logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Altered

Altered

Shurumi


Prologue

KIRA HIROTO'S POV:
"AAAAAHHH!!!"
Isang nakabibinging sigaw ang narinig ko mula sa rooftop ng Raimon Junior High habang tumatakbo ako sa hagdan na halos ikatapilok ko na para lang malaman ang nangyayari sa taas. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, tumambad agad sa akin ang isang lalaking high schooler na may hawak na malaking gunting at akmang sasaksakin ang babaeng biktima nito sa leeg.
"Bitawan mo na ako!" Pagpupumiglas ng babae.
Naningkit ang mga mata ko sa lalaking may hawak sa kaniya. Dahan-dahan akong lumapit upang saklolohan ang biktima. "Uhm, boss-"
"LUMAYO KA SA'MIN O SASAKSAKIN KO ANG BABAENG 'TO!" Sabay tutok ni kuya ng gunting sa sentido no'ng babae. Bwisit. Ayoko sa lahat 'yung pinapipili ako eh.
Tumingin ako sa babae, at sinubukang ipaalam na magiging maayos lang ang lahat, ipaubaya niya lang sa'kin ang mga mangyayari. Pero mukhang kabaligtaran pa yata ang magiging sitwasyon. Nakita ko siyang ngumuso. Ano 'yun? 'Di ko ma-gets.
"Pwede bang kumalma ka muna?" Tanong ko sa lalaki.
"Kumalma?" Garalgal na boses ang narinig ko. "P-pwede ba? Ang gusto ko lang naman ay sagutin ako ng babaeng 'to eh!" Sabay idinikit ng lalaki ang mukha niya sa buhok ng babae, animo'y inaamoy ito.
"Ano ba?!? Lumayo ka nga sa'kin!" Iritadong sabi ng babae sabay tinapakan ang paa ng lalaking nang-hostage sa kaniya. Kita ko ang mahabang heels ng suot ng babae na tumama sa bandang dulo ng sapatos no'n, kaya sobrang napadaing sa sakit ang lalaki.
Napabitaw ang nang-hostage sa kaniya, ano pa't pagkatapos niyang bitawan ito, sinikmuraan siya ng biktima sabay binalibag sa sahig. Napahiyaw ang lalaki sa sakit.
Woah. Sana all marunong ng self-defense. Astig. Teka, marunong din naman ako ah?
Inayos ng babae ang buhok niya sabay tumingin sa'kin. "Ang engot mo."
Teka, tama ba ako ng narinig?
Sinamaan ko siya ng tingin. "ENGOT?"
"OO ANG ENGOT MO." Ulit niya.
Letchugas 'tong babaeng 'to ah. Baka makalimutan kong babae siya, ihambalos ko pa sa kaniya 'yung kahoy dito sa tabi ko.
"At bakit naman ako naging engot?" Inis kong tanong.
Inirapan lang ako ng bruhilda. Juice ko po. Ang sarap bigwasan. Teka nga, sino ba 'to?
"Ha'yan lang y'ong kahoy sa gilid mo oh. Pwede kang dumaan sa likod namin kanina nang palihim dahil may mga matataas na kahon sa paligid mo, eh kaso feeling hero ka." Yamot niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "Teka nga Miss. Ikaw na nga ang sinusubukang iligtas, ikaw pa galit?"
"Hindi ko kailangan ng tulong mo o ng kahit na sino."
Aba't-
"Sino ka ba? Si superman?" Napahaplos siya sa noo. Peste 'tong babaeng 'to ah!
"Kira." Iritado kong tugon habang nakangisi. Nagtitimpi lang ako kasi babae 'tong kaharap ko.
"Terumi." Tipid niyang sagot. Ako lang ba o parang nakikita kong sumabay sa pag-agos ang buhok niya sa lakas ng ihip ng hangin?
"Terumi ano?"
"Terumi–"
May narinig akong malakas na ingay ng alarm. Napatingin ako sa exit ng rooftop, hindi naman do'n nanggagaling ang tunog. Napatingin ulit ako kay Terumi.
"Terumi ano ulit?" Tanong ko.
"Terumi... ... Af..."
Hindi ko maintindihan dahil sa ingay! Mas lalo pang lumalakas ang tunog habang tumatagal!
"ANOOOO?" Halos pasigaw kong tanong sa kaniya habang nakatakip sa tainga ko.
"Hiroto..."
Tumingin ako sa bibig niya at sinundan ang paggalaw nito para malaman ko kung anong sinasabi niya.
"Hiroto... sing... na..."
Nag-iba ang boses niya. Kahawig ng boses niya si... Tatsuya?
"HIROTO GUMISING KA NAAAAA!!"
"AAAHHH!!!" Napahawak ako sa tainga ko dahil sa ingay. Pinatay ni Kiyama ang alarm clock na katabi ko lang.
Napatingin ako sa nakakairitang mukha ni Tatsuya.
"Ano ba Kira? Tanghali ka na! Late na tayo sa school!"
Napaupo ako sabay tumingin sa paligid. Nasa kwarto pa ako. Kung gano'n, panaginip lang pala ang nakita ko kanina.
"Alam mo, nakabihis na ako tapos ikaw hindi pa. Hindi ka ba papasok? Kukunin na raw ng landlady ang susi mamaya kaya kung ako sa'yo bilisan mo na." Sambit ni Kiyama habang sinusuklayan ang buhok niya.
"Oo na. Papasok na ako."
Mabilis akong kumilos at naghanda na kaagad sa pagpasok. Mabuti na lang at malapit lang ang tinutuluyan kong dorm sa school. Ilang kilometro lang ang layo.
"Oh, ayan na baon mo. Nagluto na ako kanina kasi alam kong hindi ka na naman kakain ng agahan." Sabay abot ni Tatsuya ng bento box.
Nagtataka kayo kung magkaano-ano kami? Kapatid ko siya sa nanay, mas matanda lang sa'kin pero wala akong pake kung anong tawag ko sa asungot.
Napatingin ako sa pulang bento box. "May lason ba 'to?"
Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Wala ka bang tiwala sa'kin?"
Napanguso na lang ako. Kilala kita Tatsuya. Plastic ka, kung ang mga tao sa school ay nadadaan mo sa ngiti, ako hindi.
"Plastic mo." Ngisi ko na siya namang ikinatawa niya.
"Pasalamat ka't sinabi sa'kin ni mama na bantayan kita kahit hindi tayo pareho ng grade at section."
"Wala akong pake, lumayo ka sa'kin dahil ayoko pa mahawaan ng sakit mo."

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    BelloNith Nith

    Naolll

    16/08

      0
  • avatar
    Marzel Vergara

    its so good

    13/06

      0
  • avatar
    Zyreill Espenido Bulandrina

    it's just that the world and I don't have a lot of people

    06/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất