logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

EPISODE 2

TASANEE POV:
___
Nandito parin ako sa kwarto ko kasama si Nixie at abala akong binibihisan.
Kanina ang liham na inabot ng kawal ay isang imbitasyun, kung saan may selebrasyong magaganap mamayang gabi.
Nanalo kase ang Emperador sa giyera noong nakaraang linggo laban sa kabilang panig.
'Kaya pala hindi ko siya nakikita sa palasyo.'
“Ayan Prinsesa napaka-ganda mo na.” Saad ni Nixie habang inaayos ang damit ko.
‘Legit yan,Nixie.’
Nilagyan niya ako ng headband kase wala pa akong buhok, hayst.
“Wahh!!ang cute ng prinsesa”
“Naku sinabi mo pa”
“Ang sarap pisilin ng pisngi.”
Ibat-ibang kumento nila.
‘Relax,definitely it's me.’
Nang matapos na akong bihisan ni Nixie ay binuhat niya na ako at sumakay na kami sa karwahe.
Gabi gaganapin ang selebrasyon at sigurado akong lahat ng Nobles ng North kingdom ay pupunta, para makipag-alyansa o kung ano pa man ang kailangan nila at hindi para sa selebrasyon.
'What a toxic society, psh.'
Expected ng maraming maghahabol sa North kingdom knowing na ito ang pinakamalakas na kaharian sa buong lupain ng Laz Alpaz.
'Laz Alpaz' ang tawag sa buong lupaing ito kung saan nahahati ng apat na kaharian which is North, South, East at West kingdom.
Hindi lang Laz Alpaz ang nag-eexist sa mundong ito dahil marami pang mga lupain at mga kaharian na nandito.
Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami kung saan gaganapin ang selebrasyon.
Inanusyo naman ng kawal ang pagdating ko.
“THE PRINCESS TASANEE ZARIA HELLISTAR OF NORTH KINGDOM, HAS ARRIVED!”
Matapos nun ay napunta ang lahat ng atensyon sa akin, lahat napatigil sa ginagawa nila.
May nahulog pang baso.
Puro mamahaling damit at alahas ang suot-suot ng mga dumalo.
Nag-simula ng mag lakad si Nixie papunta sa gawi ng Emperor habang akay-akay ako.
“Greetings to the Emperor of North kingdom” Nana greeted and bowed herself.
“Rise.” malamig na tugon niya ngunit nasa akin ang atensyon niya.
Tumayo ang Emperador sa kinauupuan niya at lumapit papunta sa direksyon namin.
Unti-unti ring napapaatras si Nixie. Ramdam ko ang kaba niya dahil hawak niya lang ako sa malapitan.
Ang mga tao sa loob ay hinihintay din kung ano ang gagawin ng kanilang dakipang Emperor.
Nang makalapit siya sa gawi namin ay mabilis  niyang dinukot ang espada niya at agad itunutok sa akin.
Isang dangkal nalang ang layo ng espada sa akin.
Lahat ay napa-singhap sa kaniyang ginawa kahit ako, pero mukhang hindi niya yon napansin dahil sa sobrang cute ko.
'Mahangin ba ako readers?'
'Okay lang naman diba,dahil cute talaga ako.'
Hindi ko pinansin ang espada at tumingin lamang sa mga mata niyang walang emosyon at ganun din ang iginawad ko sa kaniya, walang emosyon ko din siyang pinukol ng mga makinang kong mala-perlas na pares ng mata.
May tumulong butil ng pawis sa pisngi ko ngunit hindi mo ito mahahalata.
‘Is he going to kill me? Inimbitahan niya ba ako para dito niya na ako patayin? Bad amp.’ saad ko sa aking isipan.
Ilang minuto ang lumipas at ibinaba niya na ang espada.
I saw him smirk at me.
“Interesting...” mahinang usal niya at tama lang na marinig namin tsaka tumingin sa akin ng may ngisi sa labi.
“You're so interesting.”pag-uulit niya sa kanyang sinabi.
‘Baliw na ata siya,tsk.How did I ended a father like him? He's so annoying!Magdedeman—oo nga pala,wala silang law dito,yawang mundo to.Kakasuhan ko sana siya ng attempted murder kaso naalala ko nasa ibang mundo na pala ako.’
Inilihis niya ang kaniyang paningin at tumingin sa mga Nobles.
“Continue the celebration, everyone.”
‘Eh? matapos ng ginawa niya may gana pa talaga silang ipagpatuloy ang celebration?’
‘Kapag ako lumaki, ikaw ang uunahin kong totorturin ng buhay, grrrr’ saad ko sa isip ko.
“Give her to me.” Utos ng emperor matapos akong ituro.
“P-po Emperor?” Naguguluhang tanong ni Nixie at mababakasan mo ng takot ang kanyang mga dalisay na mata.
“I said, GIVE. HER. TO. ME.” pag-uulit niya na may diin na sa bawat salita.
‘Wag Nixie, ayaw ko pang mamatay sa ngayon, waaaaah!!!mommy!help!—ay oo nga pala, she's already dead because of me.’
Pinilit kong maglikot para hindi ako ibigay ni Nixie, kahit na alam kong wala rin naman siyang magagawa dahil dama lang siya sa paningin ng Emperor.
‘Yeah, he's a stup*d Emperor, walang magagawa si Nixie dahil isa lamang siyang hamak na taga-silbi.Napaka-bully niya,tch.’
Ano nanaman kaya ang pakulo ng bwiset na Emperor na to?
Ibinigay na ako ni Nixie sa Emperor at kasalukuyang nakaupo sa lap niya.
“Leave!” utos niya kay Nixie sa may karangalang tono.
‘Wag Nixie!wag mo kong ibigay,  huhu.’
Yumuko muna si Nixie tsaka tumingin sa akin ng may pag-aalala at iniwan na niya ako sa aking ama.
“I wonder what Tesenee did to you and you became so interesting to me, hmmn?”  Mahina niyang tanong habang nasa mga tao ang kanyang atensyon.
By the way, Tesenee Zaire was the late Empress name and Tasanee's mother.
‘Mukha bang marunong akong mag salita?Hindi ako pala-salita actually but no choice!Napaka-demanding ng bibig ko,yawa.’
Wala na siyang sinabi matapos yun at nanunuod lang sa mga taong nagkakatuwaan sa loob ng hall.
‘Gutom na ako, huhu. Wala ba siyang balak pakainin ako?Is he going to let me suffer from starve?’
‘Yun nga! baka ito ang plano niya, ang patayin ako sa gutom.Huwag naman sanang ganitong torture,Ama.’
‘Fine.Makikita mo talaga paglaki ko’
Nilikot ko ang sarili ko para mapansin niya ako dahil masyado siyang nawiwili sa iba habang ang anak niya ay namamatay na sa gutom.
‘Napaka-sama mong Ama, huhu.’
“Hey, what's wrong?” He asked, habang nakakunot noong naka tingin sa akin.
‘T*nginaa! Kung nakakapag-
salita lang ako kanina pa kita minura, gutom na ako,bad ka.’
Fastforward...
Sa wakas ay nakauwi na rin kami ni Nixie.
Parang pagod na pagod ang katawan ko kahit wala naman akong ginawa kundi umupo sa kandungan ng demonyo kong Ama kanina.
Isinasama niya rin ako kapag may kausap o may kumakausap sa kaniya ngunit walang gana naman siyang sumasagot.
Sinubukan niya pa akong subuan ng pagkain pero mabuti nalang at sinabihan siya ni Nixie na hindi pa ako pwede sa pagkain.
'Balak niya talaga akong patayin noh.Napaka-iresponsableng ama na nga siya tapos hayst...'
Sumakit din ang buong katawan ko dahil sa kaniya, kase hindi man lang marunong magkarga ng bata.
Minsan yung likod lang ng damit ang hinahawakan niya tapos nakabitin ako at minsan naman hindi niya inaalalayan ang ulo ko kaya palaging nakatingala ako sa taas.
'Kailan ko ba makokontrol ng buo ang katawang to? Ang tagal naman ng panahon hayst.'
May mga Nobles din naman akong nakikita na may karga ding anak, may mga bata ring kasama pero magkahiwalay sila sa selebrasyon ng mga matatanda.
Napapaisip rin ako kung bakit ganun ang trato niya kanina.
Nevermind.
Hindi siya gold para isipin ko pa.
Tandaan,galing lang ako sa itlog niya kaya let it be like that.
*Flip hair—ay wala nga pala akong buhok hahay!
“Mabuti nalang at hindi ka sinaktan ng Emperor,Prinsesa.”
Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita si Nixie.
‘Indeed,but he's starving me to death lately,my ghad!’
“Napagod kaba kanina prinsesa? Gusto mo bang kumain?” Tanong niya habang binibihisan ako.
‘Isn't it obvious, Nixie?’
‘Tanong ka ng tanong eh. Baka kapag sumagot ako sumalangit agad ang kaluluwa mo, hayst.’
Kung tatanungin niyo kung anong nangyari sa akin sa kamay ng demonyo kong ama kanina ay nung nagugutom ako ay, mura ng mura siya like.....
“F*ck! what's wrong with you kiddo?”
“Stop moving little brat.”
“Don't push my limit kid.”
“Do you want me to throw you outside?”
“Stop it brat.”
At marami pang iba, parang tang* lang?
Palibhasa kase kaya niyang mabuhay ng ilang araw, malakas na atay mo.
‘Habang ako tigok agad, huhu.’
Thankfully dumating si Nixie at ibinigay ang gatas sa akin.
Agad ko namang sinunggaban iyon dahil talagang nagwawala na ako sa gutom,putcha.
—————
‘Teka, bakit nag-iba ang paligid?’
Biglang nawala si Nixie sa paningin ko.
‘Nasaan ako?’
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at may mga bulaklak, napaka-daming bulaklak pinapalibutan ang isang...
‘T-teka, babae?’
Nakatalikod siya sa akin.
I can't see her face but I can say she's a goddess even at her back.
Kulay blonde ang kaniyang buhok at lagpas bewang na medyo curly at balingkinitan ang katawan.
‘T-teka pamilyar siya sa akin.’
Napalaki ang mata ko ng humarap sa akin ang babae...
“Anak, anak ko....” parang nag-echo sa pandinig ko ang sinabi niya.
Agad akong napadilat.
Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakaupo si Nixie sa upuan habang humihilik.
‘Panaginip, panaginip lang pala.’ Saad ko sa aking isipan.
Ang mama ni Tasanee ang babaeng yon, ngayon ko lang napansing isa-isa palang tumutulo ang luha ko.
‘What's with that dream?Why do I need to give her my tears—tears of her baby exactly.’
_______

Bình Luận Sách (139)

  • avatar
    Cara Cv

    beautiful story

    05/08

      0
  • avatar
    LapizChuna

    good novel

    31/07

      0
  • avatar
    bansiljohn paul

    ganda 😘😘😘

    27/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất