logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

EPISODE 4

TASANEE POV:
___
Nandito ako ngayon sa study room ng Emperor at nagpapa-gulong-gulong sa kanyang higaan na kuwadro at naghihintay sa kaniya, lumabas kase siya kanina lang.
‘Dinala ako dito tapos iiwan lang rin pala, tss.What a great father I have.’
Sa sobrang bored ko ay tumayo ako at inilibot ang sarili ko sa buong study room niya.
Color black ang theme, malaki at malawak rin ang study room dahil parang kapag nagsalita ka ay mag e-echo yung boses mo.
Nasa gitnang hulihan naman ang lamesa at may mga soft pillows sa gilid kasama ang dark sofa.
Meron ding malalaking bintana pero hinaharangan ng malalaking pulang kurtina.
I like the style of the Emperor because we have the same taste when it comes to designs.
‘Dark and light yet balance and strong.’
Sa gitna ng pader ay makikita mo ang malaking painting ng Emperor na seryoso ang mukha habang may hawak na espada sa kanang kamay.
‘Sabagay, kailan ba siya ngumiti?Hindi na yun ngingiti,mamatay yun na poker face parin ang mukha,tsk.’
Tapos may iba pang mga katabi ito pero medyo maliit na kumpara sa painting niya.
Siguro mga ninuno ito ng Emperor.
In fairness mga g-gwapo ang mga ka-lahi niya.
‘Kaya naman pala maganda at cute ako.’
“What's funny?” Napatigil ako sa paghagikhik nung sumulpot ang Emperor sa pintuan.
“Wala pho.” Saad ko habang naka nguso.
Nakita ko siyang natigilan at parang namumula ang tenga niya.
‘May sakit ba siya ngayon?’
“Awre you okway pho?” Sa tinanong ko ay parang bumalik siya sa katinuan at naglakad papunta sa direksyon ng lamesa.
Doon ko lang napansin ang chocolates na dala-dala niya.
‘Ang dami mwehehe’
“Woow.” namamanghang saad ko habang nakatingin sa mga chocolates.
“Do you like it? ” he asked me kaya tango lang ang naging tugon ko.
I looked at him, asking for his permission.
Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin at tumango siya.
Sinimulan ko ng kumuha ng chocolates.
Iba ang chocolate nila dito kumpara sa mundo namin.
Nasa bowl lang kase ito tsaka korteng bilog pero pareho lang ang lasa.
‘I wonder what did my father ate today? He's getting weirder and weirder daily.’
___
SOMEONE'S POV:
‘Why is she so cute and getting cuter each day.’
‘Just keep on doing that,my princess.’
This person was smiling now deep inside and don't want to lose the beautiful sight in his eyes.
______
TASANEE POV:
*BURRP!
Napatingin sa akin ang Emperor nung dumighay ako.
“Hehe, peashe” (peace) Saad ko habang naka-peace sign.
“Did you enjoyed eating?” Emperor asked me again.
Abala siya sa mga pinipirmahang papeles kanina habang ako naman ay kumakain ng chocolate sa harapan niya.
Tumango ako, “Oum pho, masharap.” masayang ani ko.
“Is that so... do you want more?” tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.
“But I'm already full, Dada.” Saad ko habang naka hawak sa tiyan ko.
Nakita ko siyang natigilan, “why pho?” I asked him in confusion.
Bigla kaseng pumula ang buong mukha niya.
‘Sige Tasanee, kunwari concern ka.’
“Hala, Dada! are you sick?Why your face turned red?” sunod sunod kong tanong.
Tumayo siya at lumapit sa akin.
“What did you just called me?” tanong niya habang naka tingin sa akin.
“Dada?Shorry your highness. I did not mean to offend you.” kinakabahan kong usal habang tinatakpan ang bibig ko.
‘Baliw ka kase Tasanee ehh, di ka nagiisip.’
“No, it's fine. C-Call me dada if you like it.” Saad niya pero hindi nakatingin sa akin.
Namumula parin yung tenga niya.
‘Anong nangyari sa kanya?’
“Mmm...O-okay,D-Dada. But why is your ears red? Are you not feeling well today?” tanong ko tsaka hinawakan ang tenga niya.
Nakita kong natigilan ulit siya sa tanong ko.
'Anong problema niya?Ganun ko na ba siya nagugulat?'
Maliit ako at nakaupo sa upuan kaya abot ko ang tenga niya kase nakaluhod siya.
“Y-yeah.I'm fine.” he answered but he did not look at me.
“Mahal na prinsesa–”
Nabaling ang atensyon ko sa pintuan nung bumukas ito at iniluwa nito si Nixie.
“Ang prinsesa, buti nalang at nakita kita pinag-alala mo ako.”
“Nwix!” sigaw ko at agad na tumakbo sa kanya. Nasa likuran din niya si Knight Harlan.
Nakita kong natigilan si Nixie.
“Y-your Highness. I'm so sorry for my rudeness,your majesty I deserve your punishment.” she stutteredly said habang nakayuko kaya napatigil ako.
Tinitignan lang siya ng Emperor.
“Just take good care of the Princess for me, that's your punishment.” Saad ng Emperor at lumabas na ng kanyang study room.
‘Ehh? Ano kayang gamot na ininom ng Emperor ngayon at ganun siya umasta?Awesome hihihi’
“Princess kumusta? Okay ka lang ba? Wala ba siyang ginawa sayo?” sunod sunod na tanong ni Nixie.
“Yesh pho. I'm fine pho Nwix, he gave me chocolates, hihi.” I aswered in giggle.
“Talaga? mabuti naman.” maluwag sa loob na saad ni Nixie.
____
SOMEONE'S POV:
Napahawak ako sa dibdib ko.
‘What's this feeling?’
‘Why does it feel so happy when she's around?’
‘and the f*ck, she's so cute.’
___________
TO BE CONTINUED....
TASANEE POV:
___
“Prinsesa hali ka na rito.Huwag ka ng magtago.”
Tinakpan ko ang bibig ko at sinigurong hindi ako nakakagawa ng ingay.
Nandito ako sa loob ng aparador nagtatago ako kase maghahanda na daw kami para sa kaarawan ko.
Yes po, mamayang gabi na ang birthday ko.
Nagulat nga ako nung sinabi ni Nixie na gagawa ng party ang Emperor para sa birthday ko ngunit sa naalala ko ni hindi man lang binisita ng Emperor si Tasanee.
Parang hindi na ito yung nobelang nabasa ko.
‘Nabago ko ba ang takbo ng nobela? Palalakarin ko nalang ba?O paliliparin na lang?’
‘Hehe jokes lang, pero bahala na.’
“Nasaan na ang prinsesa ko..?”
Napabalik ako sa huwisyi ng magsalita ulit si Nixie.
“Prinsesa...?”
“Hshshs” hagikhik ko
Ewan pero alam kong 18 na ako pero di ko mapigilang maging childish.
“Huli kaa!”
“WAAAHH!” sigaw ko ng biglang buksan ni Nixie ang aparador.
Lumusot ako sa gilid niya kase maliit ako at tumakbo palabas ng kwarto.
“Prinsesa maghahanda na tayo para sa kaarawan mo!” sigaw ni Nixie kase medyo malayo na ako sa kanya.
“Nwix, mwalamig twubig. Habulin mo ako!” (Nix, malamig yung tubig. habulin mo ako!) sigaw ko sabay tawa sa kanya.
“Lagot ka sakin pag nahuli kita prinsesa.”
“HAHAHAAHA”
Fastforward...
Malapit nang dumilim at nandito na ako sa kwarto ko at binibihisan na ako ni Nixie.
‘Ano kaya ang magiging itsura ko mamaya sa kaarawan ko?’
Simula kase nung pinanganak ako, hindi ko nakita ang itsura ni Tasanee Zaria hanggang ngayon.
Hindi ko pa kase abot yung salamin at tanging buhok lang ang alam ko at ito ay kulay ginto.
“Ayan prinsesa napaka-ganda mo na.”
“Mwatagal na pwo Nwix” (matagal na po Nix.” )mahangin kong saad upang tumawa siya sa sinabi ko.
Nakita ko siyang ngumiti, “Ikaw talaga, napaka-cute mong bata ka.”
“hihi.”
F A S T F O R W A R D
Naka-sakay na kami ni Nixie sa karwahe papuntang party at medyo kinakabahan ako na excited,lol.
“Nandito na po tayo.” Saad ng kutsero namin.
Bumaba na kami ni Nixie at tulad nung dati ay isinigaw ng kawal ang aking pangalan.
“THE BIRTHDAY CELEBRANT HAS ARRIVED, PRINCESS TASANEE ZARIA HELLISTAR!”
Ako ang napapagod sa kaniya ehh.
‘Hindi ba siya nauubusan ng boses?’
Napunta sa amin ang atensyon ng mga tao at samot saring bulungan.
“mas lalong gumanda ang prinsesa.”
“siya naba yon, ang ganda niya na.”
“ang cute naman.”
“parang gusto ko siyang iyuwi na lang”
“tahimik,baka marinig ka ng Emperor,maparusahan ka pa”
“So pretty”
“she's indeed a royal”
Dumiretso lang kami ni Nixie ng lakad habang nasa likuran ko siya at papunta kami sa direksyon ng Emperor na nakaupo sa trono niya.
“Greetings to the Emperor of North Kingdom.” I greeted and bowed my head in front of him.
Maraming nag-singhapan.
Kase sino ba namang bata na kaka- isang taon palang ay marunong na ng proper etiquette.
“Impressive.”
“Hindi na ako magtataka kung bakit siya tinawag na genius princess."
“Like father like daughter, indeed.”
Okay na sana ehh, bat kailangang isama pa ang pangit kong Dada hmmp.
I prefer to call him Dada kase yon ang gusto niyang itawag sa kaniya and sa mundo namin ay Dada means daddy or dad.
“Rise.” malamig niyang saad.
Ewan ko din sa kaniya, minsan naman hindi siya malamig kong mag- salita lalo na kapag mag-kasama kami.
“Let the party begin.” Saad niya at nalihis nanga ang atensyon nila sa amin.
‘Hayst, buti naman.’
Napansin kong may nakatitig sa akin kaya't hinanap ko ito at napagtanto kong galing ito sa Emperor.
Alam ko na ang gusto niya kaya dahan- dahan akong lumapit sa kaniya ng biglang may humablot sa akin at dinala ako sa gitna.
“Wag kayong lalapit!” sigaw ng lalaking naka-hawak sa akin.
“Kung hindi mamamatay ang prinsesa!” dagdag pa niya
Ngayon ko lang napansin na pinapalibutan pala ako ng mga bandido at lahat sila'y may hawak na armas.
‘Bat nadamay ako? huhu.’ Hindi pa ako marunong lumaban.’
“Ibigay niyo ang kailangan namin at magiging ligtas ang prinsesa!”
Kita ko ang pag-aalala sa mga mata ng mga dumalo.
‘Hindi... ayaw ko pang mamatay. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng saya at ayaw kong sayangin ang pagkakataong ito.’
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako
‘Ngayon ko lang ulit naramdaman ang sayang hinahanap ko..’
Tumingin ako sa Emperor habang nangingilid ang luha na ngayon ay nakatingin din sa akin ng walang emosyon.
‘Ayaw ko pang mamatay, desperada na akong mabuhay.’
“DADAAAA!!”
Last thing I remembered and everything went black.
____
to be continued...

Bình Luận Sách (139)

  • avatar
    Cara Cv

    beautiful story

    05/08

      0
  • avatar
    LapizChuna

    good novel

    31/07

      0
  • avatar
    bansiljohn paul

    ganda 😘😘😘

    27/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất