hindi lang para mag-aral pero para na rin tulungan at alagaan si Lola na hindi nagawa ng magaling kong ama.
Pero seryoso, habang binubuksan ni Lola Matsuzaka ang pinto, naririnig ko 'yung pag-ugong ng pintuan. Ang creepy.
"Oh siya, wala pa dito ang roommate mo, pwede mo na rin simulang mag-ayos sa kwarto mo. Mauna na ako ah." Nakangiti niyang sambit bago nagsimulang maglakad pabalik sa baba.
Napatingin ako sa buong unit. Malaki at maayos naman, kaya lang ewan ko ba't sa pagkakakuwento ni Lola eh parang nakakapanindig-balahibo.
'Di bale na, mag-aayos na ako bago pa dumating ang ka-roommate ko.
Kung sino man siya, saludo ako sa kaniya dahil natagalan niyang tumira sa unit na puno ng kababalaghan.

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    BelloNith Nith

    Naolll

    16/08

      0
  • avatar
    Marzel Vergara

    its so good

    13/06

      0
  • avatar
    Zyreill Espenido Bulandrina

    it's just that the world and I don't have a lot of people

    06/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất