logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

BINAGALAN ni Andy ang kanyang takbo nang matanawan niya si Mitch na may kausap na isang lalaki. Nasa tapat lang ang mga ito ng nakabukas na trangkahan ng bahay. Nang makita siya ni Mitch ay kinawayan siya nito habang may nakapaskil na ngiti sa mga labi. In-off niya ang kanyang ipod  at inilis ang headset na nasa tainga niya nang makalapit na siya rito.
"How's your exercise?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.
"Okay lang." Maikli niyang sagot.
Maaga siyang gumising para mag-exercise dahil iyon na ang nakasanayan ng katawan niya. Maganda ang tanawin sa lugar nila Mitch at tahimik kaya naglibot siya para mag-jogging. Hindi niya inaasahan na sobrang friendly ng mga tao roon at binati pa siya ng magandang umaga. May mga bata nga rin siyang nakasabay sa pagtakbo.
Tumingin siya sa kausap ni Mitch na nakangiti sa kanya. She noticed that he has a crooked front teeth but white.
"Okay." Hinawakan ni Mitch ang siko niya kaya mas lalo pa siyang natapat sa lalaking kausap nito. Sa tansya niya ay may taas itong 5'9, samantalang 5'7 naman ang height kaya hindi na niya kailangang tumingala rito katulad ng ginagawa ni Mitch. May matipunong katawan ang lalaki at palangiti. May hitsura rin ito pero average lang sa pagiging guwapo.
"Andy, this is Kaloy. Kaloy, this is Andy. Kaibigan ko." Pagpapakilala sa kanila ni Mitch sa isa't isa.
"Hello, Andy." Inilahad nito ang isang kamay sa harap niya. Agad nito iyong binawi kaya hindi na niya nagawang makipagkamay dahil may humintong pick-up truck malapit lang sa kanila. Bumaba mula roon ang isang lalaki na mas matangkad dito. Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti nito nang makita ang lalaki na papalapit sa kanila. "Pare! Meet Andy. Kaibigan ni Mitch at nagbabakasyon dito sa atin."
Tumingin sa kanya iyong lalaki at nabawasan ang ngiti nang sinalubong niya ang mga mata nito.
"Kumusta, Ion? Long time no see!"
Tinapik ito ni Mitch sa siko kaya binawi nito ang paningin mula sa kanya. Bumalik na rin ang dati nitong ngiti na mas lalo pang sumigla habang nakikipagkumustahan kay Mitch.
Pinaglandas niya ang paningin sa kabuuan nito. Matangkad nga ito at may mahusay na tindig. Nakasuot ito ng damit na tinabasan ng manggas kaya nalantad ang matipuno at malalaki nitong braso. Bronze ang kulay ng balat nito marahil dahil sa pagbibilad sa araw. Maitim at mahahaba ang balbon nito sa mga braso at binti. Medyo mahaba naman at wavy ang itim nitong buhok. Tenernuhan din iyon ng makakapal nitong kilay na bahagyang tumataas kapag tumatawa.
Natigil siya sa pag-aanalisa nang balingan siya nito at ilahad ang isang kamay sa harap niya. Tinitigan niya iyon ng ilang segundo. Malaki ang kamay nito at mahahaba ang mga daliri. Kung hindi siya nagkakamali, maputi ito dati nagbago lang ang kulay at naging bronze dahil nga sa pagbibilad sa araw o sa iba pang dahilan.
"Ion." Pagpapakilala nito sa kanya. Malalim at baritono ang boses nito. "Ikaw naman si Andy." Ngumiti ito at bahagya pang naningkit ang mga mata. Sa hula niya ay light brown ang kulay niyon.
"Yes. Nice meeting you." Pormal niyang tugon. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Pagkatapos ay nakipagkamay narin siya kay Kaloy na hindi na naitago ang pagkamangha sa kanya.
Nang bitawan na nito ang kamay niya ay binalingan naman niya si Mitch na ngingiti-ngiti lang habang pinapanood nood siya.
"I'll go inside. Maiwan ko na kayo dito." Binalingan niya ang dalawang lalaki at pilit na ngumiti. "Nice meeting you two, again."
Hinayaan lang siya ni Mitch na pumasok sa nakabukas na mababang gate. Derederetso lang siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang porch ng bahay.
Bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ng tirahan ay nagawa niya pang lingunin ang tatlo na masayang nakukuwentuhan. Hindi niya inasahang titingin sa dereksyon niya si Ion. Nabura ngiti nito sa mga labi habang nakamasid sa kanya. Bumalik din iyon nang kinalabit ito ni Mitch at tumawa.
Weird...she thought. Pumasok na siya at umakyat sa silid niya para maligo.
ABALA sa pagtutuyo ng basang buhok si Andy nang marinig niya ang boses ni Mitch. Naka-upo ito sa gilid ng kama habang nakaharap at pinapanood siya.
"Sama ka sa amin mamayang hapon."
Natigil siya sa ginagawa at umayos ng tayo. Sinampay niya sa kanyang balikat ang basang tuwalya. "Saan naman?"
Kumibit-balikat ito. "Basta. Sama ka. Siguradong mag-e-enjoy ka." Pinandilatan siya nito ng mga mata nang umismid siya. "I won't take no for an answer."
"Gusto kong magpahinga, Mitch." Sagot niya rito.
Tumayo ito at humalukipkip sa harap niya. "Pagod ka na sa kakapahinga. Hindi kita dinala rito para matulog lang."
Hinala niya ang isang hintuturo sa noo nito at diniinan iyon. "Okay. Next time na lang."
Tinalikuran niya ito para isampay sa silyang naroon sa loob ng kuwarto ang tuwalya niya. Lumapit naman siya sa bedside table kung saan nakapatong ang mga isusuot niyang damit. Kasalukuyan kasi siyang nakasuot lang ng roba, sa ilalim niyon ay naka-underwear lang siya.
Mayamaya pa naramdaman nalang niya ang paglapit ni Mitch at pagsuklay nito sa buhok niya gamit ang mga daliri sa kamay nito. May binabalak itong masama panigurado sa kanya.
"Sama kana. Please..." Pagsusumamo nito habang ang isang kamay ay sinusundot-sundot ang tagiliran niya. Wala naman siyang kiliti roon kaya ayos lang.
Nagulat siya nang biglang maglandas ang kamay nito sa tiyan niya. Bigla ay may dumaang kilabot sa utak niya pababa sa kanyang paa. Tumawa ito nang marahas niyang tinabig palayo ang kamay nito.
"Stop it, Mitch!" She hissed. "Ang daya mo talaga."
Tumawa lang ito ng malakas bilang tugon sa kanya. Sa inis ay tinulak niya ito pahiga sa kama. Dinulugan niya ito at kiniliti. Pulos singhap at hagikgik lang nito ang pumuno sa buong kuwarto. Wala itong pakialam kahit marinig pa sa baba ang ingay nito.
"T-tama na... Stop, A-Andy!" Huminto siya at natigilan naman ito.
She flipped her hair back to catch her breath. Nang makabawi ay kumuha siya ng unan at hinampas iyon sa mukha nito.
"Ganoon pala, ha..." Umupo ito at kumuha rin ng unan. Pinaghahampas siya nito hanggang sa mapahiga siya sa kama. Sinamantala nito ang sitwasyon niya at pinaubabawan siya para hanapin ang kiliti niya sa katawan.
She groaned and gathered her strength to knock her friend down. Hindi ito nagpatalo at sinubukan parin na makaganti sa kanya. They wrestled on the bed until they are both panting and catching for breath.
Nanghihinang tumihiya sila pareho sa kama ang gulo-gulo na. Nagkalat din sa paligid ang unan at kumot pati ang mga isusuot niyang damit sa araw na iyon.
Suminghap siya ng malakas nang paluin ni Mitch ang na-exposed niyang hita dahil lumihis ang laylayan ng suot niyang roba.
"That hurts, Mitch! Damn you." Umiwas siya ng tingin mula rito para itago ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Bakit ba siya nagkakaganoon? She felt better at the same time worse.
Para siyang bata sa mga inaksyon niya kanina kasama si Mitch na nagsilbing kalaro niya. Weird, she never done that before and feel what she felt just after. Iyon siguro ang isa sa mga bagay na ninakaw sa kanya noong pagkabata. Her childhood was...
"Just come with us, Andy. Oras na para buksan ang sarili mo sa totoong mundo."
Those words stung deep in her heart. Totoong mundo... Bakit ano ba ang naging mundo niya?
Bumangon na si Mitch pero nanatili parin siyang nakahiga.
"Don't try to isolate yourself again. Walang mawawala kung makikisama ka sa social life." Sabi pa ni Mitch habang bumababa sa kama.
"Okay, Bitch." Sagot niya.
"It's "Mitch"!"
"Whichever, Witch!"
Dumampot ito ng unan sa sahig at binato sa kanya. Nasalo naman niya iyon. Tumatawang lumabas ito sa kuwaro niya at iniwan siyang mag-isa na pilit na sinusupil ang iba't ibang emosyon na bumabangon sa dibdib niya. She felt so robbed. She curled her body into a fetus position then sobbed.
Samantalang nanatiling nakaandig sa may dahon ng pinto ng kuwarto ni Andy si Mitch. Tahimik lang ito habang pinapakinggan ang mahinang paghikbi ng kaibigan.
"ANG GANDA TALAGA NONG KASAMA NI MITCH. 'NO PARE?"
Hindi pinansin si Ion ang biglang pagsiko sa kanya ni Kaloy sa tagiliran. Nanatili lamang siyang nakatutok sa pagmamaneho ng sinasakyan nila.
"Kakaiba talaga siya..." Narinig niyang sabi ng kaibigan na ang tinutukoy ay si Andy. Kanina pa nito bukambibig ang babae na matalik palang kaibigan ni Mitch.
Nag-isang guhit ang kanyang mga labi nang bumalik sa isip niya ang larawan ng babae na paulit-ulit na binabanggit ni Kaloy. Dumako ang paningin niya sa kamay niya na nasa manibela. Ramdam parin niya ang lambot at init ng kamay ni Andy. Funny. Kung gaano kainit ang kamay nito ay saka naman ikinalamig ng mga mata nito.
"Sasama ka ba mamaya, Ion?" Tanong sa kanya ni Kaloy.
Nilingon niya ito at agad ding binalik sa daan ang paningin. "Ewan. Baka pumunta ako sa bukid." Sagot niya.
"Sama ka na! Ngayon lang ulit mangyayari ito, kompleto tayong lahat. May dagdag pang isa."
Nilingon niya ulit ito at tumagal na iyon ng ilang segundo. "Si Andy ba ang tinutukoy mo?"
Tumawa ito at siniko ulit siya. "Hindi lang ako sigurado kung sasama siya. Ang sabi ni Mitch, mahilig daw iyong magkulong lang sa loob ng bahay. Pero wala naman masamang magbakasakali, di ba?"
"Bakasakali na?"
"Pumunta siya para makita ulit natin." Ngumisi ito.
"Huwag mong sabihin na gusto mo na agad iyong tao. Kakakilala ninyo palang." Sabi niya.
Tumawa lang ito. "Crush at first sight lang naman, Pare. At ano ka ba? Hindi iyon ang type kong babae. Masyadong seryoso iyon at maganda, matangkad din. Gusto ko iyong kikay, palatawa at palabiro, at jolly kasama."
"Katulad ni Mitch?"
Natahimik ito. Ngumisi siya.
"Ligawan mo na kasi! Ang tagal-tagal mo ng may gusto roon sa tao."
"May boyfriend na siya."
"Hiwalay na sila. Naka-ilang palit na nga." Syempre nagbibiro lang siya sa huli niyang sinabi pero ang loko niyang kaibigan seniryoso iyon.
Tiningnan siya nito ng masama. Ngumisi naman siya. " Anong akala mo sa kanya? Malandi?"
Napa-iling nalang siya. "Hindi malandi si Mitch, okay?" Inabot niya ang balikat nito at tinapik. Hindi parin siya nito pinansin. Malaki talaga ang tama kay Mitch. Paano kaya kung malaman iyon ng kaibigan nila?
Sinuntok na niya ang balikat ni kaloy dahil hindi parin ito umiimik. "Sorry na, Par..." Pagkatapos ay tinapik-tapik ito.
"Hindi ka ba talaga sasama?"
Tiningnan niya ito saka bumuga ng hangin. "Okay, sege! Basta patawarin mo na ako." Natatawang sabi niya rito.
Tumawa lang ito saka hinuli ang ulo niya at ginulo ang kanyang buhok. Tinulak niya ito palayo sa kanya at nakangiting tinuon na ulit ang atensyon sa pagmamaneho.
Nang ihinto niya ang sasakyan ay sabay nilang nilingon ang mga batang naghahabulan papunta sa kanila. Siniko niya si Kaloy saka ngumiti. Ngumisi naman ito.

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    Obrence Udsaco Mark John

    500

    13/07

      0
  • avatar
    Justine Magtibay

    sinapo nito ang noo na parang ang laki ng problema na dala nito

    13/07

      0
  • avatar
    DelacruzMarygrace

    Ahg

    07/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất